Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Para sa Hopeless Romantic
This topic is about Para sa Hopeless Romantic
52 views
Sabayang Pagbabasa > Disyembre 2015: PARA SA HOPELESS ROMANTIC ni Marcelo Santos III | Tema: Bestseller | Moderator: Baba

Comments Showing 1-47 of 47 (47 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by Ronie (last edited Dec 28, 2015 02:34AM) (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments Tapusin natin ang taong ‘to na may galak at salubungin ang 2016 na may pasabog!!!


Para sa Hopeless Romantic Extended Edition by Marcelo Santos III

Sa buwang ito, ang ating babasahin ay ang unang libro ni Marcelo Santos IIIna Para sa Hopeless Romantic: Extended Edition. Sa pagtatapos ng buwan(na magiging katapusan rin ng taong ito), Sabay-sabay nating basahin at pagdiskusyunan ang nasabing libro. At pagsapit ng January, ating makakausap ng personal mismo si Marcelo! odiba ang saya???!!

Gaya ng nakasanayan, 2nd Saturday, January 9, 2016 sa Training room 6th floor ng Summit Media office ay idaraos natin ang panayam kay Marcelo. Heto ang posibleng magaganap:

1:00pm - Movie screening ng Para sa hopeless Romantic the movie.
2:30pm - Pagpapakilala kay Marcelo. Maikling diskusyon sa libro.
3:00pm - Panayam at ilang activities.
4:00pm - Book signing, Picture taking, socials at kaunting kainan. (pizza and drinks will be provided)
5:00pm - Awarding sa mga nanalo at post-mortem.

May posibilidad rin na magbenta roon ng mga libro ang Viva-Psicom.


Pero bago ang lahat….. Simulan na natin ang online book discussion. Makisali para makakuha ng bagong libro!


Marcelo Santos III:

Sino ba si Marcelo Santos? Siya lang naman ang may 7,478,564 and counting fans sa Facebook; 99,298+ subscribers with 1,711,495+ views sa kanyang Youtube account; 704k followers sa Twitter; 226+ followers sa Instagram; At 475k followers sa Wattpad. (view spoiler) Sa madaling salita, siya lang naman ang pinakasikat na “manunulat” sa henerasyong ito sa lawak ng sakop nyang readers.

Ngayon, kilala na natin s’ya base sa bilang, kilalanin naman natin s’ya base sa kanyang mga gawa. Nagsimulang umugong ang pangalan nya sa Youtube. Hindi alam ng marami, hindi sa wattpad nanggaling ang kasikatan nya. Napapanood o mas magandang sabihin na nababasa sa youtube channel nya ang mga short stories na sa kalaunan ay nai-self-published nya. Dito nabuo ang una nyang libro, ang “Para sa Hopeless Romantic”. Na nasundan ng “Para sa Broken Hearted” at “Mahal Mo Siya, Mahal Ka Ba?” At sa bagong ilalabas nyang libro na “Move On. Walang Forever!”. Ang mga akda n’yang ito ay nasasama sa napapanahong uri ng literatura.

Magpakapormal naman tayo. Kilalanin natin siya na parang nagbabasa lang tayo ng “about” sa mga social media o sa kung saan pa man:

(view spoiler)
Marcelo Santos III is a graduate of Polytechnic University of the Philippines with the course of Bachelor in Advertising and Public Relations last 2011.

He started to write poems when he was still in high school. Most of his works involve comedic poems and short stories.

In the 20th day of December 2009, he started to write Love Story on Video(LSOV), a new way of storytelling, where the words are written in a blank video accompanied by a background music.

LSOV became popular in Facebook and Youtube and made a way for him to be known in the world of internet. Right now, he is a Blogger, Short Film Director/Writer and an Author.

Para Sa Hopeless Romantic:

Ito ang kanyang kauna-unahang libro. Base sa "Love Story on Video" sa Youtube. Unang nilimbag bilang self-published at sa kalauna’y naging parte na ng Viva Psicom.

Nahahati ang librong ito sa anim na karakter. Sina Maria, Ryan, Becca, Nicco, Jackie at Faye. Lahat may kanya-kanyang kwento ngunit nasa iisang mundo lang ng pag-ibig. Isang lihim na umiibig. Isang umaasang babalikan. Isang naghahangad na mahalin. Isang natatakot nang umibig muli. Isang nagsusumikap na makalimot. At isang nag-aasam ng maligayang pag-iibigan.

----Diskusyon----

RYAN
Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan. Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman.


Si Ryan ay isang estudyante sa PUP. Gaya ng iba, madalas rin sya magmadali pagpasok sa eskwela. At gaya rin ng iba, may maituturing rin syang malapit na kaibigan sa klase nila. Na sa kalauna'y mahuhulog ang loob nya.

1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?

2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?

3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.

4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila palagi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe.

5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo?

6. Kung kayo ang masusunod? sinu sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit?


7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito?


Wag kayong mag-alala kong napakaraming tanong. Anim na part lang to. So baka next week na ulit ang susunod na Kabanata ;)

Medyo personal na mga tanong:

Naging baliw ba kayo sa pag-ibig noong college. Naka ilang kasintahan kayo noong nag-aaral pa lang? Seryoso ba lahat? Marami bang firsts sa mga panahong iyon???? Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? minahal mo ba talaga sila? Na miss mo ba sila? Ok lang ba na maging magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon????! DI PA RIN MAKA MOVE-ON?! HA!

REBECCA
Ang pag-ibig ay parang pagtawid sa kalsada. Maraming maaaring mangyari na babago sa takbo ng buhay mo, ng taong mahal mo at ng taong nasa paligid mo. Bawat hakbang ay isang pagsugal na maaaring hindi ka na makarating sa kabilang dulo o pag-asang sa lugar na pupuntahan mo'y may isang taong matagal nang naghihintay sa'yo. Mahirap salungatin ang gulong ng tadhana. Mahirap kalabanin ang agos ng kapalaran. Mahirap.

Si Rebecca ay Service crew sa isang restawran sa umaga; Marketing student sagabi; at writer sa hilig. Nagsusulat sya ng mga love stories sa college newspaper nila. At isa sa mga not-so-happy-ending stories nya ay ang kwento nila Ryan at Maria. Bakit ba sya ganito? Baka dahil masalimuot rin ang lovestory n'ya. buti na lang may bestfriend syang always na masasandalan.


1. Anung course ang kinuna nyo sa college? Naging ok rin ba ang kinalabasan neto?

2. Nakarelate ka ba kay Becca na nagt-trabaho sa umaga para makapag-aral sa gabi? Anung naging sideline nyo dati para makatulong sa magulang na mapaaral ang sarili?

3. May mga extra curricular activities ka rin bang sinalihan tulad ni Rebecca? Kwento!

4. Ni minsan ba'y naging pilyo rin kayo't nagsusulat-sulat rin sa kung saan-saan sa school? Tulad ni Becca na ginamit ang upuan para makahanap ng tadhana. Hahaha May napala rin ba???

5. Paano kung maranasan mo yung pangyayaring magkatagpo ang landas nyo ng taong nanakit sa'yo, sa puso mo? Matataranta ka rin ba gaya ni Becca?

6. At kung nangyari na rin ito sa'yo, ganun rin ba ang reaksyon nung taong yun sayo? Na parang walang nangyari? Na para bang nabura sa alaala nya ang mga sakit na pinaranas nya sayo? na nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng mga salitang binitawan nya noon? Ang kapal noh?! wow ha!

7. Pero, anung balita mo sa mga ex mo ngayon? Di rin ba tumagal ang relasyong ipinalit nya sa kung anung meron kayo? Sa tingin nyo rin ba'y pwedeng magkaroon ng second chance. (view spoiler)

Additional Questions..

Anung best part o linya sa kwentong to para sayo?


From Becca's bebeboy, Anu-ano rin ang mga kadiring naging tawagan nyo dati ng mga naging kasintahan mo?


NICCO

Ito ang may pinakamahabang kwento, nandito yung mga flashbacks and revelations. Pero to sum-up naman ay tungkol ito sa pakikipaghiwalay, hiwalay, at pakikipagbalikan.

Sa usaping hiwalayan, may matatawag ba kayong worst hiwalayan na nangyari sa inyo? Tulad nang naging paraan ni Nicco na parang tanga lang.

Pagkatapos ng hiwalayan, may pinampalit ka rin ba kaagad? na nauwi sa totohanan hanggang tumagal? Na di naglao'y nagkahiwalay rin! hahaha

Pero siguro ang magandang tanong ay, posible ba talagang magkabalikan ang mga naghihiwalay lalo na't ilang taon na ang nakalipas?
-----------------------------------------------------------------
Para mas maging interesting itong online discussion.

Gawin natin tong "kunyari" post-modern. Hahaha! Pero baliktad muna. Tayo ang kakausap sa characters. Magtanung kayo sa unang tatlong tao sa libro ng gusto nyong itanung. Malay nyo, sumagot :p haha

Halimbawa, kay Ryan:

1. Kuya, taga saan ka ba? bakit kailangan danasin mo talaga ang pagsakay ng bus pa Cubao at mag jeep? Wala bang alternative route para di na namin makita ang pink na gulong ng jeep?

2. Ang kinaiinis ko, nung kumuha ka ng upuan dahil nagpaka"gentleman" ka kay Maria, Bat di mo iniwan ang bag mo sa loob para di ka masabihang late nung prof nyo? ang tanga mo po.


Becca:

1. Teh, ang gulo mo mag kwento. ~*~ Pero matanung ko lang, Sino yung tinutukoy nung ex mo na nakita ka daw nya na may lalaking kasama pagkatapos makipaghiwalay ni Nicco sayo?

Nicco.

1. Isa ka pa, bat di ka na lang tumuloy sa Canada nung nalaman mong may pinalit na pala sayo si Becca? Di mo ba naisip na mas makakalimutan mo sya doon?

2. At no hard feelings, bakit PUP agad after ng UP,UST,La Salle at Ateneo na pinagpipilian mo? May kaya naman kayo ah!

--------------------------------------------------------------------------


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ito na talaga ang hinihintay ko!

Gusto ko na talagang ihayag ang aking hang ups sa pag-ibig.

Attack na mga sis!


On another note, Baba talaga ang listed name for the discussion moderator? Hahaha!


message 3: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "Ito na talaga ang hinihintay ko!

Gusto ko na talagang ihayag ang aking hang ups sa pag-ibig.

Attack na mga sis!


On another note, Baba talaga ang listed name for the discussion moderator? Hahaha!"


Screen name daw nya ang Ronie, Baba sa close friends. hahaha


message 4: by Apokripos (last edited Dec 02, 2015 01:00AM) (new) - rated it 3 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments RYAN


1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?

Yes, state university na puno ng pangungurakot at hassle. Dalawang sakay lang mula sa amin ang lugar kung saan ako nag-aaral kay hindi naman gaanong stressful ang commute, isama pa na talagang morning person ako kaya di rin nahuhuli kung 7:00 ng umaga ang first class. O, ha!


2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?

As far as I can remember, wala naman akong natatandaang kashungaan. Pero may ilang fail moments din kaso di ko na mataandaan sa ngayon; na mabuti na rin for otherwise I would've cringe for mere thought of my foibles. Yikes!


3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maaari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.

Nakarelate talaga! Dahil ang hirap umamin ng pag-ibig kung alam mo namang di magiging ganoon ang pagtingin sa iyo ni crushie.

Ang remarkable love epic fail moment ko lang ay nung yung ka-MU ko noong college ay inaya ko, oo inaya ko. Inaya kong gawin na lang yung paper niya para sa isang major subject. Pero during that time may maliliit kaming mga tampuhan. Tas nung inooffer ko sa kanya yon, sabi ba naman niya, "Thanks, but no thanks". Ang sakit nun, bes! Buti na lang we're talking over the phone, pero dama ko talaga 'yung biglang lamukos ng mukha ko, cry-cry talaga ako ng cry me a river. Ang saket talaga. Magmula noon dumistansya na muna ko sa kanya. I thought we had it, but we never do had it. Cute pa naman siya. Tas nung second sem, nagtransfer siya sa ibang course. Though throughout college we're in good terms naman at nagkakamustahan kapag nagkikita on campus or sa suking tokneneng store.


4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila paragi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe.

Nako,marami na kong beses natorpe. Pero wala ng mga dramang utak vs puso. Mas namamayani talaga sa akin ang utak. At noong nagbibinata o nagdalaga, ang hirap talagang mag-deal sa rejection. Pero as you grow in maturity, sabi nga nila, nothing ventured, nothing gained.


5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo?

Maraming akong kaibigan na babae at bakla, mostly kaklase, pero wala ata akong naging ka-close to the point of being besties with them. Introvert kasi ako.


6. Kung kayo ang masusunod? sino sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit?

Kung ako lang, dapat yung driver na lang yung nabunggo. Para surreal at absurdo. Aba! Saan ka nakakita nang nagmamaneho na nabangga ang sarili niya. Wooo! For the win!


7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito?

Gusto ko yung linya na "|" na naghihiwalay sa pamagat ng aklat sa pangalan ng may-akda na makikita sa ibaba ng pahina ng libro. Ito lang kasi ang marka ng kaayusan sa pawerde-wardeng salimuot ng buhay pag-ibig ng mga tauhan ng nobela. Dama ko yung bigat na pasan ng linyang 'yan kapag nahiwalay lang talaga ang dalawang pangilalang elemento ng libro. Parang mas naiiyak pa ko sa sinapit niya kesa kay Ryan. O, Gahd, imma cry... :'(


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Medyo personal na mga tanong:


Naging baliw ba kayo sa pag-ibig noong college. Naka ilang kasintahan kayo noong nag-aaral pa lang? Seryoso ba lahat? Marami bang firsts sa mga panahong iyon???? Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? minahal mo ba talaga sila? Na miss mo ba sila? Ok lang ba na maging magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon????! DI PA RIN MAKA MOVE-ON?! HA!

Masyadong personal ang tao. Heye eke. Pero ang college ang panahong maraming firsts sa akin. Gaya ng first time na ako yung bumili ng napkin ni girlie kasi nakalimutan niyang bumili. As a supportive BF matapang ka dapat sa mga ganoon at handa kang harapin. At least di ba, "safe" siya.


message 6: by Clare (last edited Dec 02, 2015 01:59AM) (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments RYAN
1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?
(view spoiler)

2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?
(view spoiler)

3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.
(view spoiler)

4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila palagi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe.
(view spoiler)

5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo?
(view spoiler)
6. Kung kayo ang masusunod? sinu sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit?
(view spoiler)

7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito?
Nakalimutan ko, na kay baba ang libro naming :P


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Clare wrote: "Andami naming tanong :'("

Sagutin na lang kasi. Although, categorically, sinagot mo na si Baba. Hahaha!


message 8: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Medyo personal na mga tanong:

Naging baliw ba kayo sa pag-ibig noong college? Palagi naman akong baliw sa pag-ibig! Naka ilang kasintahan kayo noong nag-aaral pa lang? Tatlo
Seryoso ba lahat? Yung isa hindi, gagawin ko lang sanang pandisplay kaso nakipagbreak agad. err Marami bang firsts sa mga panahong iyon???? Oo Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? Hindi, masyado akong abala sa makakasama ko sahinaharap. hehe Saka walang chance na isipin! katamad Minahal mo ba talaga sila? Oo naman, di naman tatagal ng taon ang mga yun kung hindi Na miss mo ba sila? nope Ok lang ba na maging magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon????! NO DI PA RIN MAKA MOVE-ON?! HA! Dinig na dinig ka ditto sa Payatas baba!!!!


message 9: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "Clare wrote: "Andami naming tanong :'("

Sagutin na lang kasi. Although, categorically, sinagot mo na si Baba. Hahaha!"


Tapos na! Hahahaha


message 10: by Jj (last edited Dec 02, 2015 09:21AM) (new) - rated it 2 stars

Jj | 72 comments RYAN
Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan. Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman.

1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?
-Hindi, oo parang kahit saan ka naman ata ngayon mayaman mahirap parepareho ang karanasan traffic, tumitirik na tren, etc...

2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?
-ang mapagkamalang monday ang tuesday...katangahan talaga haha

3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.
-haha wala e

4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila palagi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe.
-minsan, torpe - parang hindi ko pa naranasan ang maging...

5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo?
-yes and yes

6. Kung kayo ang masusunod? sinu sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit?
-wala, bakit naman kasi may dapat pang masgasaan, at kung di ako nagkakamali ang setting ng lugar ay nakalayong may masgasaan, ewan ko lang kung may ganoon ng insedente doon...

7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito?
-wala na akong maalala...pero ang galing ng sagot ni Jzhun


message 11: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
RYAN

Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan. Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman.

1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?

Hindi. Mula high school hanggang masteral, private school ako e. Di kami mayaman kaso yon ang mga pinaka-accessible.

2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?

Umibig sa bestfriend. Sayang ang friendship kasi nilayuan nya ako noong sinabi ko.

3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.

High school. First girlfriend ko ay nabuo dahil sa pini-pair-pair kami. Tapos parang out of 10 eh kami na lang ang wala so sabi nila kami na lang daw. So, kami haha. Patay na sya ngayon at wala kaming closure bago sya namatay.

4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila palagi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe. Parang di ako naging torpe sa pagsasabi ng nasa loob ko. Pero torpe ako sa action: first holding hands, first kiss, first pempem. Normally, girl yong nagi-initiate kasi nahihiya ako haha.

5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo? Oo. Yon ngang bestfriend ko noong college. Pero noong magtapat ako, lumayo sya.

6. Kung kayo ang masusunod? sinu sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit? Silang dalawa. Parang Romeo and Juliet. Parehong tsugi.


7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito? Wednesday pala ngayon hahaha!


message 12: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Medyo personal na mga tanong:

Naging baliw ba kayo sa pag-ibig noong college. Naka ilang kasintahan kayo noong nag-aaral pa lang? Seryoso ba lahat? Marami bang firsts sa mga panahong iyon???? Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? minahal mo ba talaga sila? Na miss mo ba sila? Ok lang ba na maging magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon????! DI PA RIN MAKA MOVE-ON?! HA!

Hindi ako nabaliw noong college. Yong isa, nagkaroon ng third party so break na kami (kahit walang nagsabing break na kami - understood na yon). Inum inom ako noon kahit magisa. Pero di naman gumuho ang mundo ko. Kasi inisip ko mabuti na nga yon, hanggang maaga.

Yong pangalawa, yon nga bestfriend ko, tapos na-fall ako. Noong magsabi ako, hindi sya nagsalita tapos iniwasan na nya ako. Ganoon lang. Masakit. Pero inisip ko mas maigi na nga yon at least nasabi kong gusto ko sya.

Dalawa lang yan noong college. Iba yong after college hahaha. Seryoso ba sila? Ay, hindi ako nakipagrelasyon na di ako seryoso. Para sa akin sagrado ang pag-ibig.

Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? Hindi po. Babae po sila hahaha! Natawa ko rito, Ronie.


message 13: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments K.D. wrote: "Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? Hindi po. Babae po sila hahaha! Natawa ko rito, Ronie. "

Haha, sorry nmn KD. Personal na tanung kasi yan, may pinapatamaan :D hahaha


message 14: by Maria Ella (last edited Dec 08, 2015 04:04AM) (new) - rated it 2 stars

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Wait! Making habol!!!
RYAN

Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan. Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman.

1. Sa isang state university ka rin ba nag-aaral nang college? Naranasan mo rin ba ang mga ganitong hadlang sa pagpasok ng school?

OO. Ganitong-ganito. Dahil kapareho ko sila ng paaralan. At proud accountancy graduate ako. Sa pagpasok sa school, matinding kakampi ko ang 24/7 na internet shop, ang PNR na may Php12 ticket to Alabang, at ang Php12 per unit.

Noong nagsisimula akong maghanap ng work, may stigma ang pagiging alumna kapag tina-target mo ang mga Multinational firms. Kailangan mabangis ka sa college days mo, or kasali sa org, or top-notcher ka sa board exam. Maswerte lang ako (view spoiler)

2. Pwera sa pag-ibig, tulad ni Ryan na pumasok kahit walang pasok, anung katangahang nagawa mo habang nag-aaral ka?

Nangyari ito hahahah sorry. Maliban rito, may mga panahong nag-DOTA ako magdamag bago ang departmental exam - at sumabak sa test na walang tulog. Boom! 28/70 ang score. I REGRET NOTHING

3. Pagdating naman sa pag-ibig. Nakakarelate ka ba sa mga ganitong usapin. Maari mo bang ikwento ang sarili mong karanasan sa pag-ibig noong nag-aaral ka pa. Para doon sa mga nagbibilang, magbigay lang ng isa.

Unrequited love with a college friend, jinowa ako ng tatlong araw. (view spoiler)

4. Kinakausap ka rin ba ng utak at puso mo? salungat ba sila palagi? O sa madaling salita, naging torpe ka ba? at kung babae ka’y naranasan mo na bang magpakita ng unang motibo sa mga torpe?

Sa college walang ganitong case, yung 3-day boyfriend lang. Tsaka malandi kasi ako, kaya in-sync lang ang utak at puso. Lalo na nung nagwowork na ako, maraming beses na akong nagpakita ng unang motibo - at sa kahit na sinong lalake - basta type ko.

5. Nagkaroon ka rin ba ng “best friend” na hindi mo kapwa kasarian? Naging magkaibigan lang rin ba kayo?

Yes. (view spoiler)

6. Kung kayo ang masusunod, Sinu sa tingin nyo ang dapat masagasaan sa pagtatapos ng kwento? At bakit?

Si Ryan lang. Kasi ang mga babae mas tuod sa nararamdaman nila, base sa tono ng pagkakasulat ng unang bahagi ng aklat na ito. Tuod ang mga babae pagdating sa pagtatapat ng pag-ibig

7. Panghuli. Anu ang gusto mong linya sa kwentong ito?
[Wala akong maisip. To be answered after re-reading.]


Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Rebecca
Ang pag-ibig ay parang pagtawid sa kalsada. Maraming maaaring mangyari na babago sa takbo ng buhay mo, ng taong mahal mo at ng taong nasa paligid mo. Bawat hakbang ay isang pagsugal na maaaring hindi ka na makarating sa kabilang dulo o pag-asang sa lugar na pupuntahan mo'y may isang taong matagal nang naghihintay sa'yo. Mahirap salungatin ang gulong ng tadhana. Mahirap kalabanin ang agos ng kapalaran. Mahirap.

Si Rebecca ay Service crew sa isang restawran sa umaga; Marketing student sagabi; at writer sa hilig. Nagsusulat sya ng mga love stories sa college newspaper nila. At isa sa mga not-so-happy-ending stories nya ay ang kwento nila Ryan at Maria. Bakit ba sya ganito? Baka dahil masalimuot rin ang lovestory n'ya. buti na lang may bestfriend syang always na masasandalan.


1. Anung course ang kinuna nyo sa college? Naging ok rin ba ang kinalabasan neto?

Accountancy. (view spoiler)

2. Nakarelate ka ba kay Becca na nagt-trabaho sa umaga para makapag-aral sa gabi? Anung naging sideline nyo dati para makatulong sa magulang na mapaaral ang sarili?

DOTA-tactic. Naglalaro ako ng online games na may mga pustahan, tapos kapag nanalo ka, free use of internet and computer - WANTUSAWA. Uso yan circa 2005-2007.

3. May mga extra curricular activities ka rin bang sinalihan tulad ni Rebecca? Kwento!

One-time sumali ako sa "WALK OUT! WALK OUT!" at binigyan ako ng Php500 "piyansa allowance" na kapag nahuli kami sa Mendiola eh bahala na kami sa buhay namin. Awa ng diyos, walang nangyari, nakapag-uwi pa ako ng 500. hindi ko lang maalala anong pinambili ko.

4. Ni minsan ba'y naging pilyo rin kayo't nagsusulat-sulat rin sa kung saan-saan sa school? Tulad ni Becca na ginamit ang upuan para makahanap ng tadhana. Hahaha May napala rin ba???

Wala, mabait akong bata. Pero nagbabasa ako ng mga ganun sa CR. Nakakaloka, andaming mga batang may angst sa sintang paaralan.

5. Paano kung maranasan mo yung pangyayaring magkatagpo ang landas nyo ng taong nanakit sa'yo, sa puso mo? Matataranta ka rin ba gaya ni Becca?

Hindi. Kung may taranta man, eh akting na yun. Lalo na kapag nakita ka ng kaibigan mong lalaki na aligaga ka (view spoiler)

6. At kung nangyari na rin ito sa'yo, ganun rin ba ang reaksyon nung taong yun sayo? Na parang walang nangyari? Na para bang nabura sa alaala nya ang mga sakit na pinaranas nya sayo? na nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng mga salitang binitawan nya noon? Ang kapal noh?! wow ha!

[TO ANSWER LATER, BUSY WITH 12VP VALUATIONS]

7. Pero, anung balita mo sa mga ex mo ngayon? Di rin ba tumagal ang relasyong ipinalit nya sa kung anung meron kayo? Sa tingin nyo rin ba'y pwedeng magkaroon ng second chance.

(view spoiler)

Additional Questions..

Anung best part o linya sa kwentong to para sayo? "Go fight lang ang motto in life"

From Becca's bebeboy, Anu-ano rin ang mga kadiring naging tawagan nyo dati ng mga naging kasintahan mo? (view spoiler)


message 16: by Maria Ella (last edited Dec 08, 2015 08:24AM) (new) - rated it 2 stars

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Habol ulit~

Medyo personal na mga tanong:
Naging baliw ba kayo sa pag-ibig noong college. OO SINO BANG PAPATOL SA JUMOWA SA IYO NG TATLONG ARAW?
Naka ilang kasintahan kayo noong nag-aaral pa lang? Seryoso ba lahat? Isa, at hindi pa seryoso. #sadlyf
Marami bang firsts sa mga panahong iyon???? Wala, tatlong araw eh huhu
Naiisip nyo pa rin ba hanggang ngayon yung mga lalaking iyon? Keri lang, kasama siya sa 2AM random thoughts
Minahal mo ba talaga sila? Na miss mo ba sila? Minahal nung college, hindi ko namimiss
Ok lang ba na maging magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon????! DI PA RIN MAKA MOVE-ON?! HA! NAKAMOVE ON NA AKO OMG GRABE TO. Tsaka friends kami nun, yun lang, hindi close.


Rebecca
6. At kung nangyari na rin ito sa'yo, ganun rin ba ang reaksyon nung taong yun sayo? Na parang walang nangyari? Na para bang nabura sa alaala nya ang mga sakit na pinaranas nya sayo? na nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng mga salitang binitawan nya noon? Ang kapal noh?! wow ha!

Alam mo nung nagkita kami... (view spoiler)


message 17: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments Sadlife naman pala kay Ella. 3 Days lang talaga? So anu pang inagkakaabalahan mo sa loob ng ilang taon sa college kung 3 days lang ang Jowa. DOTA??? hahaha


message 18: by Billy (new) - added it

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments nakabili na ng kopya.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan


1. Anung course ang kinuna nyo sa college? Naging ok rin ba ang kinalabasan neto?

Uhhmmm, out-of-school youth po ako so hindi kailangang maging genius kung ano naging resulta ng buhay ko ngayon. E, di ito, pariwara.

2. Nakarelate ka ba kay Becca na nagta-trabaho sa umaga para makapag-aral sa gabi? Anung naging sideline nyo dati para makatulong sa magulang na mapaaral ang sarili?

Nakakarelate ako kasi naging crew ako dati sa KFC. Hindi talaga biro magtrabaho sa fast food at bawal na bawal umabsent kapag Linggo dahil doon maraming kumakain sa store. Nakakaiyak din kapag endo ka na o end of contract. Kasi panibagong hanap na naman ng mapapasukan. Doon lang sa nag-aaral part ako di makarelate. Para turuan na rin ang sarili syempre, bumibili ako ng murang books sa Recto. Libangan at simpleng pagtuturo na rin sa sarili. Alam ko ang pasikot-sikot ng Recto.

3. May mga extra curricular activities ka rin bang sinalihan tulad ni Rebecca? Kwento!

Oo marami akong "extracuricular activities". If you know what I mean! Hihihi! :3

4. Ni minsan ba'y naging pilyo rin kayo't nagsusulat-sulat rin sa kung saan-saan sa school? Tulad ni Becca na ginamit ang upuan para makahanap ng tadhana. Hahaha May napala rin ba???

Oo naman! Noong high school nagvavandal sa upuan. Pero never ang kalandiang ginawa ni Becca. Ang lalaki nagba-vandal lang 'yan kung kinakailangan patunay d'yan ang mga vandal na makikita sa CR ng lalaki o sa mga bus na kalimmitang nagasasabi ng "Good time? Call me 0923-tiririt-tiririt.

5. Paano kung maranasan mo yung pangyayaring magkatagpo ang landas nyo ng taong nanakit sa'yo, sa puso mo? Matataranta ka rin ba gaya ni Becca?

Matatameme. At syempre magbabalik ang mga dating sakit na nadarama.

6. At kung nangyari na rin ito sa'yo, ganun rin ba ang reaksyon nung taong yun sayo? Na parang walang nangyari? Na para bang nabura sa alaala nya ang mga sakit na pinaranas nya sayo? na nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng mga salitang binitawan nya noon? Ang kapal noh?! wow ha!

Naku,lahat naman ng ganyang asta na walang nadarama, nagmamatapang effect lang 'yan. Syempre, kung makikita mo uli yung taong dati mong minahal babalik pa rin ang sakit somehow.

7. Pero, anung balita mo sa mga ex mo ngayon? Di rin ba tumagal ang relasyong ipinalit nya sa kung anung meron kayo? Sa tingin nyo rin ba'y pwedeng magkaroon ng second chance. (view spoiler)

Actually, wala na kong pake sa kanila. Basta pinagdarasal ko na lang na king nasaan man sila sa ngayon, masaya sila.


Additional Questions..

Anung best part o linya sa kwentong to para sayo?


Muli ito pa rin ang pinakamagandang linya sa kuwento: "|"


From Becca's bebeboy, Anu-ano rin ang mga kadiring naging tawagan nyo dati ng mga naging kasintahan mo?

Lagi 'yung mga nakakarelasyon ko ang term of endearmwnt ko ay "sinta". Oo, ganyan ako ka-sweet. Wag ka nga!


Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Alam mo medyo speculative fiction yung ke jzhun (view spoiler)

WAG KA NGA BABA! magaling ako mag-ragnarok at gunbound nung kabataan ko. Kaya nang maexperience ang pagbagsak sa isang major eh pak aral galore. Ganun ang epekto ng mga online games. Life-changing charot. Uu sad life. Mas lumandi na ako nang magkawork at mag-gradskul ako huhu


message 21: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments Para mas maging interesting itong online discussion.

Gawin natin tong "kunyari" post-modern. Hahaha! Pero baliktad muna. Tayo ang kakausap sa characters. Magtanung kayo sa unang tatlong tao sa libro ng gusto nyong itanung. Malay nyo, sumagot :p haha

Halimbawa, kay Ryan:

1. Kuya, taga saan ka ba? bakit kailangan danasin mo talaga ang pagsaka ng Bus pa Cubao at mag Jeep? Wala bang alternative route para di na namin makita ang pink na gulong ng jeep?

2. ang kinaiinis ko, nung kumuha ka ng upuan dahil nagpaka"gentleman" ka kay Maria, Bat di mo iniwan ang bag mo sa loob para di ka masabihang late nung prof nyo? ang tanga mo po.


Becca:

1. Teh, ang gulo mo mag kwento. ~*~ Pero matanung ko lang, Sino yung tinutukoy nung ex mo na nakita ka daw nya na may lalaking kasama pagkatapos makipaghiwalay ni Nicco sayo?

Nicco.

1. Isa ka pa, bat di ka na lang tumuloy sa Canada nung nalaman mong may pinalit na pala sayo si Becca? Di mo ba naisip na mas makakalimutan mo sya doon?

2. At no hard feelings, bakit PUP agad after ng UP,UST,La Salle at Ateneo na pinagpipilian mo? May kaya naman kayo ah!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maria Ella wrote: "Alam mo medyo speculative fiction yung ke jzhun [hindi ko alam kung totoo huhuhu ano ba itu!!!"

Bakit naman? Kung ano mang preconception ang mayroon ka tungkol sa akin, itapon mo na 'yan. Maniwala ka! Hahaha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ang daming echos ng book moderator.

Ang hahaba na nga ng tanong may kung anong achuchuchu pa. Hahaha!


message 24: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments jzhunagev wrote: "Ang daming echos ng book moderator.

Ang hahaba na nga ng tanong may kung anong achuchuchu pa. Hahaha!"


Friend, Wala pang kalahati ng buwan, pero Kalahati na ang libro. So boring kung tanung tanong lang. Wala namang kaso kung di sagutin :p Ang goal ay mabuhay ang online discussion kasi dito tayo nagsimula. :D


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kung sana lang bagong book ni Marcelo ang prize sa buwis-buhay discussion na 'to. *buntong-hininga*


Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Mga bakla: ang babata nyo pa lakas nyo makaissue sa pag-ibig. Juiceko bakit hindi kayo mag-aral? Nagawa nyo pang sumulat sa upuan. Kaya kayo mahihina sa accounting 101 eh. Debit-credit hindi nyo nagegets. Puru kayo kilig kilig. Sa tingin nyo mapapakain kayo nyan?! HAAAAAAAAA?!?!!?!?!?!!?

oo beast mode si ateng, pasensya na baba.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ella, pitikin mo rin ang sarili mo para reality check.
Sambitin ang sumusunod na mantra:

Romance ito.
Romance ito.
Romance ito.


Honeypie (honeypiegb) | 219 comments RYAN

1. Oo, sa state university ako nag-aral. Isang beses lang ang naalala kong nagmadali ako pagpasok ng school. Nagrally kasi yung mga jeepney drivers, so walang jeep papasok ng UP! Ang daming estudyanteng nag-aabang sa Philcoa! So nagtaxi kasama ng 3 pang estudyante na hindi ko kakilala. Hindi ko na rin sila maalala kasi hindi naman kami nagchikahan papuntang school. Siguro, nagmamadali lahat at wala sa mood makipag-usap.

Pero other than that, wala na akong maalala na nagmamadali ako pumasok. Medyo tamad din kasi ako pumasok sa klase, so kebs. Hahaha!

2. Ay may ganun. Tanga agad. Haha! May mga embarrassing moments siguro, pero 'tanga' moments? Siguro every moment is a tanga moment when you're.... learning? Haha! Ang serious.

3. Babae kasi ako. Hindi ako "fan" ng aamin ka sa isang tao na gusto mo siya. Eventually, mapapansin niya. Kasi siguro may sinabihan kang kaibigan na ubod ng daldal, tapos inaasar ka na sa harap ng tipo, hanggang sa nalaman niya na nga. Pero yung sasabihin ko sa lalaki na gusto ko sya? It was never a problem.

BUT. Marami akong tipo nung college, na nalaman din nila na tipo ko sila.

Hurt-hurt-an nung nalaman na hindi ka nila gusto, o nung nagkaron na sila ng gf. Pero ok lang. May bitter moments, but it's part of life.

(I'm blabbing. Haha!)

4. Hindi ako kinakausap ng puso at utak ko. That's just for weird people... joke. Baka may tamaan. Hahaha!

Baka nga may mga pagkakataon na nagpakita ako ng motibo sa taong gusto ko na torpe. Dalawa lang yung naging resulta nun: a) paninindigan niya talaga yung katorpehan niya, b) friendzoned.

5. Not really 'best friends' na tawagan. But really close friends. Karamihan ng kaclose ko nung college ay mga lalaki. Siguro kasi yung mga babae sa barkada namin, mahilig mag-aral. Ako, hindi masyado. (view spoiler)

6. Si Ryan. I've had enough of his... self-talks. > : )

7. "Hindi ba pwedeng magmahal na lang at maging maligaya? Good vibes naman."

Ang benta nito e. Haha!

Gusto ko rin yung scene na (view spoiler)... Eto, tanga moment. Hahahaha!

Medyo personal na mga tanong

Ronie: may hugot ba to? I mean, si Clare lang ba ang gusto mong sumagot nito? Hahaha!

Mga tanong kay Ryan:

1. Anong course mo? (Kung sinabi naman na to bago pa, nakalimutan ko na.)

2. Mahal mo ba talaga si Maria? Bakit mo sya mahal? Hindi ko kasi magets.


Honeypie (honeypiegb) | 219 comments REBECCA

1. Statistics ang course ko. Mukhang okay naman ang kinalabasan ko. Haha.

2. Sorry, hindi e. Di ako nagworking student. I'm blessed, in a way, that my family can provide for what I need. So kahit nasabi ko na tamad ako mag-aral nung college ako, I still try to do my best sa school. Kahit "mura" ang tuition ko, hindi ko hinahayaang bumagsak ako sa subject.

3. Meron! Member ako UP Marine Biological Society (UP MBS). Skin diving org sya. Hilig ko kasi ang dagat, ang ilalim nito, ang mga hayop sa ilalim ng dagat, at ang pangangalaga sa kalikasan. : D

4. Hindi ako pilyo/pilya. Hindi ako nagsusulat kung saan-saan lang. Hahaha! I think nag-vandalise rin ako at some point. [un]fortunately, wala akong nakakwentuhan through these vandalisms.

Hindi ginamit ni Becca ang upuan para makahanap ng tadhana. Ginamit siya ng upuan para matupad ang tadhana niya...(view spoiler)

5. Malamang. Lalo na kung hurt pa ako. But I believe that time, among other things, heals all wounds.

6. Each to his/her own healing.

7. Not applicable. (view spoiler)

Additional Questions:

Best part: Kung marunong kang magmahal, marunong ka ring magpatawad.


Hindi kadiri ang mga tawagan kung masaya kayo sa isa't isa. : ))

Mga tanong kay Becca:

1. Kinikilig ka teh?

2. Bakit di mo type si sir Matt? Anong wala sa kanya, na meron para sa iba?

3. Bakit hindi mo patatawarin si Nikko, kung sakali?


message 30: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments Honeypie wrote: "Hindi kadiri ang mga tawagan kung masaya kayo sa isa't isa. : ))"


wow! big words!! hahaha


message 31: by Maria Ella (last edited Dec 21, 2015 02:34PM) (new) - rated it 2 stars

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ang tindi ng galit ni Adeng sa tyopeng si Ryan ahahahahahaha


message 32: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments sorry guys na late mag-update. kakatapos lang kasi magbasa ng tita ko after ng pinsan ko. NKKLK nga, sa dami kung dinalang libro sa bahay, ito lang ang binasa nila :/




Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Nice! At least nagbabasa : )


message 34: by Ronie (last edited Dec 28, 2015 02:35AM) (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments NICCO

Ito ang may pinakamahabang kwento, nandito yung mga flashbacks and revelations. Pero to sum-up naman ay tungkol ito sa pakikipaghiwalay, hiwalay na, at pakikipagbalikan.

Sa usaping hiwalayan, may matatawag ba kayong worst hiwalayan na nangyari sa inyo? Tulad nang naging paraan ni Nicco na parang tanga lang.

Pagkatapos ng hiwalayan, may pinampalit ka rin ba kaagad? na nauwi sa totohanan hanggang tumagal? Na di naglao'y nagkahiwalay rin! hahaha

Pero siguro ang magandang tanong ay, posible ba talagang magkabalikan ang mga naghihiwalay lalo na't ilang taon na ang nakalipas?


Honeypie (honeypiegb) | 219 comments NICCO

Sa usaping hiwalayan, may matatawag ba kayong worst hiwalayan na nangyari sa inyo? (view spoiler) Tulad nang naging paraan ni Nicco na parang tanga lang. (view spoiler)

Pagkatapos ng hiwalayan, may pinampalit ka rin ba kaagad? (view spoiler)na nauwi sa totohanan hanggang tumagal? (view spoiler)Na di naglao'y nagkahiwalay rin! (view spoiler) hahaha

Pero siguro ang magandang tanong ay, posible ba talagang magkabalikan ang mga naghihiwalay lalo na't ilang taon na ang nakalipas? (view spoiler)


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nikko

Sa usaping hiwalayan, may matatawag ba kayong worst hiwalayan na nangyari sa inyo? Tulad nang naging paraan ni Nicco na parang tanga lang.

Case to basis din kasi. Pero anu't ano pa man, mahirap talaga ang pakikipaghiwalay sa isang relasyon. Babaha talaga ng luha, di 'yan maiiwasan dahil may gustong kumalas, at mayroong gustong manatili pa rin ang pagsasama. Of course, may naghihiwalay rin naman on mutual terms lalo na kung sa pakiramdam ng dalawang partido na wala nang patutunguhan ang kanilang pagsasama.

Honestly, yung dahilan ng pakikipaghiwalay ni Nikko dito ako naeengot, e. Bakit di na lang niya sinabi na aalis na siya patungo sa Canada in the first place? Imbes na hindi gaanong masaktan, e mas naging malubha pa nga ang pakikipaghiwalay niya kay Becca. Hindi ba niya naisip na by saying na may mahal na siyang iba ay nagigign selfish siya? Sa akin, di gagawin ng matinong lalaki 'yan. Well di naman matino si Nikko, e. Hahaha!


Pagkatapos ng hiwalayan, may pinampalit ka rin ba kaagad? na nauwi sa totohanan hanggang tumagal? Na di naglao'y nagkahiwalay rin! hahaha

Hindi naman ako ganun. Wala. Siguro para sa next relationship I want it to bloom on its own, as naturally as possible. 'Yang rebound relationship ay ego tripping lang naman, pagmamayabang na inspite of the break up ay nananatiling matibay pa rin daw kuno. Na matapos daw ang lahat ay hindi naapektuhan. Tsarot niyo!


Pero siguro ang magandang tanong ay, posible ba talagang magkabalikan ang mga naghihiwalay lalo na't ilang taon na ang nakalipas?

Again, case to case basis pa rin. May mga naghihiwalay naman talagang sila naman pala hanggang sa huli. Tingin ko sa ganitong pagkakataon, space lang ang kailangn ng isa't isa. May mga iba kasi na kung magmahal gusto parang kambal-tuko na na ayaw maghiwalay. Nangyayari ang mga bagay. Tingnan n'yo na lang si Yani at asawa niya. Sila talaga ang example! Bahahaha!


message 37: by K.D., Founder (last edited Dec 31, 2015 01:46AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
BECCA

1. Anung course ang kinuna nyo sa college? Naging ok rin ba ang kinalabasan neto?

Oo. Med Tech (Saint Louis U - Baguio) ang una kong kurso. Magme-med sana kaso walang pera. Then Commerce (Saint Benilde - Taft) ang second course ko. Working student na ako nito nun. Pareho ko namang nagamit. Pag dating sa mga bulate sa tyan o dugu-dugo, alam ko pa yan.

2. Nakarelate ka ba kay Becca na nagt-trabaho sa umaga para makapag-aral sa gabi? Anung naging sideline nyo dati para makatulong sa magulang na mapaaral ang sarili?

Nagtratrabaho pag summer at semestral breaks sa college kapag di umuwi sa Quezon. May shoe store ang lolo ko sa palengke sa Baguio at doon ako nakatayo maghapon. Ang suweldo ko (this was in the early 80's) ay P5.00! Pero ang stepin ay P20 lang at natatandaan ko noon na naibili ko ang ate ko ng stepin from my salary.

3. May mga extra curricular activities ka rin bang sinalihan tulad ni Rebecca? Kwento!

Med Tech Org lang. Wala nang time para sa extra curricular. Ganoon din sa Benilde. Honor Society lang tsaka yong Marketing Circle. Masaya yong Honor Society kasi puro kayo mga dean's lister so org ng matatalino.

4. Ni minsan ba'y naging pilyo rin kayo't nagsusulat-sulat rin sa kung saan-saan sa school? Tulad ni Becca na ginamit ang upuan para makahanap ng tadhana. Hahaha May napala rin ba???

Nagsulat din. Kodigo! :)

5. Paano kung maranasan mo yung pangyayaring magkatagpo ang landas nyo ng taong nanakit sa'yo, sa puso mo? Matataranta ka rin ba gaya ni Becca?

Hindi. Galit ka roon sa tao e. Paano ka matataranta. Unless, mahal mo pa gaya ng nangyari kay Becca.

6. At kung nangyari na rin ito sa'yo, ganun rin ba ang reaksyon nung taong yun sayo? Na parang walang nangyari? Na para bang nabura sa alaala nya ang mga sakit na pinaranas nya sayo? na nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng mga salitang binitawan nya noon? Ang kapal noh?! wow ha!

Kuwento lang naman ito so hindi totoo. Normally, yan kung totoong nasaktan di ka na rin papansin nyan.

7. Pero, anung balita mo sa mga ex mo ngayon? Di rin ba tumagal ang relasyong ipinalit nya sa kung anung meron kayo? Sa tingin nyo rin ba'y pwedeng magkaroon ng second chance. (view spoiler)

Wala, may asawa na. Lahat sila. Yong isa patay na. Magkakaroon ba kami ng second chance? Wag naman noh.

Additional Questions..

Anung best part o linya sa kwentong to para sayo?

Wala eh. Sorry ha. Wala akong nagustuhang specific kay Becca.

From Becca's bebeboy, Anu-ano rin ang mga kadiring naging tawagan nyo dati ng mga naging kasintahan mo?

Wala rin. Kahit kami ng wifey ko ngayon, wala. Pabebe kasi. Lakas maka-highschool. :)


message 38: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
NIKKO

Sa usaping hiwalayan, may matatawag ba kayong worst hiwalayan na nangyari sa inyo? Tulad nang naging paraan ni Nicco na parang tanga lang.

Oo. Pero hindi sa girlfriend. Friend lang. Away na sobrang nakakarindi dahil sa social media sya naglalabas ng paninira. Naturingang religious kuno. Hay... pag naaala-ala ko sobrang traumatic makipagkaibigan.

Pagkatapos ng hiwalayan, may pinampalit ka rin ba kaagad? na nauwi sa totohanan hanggang tumagal? Na di naglao'y nagkahiwalay rin! hahaha

Doon sa friend? Wala. Natuto na ako. Di na ako nakikipag-close. Tama na ang wifey at daughter ko. Nag-ilusyon din kasi ako na puwedeng maging friend talaga ang isang mas bata sa iyo. Feeling bata rin ako noon. Di pala puwede.

Pero siguro ang magandang tanong ay, posible ba talagang magkabalikan ang mga naghihiwalay lalo na't ilang taon na ang nakalipas?

As friend? Depende sa circumstances. Kahit lovers, puwedeng magbalikan lalo na kung pareho pa kayong single. O single na. :) as in pareho na kayong senior citizens at balo na. Why not di ba? Parang Sixty in the City lang ni LB.
-----------------------------------------------------------------
Para mas maging interesting itong online discussion.

Gawin natin tong "kunyari" post-modern. Hahaha! Pero baliktad muna. Tayo ang kakausap sa characters. Magtanung kayo sa unang tatlong tao sa libro ng gusto nyong itanung. Malay nyo, sumagot :p haha

Halimbawa, kay Ryan:

1. Kuya, taga saan ka ba? bakit kailangan danasin mo talaga ang pagsakay ng bus pa Cubao at mag jeep? Wala bang alternative route para di na namin makita ang pink na gulong ng jeep?

2. Ang kinaiinis ko, nung kumuha ka ng upuan dahil nagpaka"gentleman" ka kay Maria, Bat di mo iniwan ang bag mo sa loob para di ka masabihang late nung prof nyo? ang tanga mo po.


Tanong ko kay Ryan:
Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Notebook lang yan ano? Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo paano ang pagtawid sa kalsada?


Becca:

1. Teh, ang gulo mo mag kwento. ~*~ Pero matanung ko lang, Sino yung tinutukoy nung ex mo na nakita ka daw nya na may lalaking kasama pagkatapos makipaghiwalay ni Nicco sayo?


Tanong ko kay Becca:
Becca, di ka man lamang ba nagduda na si Nicco yong kasulatan mo sa desk? Sa tagal ninyong mag-on, di mo kilala ang handwriting niya? Yon ngang officemate ko sa kris kringle, agad nakilala ang sulat ko. Eh di ba di na uso ngayon ang nagsusulat sa office? Pirma pirma na lang nagagamit ngayon ang ballpen. Tsaka pag nasa meeting at bawal ang laptop at cellphone.


Nicco.

1. Isa ka pa, bat di ka na lang tumuloy sa Canada nung nalaman mong may pinalit na pala sayo si Becca? Di mo ba naisip na mas makakalimutan mo sya doon?

2. At no hard feelings, bakit PUP agad after ng UP,UST,La Salle at Ateneo na pinagpipilian mo? May kaya naman kayo ah!


Sagot ni Nicco
Pakialam mo!

Tanong ko kay Nicco
Di mo ba alam na mas may future ang singer kaysa writer?



Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ayoko na sagutin ang kay Nicco. Nakakaewan kasi hahahaha


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Becca:

1. Teh, ang gulo mo mag kwento. ~*~ Pero matanung ko lang, Sino yung tinutukoy nung ex mo na nakita ka daw nya na may lalaking kasama pagkatapos makipaghiwalay ni Nicco sayo?"


Ito! Isa pa ito sa mga nakakaurat na loophole sa kwento. Ayaw kong tawaging deus ex machina kasi ang palusot ni Becca doesn't deserve to be called on such a term.

Ang totoo naman talaga, may paggalang ako sa mga, writer, pero sana galangin din nila ang logic ng kanilang mambabasa. Ahahaha!


Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Tapos na ba ang discussion dito? Anyare? Haha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ituloy na lang daw sa Sabado. Hahaha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Bukas na ang pinakaaabangang Panayam para sa nobelang ito. Kita-kits mga tohl!


Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Uy grabe, Adrian haha


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments grabeh ang saya ng Marcelo Genaro discussion bitin! hehe


message 46: by Ronie (new) - added it

Ronie Padao | 134 comments Haha! maraming salamat sa mga pumunta!!! Sana nga naging memorable ang panayam na yun :p

Best for me so far :p hahaha medyo bias. :p


message 47: by K.D., Founder (last edited Jan 23, 2016 06:10PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ronie wrote: "Haha! maraming salamat sa mga pumunta!!! Sana nga naging memorable ang panayam na yun :p

Best for me so far :p hahaha medyo bias. :p"


Oo. Best sa 2016! Kasi yan pa lang hahaha.

Ang kalaban nyan so far ay ang It's a Mens World ni Clare. Masaya rin yon sa mga rebelasyon. Uminit ang hangin na ibinubuga ng electric fan dahil sa init ng mga sagot ni Bebang Siy hahaha.

Sa Hopeless Romantic, di ko alam kung may uminit. Ang alam ko lang ay lamig na lamig si Ruel hahaha.

Sa MSOB? May iinit? Tingnan natin... lol


back to top