Pinoy Reads Pinoy Books discussion

33 views
Sabayang Pagbabasa > Hunyo 2016: Postmodernismo

Comments Showing 1-3 of 3 (3 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by [deleted user] (new)

Maliban sa buwan ito ng mga single. Buwan din ito ng postmodernismo ng Pinoy Reads Pinoy Books. Dahil sa buwan na ito babasahin natin ang isang postmodernismo nobela sa Pilipinas. ;)
Bago tayo magsimula sa mismong pagtalakay sa aklat. May mga tanong muna ako tungkol sa tema natin sa buwan na ito:
1. Base sa mga nabasa ninyo, ano ang postmodernismo o post-modernism para sa inyo? Ano-ano ang mga libro na nabasa ninyo na naka-angkla sa teryang ito?
2. Masasabi niyo bang postmodernismo ang buhay ninyo? ang mukha ninyo? ang lovelife ninyo?


message 2: by Rise (new)

Rise Jayson, hindi ako makakasama sa pagbabasa ng postmodern na nobela, pero sasagot ako.

1. Ang postmodern na aklat, ayon sa nabasa ko, ay:

- makapal (1,000+ pahina)
- ang nagsulat ay kabilang sa mga tauhan
- magulo ang kwento
- magulo o mapaglaro ang istruktura o porma ng aklat
- kinokomentahan ang sarili sa pagiging "bookish" (self-referential)
- mapaglaro ang mga salita ng aklat
- pinaghalo-halo ang laman: may liham, may lyrics ng kanta, may panayam, atbp.
- pinaghalo (o di malaman kung ano) ang reyalidad at kathang-isip sa istorya
- may mga historikal na detalye na hindi naman makatotohonanan
- manipis (di lalampas sa 200 pahina)
- nanganak ng iba pang postmodern na aklat

2. Ang buhay ko ay ... minsan modern, minsan tradisyonal, pero hindi siguro postmodern. Ang mukha, siguro pre-modern. Ang lovelife, modern.


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments Ryan wrote: "Jayson, hindi ako makakasama sa pagbabasa ng postmodern na nobela, pero sasagot ako.

1. Ang postmodern na aklat, ayon sa nabasa ko, ay:

- makapal (1,000+ pahina)
- ang nagsulat ay kabilang sa mga..."



Ryan, salamat sa info sa postmodern na aklat, natawa nmn ako pati luvlyf ay nirelate mo ang postmodern haha! komedyante ka rin pla haha! jok! sabagay parehas tayo haha!

Noong 2014 naririnig ko na si Allan Derain lalo't nun nabasa ko un sinulat niya na Anatomiya ng Isang Alila, nasabi ko sa sarili ko na kakaiba magsulat ito, puno ng emosyon at kabalintunaan sa paraang hindi mo mawari sa kanyang kuwento pero ang lakas makahugot pati mga kalamnan mo huhugutin papalabas upang sumambulat sa iyong mukha at harapan ang nais niyang iparamdam sa iyo. kaya mahusay at nagwagi pa ng karangalan ang aklat niyang Ang Banal na Aklat ng mga Kumag.


back to top