Pinoy Reads Pinoy Books discussion
note: This topic has been closed to new comments.
Mga Tipanan
>
Filipino ReaderCon 2013 (Sabado, Nobyembre 9, 2013)
Gusto ko sa Booth or sa Promotions. Promotions na lang! Baka wala ako maisagot sa mga katanungan eh. Haha. Anong araw nga ba yung ReaderCon? :)

Oh no..Birthday ng Tatay ko ng Nov. 9.. :(



Okay mga prends. Nakapagmeeting na kami kanina medyo marami rami din yun kaya medyo matagal itype mga five hours hahaha. Joke lang. May gagawin lang ako saglit tapos ipopost ko na dito.

Heto naaaa.
Bullet points ulets.
◘ As usual, KAHEL i care na naman ang ating isusuot sa araw na ito. Ang mga magpoprotesta, ihain na ang mga reklamo. (Susuportahan ko kayo, wala kasi akong orange hahaha. Biro lang, KD)
◘ Mayroong 45mins para sa isang book discussion na sa atin naka-toka. Ngayon ang problema natin, anong libro ang ibibida dun so nagkaroon kami ng shortlist at ito ang mga librong napusuan ng mga umattend kanina.
- Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita
- Walong Diwata ng Pagkahulog
- Pseudo Absurdo Kapritso Ulo (Maniwala kayo, wala akong kinalaman dito)
Meron po tayong poll na nandito di pa open. Mga moderators, paki-open na lamang po. :)
But wait there's more. Akala niyo ba ganun ganun na lang yon? Hindi pa no.
May isa pa tayong pakulo, bukod sa magcocostume tayo at magdadala ng mascot (hahaha biro lang), may isa pang option sa poll. Ang Rizal vs Bonifacio. Magtatackle tayo ng book na tungkol kay Rizal at Bonifacio at magkakaroon tayo ng debate. (Paandaaar, ikr) May team captain at dalawang debate members. Oha.
10 days lang ang poll kaya bumoto na kayo ha.
Kapag may nanalo na sa ating poll, tsaka na natin pag-usapan ang iba pang pakulo, paandar at kung sinu-sino ang mga discussion leader/s o mga debate people. Basta kapit bisig lang tayo mga friends, yaka natin ito. Excited na kayo?

May format ba ang debate? Kasi member ako ng debate ng society ng aming school, hihi. Ang type of debate na gamit namin lagi ay Asian Parliamentary (minsan British Parliamentary). Susunod ba tayo sa format ng isang pormal na debate, o isang impormal na debate ito kung saan magbibigay lang tayo ng ating mga opinyon at kuro-kuro?
Suggest ko, pwede pong books ni Ambeth Ocampo ang itackle natin. Yung kanyang Meaning and History at Bones of Contention. Kaso lang, yung iba yata sa PRPB ay hindi feel si Sir Ambeth Ocampo? Hmmn, suggestion pa lang naman. Pwede rin tayong gumamit ng mga akda nila Renato Constantino, Gregorio Zaide, at iba pang historyador.
Sana ang ating gamiting book ay history book/research at hindi historical fiction eme. Itatanong ko rin sa mga taga-PRPB na history majors kung ano ang ating magandang batayang batis. Sabihin ko rin na makilahok sila sa activity na itetch.
Orange ang kulay na ating suot? Tanong ko lang, di ba nagamit na yung orange sa Museong Pambata (kahit di ako kasama dun, haha)? Okay lang ba na umulit? Pero ako okay lang ako sa orange ah, kasi me orange na ko na shirt hahaha
Pasensya, dami ko agad tanong. HEKSAYTED NA KASI AKO WOOOHH!!!

Gusto nila hindi masyadong formal pero kailangan ay may format. Mamimili pa between Parlia at Oregon-Oxford. (Personally, Oregon-Oxford ako.) Idiscuss na lang siguro sa mga susunod na meeting kapag may nanalo na sa poll.
Yung orange parang naging kulay na talaga ng PRPB. Lagi na lang kasing KAHEL! Hahaha.

(OFFTOPIC: Pupunta na nga pala ako sa lecture nya sa Ayala Museum sa Sabado? Sasama ka?)
Okay din yung Oregon-Oxford, kasi ganun din naman yung kind of debate pag alam na yung topic beforehand eh.
Okay. Go din ako sa kahel. Hahaha
Walong Diwata ng Pagkahulog ang pinili ko para sa book discussion. Pupunta ba, if ever, si Sir Egay? Hihi. Di ko pa sya nakikita eh. :P

OT: Di ako makakapunta eh. F2F, ako moderator. :)
Iniisip na imbitahan sya, pero we can never be sure. :)


Naiisip ko din sina Patrick, Clare, Berto at si DC.. mukhang marami pang pwede! si Azalea din.
Sali na kayo mga kakweba! Masaya ito!
Ako, kung saan si Ibyang hehe. Pareho kong gusto si Rizal at Bonifacio.
Dalawang teams: captain at dalawang chuwariwap. Kailangan pa namin ni Ibyang ng isang miyembro. Bale anim lahat na kakweba. Apat na lang ang kailangan.
Di puwede si Jzhun.
Dalawang teams: captain at dalawang chuwariwap. Kailangan pa namin ni Ibyang ng isang miyembro. Bale anim lahat na kakweba. Apat na lang ang kailangan.
Di puwede si Jzhun.

Apat na lang! mga kakweba sali na!
Ara, Clai, Questian, Ayban, Javi, Master Po, Ben, Raechella, sinu-sino pa ba?

Tatawagin ko si Clyde para naman may 'consultant' tayo. :D
Basta ako debater. Ayaw ko ng coach! Hehe
At dapat manalo kami. Kahit Bonifacio pag yan ang gusto ni Captain Ibyang ko.
At dapat manalo kami. Kahit Bonifacio pag yan ang gusto ni Captain Ibyang ko.

parang ganyan ba ang tema?


anong pwedeng argumento na mabibigyan natin ng marikit at malaman na diskusyunan?

ano kayang relevance nila ngayong panahon? parang ganun.
haha! esep-esep tayo!

Gunblade ang sagot ko dyn....hehehhe

4'11" lang si Rizal. Ano ba height ni Ka Andres? rakenrol.

Vio-lent! Bawal magdala ng weapons sa araw ng debate ha.

Dalawang teams: captain at dalawang chuwariwap. Kailangan pa namin ni Ibyang ng isang miyembro. Bale anim lahat na kakweba. ..."
Hehe Kuya KD. Team Ibyang talaga? XD
Maka-Bonifacio po ako, actually. Mas preferred ko sya kesa kay Rizal, ever since. Para kasi sa akin, masyado nang na-mainstream-ized (lol sa term) si Rizal eh. Saka may mga rason ako kung bakit mas gusto ko si Pareng Boni.
Rise wrote: "Which is mightier, the pen or the sword? Gasgas na rin pero magandang talakayin."
Ayos din 'to. Pero hindi lang naman bolo ang hinawakan ni Boni. Humawak din sya ng pluma. Saka di naman talaga bolo ang kanyang "preferred" weapon, kundi revolver (baril).
Pero sa totoo lang, mas gusto ko yung book discussion hahaha. Pero kung mananalo yung debate sa poll, dapat talaga magsa-cite tayo ng sources natin na books, dahil FilReaderCon ang ating event di ba? So it must be about the books. :)

BTW, sumuko na si Napoles.
So, mamaya na ako makikigulo.


Maganda nga pong ideya yan. Pati yung pagsasalin ng libro in the current situation, as well as future settings. Kaso di ko pa nababasa yung 8 Muses. Sana talaga pumunta din si Sir Egay! :3
Kapag "Walong Diwata" ang mananalo, kailangan pa rin natin ng gimmick para mapansin. Anim na sabay-sabay na book clubs ang magco-compete sa audience. Kung "Rizal-Bonifacio" debate, ang balak natin ay may mga nakadamit katipunero at illustrado sa atin. So, pagpasok pa lang sa venue, tawag pansin na.
Anong puwedeng gawin sa "Walong Diwata?"
Anong puwedeng gawin sa "Walong Diwata?"

Rise gusto ko yang naisip mo! Makikita ko na siya kung sakali. . hehe!
Rise at Juan, prohibitive kasi ang presyo ng "8 Muses." Parang P500 yata yong libro. Dalawa o tatlong librong Pinoy na ito sa Tagalog.

Sa akin lang naman..

Yun lang talaga. Pang-mayaman yung presyo, mabigat sa bulsa! hehe!
Ako nga hanggang tingin lang sa tindahan, pag-iipunan. KD Sang-ayon nga ako sayo na katumbas nito ay tatlong librong Pinoy.
Monologo ng mga karakter sa libro? Tapos naka-costume? Maganda!!!
Parang yong ginawa namin sa Riverbanks. Nagbabasa ng mga paboritong parte ng libro.
Parang teatro ang arrive natin. May naka-costume na tiyanak!
45 minutes
10 - intro ng PRPB (ako)
5 - buod ng libro
20 - monologo ng mga tauhan (bakit gusto ang mga linya)
10 - ilang tanong mula sa audience
Sakto?
Parang yong ginawa namin sa Riverbanks. Nagbabasa ng mga paboritong parte ng libro.
Parang teatro ang arrive natin. May naka-costume na tiyanak!
45 minutes
10 - intro ng PRPB (ako)
5 - buod ng libro
20 - monologo ng mga tauhan (bakit gusto ang mga linya)
10 - ilang tanong mula sa audience
Sakto?

Teatro nga po! ang maganda dito buhay at pwedeng makipag-interaksyon ang mga bisita o mambabasa sa mga karakter natin. Kung sakaling may magtanong, ang isasagot o gagawin lang natin ay nakabatay sa papel ng ating karakter sa nobela. Di ba makulet yun? makuwela at nakawiwindang! Parang mismong libro lang! hehe!
Isipin nyo kung may magtanong halimbawa sa karakter ni Daniel o kaya ni Aman. Sasagot si Daniel ng malulupit niyang linya! Kay Aman naman: Pwede siyang ngumawa ng ngumawa dahil may eksenang ganun sa libro.
ganyan lang po. hehe!
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.
Books mentioned in this topic
Bones of Contention: The Archaeopteryx Scandals (other topics)Meaning and History: The Rizal Lectures (other topics)
Walong Diwata ng Pagkahulog (other topics)
At dahil dyan....
kailangan nating magplano! (Syempre, alam niyo naman ako, kaligayahan ko ang mga plano plano. Hahaha.)
Ito ang mga suhestyon galing kay Rise:
(i) Layout Committee - mangongolekta sa nabuong listahan ng bawat pangkat na syang pwedeng mai-print ng maramihan at maipackage ng maayos at maipamigay sa Readercon,
(ii) PRPB Booth Committee - tatao sa booth/table ng PRPB, mamimigay ng mga listahan, at sasagot sa mga katanungan ng mga partisipante sa Readercon
(iii) Komite sa Promotions (maghahanda ng PRPB flyers, PRPB tshirts, streamers, business cards, bookmarks, etc.) na maipamimigay sa event.
Pero higit sa lahat:
Kailangan nating pagplanuhan ang programang ating ipreresinta sa araw na iyon. Ano nga ba ang gusto nating gawin o kaya nating gawin o dapat nating gawin? :)