Pinoy Reads Pinoy Books discussion

42 views
Mga Tipanan > Intramuros Field Trip (Sabado, Marso 1, 2014)

Comments Showing 1-35 of 35 (35 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (last edited Mar 01, 2014 03:33AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
May invite na tayo para sa INTRAMUROS FIELD TRIP.

Sa Binondo nagsimula ang Noli at nagwakas ang Fili. Well, almost. Doon kasi ang piging sa bahay ni Kapitan Tiago at doon sa Fili yong sumabog ang ilawan sa ilog ay sa bahay ding iyon.

Kaya doon tayo sa Binondo magfi-field trip.

Anong mga activities ang gusto ninyong gawin? Bukod sa paglalakad sa Plaza Binondo, pagkain ng hopia sa Eng Bee Tin at mami/congee sa Wah Ying?

Di nyo ba nami-miss ang PRPB?

Join na. Simple lang ito. Di na kailangang mag-biyahe. Tsaka di siguro uulan kagaya noong sa La Loma hehe!


message 2: by Ernest Genesis (new)

Ernest Genesis (ernestgenesis) | 20 comments excited na ako para dito Kuya doni! haha.


message 3: by Juan (new)

Juan | 1532 comments so siguro sa Field Trip nato, gusto kong kumuha ng mga larawan, puntahan ang mga historical landmark, puntahan ang simbahan, damhin ang paligid at makipagkuwentuhan at makipagkuwentuhan! hahah! ayos!


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments Game ako dito!


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Sige, kahit tayong apat lang. Ituloy natin ito.

Basta di maputol ang field trips ng PRPB. Gawin nating masaya ito at dadami rin tayo.

Sa Abril, sa Binan (Laguna) Field Trip tayo. Di pa ako nakarating doon. Feeling ko yan ang San Diego ni Rizal. Malamang, di ba?


message 6: by K.D., Founder (last edited Feb 22, 2014 10:15PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Sa Sabado na ito. Yong mga sasama, dahil konti lang yata, puwedeng sumabay sa akin papunta roon. Walking is a good form of exercise so lakad-lakad tayo sa Binondo habang kumakain ng Eng Bee Tin. Daan pati tayo sa Binondo Church para i-admire ang loob at labas ng simbahan. Mag-gala tayo sa Binondo. Pasyalan natin ang mga tindahan ng mga chinese at mag-explore ng mga gamot nila. Tara!!!

Yong mga sasama sa Binondo Field Trip alis tayo sa McDo QAve MRT Station ng 12:30pm. Text nyo na lang ako o mag-post kayo dito sa ibaba.

Puwedeng sumama kahit di pa nakapag-basa ng Noli o Fili pero sana magbasa kayo ng reviews o blogs para may mai-share kayo kahit paano.


message 7: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Sama ako. :)


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mga Sasama (so far)

1. K.D.
2. Po
3. Aica
4. Clare

Sino pa???

Basta tuloy ito. Kahit magisa lang ako, itutuloy ko ito hehehe.


message 9: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 994 comments Kuya D, titingnan ko. Gusto kong sumama kaso di ako familiar sa place at... may trangkaso ako, nakakaloka. Ilang araw na akong may-sakit. Gagaling ako tapos pag gabi, babalik. Kapag walang OT ang hubby ko sa Sabado, yayakagin ko... we'll be there. :) Hopefully. Pero tentative muna :) Thanks!


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Okay lang. Basta tuloy tayo. Baka nga umaga pa lang pupunta na ako roon. Parang gusto kong mamasyal sa Intramuros. Gusto kong pumunta doon sa CBCP, titingin ng religion books.


message 11: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ang Binondo ay tinaguriang OLDEST CHINATOWN IN THE WORLD! ayon sa wiki. Tindi lang!


message 12: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Kung umaga pa lang pupunta ka na sa Manila, kuya SAMA AKO!!


message 13: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments May itinerary na po? Basta dadaan na lang ako sa inyo. :) Malapit lang naman ang Binondo sa PNU, isang sakay lang. Sa umaga lang hindi ako pwede dahil may klase ako.

Kuya D, padala ng An Abundance of Katherines ah. Naheheksayt na kong mapasakamay eh. Hahaha lol.


message 14: by Juan (new)

Juan | 1532 comments bukas na to! handa na ba kayo? kita-kits! Binondo papunta na kami dyan....


message 15: by Juan (new)

Juan | 1532 comments so mabundok pala dati sa lugar ng Binondo dahil nagmula ang pangalan nito sa salitang Binondoc o Binundok na ang ibigsabihin ay Mabundok. Mabundok daw kasi ang terrain sa part na yan.

ngayon wala ng bakas ng mga bundok.

sana mapuntahan natin ang simbahan, ang tulay maging ang ilang historical landmark sa lugar na to. Pichur-pichur! tapos punta tayo dun sa Arko ng Pagkakaibigang Pilipino-Tsino.

tapos kuwentuhan tayo ng tungkol sa Noli. ayos ba? baka may iba pa kayong trip, sabihin nyo lang! :P


message 16: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Alam ko pinuntahan nila Cheska nung high school yung bahay ni Kapitan Tyago eh (assignment sa kanila teacher nila). Tatanong ko nga kung saan banda. Tapos dun nga sa Intramuros, sa Fort Santiago, kaso wala nang settings ng Noli dun, pero at least may koneksyon kay Rizal kasi dun sya huling kinulong bago binaril sa Bagumbayan.

Hahaha sabi ko dadaan lang ako eh XD


message 17: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mamaya magkita-kita tayo sa McDo. Along the way natin pagusapan saan tayo pupunta. Yon lugar kung saan dati nakatirik ang bahay ng isang businessman na naging inspirasyon ni Dr. Rizal sa paglalarawan ng bahay ni Kapitan Tiago ay sakop na ngayon ng isang warehouse. Doon tayo sa kabilang pangpang pupunta (side ng simbahan). Doon sa unang kabanata ng Noli, doon sa lugar na yon tumuloy si Rizal. Isang hotel na tinatawag na "Fonda de Lala Ari." Wala na yong hotel pero parang may hotel na iba ang pangalan doon.

Kung may "Rizal Without the Overcoat" kayo, may chapter si Ambeth Ocampo roon tungkol sa paghahanap nya sa bahay ni Kapitan Tiago.


message 18: by K.D., Founder (last edited Mar 01, 2014 04:48AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Anong nangyari kanina

Ang Binondo Field Trip naging Intramuros Field Trip

Mainit kasi. 12:30pm nagkita-kits kami nina Po, Juan at Clara sa McDo QAve. Diretso sa Intramuros kasi mainit kung sa Binondo. Iwas skin cancer hehe.

Kain ng tanghalian sa Mitre. Restaurant owned by CBCP. Nag-discuss ng mga opinyon namin tungkol sa Noli Me Tangere. Tapos nag-museo: San Agustin Museum. Ngayon nababasa ko ang mga libro ni St. Augustine ng Hippo, naka-relate ako hehe.

Then dumating si Chibivy at Cheska. Nag-Casa Manila kami. Isang magandang bahay Kastila na na-preserved. Tapos, pumunta sa Harbor View para mag-meryenda at manood ng sunset.

Nakatanggal ng miss sa PRPB. Masaya. Maraming napagusapan na mga libro at mga nangyayari sa mga buhay buhay. Habang pabalik naguusap tungkol kay Vhong Navarro. Hahaha. Enjoy. Hay, okay din yong bihirang nakikita. Pag nagkita, sobrang saya.

BTW, may pictures na sa FB. 109 photos. Dapat yata friend kita para makita mo.


message 19: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Haha ang saya kanina~ Sabi ko dadaan lang ako, napasama na kami sa inyo. Wahahaha! Busog lusog talaga pag kasama ka Kuya. Saka nga pala, napansin ko parang pumayat ka huhh.

Hihi enjooooyyy~ Naeexcite talaga ako sa Biñan Field Trip! Yay! :D


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
At ikaw, gandaa! Haha. Gandang di inakala: semi-rebond (may ganun pala). Tsaka parang tumangkad ka huhh.


message 21: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments K.D. wrote: "At ikaw, gandaa! Haha. Gandang di inakala: semi-rebond (may ganun pala). Tsaka parang tumangkad ka huhh."

Ajejeje! Ngayon nga lang pala tayo nagkita na ganito na buhok ko nuh. :> Sabi kasi ng kapitbahay namin semi-rebondd daw yun eh :)) Hahahaha gusto ko yang comment mo na tumangkad ako! XD


message 22: by Juan (new)

Juan | 1532 comments MARAMING SALAMAT! Ang saya ng Binondo Trip na nagdetour sa Intramuros-Bisita Museo at Pangpang! Walang katulad talaga ang araw kapag kasama ang mga Kakweba. Kulang na kulang ang isang araw.

Namangha ako sa intricate design ng wood carving sa San Agustin Museum tsaka doon sa mga lumang painting. Fascinated ako dun sa painting ni Legazpi, sa wood carving ni Eva at Adan, sa inukit na Spoliarium, sa bintanang malalaki at kay Kristong Pala-isip? The Thinker ang peg! Tapos doon sa libingan ng mga alta sa cuidad sa loob din mismo ng San Agustin.

sinubukan din namin na hanapin sa mga lapidang iyon ang pinakamatanda o ang pinakamaagang pinanganak at surpresang may nakita kami, mas matanda pa kay Rizal.

Kung sa bagay. Hindi naman yun kakaiba sa lugar dahil wala pa nga si Rizal nakatayo na ang simbahan at ang bayan.

Hindi ko nga alam kung ano ang ibigsabihin ng D.O.M sa mga lapida. Baka daw Dirty Old Man sabi ng isang kakweba. haha! pero DEO OPTIMO MAXIMO pala yun. Latin term na ang orihinal na ibig sabihin ay "to the greatest and best god" pero nung in-adopt ng Christian ang naging kahulugan nito ay "To God, most good, most great." Yun yon! salamat kay Wikipedia.

Pagkatapos namin sa Museo San Agustin naglakad lang kami ng bahagya at sa CASA Manila Museum naman kami bumisita. Lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng mansion! Mula sa malalapad na kahoy/Tabla bilang sahig at doon sa kisameng may nakapinta pang mga angelitong naghaharutan! Ang gara ng kanilang bano at lutuan, pati mga silid-entertainment, business, hapag, tulugan talagang magagaara. Yung aparador sa Kuwarto Principal kapag tumitig ka ng matagal para kang itatransport sa ibang dimensyon at panahon! Parang Wardrobe lang sa Narnia.

sabi sa brochure na pinamimigay sa entrada ng casa, mahigit 10-20 katulong ang nagsisilbi sa ganoong uri ng mansion. Grabe lang! sila na! hehe!

nakakalungkot lang dahil mahigpit na ipinagbabawal ang kumuha ng litrato, gusto ko sanang sumuway kaso may mga gwardiya sibil sa paligid. Sa Azotea at sa hardin lang pwede kaso nagkataong may piging na gaganapin sa hardin kaya umeksit na kami at nagtungo kung saan ang dagat at langit ay nagtatagpo, nag-iisa.. haha!

sa Harbor View kami pumunta nagkuwentuhan tungkol sa maraming bagay at maraming libro. sa mga awtor at mga tao. Mga babae at lalake at sa huli'y namasdan ang paglubog ng araw.

Maligayang naghiwa-hiwalay ang bawat isa samin at dala ang magagandang ala-ala. Sa uulitin mga kakweba! salamat!


message 23: by K.D., Founder (last edited Mar 03, 2014 06:02AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Ang pinaka-memorable sa akin doon ay yong mga patay sa loob ng museo. Tsaka yong pipe organ. Tsaka yong sinabi ni Po na si Padre Salvi ang pinakamasamang pari sa Noli. Tsaka yong bride na mataba ang pisngi hehe. Tsaka yong crispy pata (bihira na akong kumain nyan). Tsaka yong tatlong slices ng cake na kaulam ng kape!!! Tapos halu-halo pa! Tsaka ang ganda-ganda ni Ibyang. Blooming. Tsaka si Cheska at syempre ang si Clara na naka-above the knee. Hehe. Nakita ko rin ang ID ni Po bilang tourist guide hehehe. At si Juan, bagong hairdo hehehe.


message 24: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments K.D. wrote: "Tsaka ang ganda-ganda ni Ibyang. Blooming."

Sige pa Kuya, bolahin mo lang ako, gustong gusto ko yan. At hindi lang ako maganda ah, ganda-ganda pa! HAHAHAHAHAHAHA! =))


message 25: by Juan (new)

Juan | 1532 comments blooming nga si Ibyang pati si Clare.. haha!


Ang creepy doon sa nitso este sa libingan! enclosed kasi kaya parang ang feeling ay nitso within a nitso! haha!

tsaka malalaki pala ang Tabako dati, enormous! haha! gaano kaya katagal inuubos yun ng mga espanyol at mga katutubo yung ga-brasong tabako? haha!

Laking kalakal nung higanteng bell sa San Agustin noh! yung sasalubong sa pintuan pero kahit na sa harap ng pintuan pa iyon nakapuwesto, hindi mananakaw yun sa bigat kahit lumabas na mga buwa nila. haha!


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments may nakalimutan kayo ang bagong miyembro ng Ungazz at kamag-anak ni KD ayon kay Ibyang haha joke!

Sobra saya! sulit at muling nagkitakita ang PRPB.

muling bumalik sa aking alaala nun F2F namin ng NOLI kay Ayban. Naging mainit pa sa sabaw ng tinola ang aming naging talakayan at mga tsismis patungkol sa Noli kasama ang mga bagong ideya.

[agkatapos nagpunta kami sa museo muling nagbalik sa akin ang pagpipinta sa magarbong painting na nakita ko at mga alaala noong panahon ni Rizal- ang mga prayle, instraktura, damit, estatwa, disenyo ng bahay, sto.Nino, Galleon trade, lumang simbahan, museleo,etc

ciempre ang hindi mawawala at walang kakupas-kupas na trade mark ni KD-ang masasarap na pagkain at Class na lugar with matching sunset at the side ng Harbor Point upang kami ay kumain at magtalakayan.

Excited sa El FILI at Lumbay ng Dila...


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Class na lugar hehe. Memories natin yan eh.


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments yehey! mabuhay si rizal sa ating ala-ala


message 29: by Juan (new)

Juan | 1532 comments dapat pala pumasok na rin tayo sa Fort Santiago para kumpletong kumpleto ang NOLI TRIP natin. hehe! alam nyo ba na may Giant Bust doon ni Rizal na nabubura na ang pintura, sarap lang sanang gawing proyekto yun. irepaint at pagandahin sana kung papayag ang pamunuan ng Fort Santiago..


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo nga. Naisip ko nga yan. Kaso sobrang nakakapagod na rin. Haha. Pasensya kayo may kasama kayong matanda hehehe.


message 31: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wala naman pong problema dun. Kalabaw lang ang tumatanda! haha! pero ang saya-saya talaga ng muling pagkikita natin. :D

Parang gusto kong bumalik sa Casa Manila, ang daya naman kasi ng rules nila, isa dun yung bawal kumuha ng larawan. Grabe naman yun. Nayamot pa ako ng bahagya dahil kulang sa info yung mga bagay-bagay sa loob. Parang kayo pa po ang naging tour guide namin sa loob pero siguro ganun talaga ang peg nila? iniisip ko kasi yung authenticity ng mga bagay/gamit sa loob ng bahay. anyway, bahay at bagay lang naman talaga ang pina-aappreciate satin dun pero importante din nating malaman yung taong tumira dun para kumpleto at maayos nating mailulugar sa memorya. Siguro nga mas sanay lang akong tumingin sa mga museo na detalyado ang bagay bagay na nakadisplay. haha!


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Marami pa tayong pupuntahang museo hehe. Gusto ko rin talaga ang minsan-minsan ay nakakapasyal. Pang-break ng monotony ng daily routine. Opisina-libro-gym-libro-malls-bahay-libro-simbahan-libro-libro-libro. Hahaha. Minsan dapat may pasyal eh dahil malaki na ang anak ko, may mga pasyal na sya na iba ang kasama hehe.


message 33: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ay TAMA po kayo! dapat talaga mag-Binondo tayo! kasi parang kulang ang NOLI trip kung walang Binondo. haha! push pa! haha! sabi ni Bebang hindi naman daw po mainit doon kasi maraming gusali at establishment.. haha! push pa!


message 34: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuwing Linggo ang NATIONAL MUSEUM ay Libre! at kung magkalapit lang din ang NATIONAL LIBRARY aba'y dapat na mapuntahan natin yun.


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mapupuntahan rin natin yan, Juan. Marami pang Pinoy books ang may kinalaman sa mga kastila. Balang araw mag-Portrait of a Filipino as an Artist ni Nick Joaquin tayo.


back to top