Pinoy Reads Pinoy Books discussion

76 views
Mga Bagong Manunulat > Almira Astudillo Gilles

Comments Showing 1-14 of 14 (14 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Si Dr. Almira Astudillo Gilles ay isa sa makabagong nobelista na pinarangalan ni Pangulong Noynoy Aquino sa unang nobela niya na The Fires Beneath: Tales of Gold.

Ang kanyang kapatid na babae ay isang curator sa Ayala museum ,siya ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Surigao treasures. Tatlong taon ang ginugol niya sa pagsulat ng nobela.

Ang kalahati ng kanyang kabataan ay lumaki sa Germany sapagkat ang kanyang ama ay naging trabahador sa World Bank pero nag pre-med siya sa UP Diliman, at nakagraduate ng cum laude at pagkatapos ay nagtrabaho sa Sycip Gorres and Velayo bilang management consulting. Paglipas ng dalawang taon ay nag-aral na siya sa US at duon na rin nakapag-asawa.

Ikinararangal ng Pinoy Reads Pinoy Books na ipakilala ang bagong nobelista na nakatanggap ng gawad mula sa Pangulong Noynoy Aquino.

Mabuhay ka! Almi...


message 2: by Rise (last edited Dec 23, 2012 11:46PM) (new)

Rise Napa-google ako dito, Po. May isa syang libro sa GR: Willie Wins. Salamat sa pagpapakilala ng isang manunulat na kaabang-abang. Sana maging available sa local bookstores ang nobela ni Dr. Almira.


message 3: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Salamat sa impormasyong 'to, Po. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Salamat Rise at Jzhun...

@Rise, tama! ka may aklat siyang Willie Wins. Iyong bago niyang aklat na Fires Beneath: Tales of Gold ay wala pa rin dito sa goodreads hehe!


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa mahalagang balitang ito, Po. Ikaw na si Mike Enriquez ng Panitikang Filipino hahaha.

Maligayang Pasko sa iyong lahat!!!!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Salamat! KD...nawa'y marami pang mga Pilipinong maparangalan sa larangan ng Sining at Panitikan!.

Mabuhay ang Mga Bagong Nobelista at Maligayang Pagbati sa Inyo!...


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Sana sa susunod niyang pagbabalik dito ay makapanayam natin siya.


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Sana sa susunod niyang pagbabalik dito ay makapanayam natin siya."

Oo nga. Naiintriga na ako, parang close kayo hehe.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Oo KD mismong si Pnoy nagbigay ng award niya. Buti nga si Mam Gilles binigyan ng award ni Pnoy samantalang si Nora A. ayun! tengaaah!


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Oo KD mismong si Pnoy nagbigay ng award niya. Buti nga si Mam Gilles binigyan ng award ni Pnoy samantalang si Nora A. ayun! tengaaah!"

Iba naman kasi ang writer na di masyadong buhangyang ang buhay na kagaya ni Nora Aunor.


message 11: by Billy (last edited Aug 17, 2014 09:38PM) (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Nakakatuwa, kasama namin si mam almira sa tacloban sa book launch ng Verses Yolanda. Mabait and very pleasing and accomodating siya.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naka-base na ba sya dito sa Pilipinas?


message 13: by Juan (new)

Juan | 1532 comments astig nito Po! so sister nya pala yung curator sa Ayala Museum. Napaluha kaya ako nung mapanuod ko yung dokyu ni Cheche Lazaro na Gintong Pamana. Panuorin nyo na lang po. At ito namang unang nobela ni Ms Almira, siguro nga'y maganda, pulitikal din ito malamang.


message 14: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments hindi, bumisita lang siya yun book launch, sa states siya naka base. pero alam ko uuwi siya ng December.


back to top