Pinoy Reads Pinoy Books discussion

42 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Sarilaysay ni Rosario Toress-Yu (Disyembre 1, 2013-Po, Juan, Azalea,K.D., Jhive)

Comments Showing 1-50 of 51 (51 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 05, 2013 06:23PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Sabayang Pagbabasa ng Sarilaysay ni Rosario Toress-Yu
Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat

Gaganapin sa Disyembre 1, 2013

Bakit binabasa?
1.Upang maintindihan ang pananaw ng mga Babaeng Awtor patungkol sa pagsusulat.

2.Dahil karamihan sa mga moderator ng PRPB ay babae.

3.Upang makilala ang mga Pilipinong awtor.(Babae)

Sali na!... Sarilaysay Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat by Rosario Torres-Yu


Magandang araw mga Ka-sarilaysay!..

eto na ang skedyul ng ating pagbabasa.


Disyembre 2013

1-2 Pasakalye
3-4 Ang Sarili sa Salaysay ng Babaeng Manunulat

5-16 Tinig ng Unang Henerasyon:
7-8 Anacleto Villacorta-Agoncillo (AVA)
9-10 Liwayway Arceo (LA)
11-12 Amelia Lapena Bonifacio (ALB)
13-14 Gloria Villaraza Guzman (GVG)
15-16 Genoveva Edroza-Matute (GEM)

Disyembre 17, 2013 - Enero 5, 2014
17-18 Tinig ng Pangalawang Henerasyon
19-20 Lualhati Bautista (LB)
21-22 Fanny Garcia (FG)
23-24 Sol Juvida (SJ)
25-26 Marra Lanot (ML)
27-28 Rosario Lucero (RL)
29-30 Elynia Mabanglo (EM)
31-1 Rosalinda Pineda-Ofreneo (RPO)
2-3 Lilia Quindoza-Santiago (LQS)
4-5 Aida Santos (AS)


*itutuloy ang mga kasunod....


message 2: by Juan (last edited Nov 19, 2013 12:21AM) (new)

Juan | 1532 comments Maraming salamat sa alok mo Po samin na basahin itong Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat

Sisimulan at tatapusin natin ito.

mukhang mahaba pang araw ang aantayin natin bago tayo magsimula, palagay ko pwede tayong magsimula maghanap pa ng iba pang impormasyon sa mga awtor na nandito.

Sa mga kakwebang gustong sumali, wag na kayong mag-atubili!

Doon sa walang kopya meron po sa Q.Ave warehouse sale P50.00 lang po ang kaso hanggang mamaya na lang ang sale. Meron din sa NBS Cubao superbranch!

Salamat!


message 3: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Gusto kong sumali... Kaso wala pa akong kopya.
Magkano ba iyan kapag hindi na sale ??


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sasali ako. Nami-miss ko nang ka-buddy read ang kaibigan kong si Po hehe.


message 5: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Jhive, salamat! Ang dami niyan! Nasa bargain price doon sa NBS Cubao superbranch. Hindi ko na maalala, basta hindi hihigit sa P200 pinaka mataas na yan, minsan kasi makakatiyempo ka na wala pang P100 at yung kopya nyan ay maganda, maputi at makapal ang papel. Meron kasing mas murang version yan pero hindi na ako nakakakita. Subukan kong dumaan mamaya para makita at balitaan kita.

KD, salamat po! Ang saya-saya! Sa mga kakweba na gustong sumali bukas na bukas ang thread na ito.


message 6: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 01, 2013 07:20PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @KDna-miss ko rin ang reading buddy natin K.D., eto na ang pagkakataon heeh

@Jhive huling bili ko niyan 50pesos sa NBS Cubao marami pang stocks duon at baka nasa 20 to 25pesos na lang iyan ngayon

Yehey! parami na ng parami ang sumasali.
1.Juan
2.Azalea
3.Po
4.K.D.
5.Jhive
6.William
7.


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hahanapin ko pa ang kopya ko hehe.


message 8: by William (new)

William M. II | 79 comments Nabasa ko na 'to pero 'di ko na maalala.


message 9: by Juan (new)

Juan | 1532 comments William basahin mo na ulit para maalala mo at para masaya tayong lahat! hehe!


message 10: by William (new)

William M. II | 79 comments Juan na-donate ko na sa grupo ang kopya ko e hehe


message 11: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ok lang yun! tulong naman yun para sa mga Yolanda survivor.

Pero kung gusto mo talaga sumali sa pagbabasa, sabi nga ni PO meron pa sa NBS Cubao Superbranch. Bargain price. Susubukan kong dumaan mamaya, balita ko kasi nag-ayos sila ng shelves. Sana andun pa sa dating puwesto.


message 12: by William (new)

William M. II | 79 comments Oo nga may nakita pa ako nakaraan sa NBS. Dalawang klase pa nga, may mura at may mahal.


message 13: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 27, 2013 05:01PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ayan mas marami ang mga lalaki, malalaman natin ang pananaw ng mga lalaki hinggil sa manunulat na babae.

1.Umusbong lang daw ang mga manunulat na babae kaya mas sikat sila ngayon pero mga lalaki talaga ang naunang sumikat nuon?

2.Sino ba mas magaling o epektibo magsulat, ang mga babae o lalaki?

3.Mas ma-impluwensiya ba ang lalaki o babae pagdating sa pagsusulat?

4.Sa inyong pananaw, sa mga kuwento o lumalabas na aklat ngayon anong aklat ang masasabi ninyo na naipahayag ng mabuti ang perspektibo ng manunulat na babae?

Bumabagyong talakayan ito...Sali na!...


message 14: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Hindi ako nakadaan sa NBS kahapon kasi Umuulan, bukas na lang.

Mabuhay ang mga Kalalakihang nagmamahal sa Kababaihan! hehe!

PO, Salamat!


message 15: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Juan.,. baka may ma-ispotan kang kopya.,. kuha mo naman ako., (view spoiler)
Kunin ko na lang sa'yo.

Salamat :))


message 16: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 05, 2013 06:21PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Magandang araw mga Ka-sarilaysay!..

eto na ang skedyul ng ating pagbabasa.


Disyembre 2013

1-2 Pasakalye
3-4 Ang Sarili sa Salaysay ng Babaeng Manunulat

5-16 Tinig ng Unang Henerasyon:
7-8 Anacleto Villacorta-Agoncillo (AVA)
9-10 Liwayway Arceo (LA)
11-12 Amelia Lapena Bonifacio (ALB)
13-14 Gloria Villaraza Guzman (GVG)
15-16 Genoveva Edroza-Matute (GEM)

Disyembre 17, 2013 - Enero 5, 2014
17-18 Tinig ng Pangalawang Henerasyon
19-20 Lualhati Bautista (LB)
21-22 Fanny Garcia (FG)
23-24 Sol Juvida (SJ)
25-26 Marra Lanot (ML)
27-28 Rosario Lucero (RL)
29-30 Elynia Mabanglo (EM)
31-1 Rosalinda Pineda-Ofreneo (RPO)
2-3 Lilia Quindoza-Santiago (LQS)
4-5 Aida Santos (AS)


*itutuloy ang mga kasunod....


message 17: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Po, salamat! alam ko medyo busy pa tayo pero pramis tututukan natin ito. Apir :D


message 18: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments 'Yan pala yung mga kasaling manunulat...

heheheh... Kakaunti lang ang kilala ko sa kanila >.<
ahahah... sana mas makilala ko pa sila sa kahabaan ng ating pagbabasa at talakayan :))

(view spoiler)


message 19: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Jhive, mukhang busy pa naman ang lahat, kaya no worries! hahabol tayong lahat!


message 20: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Po wrote: "Ayan mas marami ang mga lalaki, malalaman natin ang pananaw ng mga lalaki hinggil sa manunulat na babae.

1.Umusbong lang daw ang mga manunulat na babae kaya mas sikat sila ngayon pero mga lalaki t..."


PO, ang tindi pala ng mga tanong mo, hindi ko napansin. Mukhang kailangan mong sagutin ang mga ito.

Sino nga ang mas magaling? si Adan o si Eva. Ehem! :D


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Juan, sapalagay ko mas matindi at magaling si Orange o Teresa hahaha!..wasak!

@Jhive, OK! lang yan marami pang araw hanggang 2014 pa itong pagbabasa natin,,hehe!

Oo nga sa pagkaka-intindi ko umusbong lang ang mga kababaihan noong medyo nagsawa na o tumamlay na ang mga kalalakihan at nang maging moderno na na parang pantay na ang babae sa lalake. Karamihan din sa mga lalake ay parang tamad na magsulat kasi karamihan na-lilinya na sila sa gawaing construction, arkitektura, atbp. na hindi na sing aktibo ng pagsusulat ng mga kalalakihan noon pero siyempre marami pa rin na mga lalakeng mahuhusay magsulat sa ngayon. Nandoon pa rin iyong kanilang Karisma at Kiliti sa pagsusulat.

Pero sapalagay ko mas sikat ang mga babae sa ngayon pagdating sa pagsusulat. Ano ang reaksiyon ng mga kalalakihan? kasi limitado lang din ang alam ko.

Pero ito ba ay sa pangkalahatan? Ibig kong sabihin pati ba Internationaly ay karamihan mas sikat ang mga babae?


message 22: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 13, 2013 07:44AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Mga katanungan dapat sagutin pagkatapos natin basahin ang Sarilaysay:

1.Umusbong lang daw ang mga manunulat na babae kaya mas sikat sila ngayon pero mga lalaki talaga ang naunang sumikat nuon?

2.Sino ba mas magaling o epektibo magsulat, ang mga babae o lalaki?

3.Mas ma-impluwensiya ba ang lalaki o babae pagdating sa pagsusulat?

4.Sa inyong pananaw, sa mga kuwento o lumalabas na aklat ngayon anong aklat ang masasabi ninyo na naipahayag ng mabuti ang perspektibo ng manunulat na babae?

5.Para sa inyo, Mas sikat ba ang mga babaeng manunulat kaysa lalake? sa Pilipinas? sa International?


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Anacleta Villacorta-Agoncillo (AVA)
Napakaganda ng naging maikling balagtasan nila ni Gregorio Centeno “Ikaw O! Lalake”, halatang may nais ipapansin si AVA sa ugali ng mga lalake. Hindi kaya may pobya si AVA sa mga lalake o sadyang hindi niya maintindihan ang kalalakihan? Malungkot din pala ang naging buhay ni AVA noong siya ay maliit pa. Pagkatapos ng kanyang HS ay sumusulat na pala siya nuon at nakagawa na ng tula. Hinusgahan din pala ang pangalan niya pero hindi ang itsura niya. Naabutan pala niya ang bayad na “walong piso, isang kuwento” sa mga manunulat nuon. Dumating din sa punto pala na dapat siyang mamili “manunulat o doctor?” at ayaw ng mga magulang niyang maging manunulat siya. Ang mga kuwento niya ay hango sa buhay ng mga pasyente. Tradisyunal, konserbatibo, at pagkumpara sa pag-iiba ng ugali-“noon at ngayon”ang binigyan niyang pansin.

Liwayway A. Arceo (LAA)
Napakalungkot ng napiling bungad ni LAA-“Uhaw ang Tigang na Lupa”. Mamama-alam ang kaniyang kabiyak na na.ging masaya sa piling niya. Kakuwentuhan pala niya si Gloria Villaraza. Parang modista pala na inihalintulad ni LAA ang pagsusulat niya ng kuwento. Mas malaki pala ang sahuran sa radio nuon kaysa pagsusulat. Pangarap pala talaga niya maging manunulat simula pagkabata niya. Malaki ang bilang nilang pamilya at malaki ang impluwensiya ng kanyang tatay sa pagsusulat maging ang kanyang asawa. Marami din siyang naisalin na mga aklat sa ibang wika. Naniniwala siya na nasa dugo ang sining. Sa kanyang pagreretiro sa pagsusulat ay nagbunga pa ng pang-espiritual na pagbabago.

Amelia Lapena-Bonifacio (ALB)
“Dreams”-ang pamagat ng pambungad niyang sipi o tula bagamat salin sa Ingles ay simple, tumatalakay sa sanggol. Mukhang nais iparating ng tula ay sana maging katulad siya ng kanyang ina paglaki. Naging masaya at malikhain ang panahon ng knayang kabataan. Malaki ang impluwensiya sa kanya ng mga manunulat (Juan C. Laya at NVM Gonzales)at pagsali sa mga grupo. Hindi nagging mahirap sa kanya ang pagsusulat sapagkat ito’y nananalo agad. Maging ang kanyang impluwensiya sa mga estudyante at katulad niyang manunulat ay naging matindi ang paghanga sa kanya, maaaring maging ang mga sinulat niya ay minsang inaangkin ng iabng manunulat. Kaya ang payo niya kailangang matibay ang sikmura sa kritisismo. Ayon sa kanya may nakikita ang babae na hindi nakikita ng lalake dahil mas-exposed ang babae sa napakaraming bagay. Ang kanyang mga tula, kuwento, at dulaan ay bagamat simple ngunit naipalalabas sa ibang bansa.


message 24: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang Araw mga Ka-Sarilaysay!

Para tuluyan na nating masimulan ang ating pagbabasa, bigyan muna natin ito ng pasakalye.

Ang librong ito ay nalikha sa pamamagitan ng pinagsama-samang tinig ng dalawampung (20) babaeng manunulat sa wikang Filipino kung saan magkakaroon ang mga mambabasa ng pagkakataon na malaman ang danas, iniisip at niloloob nila bilang babaeng manunulat. At maging ang mga kondisyon at proseso sa paglikha at paglathala.


Sariling Salaysay o SARILAYSAY ang tawag ni Rosario Torres-YU (ang may akda) na siya ring titulo ng aklat na ito kung saan binuksan at ibinabahagi ng mga babaeng manunulat ang kani-kanilang kaalaman, damdamin at sariling karanasan sa madla bilang manunulat sa kanya-kanyang panahon.

Ang mga manunulat na kabilang dito ay mauuri o pinangkat sa tatlong henerasyon:

UNA, ang ipinanganak at nakilalang manunulat bago naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig:

1. Anacleta Villacorta-Agoncillo (AVA)
2. Liwayway Arceo (LA)
3. Amelia Lapena-Bonifacio (ALB)
4. Gloria Villaraza Guzman (GVG)
5. Genoveva Edroza-Matute (GEM)

IKALAWA, ang ipinanganak at nakilalang manunulat pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:

1. Lualhati Bautista (LB)
2. Fanny A. Garcia (FAG)
3. Sol Juvida (SJ)
4. Marra Lanot (ML)
5. Rosario Lucero (RL)
6. Ruth Elynia Mabanglo (REM)
7. Rosalinda Pineda-Ofreneo (RPO)
8. Lilia Quidoza-Santiago (LQS)
9. Aida Fulleros Santos (AFS)


At IKATLO ang pinakabata na nagsipagsulat at naglathala simula noong Dekada Otsenta.

1. Rebecca Torres Anonuevo (RTA)
2. Glecy Atienza (GA)
3. Mayette Bayuga (MB)
4. Joi Barrios (JB)
5. Benilda Santos (BS)
6. Luna Sicat-Cleto (LSC)



Pakikipagkuwentuhan ang ginamit ng may akda bilang paraan upang mas maging mabisa at personal ang daloy ng pagsasalaysay ng mga babaeng manunulat. Sinabi rin ng awtor na ang ating mababasang teksto ng salaysay ay batay sa aktuwal na kuwentuhan o usapang naganap noong 1998 nang isinagawa niya ang pag-aaral.

At sa huli mga Ka-Sarilaysay, lubos kong ikinatutuwa na babasahin natin ito ng sabay-sabay kung saan magkakaroon tayo ng pagpapalitan ng opinyon at impormasyon sa talakayang ito. Nung una ko itong basahin tuwang-tuwa ako sa mga nalaman at natutunan kong impormasyon, ngayong babasahin kong muli ito ngunit kasama na kayo, mukhang mas magiging maganda at malaman na karanasan ito para sa akin at sa ating lahat. Para rin sa mga nagnanais na maging manunulat basahin nyo ito at may matatagpuan kayong bagay na ikatutuwa ninyo.

Nawa’y umpisahan na natin ang Sabayang Pagbabasa ng buong sigla mula simula hanggang huli.

Maraming salamat!


message 25: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 30, 2013 04:29AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Juan, malinaw at maayos ang pagkakahanay mo.
maraming salamat!


message 26: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Bakit mas marami ang mga Kalalakihan kaysa Kababaihan sa mundo ng Panitikan? totoo ba ito na dominado ng mga kalalakihan ang mundo ng pagsusulat?


message 27: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments (view spoiler)


message 28: by Juan (new)

Juan | 1532 comments May Tama ka Ella! at kagaya nga ng naging danas ng mga manunulat sa ibang panig ng mundo, ang mga manunulat nating kababaihan ay nakaranas din ng ganitong yugto sa kanilang karera. May pag-iisip pa nga na sinasabi na ang ang Paglitaw ng mga babaeng manunulat ay aksidente at singaw ng panahon?

Tignan natin.


message 29: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 996 comments Oo nga. I remember my first year HS teacher discussing this. He said Mary Anne Evans used George Eliot as her pen name. Wiki said it was so that the people would take her works seriously. I forgot what my teacher said, but he said a lot. LOL.


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po at Juan,
Nag-ayos ako ng ilang libro ko noong Christmas break. Nakita ko dalawa ang Sarilaysay ko pero pareho ng author. Isa makapal at isa yong binabasa ninyo rito. Bakit may ibang copy?


message 31: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Kaya nga sabi ng mga Feministang iskolar sa atin, sa Pahina 2 ng librong ito ay:

"May panitikian ang likha ng mga babaeng manunulat"

Halimbawa ay Ang Silid na Mahiwaga at Sa Ngalan ng Ina.
dagdag pa:
Tinatayang ang pag-usbong o paglitaw ng ganitong uri ng panitikan ay 'Paglihis sa nakagawian' kung saan ang Nakagawian ay ang pagtuturing sa babae bilang isang musa o pinag-aalayan ng manunulat na lalaki ng kanyang sinulat kung kaya sa mahabang panahon, hindi itinuturing na panitikan ang mga naisulat ng kababaihan ng mga kalalakihang manunulat/kritiko.

Anong say nyo dun?

pero may mangilan-ngilan din naman na akdang kababaihan na nakakapenetrate sa mundo ng mga kalalakihan tulad ni G.E. Matute (GEM) pero sa dahilang 'hagod lalaki ang mga salita't imahe' sa kanyang akda.

pero mabilis din ang mga pagbabagong naganap sa pagtungtong ng dekada 80 dahil sa pagsigla ng Feminismong pagkatha at paglathala.

Malaki rin ang naging papel ng pamilya, iskuwela, patimpalak, samahang pampanitikan at mga workshop para mapagbuti ang mga pagkatha ng mga kababaihan at lumago ang ugnayan ng mga manunulat, baguhan man o hindi, sa loob man at sa labas ng mga grupo o samahanag kinaaniban.


message 32: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Josephine wrote: "Oo nga. I remember my first year HS teacher discussing this. He said Mary Anne Evans used George Eliot as her pen name. Wiki said it was so that the people would take her works seriously. I forgot ..."

Ms. Jho tama ka! akala ko nga nung una babae si George Eliot. hehe!


message 33: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Po at Juan,
Nag-ayos ako ng ilang libro ko noong Christmas break. Nakita ko dalawa ang Sarilaysay ko pero pareho ng author. Isa makapal at isa yong binabasa ninyo rito. Bakit may ibang copy?"



KD Dalawang bersyon po yung inilathala, yung isa maganda ang papel na ginamit kaya makapal at may presyo at yung ikalawa naman, cheap version.


message 34: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "K.D. wrote: "Po at Juan,
Nag-ayos ako ng ilang libro ko noong Christmas break. Nakita ko dalawa ang Sarilaysay ko pero pareho ng author. Isa makapal at isa yong binabasa ninyo rito. Bakit may ibang..."


A, pareho lang pala ang laman ng mga iyon? Dalawa ang kopya ko. Yong isa, sale. Yong isa, regular price hehe.


message 35: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Opo, KD! basahin na natin!

Jhive sa susunod na linggo, pwede tayo magkita para makuha muna ang kopya mo nito. Text-text na lang pare.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Maria Ella wrote: "dahil stalker ako, #EllaSabatera -
nabasa ko sa isang British book na sexist ang dekada 60's. Unti-unting naging matatag ang feminism sa panahon ng 80's sa buong mundo, kung saan naniniwala ang ma..."


wow! ganda ng info na ito!...


message 37: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Book, sumali ka na!


message 38: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments sige po Juan, text mo na lang ako para sa detalye.. (view spoiler)


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "K.D. wrote: "Po at Juan,
Nag-ayos ako ng ilang libro ko noong Christmas break. Nakita ko dalawa ang Sarilaysay ko pero pareho ng author. Isa makapal at isa yong binabasa ninyo rito. Bakit may ibang..."


Juan, mali.

Yong binabasa ninyo ay tungkol sa 20 babae. Yong isa ay mga lalaki naman. Inumpisahan ko itong libro ng mga babae. Nosebleed ang Tagalog hehehe. Adjust-adjust na naman. Hehe.


message 40: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Gandang araw! ganun po ba? sori naman.. hehe! ngayon ko lang nalaman na may pang kalalakihan palang version iyan. haha! Salamat KD sa pagtatama.


message 41: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Sa Danas ng Unang Henerasyon

Ayon dito, magkakaiba ang mga naging danas ng mga manunulat na kabilang sa panahon na ito kung saan sila’y nagsimula sa transisyon ng bago at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinabi nga ni AVA o Anacleta Villacorta-Agoncillo na sila’y ”gising sa unang panahon” at sa “makalumang ugali” kung saan naglalarawan ito ng gawi, asal at buhay mismo ng mga kababaihan na lumaki at pinakilos sa tradisyunal at pyudal na pamaaran.

Alam na alam nyo na siguro ang mga iyon at naikuwento na rin sa inyo ng mga magulang at mismong lolo’t lola nyo ang mga utos o batas na naranasan nila sa kanilang mga magulang at maaaring umiiral pa rin ngayon.

At sa panahong din ito ang pagsusulat o pagiging manunulat ay itinuturing na “trabahong panlalaki.” O para nga lang sa mga lalaki ngunit hindi ito naging hadlang para magsimula ang mga manunulat na babae.

Kay AVA o Anacleta Villacorta-Agoncillo, mas gusto ng tatay niya na kumuha siya ng medisina bilang tradisyon ng pamilya na puro doctor. Ang yaman!

Tutol naman ang nanay ni LA o Liwayway Arceo sa nais niya buti na lang suportado pa rin siya ng kanyang tatay na ang hiling lamang ay pagsumikapan ang napiling karera at maging isa sa pinakamagaling dito. Wow! Mabigat na hamon ito pero ito’y nagsilbing gabay kay LA para magsumikap.

Masuwerte rin si ALB o Amelia Lapena-Bonifacio dahil binigyan siya ng kalayaan sa kanyang hilig sa pagsusulat at malaking tulong din ang pagkahilig ng kanyang ama sa pagbabasa.

Hanggang sa makapag-asawa sila at magkaron ng pamilya, masuwerte din dahil hindi tumutol ang kanilang mga asawa bagkus suportado pa sila ng mga ito. Yung asawa nga ni GVG o Gloria Villaraza-Guzman ay number one fan niya. Ang saya lang diba?!

Sa eskuwela, noong highschool mas hinihikayat ang pagsusulat ng mga “Mababait” na guro sa Literatura, take note! Mababait, at binibigyan ng oportunidad ang mga gustong magsulat/nagsusulat na istudyante. Bawal din pala sa iskuwela nila ang magsalita ng Tagalog liban lang sa subject na Tagalog. Kaya pala magagaling Umingles ang mga tao noon dahil batas militar pala pagdating sa iskul. Noong kolehiyo na sila, hindi pa uso o wala pang mga writing workshop, mga kaibigan at kabarkada nila ang nagsilbing informal group nila sa pagtatasa ng kanilang mga panulat. Sila-sila ang nagbabasahan at kritiko ng kani-kanila ring mga akda.

Noon, kapag may okasyon o pulong ang mga manunulat na lalaki, hindi pwedeng makadalo ang isang manunulat lalo na't kung babae kung walang imbitasyon mula sa grupo at kung sakaling ang isa man sa kanila ay makadalo, siguro isang beses lang iyon at hindi na na-ulit sapagkat "takot" daw sila sa mga maiingay na mga lalaking nagtatalo at dahil na rin dominante ang mga ito. Madalas pa na araw ng linggo ang pulong kaya mas minamabuti na lang ng mga babae na gugulin nila ang kanilang Linggo para sa kanilang pamilya.

May impluwensya rin ang Katangian ng lugar o tirahan na kinalakihan nila sa kanilang (ALB at GVG)panulat. Sa tahanan nila GVG, Kastila at Inggles lamang ang salita at nung matira sila sa Malabon doon siya natuto ng Tagalog at nahasa ito sa Malinta noong ito'y parte pa ng Bulacan.

Si ALB naman, sa Binondo lumaki na kung saan naliligiran ng mga sinehan, teatro, palabas na senakulo't sarsuwelo kaya naman nahilig siya(ALB) sa teatro't panitikan.

At noong panahon nila, parang hindi ka writer kong hindi ka marunong magmakinilya (typewriter)

So ang mga writer noon, kailangan matuto magtipa at yung mga wala namang makinilya, lumuluwas pa sa ibang bayan para umarkila o manghiram nito.

Masalimuot bang maging writer noon? ano sa tingin nyo?


message 42: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Kondisyon at Proseso ng Paglikha

Social issues at personal na karanasan ang pinanggagalingan o pinaghuhugutan nila ng inspirasyon para sa kanilang mga akda

Kababaihan at Pagkatha

Multitalented at versatile sila. Wonderwoman lang ang peg! Sa kabila ng pagiging ilaw ng tahanan at asawa at nagtatrabaho pa ng iba pang pinili nilang larangan, nakapagsusulat pa din sila sa loob ng lipunang naghahari ang mga kalalakihan.

Nagbabagong Paligid, Nagbabagong Pag-iisip



Tatlo lang ang nakikita kong ideyang sinusulong dito:

1. Right to Equality particularly the Right to have Equal Opportunity
2. Women Empowerment
3. Gender Sensitivity


message 43: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Sa Danas ng Ikalawang Henerasyon

Sa yugtong ito, mas may kalayaan na ang mga kababaihan na makilahok sa anumang gawain sa lipunan. Meron na silang boses sa botohan at nagkakaroon na rin ng matataas na posisyon sa gobyerno.

Mas namulat din ang mga kabataan sa diwa ng nasyunalismo. Ilan sa mga manunulat ay aktibong sumama o lumahok sa tinaguriang Unang Sigwa o First Quarter Storm kung saan walang tigil ang martsa, protesta at pakikibaka laban sa Batas-Militar ng Diktaduryang si Marcos (1970)

Mapagpasyang Kondisyon

Mas lalong nahubog ang mga pananaw at karanasan ng mga manunulat sa panahong ito sa ilalim ng Batas-Militar.

Isipin na lang natin kung gaano kahirap ang panahon na iyon kung saan suspindido ang mga karapatang pantao partikular ang malayang pamamahayag.

Kaya gumawa ng paraan ang mga manunulat ng hakbang/desisyon upang sila’y patuloy na lumikha at ang ilan pa nga’y naging kasapi ng Kilusang Makakaliwa upang labanan ang rehimeng Marcos.

Sa pagsikil ng kalayaan at karapatan, dito umusbong ang mas lalo pang malakas na puwersa ng mga kababaihang manunulat.

Nabuo ang Women and Media Writers Now, Nagkaron ng Women’s Desk sa Concerned Artist of the Philippines at sunod-sunod na ang mga Feministang organisasyon tulad ng Filipina, Kalayaan at Gabriela.

Pag-aasawa, Pakikisangkot at Pagkatha

Mas malikhain at mayabong sila noong nag-iisa pa lang o wala pang asawa.

Sabi ni Sol Juvida (SJ), “maraming gawain bilang nagtatrabahong asawa at gawain sa kilusan kung kaya’t hindi maharap ng husto ang malikhaing pagsulat.”

Kay Fanny Garcia (FG) naman, hindi pa ang pag-aasawa kundi ang pagkakaroon niya ng special child kung kaya’t hindi niya magawa ang mabulas na pagsusulat.

Si Lualhati Bautista (LB), nag-iisa lamang siyang bumubuhay sa kanyang mga anak. Pagsusulat din ang humahadlang sa kanyang pagsusulat ng seryosong nobela.

Si Aida Santos (AS), parang kalaban niya ang mismong sarili.

Kay Rosario Lucero (RL), Panahon ng pag-iipon ng karanasan ang panahon ng pag-aaral sa kolehiyo at pag-aasawa. Nagsusulat siya sa labas ng day care center o ballet school habang hinihintay niya ang kanyang anak. (ninja itong si RL! )

Sa karanasan ni Marra Lanot (ML), nagtulak sa kanyang pagsusulat bilang hanap-buhay ang kalagayan nila ng kanyang asawa nabahagi ng lihim na kilusan.

Kay Lilia Quidoza-Santos (LQS), noong una’y sinasabi niya sa sarili na dapat hindi na lang siya nag-asawa ngunit nagbago ito at madalas pa’y ang pamilya ang paksa ng mga sinusulat niya.

So anong pagkakaiba ng dalawang Henerasyon?


Malakas na udyok ang damdamin

Tinatalakay lamang dito kung anong nag-uudyok sa mga kababaihan sa pagsisimula nilang kumatha at sinasabi na malaki ang role ng damdamin sa paglikha nila ng tula, sanaysay o kung anumang uri ng malikhaing pagsulat na kaiba sa mga lalalaki na mas kumikiling sa pag-iisip pagdating sa pag-katha.

Sabi pa ni Lilia Quidoza-Santiago (LQS) “egoistic” o natutuon sa “mastery of the form, of the language” ang tula ng mga kalalakihan samantalang ang mga kababaihan ay mas “reaching out to others” ang nagiging batayan ng “sense of achievement.”

Dagdag pa ni Elynia Mabanglo (EM), batay sa kanyang karanasan ang Wika ng panulaan. Naniniwala siyang “walang kasarian ang tula” ang naglalagay nito ay ang makata at sapagkat ang wika ng panulaan sa bansang it ay wika ng kalalakihan.

Paniniwala niya na dapat ay lumaya ang talinghaga ng mga babae sa lengguwahe o walang limitasyon sa lengguwahe. Kaya nya naisulat ito:

“bakit pluma ang hawak ko sa halip na ari ng lalaki”

Oo nga naman? Pakiexplain pls! hehe!


Usaping Feminista at Pagkatha

Usapin naman dito ang mga bagay na nagtulak sa mga kababaihan para magsulat at karamihan ay nag-uugat sa hindi magandang karanasan tulad ng karahasan sa kababaihan.

May “Pinaghuhugutan” ika nga.

Sino bang writer ang nagsabing “ Mas madaling magsulat ang mga writer na may mapapait o masamang karanasan sa buhay”? Si ROV ba yun? Hindi eksakto ang mga salita sa aking pagkakaalala.


Iba-ibang hibla ng Feminismo

May kanya-kanya pa rin ng pagkakaunawa ang mga manunulat tungkol sa kung ano ang Feminismo.

Para kay Aida Santos (AS), ang feminism ay isang paglalakbay.

Kay Lualhati Bautista, sa paglalarawan ng buhay ng kababaihan, naniniwala siya na hindi kailangang “Tama” ang mga karakter na babae.

Kay Marra Lanot (ML), Kailangan malaman ng mga lalaking manunulat na kapag liberated na babae, matapang. Kailangan na bumalikwas sa convention o mag-eksperimento pagdating sa pagsusulat ng nobelang romansa.

Kay AS muli, ang paghulagpos sa mga tradisyunal na pag-iisip at tradisyunal na kaugalian ang resulta sa kanya ng Feminismo gayundin sa kanyang panulat.

Sa isipan ni Lilia Quidoza-Santiago (LQS), nais niyang tunguhing direksyon ng feministang pagkatha ay mula sa Pagrereklamo tungo sa Pagdiriwang ng Pagkababae. Women empowerment!


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nasa pahina 22 na ako! Hehehe

Medyo nahihirapan ako sa mga initials kanina. Buti na lang may thread na ito ay doon sa itaas, nilista lahat ni Po ang mga buong pangalan ng mga manunulat na babae at ang kanilang mga initials.

Gusto ko si Elynia Mabanglo (EM) na nagsabing: "Bakit pluma ang hawak ko at hindi ari ng lalaki?" Dahil daw dito naka-experience syang ma-harass.

Bothered ako minsan doon sa mga salitang nowtbuk sa halip na gamitin na lang ang notebook. :)


message 45: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nasa pahina 68 na ako.

Boring (kasi mahirap basahin) ang Intro. Pero pag naroon ka na sa mga sagot sa interview ng mga manunulat, nakakatuwa na. Si Anacleta Villacorta-Agoncillo (AVA) pala ay isang doktor. Si Liwayway Arceo (LAA) ay naging malapit kay Unang Ginang Imelda Marcos. Kamamatay lang yata nitong si Liwayway. Una noon akala ko, sya ang mag-ari ng Liwayway. Hehehe. Hindi lang nabanggit dito yong nabanggit ni Prof. Abueg sa libro nya: yong naging artista si Liwayway Arceo. During Japanese occupation ito.


message 46: by Juan (new)

Juan | 1532 comments talaga po? naging Artista pa pala si Liwayway Arceo.. nice!

Tungkol naman po sa mga ispeling/spelling, medyo nakakapanibago nga yung ilang salitang English pero ini-spell ng pababay-Tagalog parang Publish=Pablis at yung nabanggit nyo nga pong nowtbuk! haha! ayos lang naman siguro ang mga ito at talagang napakainteresante kapag dumako na tayo sa mga sagot nila.

KD parehas kayo ni PO na gusto si Elynia Mabanglo (EM)
Doon sa katagang binitiwan niya, napakalaman, napakalakas ng dating. Bakit nga ba pluma sa halip na kargada diba?


message 47: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pero parang gay rin yata si Elynia kaya ganoon sya katapang magsalita.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Buti na lang ay nakabili ako ng aklat na ito at napa-pirmahan ko kay Mam Lualhati, super saya ng feeling!


message 49: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Buti na lang ay nakabili ako ng aklat na ito at napa-pirmahan ko kay Mam Lualhati, super saya ng feeling!"

Mabuti naman at sumaya ka. Saan na ba tayo rito sa sabayang pagbabasa na ito? Busy na si Juan e.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments ituloy na lang natin after nun pahina 68 kaya pahina 69 na tayo!


« previous 1
back to top