Pinoy Reads Pinoy Books discussion

A Question of Heroes
This topic is about A Question of Heroes
55 views
Sabayang Pagbabasa > Hulyo 2016: A QUESTION OF HEROES ni Nick Joaquin Tema: Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Panitikan

Comments Showing 1-45 of 45 (45 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mga PRPB members. Sa Buwan ng Hulyo ang librong ating sabay babasahin ay ang " A Questions of Heroes " sinulat ng ating Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Panitikan Si Nick Joaquin. Sana makasama namin kayo dito online or sa face-to-face book discussion na gagawin natin sa Libingan ng mga Bayani sa Sabado, ika-6 ng Agosto 2016, 2-5pm. Sama na!!!


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Heto pala yung dates para sa sabayang pagbasa. sa mayroong kopya--Basa na! Sa mga wala, bumili or humiram na kayo.

Hulyo 6-8 Jose Burgos - How "Filipino" was Burgos

Hulyo 9-11 Marcelo H Del. Pilar - Whence Came The Propaganda?

Hulyo 12-14 Graciano Lopez-Jaena - WHat Signified The Expatriates?

Hulyo 15-17 Jose Rizal - Anatomy of the Anti-Hero; Why was Rizal Hero a Creole?

Hulyo 18-20 Andres Bonifacio - The eve of St. Bartholomew; Why Fell The Supremo?

Hulyo 21-23 Emilio Aguinaldo - Our second greatest Anti-Hero; Where did Aguinaldo Fail?

Hulyo 24-26 Apolinario Mabini - Mabini The Mystery; How Sublime The Paralytic?

Hulyo 27-29 Antonio Luna - Would Luna Have been a strongman?

Hulyo 30-31 Gregorio Del Pilar- Was The Hero of Tirad A Hatchetman?

Bonus round!!! Artemio Ricarte - When stopped The Revolution


Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Interesado akong sumama sa face-to-face book discussion. :D Available ba itong libro sa NBS or Fullybooked? Salamat!


message 4: by Jayvie (new) - added it

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Ker Metanoia wrote: "Interesado akong sumama sa face-to-face book discussion. :D Available ba itong libro sa NBS or Fullybooked? Salamat!"
Maraming kopya nito sa NBS. At wala siya sa Fullybooked.


Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Jayvie wrote: "Ker Metanoia wrote: "Interesado akong sumama sa face-to-face book discussion. :D Available ba itong libro sa NBS or Fullybooked? Salamat!"
Maraming kopya nito sa NBS. At wala siya sa Fullybooked."


Ayun! Salamat, Jayvie!


message 6: by Juan (new) - added it

Juan | 1532 comments ok, noted po!


Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Salamat, Billy!


message 9: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ken, sige sama ka.

Ang Gomburza pala ay pwedeng accidental heroes lang? Si Padre Gomez pala ay 80ish na samantalang si Padre Jacinto ay 30ish lang noong sila ay ma-garotte? Sa larawan parang magkaka-generation sila. Ano ito, photoshopped lang (pinagtabi-tabing larawan noong sila ay mga bata pa)? At di sila nagkita-kita bago mapagbintangan?


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Sino ba si Nick Joaquin?

Nicomedes Márquez Joaquín (May 4, 1917 – April 29, 2004) was a Filipino writer, historian and journalist, best known for his short stories and novels in the English language. He also wrote using the pen name Quijano de Manila. Joaquín was conferred the rank and title of National Artist of the Philippines for Literature.

He is considered one of the most important Filipino writers in English, and the third most important overall, after José Rizal and Claro M. Recto.

Joaquín was born in Paco, Manila, one of ten children of Leocadio Joaquín, a colonel under General Emilio Aguinaldo in the 1896 Revolution, and Salome Márquez, a teacher of English and Spanish. As a boy, after being read poems and stories by his mother, Joaquín read widely in his father's library and at the National Library of the Philippines. By then, his father had become a successful lawyer after the revolution. From reading, Joaquín became interested in writing.

At age 17, Joaquín had his first piece published, in the literary section of the pre-World War II Tribune, where he worked as a proofreader. It was accepted by the writer and editor Serafín Lanot. After Joaquín won a nationwide essay competition to honor La Naval de Manila, sponsored by the Dominican Order, the University of Santo Tomas awarded him an honorary Associate in Arts (A.A.) and a scholarship to St. Albert's Convent, the Dominican monastery in Hong Kong.

After returning to the Philippines, Joaquín joined the Philippines Free Press, starting as a proofreader. He soon attracted notice for his poems, stories and plays, as well as his journalism under the pen name Quijano de Manila. His journalism was both intellectual and provocative, an unknown genre in the Philippines at that time, and raised the country's level of reportage.

Joaquín deeply admired José Rizal, the national hero of the Philippines, paying him tribute in such books as The Storyteller's New Medium – Rizal in Saga, The Complete Poems and Plays of Jose Rizal, and A Question of Heroes: Essays in Criticism on Ten Key Figures of Philippine History. He translated the hero's valedictory poem, in the original Spanish Mi Ultimo Adios, as "Land That I Love, Farewell!"

Joaquín represented the Philippines at the International PEN Congress in Tokyo in 1957, and was appointed as a member of the Motion Pictures commission under presidents Diosdado Macapagal and Ferdinand E. Marcos.

After being honored as National Artist, Joaquin used his position to work for intellectual freedom in society. He secured the release of imprisoned writer José F. Lacaba. At a ceremony on Mount Makiling attended by First Lady Imelda Marcos, Joaquín delivered an invocation to Mariang Makiling, the mountain's mythical maiden. Joaquín touched on the importance of freedom and the artist. After that, Joaquín was excluded by the Marcos regime as a speaker at important cultural events.

Joaquín died of cardiac arrest in the early morning of April 29, 2004, at his home in San Juan, Metro Manila. He was then editor of Philippine Graphic magazine, where he worked with Juan P. Dayang, the magazine's first publisher. Joaquín was also publisher of its sister publication, Mirror Weekly, a women’s magazine, and wrote the column “Small Beer” for the Philippine Daily Inquirer and Isyu, an opinion tabloid.

From Wikipedia


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments K.D. wrote: "Ken, sige sama ka.

Ang Gomburza pala ay pwedeng accidental heroes lang? Si Padre Gomez pala ay 80ish na samantalang si Padre Jacinto ay 30ish lang noong sila ay ma-garotte? Sa larawan parang magka..."


Saan kaya yung postcards ng mga heroes natin? meron pa ba eto sa NBS?


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Since binabasa natin yung unang chapter -- may link akong na post. pa check nalang pag digs ninyo .

http://thoughtcatalog.com/allen-sever...


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mga Tanong para sa "Jose Burgos - How Filipino was Burgos "


1. Ano sa palagay nyo ang salitang " Filipino" sa modernong konteksto para sa inyo? at paano ninyo mahahabing at pagkakaiba sa atin at sa panahon ni Padre Burgos?


2. Sa tone ng sinulat ni Nick Joaquin tungkol kay Burgos, masasabi bang doon lang nagkaroon ng national identity ang pilipinas at eto ba yung sagot para matapos ang problemang Identity crisis ng Pinoy sa kasalukuyang panahon?


message 14: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
1) Si Padre Burgos ay ipinaglaban ang secularisasyon. Ito yong pagtatalaga ng mga paring Creole o Filipino sa mga malalaking simbahan sa halip na mga prayle na mga Kastila. Hindi malinaw sa akda kung si Padre Burgos ba ay isang secessionist o para ring si Rizal na gusto ng pantay na pagkakakilanlan ng Filipino at Kastila.

Hindi na ito uso ngayon. At least sa mundong ginagalawan ko. Puro mga Pinoy na ang mga pari o kung may foreigner man ay mga matatandang Amerikano o mga Africans na nagsasabay dito.

Mga dayuhan sa opisina? Kadalasan mga mataas ang katungkulan kaya amo pa rin sila.


message 15: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
2. Hindi noon lang panahon ni Padre Burgos nagkaroon ng identity ang mga Filipino. Kahit noong bago dumating ang mga Kastila ay may sibilisasyon at identity na tayo.

Tsaka may mga propagandists na rin pala bago si Padre Burgos. Dito ko lang sa libro natutunan ito. Ang daming alam ni Nick Joaquin!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "2. Hindi noon lang panahon ni Padre Burgos nagkaroon ng identity ang mga Filipino. Kahit noong bago dumating ang mga Kastila ay may sibilisasyon at identity na tayo.

Tsaka may mga propagandists n..."


grabeh tlga c Quijano KD, gawin b nmn sala at library ang National Library hehe dun daw siya madalas magbasa nun maliit cia kasama ang kanyang tatay na Heneral at malaong naging Lawyer tapos ang nanay niya ay titser pa. Cia na tlga hehe


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Ken, sige sama ka.

Ang Gomburza pala ay pwedeng accidental heroes lang? Si Padre Gomez pala ay 80ish na samantalang si Padre Jacinto ay 30ish lang noong sila ay ma-garotte? Sa larawan parang magka..."


KD yan din ang tsismis sa kanila, uso n pla ang foto editing nun haha


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Billy wrote: "K.D. wrote: "Ken, sige sama ka.

Ang Gomburza pala ay pwedeng accidental heroes lang? Si Padre Gomez pala ay 80ish na samantalang si Padre Jacinto ay 30ish lang noong sila ay ma-garotte? Sa larawan..."


meron pang mga postcards sa NBS, bago na rin un mukha ng ibang mga bayani


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Billy wrote: "Mga Tanong para sa "Jose Burgos - How Filipino was Burgos "


1. Ano sa palagay nyo ang salitang " Filipino" sa modernong konteksto para sa inyo? at paano ninyo mahahabing at pagkakaiba sa atin at ..."


Sagot:
1. ang Filipino ngaun para sa akin ay partly malaya at partly hindi pa malaya, kumbaga ay mixed pa kc sa makabagong panahon totoong may kalayaan na tayo kumpara sa mga nagdaan pero hindi pa ito ganap, cguro sa Duterte govt. ay maging ganap na. pero dahil sa halo-halong dayuhan at identity eh mahihirapan nga taung pag-isahin. Sa panahon plng ni padre burgos lumitaw na ang identity crisis natin spgkat nuo ay hawak p tayo ng mga kastila.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Billy wrote: "Mga Tanong para sa "Jose Burgos - How Filipino was Burgos "


1. Ano sa palagay nyo ang salitang " Filipino" sa modernong konteksto para sa inyo? at paano ninyo mahahabing at pagkakaiba sa atin at ..."


Sagot
2. sapalagay ko maging noong sinaunang panahon pa nila magellan, at lapu-lapu my identity crisis na o maging ng mga snaunang nakipagkalakalan sa atin. mas naging complicated lng nun sumakop na ang mga kastila. hanggang ngaun din nmn patuloy pa rin tayong my identity dahil sa dami ng mga sumakop sa atin maging ang ating strategic location o tayo ay kalat-kalat na mga pulo kaya prng natural lng magkaroon ng identity crisis.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Kaka-simula ko palang sa chapter 2. I share ko lang yung nabasa ko sa wikipedia tungkol sa The Propaganda Movement.

https://en.wikipedia.org/wiki/Propaga...


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Billy wrote: "Kaka-simula ko palang sa chapter 2. I share ko lang yung nabasa ko sa wikipedia tungkol sa The Propaganda Movement.

https://en.wikipedia.org/wiki/Propaga..."


pre, magtayo na tayo ng sariling propaganda haha. cguro pre Billy part na rin ng strategy yan kaya ganyan tsaka karamihan daw sa propaganda ay mason members. pero ika nga sa huli ay may kanya-kanya din silang agenda.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Po wrote: "Billy wrote: "Kaka-simula ko palang sa chapter 2. I share ko lang yung nabasa ko sa wikipedia tungkol sa The Propaganda Movement.

https://en.wikipedia.org/wiki/Propaga..."

pre, magtayo ..."



HAHA. Mahirap na baka ma kaso tayo.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments kakatapos lang basahin si Marcelo H Del Pilar. Parang nakulagan ako sa sinabi ni Nick Joaquin pero malinay kung saan yung pinagmulan ng Propaganda Movement.

Nagpost ako ng link para malaman pa natin si Marcelo H Del Pilar:

https://en.wikipedia.org/wiki/Marcelo...

post ko yung tanong later.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mga tanong para sa Kabanata 2:


1. Sa tingin ninyo anong mga na-contribute ng propaganda movement sa pagunlad ng konseptong "Filipino".

2. Mayroon ba kayong pwedend ma idagdag tungkol kay Marcelo H Del Pilar? ako limitado ako sa ginawang pagtalakay sa kanya ni Nick Joaquin kaya magbigay po kayo ng bagay bagay na hindi natin alam kay Del Pilar.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Napansin ko lang, half way thru na ako sa Chapter 3, tungkol kay Graciano López Jaena. Same style sa naunang dalawang chapters. Sa tingin ko nag rereport ang dating ni Nick Joaquin ( well journalist naman siya in the first place )


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments share ko lang yung etong link na to' :



https://en.wikipedia.org/wiki/Gracian...


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments mamya post ko na yung mga tanong. Share pa ako ng links tungkol kay Jaena;

http://www.gracianolopezjaena.org/gra...

https://www.youtube.com/watch?v=0gzQW...


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments mga tanong pa tungkol sa Kabanata 3:

1. Ayon kay Nick Joaquin, Si Jaena, ang poster boy ng

propaganda movement, ay mahilig mag talumpati kahit

saan, parang politiko yung dating pero sa gawa, ibang

usapan na. Pwede bang sabihin na siya ang unang

politiko na filipino?



2.Based sa sinulat ni Nick Joaquin, may pagka happy go lucky si Jaena at hindi organize sa kayang buhay, pero anong mga katagian ang mapagmamalaki natin kay Jaena?


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Kay Jose Rizal nanaman tayo. I share ko lang yung link :

https://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%...


message 31: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
1. Sa tingin ninyo anong mga na-contribute ng propaganda movement sa pagunlad ng konseptong "Filipino".

Malaki. Doon kasi sa Europe ang "battleground" ng mga ilustrados. Dahil sila yong may mga pera na kayang ipadala ng mga magulang nila para mag-aral sa abroad. Para maging aware ang mga foreigners kung ano ang nangyayari sa Pilipinas, gumawa sila ng mga "La Liga" (yong peryodiko) at nagsulat ng mga nobela.

Ang konsepto kasi ng "Filipino" noon ay yong mga may dugong kastila na Philippine-born. Nalilito ako sa creole, in>sulares, peninsulares, etc. Dati alam ko yan pero ngayong may creole pang nalalalaman si Joaquin, sabi ko, hayaan ko na lang. Parang complicated na ang buhay ko para malaman pa yan.



Oo. Yong pagkakasulat ng chapters 2 & 3 ay parang di upang talakayin ang buhay nila. Actually, yong mga chapters ay essays niya na nilimbag separately (newpaper, magazine? di ko alam) basta ginawang chronological lang para ihayag yong mga saloobin siguro ni Joaquin tungkol sa mga nangyari sa kasaysayan particular sa mga tunggalian ng mga bayani natin. Pangalawang basa (reread ba) ko na ito ay iyon pa rin ang tingin ko. Educational and informative. Kaso dapat pa bang magsisihan? O pagsabungin ang mga bayani? Sa kabilang banda, iisa ang mensahe ng libro: sa kahit anong bahagi ng kasaysayan natin bilang isang bansa, halos kakaunti ang panahon na tayo ay nagkaisa. Palaging may mga pabibo na sasalungat sa nangyayari.

Ang maidadagdag ko lang? Ang bahay namin ay malapit sa M. H. Del Pilar Street hahaha! Hindi sa Ermita pero sa Quezon City. Pag nakasakay sa taxi "manong/kuya, kakanan po dyan sa Del Pilar" hahaha. Yan lang ang relevance ni Del Pilar sa buhay ko.


message 32: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
1. Ayon kay Nick Joaquin, Si Jaena, ang poster boy ng
propaganda movement, ay mahilig mag talumpati kahit
saan, parang politiko yung dating pero sa gawa, ibang
usapan na. Pwede bang sabihin na siya ang unang
politiko na filipino?


Hindi. Ang politika ay ingrained na sa lipunan. Basta may hierarchy, may politika. Noong panahon ni Lapu-Lapu, isa siya sa mga pinuno na di nagpa-convert sa mga kararating na dayuhan. Politika yon, lalo na doon sa punto de vista ng mga nagpa-convert kaagad. Sipsip sa mga kastila.

Kahit sa pamilya puwedeng may politika lalo na kung may agenda ang miyembro ng pamilya.


message 33: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
BTW, nasa Antonio Luna chapter na ako. Sana matapos ko na today para masimulan ko na yong "Culture and History". Matagal ko nang gustong basahin yon kasi sabi ni Jzhun ay maganda.

Balik sa "A Question of Heroes", anong masasabi ninyo sa titulo? Ano yong question? Alin ang kinukuwestiyon? Kung susumahin ang buong libro, sino sa tingin ninyo ang talagang may karapatan na maging national hero ng Pilipinas? Si Rizal pa rin? Bakit wala tayong alam tungkol sa precursor ni Padre Burgos na si Padre Pelaez?


message 34: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa Agosto 6, anong aktibidades ang gusto ninyo?

Pumunta sa puntod ni Nick Joaquin. Tapos magsulat ng bato sa puntod na paglalagayan kay Presidente Marcos. Puntahan rin ang mga puntod ng ibang national artists for literature doon. Salamat kay Miguel Syjuco sa paglalagay ng mga ito sa FB.

Sa hapon, punta kaya tayo sa PUP para puntahan ang bahay ni Mabini? Di pa ako nakapunta sa alma mater ng wifey ko. at ni Ella, at ni Jayson Fajardo, at ni Clai, at ni Ryan, at ni Marcelo Santos III at kung sinu-sino pang mahuhusay na mga tao na na-meet ko sa buhay ko.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Sa Agosto 6, anong aktibidades ang gusto ninyo?

Pumunta sa puntod ni Nick Joaquin. Tapos magsulat ng bato sa puntod na paglalagayan kay Presidente Marcos. Puntahan rin ang mga puntod ng ibang nati..."


cge KD bisitahin natin ang bahay ni Mabini. prng malapit n ata ang b-day nya?


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments K.D. wrote: "Sa Agosto 6, anong aktibidades ang gusto ninyo?

Pumunta sa puntod ni Nick Joaquin. Tapos magsulat ng bato sa puntod na paglalagayan kay Presidente Marcos. Puntahan rin ang mga puntod ng ibang nati..."



Agree ako sa itinerary sa Aug 6.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mga tanong tungkol kay Rizal

1. Sa daming mga manunulat na nagsulat patungkol kay Rizal, Ano sa tingin ninyo na bago sa interpretation or analysis ni Nick Joaquin sa ating Pambasang Bayani?


2. Ipinakita ni Nick, na malalim ang pinanggaligan ng Noli at Fili sa usapang pagkadefine ng ano ang Pilipino, sa tingin ninyo meron pa bang kailangan i-research sa ibang gawa ni Rizal?


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mga tanong tungkol kay Andres Bonifacio :


1. Sa research na ginawa ni Nick Joaquin patungkol kung saan lugar at araw ng simula yung unang sigaw ng rebolusyon, ipinakita niya na questionable ang mga lugar at araw na imbag ng mga historians, sa palagay ninyo importante bang malaman ang eksaktong araw, lugar nangyari ang rebolusyon katipunan o ang mas importante ang maintindihan yung "spirit or essence" nito? O parehong kailangan?


2. Masasabi ba natin, base sa sinulat ni Nick Joaquin, na magulo at maraming " power struggle " nangyayari sa mga key persons ( Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, etc., ). Pwede ba tong ihambing sa pangkasalukuyang estado ng pulitika at lipunan natin?


message 40: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
1. Sa daming mga manunulat na nagsulat patungkol kay Rizal, Ano sa tingin ninyo na bago sa interpretation or analysis ni Nick Joaquin sa ating Pambasang Bayani?

Noong una ko itong mabasa, napaisip ako. Tama nga! Anti-hero si Rizal. Oo nga't hindi niya sinuportahan ang himagsikan pero 'yon ay dahil ramdam niya na hindi pa handa ang Pilipinas. Parang si Cory Aquino rin yan na nagpi-piket pa noon na huwag paalisin ang mga base militar. On the spot judgments. Mga desisyon na mali. Kasi later, ayon na rin kay Joaquin, may mga instances sa laban ni Aguinaldo at Antonio Luna na maaari sanang matalo nila ang mga Amerikano. Siguro kung nagtulung-tulong lang ano?

2. Ipinakita ni Nick, na malalim ang pinanggaligan ng Noli at Fili sa usapang pagkadefine ng ano ang Pilipino, sa tingin ninyo meron pa bang kailangan i-research sa ibang gawa ni Rizal?

Alamin na hindi pa nasusulat? o basahing mga libro? Para sa akin, siguro kung babasahin ang lahat ng librong nasulat tungkol kay Rizal, makikilala na natin siya nang lubusan. Yong Rizal course lang sa college, sobrang detalyo na yong librong yon.


message 41: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
1. Sa research na ginawa ni Nick Joaquin patungkol kung saan lugar at araw ng simula yung unang sigaw ng rebolusyon, ipinakita niya na questionable ang mga lugar at araw na imbag ng mga historians, sa palagay ninyo importante bang malaman ang eksaktong araw, lugar nangyari ang rebolusyon katipunan o ang mas importante ang maintindihan yung "spirit or essence" nito? O parehong kailangan?

Yong Cry of Balintawak o Cry of Pugad Lawin? Sabi rin sa aklat bakit di na lang tawagin na Cry of Caloocan? Kasi yong lahat daw na posibleng naging lugar sa pagka-cry-cry ay dating sakop ng Caloocan.

Para sa akin di naman kailangan. Talunan rin naman ang Katipunan ni Andres Bonifacio. Puro lang cry-cry. Pero ang hinahanggan ko ay ang kanyang katapangan. Yong pagkatao mismo at hindi yong mga ginawa niyang puro lakas lang ng loob at itak ang inisip nyang puhunan.

2. Masasabi ba natin, base sa sinulat ni Nick Joaquin, na magulo at maraming " power struggle " nangyayari sa mga key persons ( Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, etc., ). Pwede ba tong ihambing sa pangkasalukuyang estado ng pulitika at lipunan natin?

Oo. Sadly, noon at ngayon, di pa rin nagkakaisa talaga ang mga Pilipino. May mga instances na nagkaisa. Kay Joaquin: yong time na ideklara ang kalayaan hanggang sa Malolos Congress. Yong mga mayayaman at mahihirap nagkakaisa sa pagbubunyi ng natamong kalayaan. Tapos sa Malolos Congress, na-esta puwera ang mga mahihirap. Tapos nagkaroon ng power struggle dahil kina Buencamino at Mabini. Tapos na-realize ng mga mayayaman na wala silang mahihita sa Philippine Government ni Aguinaldo kaya nag-withdraw sila ng support at kumampi na sa mga Amerikano.

Mga oligarchs. Yan pa rin ang problema hanggang ngayon. Money talks e.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments K.D. wrote: "1. Sa research na ginawa ni Nick Joaquin patungkol kung saan lugar at araw ng simula yung unang sigaw ng rebolusyon, ipinakita niya na questionable ang mga lugar at araw na imbag ng mga historians,..."

Agree ako sa last part ng sagot mo


message 43: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Billy wrote: "K.D. wrote: "1. Sa research na ginawa ni Nick Joaquin patungkol kung saan lugar at araw ng simula yung unang sigaw ng rebolusyon, ipinakita niya na questionable ang mga lugar at araw na imbag ng mg..."

Salamat naman at nag-agree ka.

Husayan natin sa book discussion. Yong mga may relevance na tanong para mapagusapan lahat ng mga duda tungkol sa mga bayaning ito.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments 1. Sa research na ginawa ni Nick Joaquin patungkol kung saan lugar at araw ng simula yung unang sigaw ng rebolusyon, ipinakita niya na questionable ang mga lugar at araw na imbag ng mga historians, sa palagay ninyo importante bang malaman ang eksaktong araw, lugar nangyari ang rebolusyon katipunan o ang mas importante ang maintindihan yung "spirit or essence" nito? O parehong kailangan?

Sagot:
Para sa akin parehong kailangan dahil un ay isang basehan upang igunita o bigyang halaga ang araw o lugar na nangyari dahil na rin sa "spiritual essence" ngunit sa kasalukuyang panahon natin dahil marami na rin ang pagbabago, nakalimot, sinandyang nilimot, pinabayaan at inilipat lipat ang petsa o araw ng paggunita nito. dahil na rin cguro sa epekto nito sa pangnegosyong estado at kapag hinihingi ng pagkakataon para mabago ang petsa nito.

2. Masasabi ba natin, base sa sinulat ni Nick Joaquin, na magulo at maraming " power struggle " nangyayari sa mga key persons ( Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, etc., ). Pwede ba tong ihambing sa pangkasalukuyang estado ng pulitika at lipunan natin?

Sagot:
Naniniwala ako na maraming "power struggle" at magulo ang pangkasalukuyang pulitika at lipunan natin. cguro dahil na rin sa kanya-kanyang interes, kung sino ang malakas at nakararami sila ang nasusunod. cguro dahil nrin sa iba ibang pag-uugali, paniniwala, personalidad ang ating namana o naka-ugalian, isipin mo ba nmn na ilang mga dayuhan ang sumakop sa atin.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Salamat sa pagsama at sa pagbasa ng libro.( Pasensya hindi ko natapos yung mga tanong )


back to top