Pinoy Reads Pinoy Books discussion

100 views
Kahit Ano > Mga Tula: Poetry Section

Comments Showing 1-50 of 51 (51 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Jul 29, 2014 02:25AM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments 1.Ginawa ang thread na ito upang bigyan daan ang mga tula ng mga Makatang Pilipino.

2.Maaaring magbigay ng mga aklat na may kinalaman sa Tula at pag-usapan ang kalinangan nito o kontribusyon sa ating panahon.

3.Maaari din kayong gumawa ng sarili ninyong Tula batay sa nabasa ninyong mga Tula.


message 2: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Jan 01, 2015 06:58PM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Kayo ba ay nakapag-basa ng mga aklat na ito:

1.World Enough and Time by L.M. Grow
2.Baha-bahagdang Karupukan ni Jim Pascual Agustin
3.Halugaygay sa Dalampasigan ni Tata Raul Funilas
4.Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez
5.Ang Hayop na ito ni Rio Alma
6.Pulot Gata The love Poems ni Danton Remoto

Kung gayon anu-anong mga aklat tungkol sa tula ang pinaka paborito mo? Bakit mo ito nagustuhan?


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "1.Ginawa ang thread na ito upang bigyan daan ang mga tula ng mga Makatang Pilipino.

2.Maaaring magbigay ng mga aklat na may kinalaman sa Tula at pag-usapan ang kalinangan nito o kontribusyon sa at..."


Salamat sa thread, Book. Dati mahilig akong tumula. Dati yon, parang noong high school. Tapos pag-inlove dahil teenager pa. Pero ngayon, mahilig na lang akong magbasa ng tula. Gustung-gusto ko kapag hinuhulaan ko anong mensahe noong author. Secondarily, yong nararamdaman ko o yong karanasan ko na napapaala-ala noong tula. Para sa akin yon ang ikinagaganda ng tula bukod doon sa paggamit ng mga salita: tugma, pantig, tunog, atbp na nakakapukaw sa damdamin at imahinasyon (more on damdamin actually).


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Kayo ba ay nakapag-basa ng mga aklat na ito:

1.World Enough and Time by L.M. Grow
2.Baha-bahagdang Karupukan ni Jim Pascual Agustin
3. halugaygay sa Dalampasigan ni Tata Raul Funilas
4.Isang Dipa..."


Nabasa ko na yong 2-6. Paborito ko dati si Jim Pascual Agustin lalo na noong na-meet natin sya. Pero ngayon, nai-intriga ako kay Allan Popa. Gusto ko syang ma-meet at makausap.


message 5: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments Yung mga tula lang ni Amado Hernandez ang nabasa ko sa lista mo. Yung kay Rio Alma naman yung Doktrinang Proletaryo at Alamat at Historya ang naalala kong nagustohan sa kanyang mga akda.

May mga link ka ba sa iba dyan? Baka may mga sample ng mga tula nila nakapost online?

If nagustuhan niyo ang Isang Dipang Langit, baka magugustohan niyo rin ang mga tula ni Axel Pinpin at Gelacio Guillermo. :)


message 6: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Aug 05, 2014 09:20PM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Maraming Salamat KD at Karlo.

Gusto ko rin makilala si Allan Popa, nabasa ko mga maikling kuwento niya Panalo! maganda!

Karlo- Salamat sa pagpapakilala kay Axel Pinpin at Gelacio Guillermo sige maghahanapako niyan para makabasa din ng tula nila.


message 7: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Aug 05, 2014 09:21PM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Dahil sa buwan ito ay kay Cirilo Bautista ang babasahin na aklat niya na Trilogy, minarapat ko na mga tula ni Cirilo Bautista ang basahin.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments kasabayan pala niya sila AGOS- efren abueg, rogelio ordonez,etc.kapanahunan pala niya un Kabataang Makabayan. Bagamat nagsusulat siya sa Inggles ay puro Nationalism ang tema ng kanyang sinusulat. Nahilig siya sa History at sa buhay ni Rizal kaya nagsulat siya ng Trilogy.


message 9: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments kakatapos lang naman kahapon sa private book launch ng isang poerty collection para sa Yolanda. "Verses Typhoon Yolanda: a storm of Filipino Poets "


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karlo Mikhail wrote: "Yung mga tula lang ni Amado Hernandez ang nabasa ko sa lista mo. Yung kay Rio Alma naman yung Doktrinang Proletaryo at Alamat at Historya ang naalala kong nagustohan sa kanyang mga akda.

May mga l..."


Karlo, di pa ako nakabasa ng Gelacio Guillermo. Mahanap nga. Pero kay Alex Pinpin, nagandahan ako sa "Batang Matatabil" at nakita ko na rin sya ang personal sa Km. 54.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Maraming Salamat KD at Karlo.

Gusto ko rin makilala si Allan Popa, nabasa ko mga maikling kuwento niya Panalo! maganda!

Karlo- Salamat sa pagpapakilala kay Axel Pinpin at Gelacio Guillermo sige m..."


Mahusay si Allan Popa pero hindi aktibista ang mga tula niya.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Billy wrote: "kakatapos lang naman kahapon sa private book launch ng isang poerty collection para sa Yolanda. "Verses Typhoon Yolanda: a storm of Filipino Poets ""

Kumusta naman?


message 13: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments okey the best. may kopya ka pala sa amin ni Jas, bigay nalang namin pag nagkita tayo


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey, salamat, Billy.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Nabasa nyo n b un tula ni C.Bautista;
1.Gaya ng Sinabi Ko
2.The Vampire
3.Athens, Ohio, One Winter Night


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi pa. Telex Moon pa rin lang.


message 17: by Rise (new)

Rise Kababasa lang: What Passes for Answers by Mikael de Lara Co, three-time Palanca grand prize winner for poetry and co-translator ng 8 Muses of the Fall.

Sample na tula mula sa libro:

"Poem That Had Some Difficulty With the First Line"
http://exceptindreams.livejournal.com...


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise wrote: "Kababasa lang: What Passes for Answers by Mikael de Lara Co, three-time Palanca grand prize winner for poetry and co-translator ng 8 Muses of the Fall.

Sample na tula mula sa libro..."


Parang mahusay sya, Rise.


message 19: by Rise (new)

Rise Magaling nga, Kuya D. Completist na ako, kahit 1st book pa lang.


message 20: by Rise (last edited Sep 07, 2014 09:41PM) (new)

Rise Ibahagi ko lang ang isang tula ni Nicanor Parra, 100-year old poet mula sa Chile na kilala sa pagsusulat ng kontra-tula (antipoems).

Ligawan ni Nicanor Parra, salin ni Marlon James Sales
https://www.facebook.com/photo.php?fb...#


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Basahin ninyo iyong tula sa aklat ni Bebang na Its Raining Mens pamagat ay "Pakiusap'- napakaganda!


message 22: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Karlo avail pa ba ang Doktrinang Proletaryo at Alamat at Historya ni rio Alma? Hinahanap ko yan matagal pero wala akong makita..


message 23: by Juan (new)

Juan | 1532 comments May FB ka na Rise?


message 24: by Juan (new)

Juan | 1532 comments salamat nga pala sa gumawa ng thread na'to.

KD, bakit hindi po tayo magsagawa ng isang Tulaan? Poetry Night ba? kahit isang gabi lang tapos yung tutulain natin pwedeng tula ng iba pero mas maganda kung mga tulang gawa mismo natin.. suhestiyon lang po..


message 25: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments agree ako dyan, push natin yan.


message 26: by Rise (new)

Rise Juan, inactive pa rin ako sa FB. wala na akong balak mag-aktibeyt, hehe.

(A)lamat at (H)istorya available sa kabayancentral.com pero mas mahal pati shipping. Sa UP Press mismo na publisher baka available at mas mura.

Go for Tulaan!


message 27: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1001 comments Alam ko hindi kasali ang sariling tula haha, pero i-share ko pa rin. I wrote this poem for my mom when I was in college:

http://josephinelitonjua.wordpress.co...


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments agree ako jan sa Poetry Night ng Pinoy Reads..Go!


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise wrote: "Juan, inactive pa rin ako sa FB. wala na akong balak mag-aktibeyt, hehe.

(A)lamat at (H)istorya available sa kabayancentral.com pero mas mahal pati shipping. Sa UP Press mismo na p..."


May nakikita pa akong ganyang libro. Doon yata sa MIBF sale yan.


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Alam ko hindi kasali ang sariling tula haha, pero i-share ko pa rin. I wrote this poem for my mom when I was in college:

http://josephinelitonjua.wordpress.co...-..."


Ganda!


message 31: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "agree ako jan sa Poetry Night ng Pinoy Reads..Go!"

Tara. Enero babasahin. Tapos, ang Poetry night ay sa Pebrero 14? (Sabado)?


message 32: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1001 comments K.D. wrote: "Josephine wrote: "Alam ko hindi kasali ang sariling tula haha, pero i-share ko pa rin. I wrote this poem for my mom when I was in college:

http://josephinelitonjua.wordpress.co......"


Thanks for reading, Kuya! :) Saan tayo mag-poetry reading? 'Yung sana ay makakauwi ako hahaha. Hay.


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hahanap ng venue. Marami naman dyan. Sana yong may mikropono hehe! Tapos gabi.

MGA TULA NG PAG-IBIG
Ang Pagibig sa Mata ng Mga Kakweba

Hahaha. May subtitle talaga!


message 34: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ang ganda ng tula mo ms Jho. Thanks for sharing. Uy ok din po siguro na magbasa/magbahagi po tayo ng sarili nating mga tula?


message 35: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1001 comments Juan wrote: "ang ganda ng tula mo ms Jho. Thanks for sharing. Uy ok din po siguro na magbasa/magbahagi po tayo ng sarili nating mga tula?"

Salamat sa pagbabasa, Juan. I'm glad you liked it. Oo, okay 'yan haha, sinimulan ko na, go!

@Kuya D., ang ganda ng title ng event natin :) Sana hindi mataon sa get-together namin ng mga college friends ko this Feb. 2015. Naka-kumpromiso ako the other day lang haha. Taga-Palawan pa kasi 'yung isang couple (with their kiddies), saka 'yung isang couple naman, uuwi pa galing Singapore.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments yehey! Ang pag-ibig sa mata ng kakweba!


message 37: by Juan (new)

Juan | 1532 comments parang Para Kay B lang, may iba't ibang pag-ibig sa mata ng mga kakweba..


message 38: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sino-sino ang mga makatang gusto ninyong isama natin sa poll?

Pagdating sa mga tula ng pag-ibig ito pa lang ang mga nababasa ko:

One Hundred Love Poems Philippine Love Poetry Since 1905 by Gémino H. Abad
ONE HUNDRED LOVE POEMS
- anthology of love poems edited by Gemino H. Abad

Bulaklak sa Tubig Mga Tula ng Pag-ibig at Himagsik (Flowers in Water Poems on Love and Revolt) by Joi Barrios
BULAKLAK SA TUBIG: MGA TULA NG PAG-IBIG AT HIMAGSIK
- collection of poems by Joi Barrios

Sentimental, mga tula ng pag-ibig, lungkot at paglimot by Virgilio S. Almario
SENTIMENTAL: MGA TULA NG PAG-IBIG AT PAGLIMOT
ni Rio Alma

Kundi Akala by Allan Popa
KUNDI AKALA
ni Allan Popa

O game na? Botohan na ba?

O baka may alam pa kayong iba?


message 39: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Kumusta na kayong mabubuting kasapi? Paumanhin sa mahaba kong pagkawala.

Hindi ko alam kung dito dapat ibahagi ang balitang ito. Isa sa tatlong finalists ang aking tula na "Illegal, Undocumented." Major annual competition dito sa South Africa ang Sol Plaatje EU Poetry Award.

Nais ko lamang ibahagi ito sa inyo. Salamat.

Jim

http://bookslive.co.za/blog/2014/10/2....

http://matangmanok.wordpress.com/2014...


message 40: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Oct 26, 2014 11:24AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Hi! Sir Jim, ayan may mga tulang pag-ibig din si sir Jim sa mga luma at bagong aklat niya na lumabas.

Madugong Labanan ito ng Pag-ibig hehe! let the Love begin...


message 41: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments :) Po!

hahaha madugo? :P


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Bagong taon bagong buhay
Nakalaya na, naka move on na
Nakakain na, nabusog na
Nakangiti na, pero hopeless romantic pa rin
Walang pagbabago, wala wala.


message 43: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Po binabasa ko yung kay L.M. Grow. Konting Bulosan, Villa at Joaquin. di ako pamilyar sa ibang work ng author at mismong author.


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Bagong taon bagong buhay
Nakalaya na, naka move on na
Nakakain na, nabusog na
Nakangiti na, pero hopeless romantic pa rin
Walang pagbabago, wala wala."


Haha! Papasa na ba ito sa LIRA? Kapag sinabmit mo ito bilang "joining" works mo haha! Wala wala lang? :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Juan wrote: "Po binabasa ko yung kay L.M. Grow. Konting Bulosan, Villa at Joaquin. di ako pamilyar sa ibang work ng author at mismong author."

Ayos! yan Juan, ganda ng mga tula nila noh?. ndi ko rin kilala un iba,... un tula lang nila ang habol ko. Sakto at buwan na tayo ng Pagtutula. Eksayted na! lalot feeling hopeless romantic pa rin. haha! alam na!


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments K.D. wrote: "Book wrote: "1.Ginawa ang thread na ito upang bigyan daan ang mga tula ng mga Makatang Pilipino.

2.Maaaring magbigay ng mga aklat na may kinalaman sa Tula at pag-usapan ang kalinangan nito o kontr..."



Agree ako dito KD, ewan ko ba anung meron sa Tula na kapag nagbabasa ako ay parang minamagnet ako at napapa-Tula din haha!sabayan pa ng saliw ng tunog at musika. Yo! break it down!

at dahil buwan ng Tulaan eh maghahanap nko ng mga paboritong kong Tula gaya ni Rio Alma sa aklat niyang Sentimental.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Pwede nyo rin i-share ang mga paborito ninyong Tula na may kinalaman sa Pag-ibig, Lungkot, Paglimot, atbp. o kaya ay sarili ninyong komposisyon.


message 48: by Juan (new)

Juan | 1532 comments tulaan na this!


message 49: by Rise (new)

Rise Kasaysayan ng isang Pagibig
ni Amado V. Hernandez

Isang kalapating alagang santaon
ang pinapaghatid ng liham ng puso;
lumipad ng tuwid ang maamong ibon,
sa kamay ng mutya'y payapang dumapo...
Liham ay ginawang parikit ng apoy
at ang kalapati'y dagling iniluto.


message 50: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 06, 2015 03:48AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ryan wrote: "Kasaysayan ng isang Pagibig
ni Amado V. Hernandez

Isang kalapating alagang santaon
ang pinapaghatid ng liham ng puso;
lumipad ng tuwid ang maamong ibon,
sa kamay ng mutya'y payapang dumapo..."


@Ryan, saklap nmn nun niluto agad?...ganda ng tula! at galing pla kay Ka Amado

ginagawa daw tlga yan sa mga kalapati kpg may ipinadadalang importante na may kinalaman sa sugal, droga, pera


« previous 1
back to top