Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah
Sabayang Pagbabasa
>
Nobyembre 2014: ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI ZSAZSA ZATURNNAH ni Carlo Vergara. Moderators: Tricia at Maria Ella
date
newest »


Syangaps, may mga libro na ba kayo? Meron naman sa National Bookstore yan. Pakitandaan na dalawang libro ni Sir Carlo ang ating babasahin! Maiksi lang kasi yon. Ayos ba?

Sa komeks tlga ako namulat bago makapagbasa ng mga nobela o sanaysay.
Dahil kahit ndi pko marunong bumasa nun eh nakikita ko sa drawing kung ano ang ibig nila ipahiwatig.
Wala nko matandaan na komeks kc ndi ko n sila naabutan? haha! joke. un komeks kc na binabasa ko nun eh puro English- Marvel vs. DC, Justice League, etc..
iyon kc ang karamihan na binibigay sa amin ng mga pinsan ko at wala nmn akong pambileng komeks na Pang Pinoy at ndi kami pinalalabas ng bahay.
Tungkol sa libro, maraming stocks sa SM North/ trinoma.


hi! Fina, nakakatuwa ka nmn at naitabi mo pa un komiks. magandang Koleksyon iyan. Bakit ndi mo i-book Bind para mapreserb pa cia. Mayrron din akong koleksyon nun kaso sa sobrang ingat ko sa pagtatago sa kanila cia nmn isang iglap na nawala dahil sa baha at bagyo huhuhu! sayang eh halos mapupuno na un buksyelp ko nun. pero ganun tlga...pero dahil dun natuto nmn ako mag-drawing kaya salamat sa Komiks!

Apir! Maraming salamat! Binigyan mo ko ng ideya! Maipabookbind nga itong mga 'to. Hahaha
Sayang naman yung nangyari sa koleksyon mo ng komiks, pero totoo nga yang sinabi mo na sa komiks ka natutong magdrawing. Ako rin e :)

Komiks talaga ang una kong binasa... I guess. Doon ako natutong magbasa kasi may pictures, so madali masundan [though I really got into reading when I stumbled upon the Agos' boys works].
May tindahan kasi kami noon tapos ang lola ko, nagpaparenta ng komiks. Hindi naman ako pinagbawalan ng lola ko na magbasa kahit hindi pambata ang mga binabasa ko, okay lang sa kanya. Gaya mo, Po, bawal din ako lumabas ng bahay unless it's for school and other school-related activities. Sa bahay nga ng best friend ko ilang beses lang ako nakapunta, e isang bahay lang ang pagitan namin. Kaloka haha.
Nabasa ko na ang ZSAZSA ZATURNNAH pareho pero nakihiram lang ako ng copy. Sana makabili ako ng sarili ko at sana makasama ako sa book signing at sa party. Kung hindi man, at least makakasali ako sa discussion dahil nabasa ko na haha. :)

Sino na ba ang nakabasa na dito maliban kay Josephine? Kailangan natin ilabas ang ating becky side! Ano na ang mga ganap, kumare?!

Sinundan ko sa komIks yung mga katha ni Pablo S. Gomez, Elena Patron, Ruben Marcelino, Rod Salandanan etc etc.
Kaya ang saya ng ating dec discussion, komiks. Kaso nga lang di ko pa nababasa yung Libro.

Ayos pala ito si Tricia (view spoiler) , nakapagsimula na rito sa pisi ng talakayan. Charot.
Anyways, ako po si Ella, ang babaeng mahilig sa #laslasreads. Akala siguro ng iba kahinaan ko ang komiks, pero akala nyo lang yun. I started my interest in graphic novel when my mother introduced the Liwayway version of Pinoy short stories and novels, like the Ibong Adarna, Florante at Laura at Tata Selo. may mga Abangan pa ngang nakalagay sa huling panel ng komiks ahahahaha.

Tapos ng ilang taon, sa tagal ng paghihintay ng mga fans, sumunod ang ikalawang yugto ng buhay ni ZsaZsa na naging available sa blog ni Carlo 2008. Naalala ko pa na binabasa ko pa to at inaantabayanan. Nailimbag ang pangalawang libro nung 2012. Nanalo din ito ng National Book Award noong 2013. (Ay mga te, award winning talaga itech!)
Si Carlo Vergara ay isang graphic designer at illustrator. Maliban dyan, isa din siya aktor at playwright. Mga likha niyang graphic novels ay mga sumusunod:
One Night In Purgatory
Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah
Kung Paano Ako Naging Leading Lady (How I Became Leading Lady) - naging staged play to under 9th Virgin LabFest.
Ma, Sarap! (Mom, It's Delicious!) - isang webcomic.
Ang ZsaZsa Zaturnnah ang pinakapopular niyang gawa. Ito ay tungkol sa isang baklush na na pangalanan nating Ada at binase ang itsura ng kanyang alter-ego na si Zsa Zsa Zaturnnah kay Wonder Woman.
[image error]
Dahil nakakatuwa ang istorya nito, nagkaroon ito ng pelikula (starring Zsa Zsa Padilla) at musikal (starring Eula Valdez). Sino nang nakapanood nito? Ako, yung pelikula lang noon ngunit di ko na matandaan kung natapos ko ba siya.
Usapang pangkalahatan tungkol sa komiks:
Madalas na pinagtatalunan ngayon, lokal man o pangdaigdigan, na ang komiks ay hindi tinatanggap bilang isang "literature," may ibang nagsasabi na pambata ito, etc. Ano ang masasabi niyo tungkol doon?

Wala pa kong libro :((((((((((("
Huwag magatubili, kumare. Meron naman sa bookstore nito sa halagang P250 yata isang libro. Magandang investment naman ang likha ni Vergara. Makakahabol ka din sapagkat napakaiksi lamang ng libro!

Ayos pala ito si Tricia [spoilers removed], nakapagsimula na rito sa pisi ng talakayan. Charot.
Anyways, ako po si Ella, ang babaeng mahilig sa #laslasreads. Akala siguro ng ib..."
Yan Liwayway Komiks na yan, naaalala ko siya kasi nagamit namin sa eskwela yan pero di ko na din matandaan masyado. Ang maganda dito ay mas nakakaengganyong basahin ang mahahabang nobela tulad ng Florante at Laura at Ibong Adarna para sa mga estudyante.

Mareng Isyang, palagay ko ay hindi ako sang-ayon na hindi tanggapin ang komiks bilang literatura?
Marapat pa nga ay maging "Highest form" ng literatura yang Komiks dahil sa may "art form" na cia, hindi lang mga salita diba? pero yan ay pananaw ko lang nmn.
Noong unang panahon itech pa yan gamit ng mga egyptians at aztecs, pano nila hindi tatanggapin literatura yan? aber? bk bumangon pa ang mga Mummy at sakalin sila haha joke!
Ang Komiks ay dapat ikonsidera na Literatura para sa akin.

Komiks talaga unang nagustuhan ko kesa libro. High school palang nangongolekta na ako ng komiks. Yung libro naman college na ng magsimula ako. Hehe
Ako rin komiks nagsimula. Elementary kami noon. May paarkilahan ng komiks sa kapitbahay namin. Pag dumating ang delivery sa kanila, naka-reserve na sa nanay ko yong mga bago. Mas mahal at overnight lang pag bago. Minsan bawal pang overnight. Those days. :)

Johan Patrick wrote: "Sikat na sikat nga noon yung komiks. Panahon na kinukwento ng parents ko na napakadaming pinupublish na komiks. May Aliwan, Liwayway, etc etc. sikat na sikat yung Filipino komiks noon. Kaso malamla..."
Sa probinsya kasi noon walang ibang libangan ang mga tao kundi radyo, komiks o mag-siping haha. Ngayon, dahil sa lawak ng elektripikasyon sa lalawigan, may mga TV na sila. Tapos mayroon ng internet. Mayroon nang mga DVD players.
Pero dumarami pa rin ang tao kasi wala pa ring papalit sa pagsisiping bilang aliwan.
Sa probinsya kasi noon walang ibang libangan ang mga tao kundi radyo, komiks o mag-siping haha. Ngayon, dahil sa lawak ng elektripikasyon sa lalawigan, may mga TV na sila. Tapos mayroon ng internet. Mayroon nang mga DVD players.
Pero dumarami pa rin ang tao kasi wala pa ring papalit sa pagsisiping bilang aliwan.
Nagsimula na akong magre-read ngayong araw na ito. Nakalahati ko na agad. Mas maganda pala ito pag binasa mo ulit.
Natawa ako sa: "Buong-buo ang bawat noodles!"
Natawa ako sa: "Buong-buo ang bawat noodles!"
Mga Paboritong Linya sa Libro 1
"Papayag ba kayo na bansagan tayong bayan ng mga duwag?"
"If the sun was made of milk, would I still be beautiful?"
"Ipinanagtanggol mo ang bayan natin, Ada. Inalagaan mo ang kapakanan nito. Hayaan mo't ako naman ang mag-aalaga sa 'yo."
"'Di lamang tadhana ang humahabi ng ating landas o dumidikta ng ating kahihinatnan. May kinalaman tayo rito."
"Walang imposible, kung parati nating itatanim sa puso ang pananalig, pagtitiwala, pagmamalasakit, pagmamahal... at pag-asa."
"Papayag ba kayo na bansagan tayong bayan ng mga duwag?"
"If the sun was made of milk, would I still be beautiful?"
"Ipinanagtanggol mo ang bayan natin, Ada. Inalagaan mo ang kapakanan nito. Hayaan mo't ako naman ang mag-aalaga sa 'yo."
"'Di lamang tadhana ang humahabi ng ating landas o dumidikta ng ating kahihinatnan. May kinalaman tayo rito."
"Walang imposible, kung parati nating itatanim sa puso ang pananalig, pagtitiwala, pagmamalasakit, pagmamahal... at pag-asa."

"Papayag ba kayo na bansagan tayong bayan ng mga duwag?"
"If the sun was made of milk, would I still be beautiful?"
"May mga nagmamahal sa 'yo Sister. Harapin mo ..."
Oo nga, Kuya D, ang gaganda ng lines.
@Po, nagandahan din ako sa drawing :)
Josephine wrote: "K.D. wrote: "Mga Paboritong Linya sa Libro 1
"Papayag ba kayo na bansagan tayong bayan ng mga duwag?"
"If the sun was made of milk, would I still be beautiful?"
"May mga nagmamahal sa 'yo Sister..."
Jho, available ka ba sa Readercon (Nov 14 at 15)?
"Papayag ba kayo na bansagan tayong bayan ng mga duwag?"
"If the sun was made of milk, would I still be beautiful?"
"May mga nagmamahal sa 'yo Sister..."
Jho, available ka ba sa Readercon (Nov 14 at 15)?

Sana makapunta ako sa komikon huhu

Sana makapunta ako sa komikon ..."
Charot! hehe! sugod sa Komikon! at FilReadercon!...

Sana makapunta ako sa komikon ..."
Ella, mukhang maging manananggal ka kc sabay ata Xmas Party ng TFG at PRPB? hehe!
Kayang kaya ni Ella yan. Basta punta ka sa Readercon, Ella ha? 5:30 ang PRPB pagkatapos ng TFG. Tuhog na!

mag-Dadarna yan si Ella ...Go Ella!


Me masabi lang ahahaha

Ella i-guest na yan National Artist na yan!...
Maria Ella wrote: "Nagulat ako nang malaman kong National Artist this year ang mga lumikha ng Oldies and goodies na komiks ng Satur, Florante at Laura at El Indio!!! Akala ko noong una magkakaibigan ang gumagawa ng p..."
Sino yon? Basahin na natin ang komiks nya at nang mai-guest!
Sino yon? Basahin na natin ang komiks nya at nang mai-guest!
Maria Ella wrote: "Anunsyo:
Ayon kay Carlo Vergara, hindi magrereprint ang Visprint ng Zsazsa Zaturnnah ngayong kapaskuhan dahil papalitan nila ang cover nito - SAMPUNG TAON NA ANG NAKALIPAS mula nang ito'y manalo n..."
Nanamnamin talaga si ZsaZsa hahaha!
Ayon kay Carlo Vergara, hindi magrereprint ang Visprint ng Zsazsa Zaturnnah ngayong kapaskuhan dahil papalitan nila ang cover nito - SAMPUNG TAON NA ANG NAKALIPAS mula nang ito'y manalo n..."
Nanamnamin talaga si ZsaZsa hahaha!
Ella at Tricia, sa inyo ang thread na ito. :)