Pinoy Reads Pinoy Books discussion

67 views
Mga Tipanan > Marikina Field Trip (Sabado, Hunyo 22, 2013)

Comments Showing 1-50 of 157 (157 new)    post a comment »
« previous 1 3 4

message 1: by K.D., Founder (last edited Jun 08, 2013 02:57PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Sa Sabado, ika-22 ng Hunyo, 2013 ay ang ating ika-5 event sa PRPB na siyang ring ika-3 field trip:

Marikina Field Trip

Ito ang suggested itinerary:

8am - SWIMMING SA FLAMINGOES GARDEN RESORT
Address: 239 Gen. Ordonez St. (Molave), Marikina Heights, Marikina City (Tel. No. 933-0047 / 654-7606)

Day Time Rate (8am-4pm): P100 (KKB ito pati tanghalian)
Depende kung ilan ang participants, ito ang mga accommodations (required) na maaari nating kunin:

Pavilion A, B, C, E (20-25 pax) - P1,500
Pavilion D (30-50 pax) - P2,000

Wooden Hut Small (8-10 pax) - P450
Wooden Hut Medium (8-14 pax) - P500
Wooden Hut Big (10-14 pax) - P600
Wooden Hut Row Type (12-18 pax) - P600
Twin Cottage (10-14 pax) - P600
Wooden Hut Big A (12-18 pax) - P800

Concrete Table Set (4-6 pax) - P200
Tent (8-12 pax) - P400

Plus: P700 - videoke rental (optional)

May corkage ang drinks (alcoholic and non-alcoholic except water).

Swimming Attire:
MEN - garterized shorts above the knee, swimming trunks, no tshirts, no maong shorts
WOMEN - bathing suits, white tshirts, garterized shorts above the knee, no maong pants, no leggings

Wala akong mahanap na website hehe. Ito lang You Tube.
Flamingoes Garden Resort.

2pm MARIKINA RIVERBANKS
Magdala ng banig o kumot na puwedeng ilagay sa damuhan at upuan. Potluck ito - meryenda. Paguusapan natin ang mga sumusunod:

1) "Walong Diwata ng Pagkahulog" ni Edgar Calabia Samar - kung hanggang saan ang ma-cover natin sa sabayang pagbabasa

2) TAGOS - deadline ng araw na iyon. Maari kayong magtanong kung may extension ang pagsusumite hehe (joke).

Habang nasa riverbank, maraming options: (1) sumakay ng race track, (2) maglakad sa pampang ng ilog papunta doon sa kabilang lugar na natatanaw kapag nagdra-drive galing kina Masol hehe; (3) mag-shopping; (4) kumain ng ice cream; (5) mag-tanghalian sa paluto ng seafood, dampa style; (6) o matulog sa damuhan; (7) mag-emote habang tinatanaw ang mga berdeng puno sa tabi ng ilog at ang brown pero payapang tubig; (8) magdala ng largabista (binoculars) at panooring ang mga kabataang naglalampungan sa tabing-ilog; (9) magdala ng yosi o tabako at magpausok; (10) wala lang basta andoon ka kahit di ka nagsasalita, masaya naman kami. Yong presensya mo lang, nakakaligaya na!

Sana wag umulan.

Magkakaroon din tayo ng group games na may relasyon sa Walong Diwata na pinagiisipan pa ni Anna.

5pm UWIAN

Yong mga direksyon kung paano pupunta roon ang magkasintahang Masol at Berto ang sasagot. Sila rin ang magpo-post ng mga pictures para ma-engganyo kayong sumali. At sila rin ang sasagot sa inyong mga tanong.

Isa lang ang masasabi ko lalo na sa mga hindi pa nakikita ang buong Marikina: 'pag di kayo sumali sa field trip na ito, magsisisi kayo!

Ang susunod pong field trip ay sa ika-27 at 28 ng Hulyo, 2013: ang San Pablo Laguna Field Trip. Kaya po naisipan ni kakwebang Berto (ang book moderator ng 8 Diwata) na gawin ito ay upang makasama natin ang mga kakwebang di puwede sa out-of-town field trip. Mas madaling pumunta at mas matipid kung narito lang sa Metro Manila e.

Paunawa: Kapag nasa Marikina, huwag magpapanggit o magbibiro tungkol sa pagbaha o Ondoy. Traumatic sa mga taga-roon ang mga ganitong bagay.

Suggested itinerary lang po ito. Kung meron kayong mga suhestiyon, paki-post sa ibaba. Kung meron kayong mga tanong, sasagutin ng magkasintahan hehe.

Bubuksan ko na rin po ang event invite. Sali na kayo!


message 2: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments feild trip!!!!

puwede bang makigulo khit bago palang?

^-^


message 3: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments mag hihiram nlng ako cguro ng libro..hnd kaya ng budget ko yung price..hehehehe


message 4: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Sana makasama ako jan :))
kasama ba si sir egay sa marikina ??


message 5: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Dko pa sigurado kung makakasama ako sa mini field trip. Di ko pa kasi nababasa e. :(


message 6: by javiruchi (new)

javiruchi | 53 comments "Isa lang ang masasabi ko lalo na sa mga hindi pa nakikita ang buong Marikina: 'pag di kayo sumali sa field trip na ito, magsisisi kayo!"

Grabe naman... sana makasama ako :(


message 7: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments wish ko lng libre ang sked ko ng ganun araw


message 8: by Bong (new)

Bong | 275 comments tara! sama tayo. :)


message 9: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Hindi na siguro ako sasama dito. Yung sa July na lang. :)


message 10: by Bong (new)

Bong | 275 comments ^ mas pinaghahandaa yung July. :D


message 11: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments ang bait naman berto!!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Sunod ako. Pramis. Malamang may pasok ako/shoot nito. Alam niyo naman, dumadami na absent ko tuwing Sabado. Hihihi.

Pero alam niyong hinding hindi ako mawawala dito. Dahil nasa puso ko din si Berto. HAHAHA


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments HINDI AKO NANINIWALA! Kasi, mageextend yan para sa akin. HAHAHA. Di ba? Para makahabol ako! :D


message 14: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments naks.tlg...

^-^


message 15: by Vanissa (new)

Vanissa Gale (VanGurl) | 2 comments Ngayon pa lang, nagsisi na po ako. hahaha
Yearly lang po ba ang mga fieldtrips nyo???


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments ^Hi Vanissa! May mga fieldtrip kami halos buwan buwan. Abangers ka lang :)


message 17: by Vanissa (new)

Vanissa Gale (VanGurl) | 2 comments cge poh,, thank u. :)))


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Bakit ba magandang sumali sa field trip na ito?

1) Noong mag-ocular kami, nabago ang imahe ng Marikina sa isip ko. May kamaganak kami kasing pinupuntahan almost yearly sa may Sto. Cristo. Tapos yong sementeryo. Yung mga yun lang ang imahe ng Marikina sa isip ko. Tapos noong marating ko ang riverbanks at ang city hall at yong daan papuntang Flamingoes, sabi ko, maganda pala ang Marikina.

2. Masayang sumama sa field trip ng PRPB. Di ka mao-OP dahil lahat tayo nagmamahal sa Panitikang Pinoy. Nagsasalita ng tagalog. Kumikilala sa mga manunulat na gumagamit ng sariling wika at/o nagsusulat tungkol sa ating bayan. Madaling maka-blend in dahil tayo'y mga anak pawis.

3. Malapit lang ang Marikina. Nanggaling na tayo sa Imus (Cavite), Rosales (Pangasinan) at sa susunod na buwan ay San Pablo (Laguna). Kagaya ng Ermita (It's a Mens World), narito lang ang Marikina (Walong Diwata ng Pagkahulog) kaya kung di kayo puwede sa out of town, samantalahin na ninyo ito para makasalamuha (ulit) ang PRPB people.

4. Masarap mag-swimming hehe. Mainit ang panahon. Tapos doon sa Flamingoes di naman kailangang naka-two piece (ang babae) at puwede pang naka-tshirt ng white.

5. Magandang tumanaw doon sa greeneries sa Riverbanks lalo na kung humahangin. Nakaka-relax ng strained (from too much reading) eyes hehe. Green din ang damuhan at green din ang mind ko minsan hehe.

6. Ang magkasintahang sina Berto at Masol ang hosts natin. Pareho silang palakaibigan at parehong nagmamahal sa Marikina. Asahan natin na makikita natin ang ganda ng Marikina at maririnig ang mga magagandang kasaysayan tungkol dito at ang kasaysayan ng Marikina sa kanilang pagmamahalan hehe.

7. Si Daniel ay tumira sa Marikina noong nasa kolehiyo na siya dahil tapos na siya ng high school sa San Pablo (Atisan). Kung makaka-abot na tayo sa mga kabanatang naganap sa Marikina, paguusapan natin ang mga yon at ire-relate sa mga nakikita natin sa riverbanks hehe.

8. May iniisip na mga palaro si Anna. Kaya puwede tayong maglaro sa pampang ng ilog sa hapon.

9. Pagkain - may resto roon na puwedeng ikaw ang mamimili ng seafood na iihawin nila. Parang Dampa (Paranaque/Libis) ang istilo. Looking forward ako sa pagkain doon dahil noong ocular nauna kaming kumain doon sa isa.

10. Basta. Basta mag-attend ka! (Hardsell na ito hehe)


message 19: by Bananafriz (new)

Bananafriz | 180 comments nabasa ko yung post ni ate biena, may naisip na ko na games ngunit hindi ito tungkol sa walong diwata ng pagkahulog.. :( hindi ko pa kasi nababasa yung libro ni sir egay.


message 20: by Jayvie (last edited Jun 09, 2013 07:18PM) (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments K.D. wrote: "Jhive, di ko pa ininvite si Sir Egay pero alam ko nagbabasa sya nito (o yong isang thread). Kaso alam ko busy yon. Kaya parang 3 months before, sinabihan ko na (at nag-commit sya) doon sa San Pablo..."

ah ganun po ba kuya, sayang naman .. Sana lang wala pa kong masyadong gagawin sa paaralan para makasama ako..

Na-excite ako dun sa greeneries..lalo na kapag humahangin... Talagang nakaka-relax sa mata :))
Green ang damo at green din ang mind :) hahahaha


message 21: by Charlot (new)

Charlot (goodreadscomuser_chai) | 36 comments Dahil hindi po ako makakasama sa san pablo naisip kong sumama sa marikina fieltrip sir KD, pero okay lang po ba kung hahabol na lang ako sa 2pm itinerary dahil may activity kami sa museo ng umaga? pramis babasahin ko ngayong linggo ang aklat ni sir egay para makasali sa diskusyon. :-)


message 22: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments ...paka ako ang ma- OP dyn Kuya...hehehehehe


message 23: by Bananafriz (new)

Bananafriz | 180 comments K.D. wrote: "Bakit ba magandang sumali sa field trip na ito?

1) Noong mag-ocular kami, nabago ang imahe ng Marikina sa isip ko. May kamaganak kami kasing pinupuntahan almost yearly sa may Sto. Cristo. Tapos yo..."


- KD natanong ko po kay berto about sa games ok naman sakanyang ung naisip ko na laro at natanong ko po mga anong oras ung sa riverbanks (dahil baka dun nalang po ako susunod sana) kaya lang may conflict pa din po pala ako sa araw na yan dahil may buhay pag-ibig na ako ngayon at ang buhay pagibig ko may laro ng basketball at ito ay championship na daw po at gaganapin ito ng 6pm ng sabado..

dun po sa games sasabihin ko nalang po kay berto ang ggwin at ibibigay ko nalang
sakanya ung prizes :D


message 24: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments hehehehe.... Puro English ang mga reading materials ko...pero magdadala n rin ako ng libro just in case...hahahahahaha...Kuay puwed sa Riverbank nlng tau mga Kitakits?


message 25: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments eto n kuya, mag popost na... wait lng


message 26: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Alak talga? hehehehehe...

panoorin ko n lng kau mag inuman...


message 27: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments ayan Kuya i posted n my formal introduction... basahin nyo nlng...


message 28: by M (new)

M (mcaterwauls) | 7 comments Sana kahit isang beses makasama ako sa ganitong gatherings ng group. ;(


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Ganito. Kung wala akong naka-schedule na shoot para sa araw na ito, makakasama ako sa swimming (8am) pero aalis ako around 12nn, kasi may pasok ako ng 1:30. :D

Tapos babalik na lang ako around 6pm dahil alam kong di naman kayo maguuwian ng 5pm. Mahal niyo ako eh.


message 30: by Juan (new)

Juan | 1532 comments woohoo! naku, sana makasama ako dyan, sana nga pwede din si sir Egay para sobra-sobra ang saya! pero sa presensya nyo pa lang mga Kakweba sobrang saaayyaaa naaaahh!!!


message 31: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments kuya KD. yah married na ako.... and my mga oras na gusto ko patayin ang asawa ko...

kuya walang biko dun sa mga kakanin mo....yung kape, ilalagay sa termos tapos kanidla at biskuwit....


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Pero, mahal ko din kasi kayo, Itay. Kaya baka mag-absent na naman ako nito. Hahaha. (Kung wala akong shoot)


message 33: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments yeah! makikita ko si biena!! wahahahaha


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Kita kits, Questian! :)


message 35: by Questian (last edited Jun 10, 2013 06:06AM) (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments yun e kung pupunta ka.. wahahahahahaha

at yun ay kung makakapunta ako....

labya girl!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Pupunta ako, di naman ako nawawala kapag nandyan si KD at Berto. Haha. :D


message 37: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments hehehehehehe.... kabago bago ko plng kala mo close ko na kau..


adik lng ito mga friends...


message 38: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD gusto ko yung mani! hehe! yung lokal ha' hehe!

rainy season na nga pero di tayo papapigil kahit umapaw ang Marikina river! haha!

KD aba! ok yung ideya na yan ah! may naalala akong author na gumawa ng novel para basahin ng malakas..
ang galing nito!


message 39: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD ang ganda nito! ang tagal na rin na hindi nung huli akong makaranas ng ganito, yung grupo namin sa bulakan nagsasagaw ng TULAAN tapos may kasamang musika gamit ang gitara. Sa gabi namin ginagawa at may candle lights pa.

Galing nito KD!


message 40: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments ang saya nmn noon trasparent....

platic cover puwed n ba?


message 41: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments kuya, kung may mani...may bawang din yun db?!


message 42: by Masol (new)

Masol Santiago | 29 comments Sama ko! Nga po pala nakapost na sa fb page natin ang mga pictures, pakicheck na lang po. Hehe salamat! Pwedebang mag-suggest ng game?

Sana makapunta lahat... :)


message 43: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments kuya KD!!! c berto gusto akong malasing!!!!!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Competitive ako. Competitive! kailangan ko manalo! Pero bago ang lahat.... magsusulat muna ako para sa Tagos hahaha


message 45: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Biena wrote: "Competitive ako. Competitive! kailangan ko manalo! Pero bago ang lahat.... magsusulat muna ako para sa Tagos hahaha"

Speaking of Tagos... baka isa lang maipasa ko. Nasa 3rd page pa lang kasi ako sa una kong entry. Tss.


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Wow. Third page! Ilang pages ba ito? Tsaka, isa lang talaga ipapasa ko. Hahahaha.


message 47: by Anna (new)

Anna Gaspar | 1 comments Gusto ko sumama. May 'initiation rites' ba para sa bagong miyembro ng PRPB? :-)


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments ^ Wala naman Anna, paki-PM na lang ng number mo sa amin (preferably kay KD kasi sya ang moderator) para syempre may commu tayo at para hindi magkawalaan.

Masaya kaming tumanggap ng mga bagong myembro kaya wala kaming pormal na 'initiation rites'

Sana ay makasama ka namin, Anna! (Dalawa na kayong Anna!)


message 49: by Raechella (last edited Jun 12, 2013 08:55PM) (new)

Raechella | 452 comments Biena wrote: "Wow. Third page! Ilang pages ba ito? Tsaka, isa lang talaga ipapasa ko. Hahahaha."

Ang alam ko minimum of 5 pages, maximum of 10? Tama ba? Pero matagal ko pa tong matatapos kasi sinisingit ko din lang pagsusulat.


message 50: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments really wlng 'initiation rites'? naka maybe lang ako e, hehehehe...pag tinopak ako ang sobra sobra, punta ako pag hnd.....punta ako, puwed mga dala ng friend?


« previous 1 3 4
back to top