Pinoy Reads Pinoy Books discussion

28 views
Thematic Pinoy Reading > Araw ng Kalayaan (Hunyo 12)

Comments Showing 1-13 of 13 (13 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (last edited May 31, 2013 05:40PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Araw ng Kalayaan: Hunyo 12

Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ay ipinruklama noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite ni General Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng pagbabasa ng "Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino." Ang rebolusyonaryong puwersa sa ilalim na kanyang pamamahala ay nagdeklara na pagsasarili at kalayaan ng mga pulo na sakop ng Pilipinas mula sa kolonyal na pamamalakad ng Espanya.

Alam nating ang "kalayaang" di ito nagtagal. Pero ito ay ating ginugunita pa rin na isang tagumpay ng Lahing Kayumanggi.

Anong magandang basahing Pinoy Books bilang pagpupugay sa araw na ito?


message 2: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Yung buhay ni Bonifacio, o kaya ni Aguinaldo..
Yung Kangkong!


message 3: by Rise (new)

Rise Tama, Kangkong 1896, di ko pa nabasa pero napanood ko yung adaptasyon na dula. Nakalimutan ko na lang kung tungkol saan. yayks.

Si Ambeth meron ding Aguinaldo's Breakfast, Bonifacio's Bolo, Bones of Contention: The Bonifacio Lectures.

Yung kay Nick rin na A Question of Heroes--wishlisted.


message 4: by Rise (last edited Jun 03, 2013 04:49AM) (new)

Rise Pagdating sa KKK ni Ka Andres, ang standard text daw dati ay The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan ni Teodoro Agoncillo. Pero dati yun. Mas magaling raw dito ang Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 ni Reynaldo Clemeña Ileto. Meron ding lumabas na kontrobersyal na Inventing a Hero: The Posthumous Re-Creation of Andres Bonifacio ni Glenn Anthony May.

Pwede rin siguro ang Under Three Flags: Anarchism and the Anti-Colonial Imagination ni Benedict Anderson. May kopya ako nito pero di ko pa nababasa.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tama, "Kangkong" na lang ang babasahin ko. Salamat, Juan at Rise. Solb na ako hehe.


message 6: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Rise naglalaway naman po ako sa mga nabanggit mong aklat!

KD maganda ang kwento ng kangkong!


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments dahil naubos ang pera ko sa book hunting namin ni Pareng Patrick, kangkong ang uulamin ko haha


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Pareng Patrick talaga hehe. Pag pinaiksi, P.P. Sa Tagalog, pa-pa. Joke.


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments cge n nga papa Patrick na haha


message 10: by Juan (new)

Juan | 1532 comments PO i-adobo mo yung kangkong o kaya i-stir fry mo with worcestershire sauce o oyster sauce! panalo yun!


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments mas panalo yan kapag kasama si Papa haha


message 12: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hahaha!sama mo na din si mama! pati ang buong pamilya!


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Ka-dinner ko kahapon si Papa Patrick mo hehe. Di ka sinama kasi nagpapa-miss daw sya sa yo. As in. Ang tamiiis!!!


back to top