Pinoy Reads Pinoy Books discussion

38 views
Sabayang Pagbabasa > Marso 2016: LITTLE BOOK OF SPEECHES by Lourd de Veyra | Tema: Summit Books | Moderator: Ronie Chua Padao

Comments Showing 1-15 of 15 (15 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Dahil naging generous ang Summit sa atin noong Marso 2015, ngayon lang nagkaroon tayo ng temang publisher: Summit Books. Itong libro ni Lourd de Veyra ang inyong pinili sa tatlong libro na puro nilimbag ng Summit Media.

Malamang ay papayag naman si Lourd de Veyra na pa-interview sa atin dahil parang Summit ang magi-invite sa kanya. At dahil Summit ito, malamang papayag din ang Summit para doon gawin ang panayam. At dahil Summit nga (ang kulit ko lang), pumayag na si Ronie "Baba" Chua Padao na mag-moderate nito. Kasi nga, doon siya nagtratrabaho.

Mga kakweba, bumili na kayo ng librong ito at simulan na ang pagbababasa. Si Ronie ay gagawa na ng schedule at pagpo-post ng mga tanong sa thread na ito.


message 2: by Ronie (last edited Mar 06, 2016 09:26PM) (new)

Ronie Padao | 134 comments description
Lourd Ernest H. de Veyra Lourd Ernest H. de Veyra (born February 11, 1975) is a multi-awarded Filipino musician, emcee, poet, journalist, broadcast personality and activist who became famous as the vocalist of the Manila-based jazz rock band Radioactive Sago Project.

He is a four-time Palanca Awardee and the recipient of the Free Press Literary Award. His social commentaries are expressed and followed in his popular "Word of the Lourd" video series.


One of his published books is Lourd De Veyra's Little Book of Speeches. A compilation of his speeches from different events. And two new speeches just for this book:

Foreword
Mug Shot: An introduction
1. The Poet of Now (A very pretentious manifesto of sorts)
2. Vanity Fare
3. The Future’s So Bright You Gotta Wear Sunscreen
4. Portrait of the Broadcaster as Dancing Bear
5. Ano ang Meron Noon na Wala Ngayon?
6. If a Tree Falls in the Forest
7 Projecting the Truth
8. This is Not a Film. Let Us Watch It.
9. Palayain si Inday
10. Da End of Da World
11. An Alternate Reality
12. An Imaginary State of the Nation Address
13. Sumayaw Ka Na Lang
14. Ang Tunay na Pinuno ay Tunay Ring Rebelde
15. Truth in Charity: Acceptance Speech para sa Adamson Media Personality of the Year
16. A Work of Art is a Sign That the World Must Go On
17. Hello, Self, It’s Me
18. Don’t Beg, But Steal and Borrow
19. Ang Kawasakan ni Rizal
20. Makibaka, Huwag Mag-Facebook
21. Ang Filipino sa Tri-Media: Pananaw ng Isang Hindi Eksperto
22. Pop Goes the Lit
23. Me, Myself, and Yoyoy Villame
24. Sermon sa Mga Fashyown
25. Pangks Nat Die: Sa Mga Punks ng Pilipinas

Everyday, we'll be discussion 1 speech including forword and the introduction.

------------------------------------
DISCUSSION
------------------------------------
LOURD DE VEYRA
Kilala nyo ba si Lourd personally? O kung paano nyo sya nakilala? Tagahanga ka rin ba nya? Sa anung larangan, pagiging myembro ng Banda, TV personality, writer o pagiging kritiko?


FOREWORD
1. Hindi nga ba tayo nagbabasa ng foreword? Anu ang masasabi mo sa foreword ng mga librong nabasa mo? May Hindi ka bang makakalimutang foreword na nabasa mo na?

2. In this case, anu ang masasabi mo tungkol dito? Tama nga ba si Gang Badoy Na madalas sa CR tayo nagbabasa? Bukod sa time wasting, may iba ka pa bang dahilan kaya ka nagbabasa sa banyo?

3. Tungkol naman sa laman, Do you like listening speeches? Anu-ano naman ang napuntahan/napakinggan mo ng speech na tumatak rin sa isipan mo?


MUG SHOT: AN INTRODUCTION
MUG SHOT: AN INTRODUCTION
1. Hindi na ako tututol tungkol sa mug na madalas ginagawang token sa mga event. Pero ano pa nga ba sa tingin nyo ang dapat ibinibigay sa isang bisitang pandangal? Mahalaga ang inyong isasagot baka ito ang magiging idea ng ating ibibigay sa kanya.

2.Naimbitahan na rin ba kayo sa isang pagtitipon,forum, seminar o kung ano pa man na kayo ay kasali bilang speaker o kung anu pa mang partisipasyon upang kayo ay mabigyan ng Token of Appreciation? Kung Hindi mug, ano ang ibang natanggap nyo?

3. Naranasan nyo na rin ba ang makatanggap ng certificate o ano mang papel na mali ang pangalan nyo?

4. Malayang talakayan.

THE POET OF NOW
1. Nakarinig Na ba kayo ng kakaibang pagkakasulat/pagdeleliver ng speech? Syempre kung oo, ikwento nyo na rin. Boring ang Oo't Hindi lang na sagot. Si Lourd to oh!

2. Sa tingin nyo, tama ba ang lahat ng sinabi nya dito? And do you shamelessly accept it?

3. Favorite paragraph that can suits into you. Yung tinaman ka talaga! Haha

4. Malayang talakayan


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments masugid akong tagasubaybay ni idol Lourd mula pa sa kanyang banda na Radio Active Sago project at take note casette tape pa noon at poetic at malalim siya mag-compose ng poem lyrics pero kahit malaim o mababaw ay tiyak sapol ka at tatamaan ng lintik!

Rak en Rol! mga Tsong! Go!


message 4: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments Busy yata lahat
Anyare na dito? :)


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo nga. Daming ganap e. Kagaya ng CNF, Holy week, book launches, Cine Filipino, atbp. Sus. Wala nang time magbasa at mag-rebyu dito sa Goodreads!

Pero game. Gagawan natin ng time ang Goodreads. Dito tayo nagsimula. Kailangang ipagpatuloy ang nasimulan.


message 6: by Jj (new)

Jj | 72 comments Kilala nyo ba si Lourd personally? O kung paano nyo sya nakilala? Tagahanga ka rin ba nya? Sa anung larangan, pagiging myembro ng Banda, TV personality, writer o pagiging kritiko?

-Nakilala ko lang si lourd sa TV tapos dahil sa fashion industry ang pinsan ko, una kong nakilala ang librong to ng magreact siya dun sa isang speech tungkol sa mga fashown...kung ako tagahanga, siguro sa pagsasalita niya, hindi tuloy ako naniniwalang may takot ang taong ito na humarap sa mga tao gaya ng sabi niya..


FOREWORD
1. Hindi nga ba tayo nagbabasa ng foreword? Anu ang masasabi mo sa foreword ng mga librong nabasa mo? May Hindi ka bang makakalimutang foreword na nabasa mo na?

-Ewan ko lang, pero ako kahit anong foreword binabasa ko,,,parang mood setter kasi...lahat naman sila may kanya kanyang sinasabi haha medyo di ko lang macompile in one word... (naguguluhan nanaman ako sa mga salitang ginagamit ko)...foreword ng the Alchemist ni Paolo Coelho, isa sa mga paulit-ulit kong sinisimulan...simula lang...

2. In this case, anu ang masasabi mo tungkol dito? Tama nga ba si Gang Badoy Na madalas sa CR tayo nagbabasa? Bukod sa time wasting, may iba ka pa bang dahilan kaya ka nagbabasa sa banyo?

-Medyo naniniwala ako kay Gand Badoy, pero hindi talaga ako nagbasa kahit kailan man sa CR....maliban sa time wasting: curiousity, at paghahanap ng koneksiyon ang nakikita kong dahilan ng pagbabasa...

3. Tungkol naman sa laman, Do you like listening speeches? Anu-ano naman ang napuntahan/napakinggan mo ng speech na tumatak rin sa isipan mo?

-totoo ang sinasabi ni Lourd or ni Gang Badoy ata na halos wala ngang nakikinig sa Speech, naalala ko nung highschool kapag may konting speech yung principal namin noon sa flag ceremony, inoorasahan namin...kahit na lagi niyang sinasabi na "hindi ko na ito hahabaan pa..." maliban sa nabasang kong speech ni Martin Luther, wala na talagang tumatak sa akin na speech..haha kasi nga hindi ako nakikinig, siguro kung nakasulat ito baka basahin ko pa at iinternalize...


message 7: by Jj (new)

Jj | 72 comments Mug Shot:

1. Hindi na ako tututol tungkol sa mug na madalas ginagawang token sa mga event. Pero ano pa nga ba sa tingin nyo ang dapat ibinibigay sa isang bisitang pandangal? Mahalaga ang inyong isasagot baka ito ang magiging idea ng ating ibibigay sa kanya.

-ako kuntento pa rin ako sa personalize na bagay pero unique maliban sa pagiging personalize nito, calling card na bottle opener, (nakita ko yun sa mga unique calling cards) sakto alam ko malakas umnom si Lourd...

2.Naimbitahan na rin ba kayo sa isang pagtitipon,forum, seminar o kung ano pa man na kayo ay kasali bilang speaker o kung anu pa mang partisipasyon upang kayo ay mabigyan ng Token of Appreciation? Kung Hindi mug, ano ang ibang natanggap nyo?

-hindi pa ako naimbitahan, pero gusto ko ring magawa yun, may takot kasi ako sa pagharap sa mga tao, kaya siguro gusto ko yun dahil parang pag nagawa ko yun ang laki na ng pinagiba ko sa kung ano ako ngayon...

3. Naranasan nyo na rin ba ang makatanggap ng certificate o ano mang papel na mali ang pangalan nyo?

-maling pangalan madalas sa akin yun, kahit na common na ang name ko, Jessie na walang e sa huli, or minsan walang junior, at malaking problema kaya yung JR ko sa pagkuha ng pera haha


message 8: by Jj (new)

Jj | 72 comments The Poet of Now:

1. Nakarinig Na ba kayo ng kakaibang pagkakasulat/pagdeleliver ng speech? Syempre kung oo, ikwento nyo na rin. Boring ang Oo't Hindi lang na sagot. Si Lourd to oh!

-Wala akong idea sa kakaibang pagkakasulat sa speech...

2. Sa tingin nyo, tama ba ang lahat ng sinabi nya dito? And do you shamelessly accept it?

-sa tingin ko parang pang MIllenials ang speech na ito, shamelessly accept it, siguro I don't bother much what he said in this part...

3. Favorite paragraph that can suits into you. Yung tinaman ka talaga! Haha

-haha ewan dalawang beses ko binasa to, pero pakiramdam ko talaga hindi ako ang audience nito =)


message 9: by Juan (new)

Juan | 1532 comments FOREWORD

SAGOT

1. Hindi. Hindi naman tayo tinuruan magbasa nito. Laging ang pakay natin e sa mismong laman at sinasabi ng libro. Sa kuwento. Madalas naman kasi mas una tayong nakakakuha ng ideya/info tungkol sa libro mula sa mga kaibigang mambabasa at sa internet na rin kaya parang balewala o walang mawawala kung di mabasa ang foreword.

2. Sa kaso ko, hindi ako nagbabasa sa CR. Mas trip ko magbasa sa umaga sa loob ng kuwarto kasabay ang mainit na kape at pandesal o kaya sa gabi kasabay din ang mainit na kape. Masarap magruminate sa banyo pero hindi ang magbasa. Siguro kung ang banyo naming ay pangmayaman tulad sa mga hotel na pwede mong tulugan sa linis at tuyo.

3. Depende. Depende kung sino at ano ang sinasabi ng speech. So far napakinggan ko sa youtube ang speech nina Charlie Chaplin ala Great Dictator, Carl Sagan, Martin Luther King, Jr. At pwede rin siguro yung mga malulupit na speeches sa mga pelikula tulad nina Alexander the Great, Leonidas, Brave Heart, Lincoln, V for Vendetta atbp..


message 10: by Juan (new)

Juan | 1532 comments MUG SHOT: AN INTRODUCTION

SAGOT

1. Pwedeng food showcase? joke! Sa akin ok na ako sa T-shirt na may Pinoy Reads Pinoy Books o di kaya newsboy hat o kaya yung mga suot ng mga poet tulad ni Rio Alma. Fedora ba ang tawag doon?

2. Certificate.

3. Hindi pa naman.


message 11: by Juan (new)

Juan | 1532 comments dagdag - mas gusto ko si Lourd bilang siya sa WOTL. Historian na mala kritiko. Pero matagal ko na siyang napapakinggan dahil sa kuya ko noong high school pa ako. Unang una ko siyang nakilala sa Kanta niyang ASTRO CIGARETTE.


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments Nakilala ko si Lourd sa bandang Radio Active Sago Project


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments Para sa akin kakaiba ang Speeches ni Lourd, hindi siya pangkaraniwang naririnig ko na speeches. Para sa akin ito ang speech na tatamaan ka tlga as in wawasakin ang ideya mo batay sa kanyang mga opinyon. May tama o pwede rin maki-ayon batay sa kanyang pananaw. Para sa akin binibigyan ka niya ng pagkakataon upang makapag-isip, ihambing ang mga impormasyon, at sa huli ay magpasiya kung ikaw ba ay sang-ayon sa kanyang mga pananaw. Binibigyan niya tayo ng laya kung tatangapi8n natin ang kanyang mga pananaw.


message 14: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments KASAGUTAN

Kilala nyo ba si Lourd personally? O kung paano nyo sya nakilala? Tagahanga ka rin ba nya? Sa anung larangan, pagiging myembro ng Banda, TV personality, writer o pagiging kritiko?

Una kong nakilala si Lourd sa kanyang kolum na This is a Crazy Planets sa website na Spot.ph. Hahamunin niya ang brain cells mo sa paraan ng kanyang pagtingin sa iba't ibang happenings sa bansa pati na rin sa kultura. Mula doon, pinanood naman sa akin ng kapatid ko yung short videos niya na Word of the Lourd. Nagkainteres na lang ako sa kanya nang lumabas na ang isinalibrong The Best of This Is A Crazy Planets. Tas sunod-sunod na mula sa kanyang nobelang Super Panalo Sounds!, Insectissimo! hanggang sa short story niya sa Manila Noir.


FOREWORD

1. Hindi nga ba tayo nagbabasa ng foreword? Anu ang masasabi mo sa foreword ng mga librong nabasa mo? May Hindi ka bang makakalimutang foreword na nabasa mo na?

Dati nang makahiligan ko ang classics, binabasa ko muna ang foreword. Maikiling panimula kung ano ang akda at sa naging buhay ng may-akda nito. Ngunit nitong huli, iniiwasa ko na muna, lalo na yung mga introductions, dahil malamang sa hindi nai-spoil ako sa kuwento kasi sila na yung nagkukuwento imbes na hayaang basahin nang mambabasa ang buong libro (kaya mo mga binili ang buong libro, di ba?). Kaya ang ginagawa ko na lang ngayon, afterword na siya - babasahin ko na lang matapos ko nang mabasa ang buong akda.

Kung may hindi ako malilimutang foreword ito yung sinulat ni Kyle Freeman sa Complete Sherlock Holmes volumes ng Barnes and Noble. Kapag binasa mo buo ang mundo ni Sherlock; talagang mahihikayat ka na basahin ang pakikipagsapalaran ng pinakadakilang detektib sa mundo ng krimen.


2. In this case, anu ang masasabi mo tungkol dito? Tama nga ba si Gang Badoy Na madalas sa CR tayo nagbabasa? Bukod sa time wasting, may iba ka pa bang dahilan kaya ka nagbabasa sa banyo?

Naniniwala ako na ang pagbabasa ay di pagsasayang ng oras. Ang pagiging tamad ang tunay na pagsasayang ng oras.

Di ko trip nagbabasa sa banyo. Maingat ako sa libro. Natatakot kasi ako na baka mahulog sa timba at mabasa ang libro ko. Mahirap na.


3. Tungkol naman sa laman, Do you like listening speeches? Anu-ano naman ang napuntahan/napakinggan mo ng speech na tumatak rin sa isipan mo?

Noong bata-bata ako, wala akong tiyaga makinig sa talumpati ng mga kung sino. Siguro nga, dahil bata, maikli lang ang attention span. Imbes na speeches, mas trip ko ang lectures. Ito mas mahahabang upuan talaga ng pakikinig ng pagsasalita ng isa o ilang mga tao. Kaya lagi kong inaabangan ang lahat ng history lectures ni Ambeth Ocampo kesyo may bayad. Hahaha! Adik ako, e. Ganoon din sa mga panayam ng mga manunulat; para kasing interesante ano mang sasabihin nila.


message 15: by Apokripos (last edited Apr 06, 2016 07:36PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments MUG SHOT: AN INTRODUCTION

Kasagutan

1. Hindi na ako tututol tungkol sa mug na madalas ginagawang token sa mga event. Pero ano pa nga ba sa tingin nyo ang dapat ibinibigay sa isang bisitang pandangal? Mahalaga ang inyong isasagot baka ito ang magiging idea ng ating ibibigay sa kanya.

Siguro, disente na ang wine dahil may wine na ayon sa kaya ng badyey mo. Ang tanong lang, kung umiinom ba talaga yung pinagbibigyan mo. Bale, pwede rin namang gamitin ang wine sa luto ng pa-French-French, wag lang talagang isasawsaw sa French toast.


2.Naimbitahan na rin ba kayo sa isang pagtitipon,forum, seminar o kung ano pa man na kayo ay kasali bilang speaker o kung anu pa mang partisipasyon upang kayo ay mabigyan ng Token of Appreciation? Kung Hindi mug, ano ang ibang natanggap nyo?

Awa naman ng Diyos walang nag-iimbita. Mukha bang may makukuhang matino ang sino mang makikinig sa akin? Ha ha ha!


3. Naranasan nyo na rin ba ang makatanggap ng certificate o ano mang papel na mali ang pangalan nyo?

Oo. Si Miss Bebs kapag gumagawa ng certificate para sa PRPB laging may kulang na letra sa pangalan ko. Sabagay, mahirap naman kasing ibaybay ang Apokripos.


4. Malayang talakayan.

Malayang talakayan. Malaya ko ring di sagutin. *kibit-balikat*


back to top