Pinoy Reads Pinoy Books discussion

note: This topic has been closed to new comments.
75 views
Mga Tipanan > PAK U Book Launch (Disyembre 22, 2012)

Comments Showing 1-50 of 139 (139 new)    post a comment »
« previous 1 3

message 1: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 24, 2012 09:13AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ungaz ba kayo?...join na kasama ang mga bandang Pinoy na Pinoy!

Petsa: December 22, 2012
Saan: Hydra Music Lounge Timog QC
Oras: 8pm
Ano: Pak U Journal Launch
Meron: PHP 100 1 Free Beer,Pak U journal PHP 86


Featuring;

BLOODSHEDD
BAD BURN
KABAONG NI KAMATAYAN
PENTAVIA
BREADE MORTUARY
BARRABBAS
HATEURE
MOTHERSHIP
I.N.B.
SERPENTS SLAVE
METAL 168
BURN YOUR LIES
DURAAN DURAAN
CANNABEAST
CIUDAD TRIBU


message 2: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Huh? Ikaw na ang spokesperson ng Ungaz Press, Po? Hahaha! :D

Dapat nilagay mo na lang sa thread ng Mga Tipanan ito o sa Mga Patalastas at Anunsiyo.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Bilib na ako sa iyo, Po. Wala akong kilala sa mga bandang binanggit mo. Wala ba dyan ang VST & Co? (hahaha) o ang Sing-Sing? o Moonstar? Dyok lang. Pasingtabi sa mga kaedad ko.

May binili na akong tshirts na puti. Isang L at isang XL (para sigurado). Since 6pm pa lang andoon na tayo siguro maraming time para makapagpa-print ng tshirts. Eksayted na ako! Wohoo!


message 4: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 23, 2012 01:24AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments guyz! maraming salamat sa mainit na pagtanggap! swarap! ninyong kausap at dama ko ang damdamin ninyong nais iparating hinggil sa pagbabasa at pagsusulat ng aklat.

Isa kayong inspirasyon sa amin! malalim, mabigat, ma-angas, ma-astig ang mga kaalaman pang-realidad at kumukulong kaisipan na bubusog sa aming sikmura at magandang kinabukasan.

PAK U! wasak ang ideya ninyo pang-high-I.Q., simpleng may dating at tatatak sa aming kaisipan..

Mabuhay mga Ungazers!

ronaldo
danell
erwin
ronnel
christian

sa mga ka-repapips kong dumalo

KD
berto
bienna
Jzhun
Jhive
reev
Ms.Bebang & her Lovey Dovey!
w/ special participation of
Carla (ex ni ?) & Wasi doodle


message 5: by K.D., Founder (last edited Dec 26, 2012 01:10AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
KUWENTONG KAYDEE

Paunawa: Nage-effort akong ilagay ang buod ng mga pangyayaring naganap sa isang event ng Pinoy Reads Pinoy Books upang ibahagi ang mga karanasan sa mga kasapi ng pangkat na nasa ibang lugar at walang tsansa na makadalo sa ganitong pagtitipon. Nais ko lang sanang maramdaman ng mga kasaping ito ang mga masasayang pangyayari upang kapag may bumabanggit ng ganito sa mga threads, ang bumabasang kasapi ay may idea at maka-relate siya sa sinasabi ng kasaping iyon. Sa madali't sabi, hindi sila magkakaroon ng pakiramdam na nae-etsa puwera (salamat Amang Jun Cruz Reyes sa napaka-gandang nobela mo haha). Di na rin lang dapat banggitin dahil obvious, malay nyo, maengganyo rin ang mga kasaping ito na sa susunod na pagdalaw nila sa Maynila at nataong may event ay sumali sila, di ba?

Ito na:

Hapon

Nagtetext na si Paolo at Po na pupunta o papunta sila sa Bookay-Ukay dahil may sale. Di ko naman ibig pumunta dahil baka may magpapakita sa Popular at parang wala naman akong naiisip na bibilhin sa Bookay-Ukay kaya't sabi ko'y wag na lang.

3:45pm

Nasa Popular Bookstore ako. Bumili ng "Margosatubig", "Jose Maria Sison: A Celebration" at "Not on Our Watch." Tatlong piling-piling mga librong pinoy na palagay ko'y pawang mga makabuluhan. Mga 4:15 ay bumaba na sa Army Navy at umorder ng pagkain para sa 2-3 dahil alam kong darating si Po at si Jzhun.

4:30pm

Dumating si Po. May dalang 2 librong binili sa sale sa Bookay-Ukay. Di na raw sasama si Paolo (bawal gabihin) at si Kwesi (may flight kinabukasan o ngayong araw na ito).

Nagte-text kami ni Berto. Parating na. Si Jzhun, traffic raw.

5:55pm

Wala pa si Jzhun. Si Berto naroon na sa Hydra. Sarado pa raw ang music lounge. 7pm pa ang bukas. Sabi ko, dahil wala pa si Jzhun, pupunta na kami sa Hydra.

6:00pm

Kumain kami sa Buddy's (katabi ng Hydra): Ako, Jzhun, Po, Berto tapos dumating na rin si Biena at si Jhive. Nag-text si Ronaldo, naroon na raw sila sa Hydra. Sabi ko, kumakain pa lang.

7:00pm

Simula na ng Q & A with Ungaz boys:

1) Ronaldo S. Vivo = ang may ideya ng libro at parang tumatayong lider at editor nila. Sa mga kasaping babae: may itsura itong si Ronaldo. Magaling magsalita. Palangiti. Magaling magpaliwanag. Tsaka may blackberry hahaha.

2) Christian "Lenin" de Jesus = ang sinasabi ni Ronaldo na kasama nya sa pagbubuo ng ideya ng libro at designated na spokesperson ng grupo. Sa gulang na 21, si Lenin, para sa akin, ay nakakamangha ang talino. Isang sociologist, masarap makinig sa kanyang mga pananaw sa mga bagay-bagay sa lipunan. Pag ito ang kausap ko sa inuman, parang kulang ang magdamag para makinig sa laman ng isip nya. Sa mga kasaping babae: kamukha raw sya ni Hero Angeles (parang K-Pop ang buhok; parang buhok ni Kwesi noong mahaba pa). Bilib ako sa laman ng utak nya, di ko napansin kung may gadgets haha (kasalanan mo ito, Biena).

3) Danell Arquero = ang sumulat ng paborito kong maikling kuwento sa antolohiya, ang "Sana Gisingin Ako ni Catherine." Ay, tuwang-tuwa ako noong makita ko siya at makadaupang-palad. Pero biglang tumayo at nahiya raw siya. Kuwento ni Ronaldo, aksidente lang ang pagkakasama nito sa Ungaz boys at wala silang hinalang marunong magsulat. Saan kinuha ang ideya ng "Catherine"? Habang naliligo raw sya. Mantakin mo yon, naligo lang, nakaisip na ng magandang kuwento.

4) Ronnel Vivo = ang utol ni Rolando. Di rin daw akalain ni Ronaldo na marunong magsulat ang utol niya dahil ang talagang nagpapabasahan ng mga kuwento ay silang dalawa ni Christian (Lenin). Pero nagulat na lang daw siya noon nabasa ang "MOLOTOV" ng utol nya. Mahusay ring magpaliwanag si Ronnel at bilib sa kanya si Jzhun. Sa mga babaeng kasapi: may artistang kamukha si Ronnel sabi ng isa sa amin. Di ko lang natandaan ang pangalan. Ako na wala nang masyadong kilalang artista lalo na ang mga bago.

5) Erwin Dayrit = ang funniest guy sa kanila ayon kay Ronaldo. Ang sumulat ng pinakanakaka-aliw ng kuwento sa antolohiya, ang "Zhay." Inspirasyon sa pagsulat ng kuwentong iyon? Wala lang daw. Basta naisip nyang doon papuntahin ang kuwento.

Ang limang kabataang ito ay nagsisikap na magsulat upang ibahagi ang kanilang mga nasasa-utak: ang kanilang mga niiisip na ilahad na nangyayari sa ating kapaligiran. Ang kumita ay hindi ang kanilang pangunahing layunin, ang ibig lang nila ay magbahagi ng kanilang mga kuwentong nabuo sa kanilang mga inuman sessions.

Di sila nag-writing workshop. Kahit sinabi nilang di sila palabasa, lumalabas mula sa diskusyon na marami ring silang nabasang mga akda ng mga bantog na manunulat dito sa Pilipinas o maging sa ibang panig ng mundo: luma man o bago. Habang kausap namin sila, kamangha-mangha ang kamalayang maaaring di nakikita ng iba sa mundong ito na ating ginagawalan. Ito ang nais nilang ibahagi kaya't sila'y nagku-kuwento. At doon pa lang, bilib na ako sa kanila.

Pinirmahan nila ang mga kopya namin ng libro. Nagprint sila sa mga puting tshirts na dala ng iba sa amin. Nag-piktyur taking kami na naka-dirty finger (Ungaz official hand sign hahaha). Nagbigay sila ng 5 complimentary (libre) copies. Ipapadala ko ito sa mga sumusunod na wala sa Maynila: (1) Rise; (2) Diane; (3) Mara; at sa mga di naka-attend na sina (4) Ayban at (5) Clare. Rise, paki-PM na lang ang mailing address mo sa akin.

10:00 p.m.
Naglakad kami sa kahabaan ng Timog. Di na namin gustong magtagal sa Hydra dahil hindi kami puwedeng magusap. Nagsimula na ang nakakabinging musika. Napunta kami sa Yam Chai (ang isang restaurant na dati nang ginagamit na meet up place sa book club) at doon ay dumating si Reev, Bebang, Poy, Karla at Wasi. Si Karla ay dating ex ng batikang at sikat na manunulat na siguro di ko na lang babanggitin kung sino. Si Wisa naman ay taga-GMA na sumusulat ng scripts sa TV segments. Di ko lang naintindihang mabuti dahil wala akong malay sa TV production hahaha (o lasing na ako sa San Mig premium hahaha).

1:30 a.m.
Naghiwa-hiwalay sa Yam-Chai dahil pinatayan na kami ng aircon. Mga more than 1 hr nang patay ayaw pa rin naming umalis hahaha. Ramdam na ang init na sanhi ng walang aircon, alkohol sa katawan at sa kakatawa kay Bebang, Karla at mga hirit ni Po at Berto.

2:30 a.m.
Magke-kebab daw si Reev at Biena at niyaya kami ni Jzhun. Usap-usap habang nilalantakan ang mga lutuin mediterranean at nagmamasid sa mga seksing kung bakit madaling araw nang gising pa at naglalakad ng naka-short-shorts hahaha.

4:00 a.m.
Nakabalik sa bahay.

Isa na namang masayang araw sa buhay ng Pinoy Reader. Salamat sa lahat ng mga kaibigang muling nakita't nakasalamuha. Salamat sa mga bagong kakilala. Salamat at gudlak sa Ungaz boys. Goodluck kay Karla at sa kanyang ex hahaha. Pinayayaman ninyo ako sa kaibigan. Maligayang Pasko sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay! Mabuhay tayong lahat!


message 6: by Lenin (new)

Lenin Simoun | 12 comments maraming salamat rin po mga sir, kagalakan naming makapagbigay linaw sa mga bagong ka-kuwentuhan. salamat din po kina ms. bebang na pinilit pa ring makadaan sa gig ng ungaz peeps. at sa mga ungaz na biglang naging idol si sir e.a. PAK U haha. steady lang tayo para sa ikalawang putok!


message 7: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Salamat sa pagbubuod ng mga pangyayari kahapon Kuya D! Ang saya talaga! At ang sarap kausap ng Labidabs ni Ms Bevs, talagang maraming alam sa Panitikan, nakamamangha! Gusto ko na tuloy magpamiyembro sa Cavite Young Writers Association kahit di ako Caviteño. Bahahaha! :D

At si Wasi Doodle po 'yong kasama nila na nagsusulat ng segments ng Imbestigador para sa GMA 7. :)


message 8: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Dalaw kayo sa page ng ungaz: http://www.facebook.com/ungazpress


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang saya ng page. Wasak na wasak! Ulit, goodluck and more power to Ungaz boys! Hanggang sa mga susunod ninyong proyekto, narito lang ako - ang tagahanga ni Catherine. Sana'y buhayin ni Danell si Catherine sa susunod nyang kuwento hahaha.


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey! Tatlo na tayo hehe. Wasak! At naisip lang yan ni Danell habang naliligo sya hahaha


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Kaya ako maliligo na araw araw para maka-isip ako ng ma-isusulat ko patungkol kay Catherine. Ang pamagat niya ay mga Fans ni Catherine haha!


message 12: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Mabuhay ka PO!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments K.D. wrote: "KUWENTONG KAYDEE

Paunawa: Nage-effort akong ilagay ang buod ng mga pangyayaring naganap sa isang event ng Pinoy Reads Pinoy Books upang ibahagi ang mga karanasan sa mga kasapi ng pangkat na nasa i..."


Si Reev po yung kasama ko, hindi si Rise. Hehe. :)


message 14: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Biena, rebyuhin mo na si "PAK U" pamasko mo sa amin. Ipagkalat mo na rin, pa-new year mo sa amin.


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Ronaldo wrote: "Biena, rebyuhin mo na si "PAK U" pamasko mo sa amin. Ipagkalat mo na rin, pa-new year mo sa amin."

Bumili ako ng dalawanpang kopya para sa bestfriend ko nung College na taga-Pateros din at yung isa ko pang kaibigan.

Rerebyuhin ko po ito kapag nakauwi na ako ng bahay. Hehe.

Nasa opisina pa din ako at walang tulog. Haha


message 16: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments hehe, ayos. salamat. happy holidays. teka, anong name nung bespren mong taga-pateros? maliit lang ang pateros, baka lang kakilala namin.


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Ronaldo wrote: "hehe, ayos. salamat. happy holidays. teka, anong name nung bespren mong taga-pateros? maliit lang ang pateros, baka lang kakilala namin."

John Emerick Domingo. Di ko alam kung kilala niyo eh. Dun sya lumaki pero hindi na dun nakatira ngayon. Pabalik balik na langh siya.


message 18: by K.D., Founder (last edited Dec 26, 2012 01:12AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ronaldo, si ex-Mayor Jose Capco, dati plant manager doon sa pinagtratrabahuhan ko. Two months ago, nakita ko sya, matanda na at mahina nang maglakad. Dati, ang sigla sigla noon.

Pina-LBC ko nga pala ang 5 complimentary copies na binigay mo.

1) Rise - Mindoro
2) Diane - Bulacan
3) Mara (anak ko) - Laguna
4) Ayban - Taguig
5) Clare - QC

Nangako naman silang magre-rebyu. Mahuhusay mag-rebyu yan. Di lang ako nangangakong magugustuhan nila hehe. Gumastos ako sa LBC pero papasko (suporta) ko na yan sa inyong mga Ungaz hehe. Lakas nyo sa akin! :)

Biena, na-correct ko na. Salamat :)


message 19: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Ah, small world. Dati ngang mayor si ka Pepe dito, sumunod naman ay ang utol niyang si endo. Mahina na si ka pepe, dala na rin siguro ng edad.

Maraming maraming salamat sa suporta, mabuhay ka K.D at ang tropang PRPB. Happy holidays pa rin!


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman. Naaala-ala ko pa noon, nagresign bilang plant manager yan si Mr. Capco kasi tatakbo sa pulitika. Nagre-record pa kami ng campaign jingle nya hahaha.

Walang anuman, Ronaldo. Basta sa bagong manunulat na lalapit sa PRPB, gagawin namin ang suportang kaya naming gawin.

Yong pictures namin ha? :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Basta aabangan namin ang ikalawang putok!...

Mabuhay mga Ungaszers!...


message 22: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Hehe, yung pictures. To follow na lang mga tol at tal, hinihintay pa rin namin yung mag-uupload e. Maraming salamat sa inyo. Mabuhay kayo.


message 23: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Salamat sa copy na pinadala ng aking Itay na si KD. Natanggap ko na kanina lang.

Salamat din Ronaldo sa mga complimentary copies na binigay nio.


message 24: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Walang anu man Mara, enjoy reading...


message 25: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara, basahin mo na at nang ikaw ay maging ungaz na rin. Ungaz ang ama, ungaz din ang anak hahaha.

Tapos ipahiram mo sa mga kamag-anak at kapitbahay natin dyan sa Laguna. Pag lumaganap ang ungaz sa ating bansa magiging Ungaz Republic tayo. Hindi na Banana Republic. Mas maganda ang Ungaz Republic di alam ng mga Amerikano ang ibig sabihin ng salitang "ungaz" hahaha.


message 26: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Dumating na yung kopya kuya, salamat sa kopya! Gagawan ko to ng review pagnatapos ko! Salamat!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Medyo marubdob yung ginagawa kong rebyu mga tol. It will take time pero nasa kalahati na ako. Kalahati na ang Catcher di ba? Hahaha.


message 28: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments abangan namin mga pala-palagay niyo. Mabuhay.


message 29: by Rise (new)

Rise dumating na kopya ko. ungazteeg!


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayban at Rise, salamat naman at di naligaw. Sana matanggap rin ng maayos ni Diane. Parang nagkulang ang address sa pagta-type ng LBC hahaha. Nawala ang street name hahaha. Si Clare di pa rin naga-acknowledge.

Biena, rubduban mo pa. Mas marubdob, mas galing sa puso. Mas matapat, mas maganda para pointers ng mga bagong kwentista. Kaso, parang 1/3 pa lang pag nasa Catcher ka kasi... di ba Absurdo pa lang yan hahaha.


message 31: by Rise (new)

Rise Salamat, K.D.! Salamat sa Ungaz Press!


message 32: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Dito na lang sa thread na ito ipagpatuloy ang usapan mga tol: http://www.goodreads.com/topic/show/1... - Mabuhay kayo. Salamat ng marami kay K.D.


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman, Ronaldo.

Tama ka, dito na lang natin ituloy ang mga reaksyon ninyo. Para di malito si Ronaldo dahil naka-link ito sa FB account nila. Sana, dumami ang sumali sa diskusyon at ma-nominate ito sa Readercon hahaha. Malay natin? :)


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Kuya D: Gusto ko kasi isa-isahin e. Hindi kasi siya talaga pwede i-buod.


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. Ako rin, isa-isa ang bawa't kuwento. Puwedeng buod pero magiging mababaw o walang substance ang rebyu mo.


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Kaya binabasa ko isa-isa ulit para naman talagang pinagbutihan ang rebyu hehehe


message 37: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naninerbiyos na si Ronaldo sa yo hahaha.


message 38: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments KD!! Nandito na ako ulu sa Manila, nakita ko na din yung pinadala moo. Maraming salamat! Salamat Ungaz Press!


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments K.D. wrote: "Naninerbiyos na si Ronaldo sa yo hahaha."

Mabait ako... Hihihi


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Kamusta naman long overdue na yung sakin. Madaming ginagawa pasensya na. Pramis ko bago mag 2013 meron na. Hahahaha


message 42: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Berto wrote: "http://www.goodreads.com/review/show/...

Eto na review ko..."


WASAK NA WASAK Berto! mabuhay ka! salamat sa oras.


message 43: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Husay ni Berto. Ungaz na ungaz hahaha


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Biena, may 23 hrs ka pa.


message 45: by Biena (The Library Mistress) (last edited Dec 30, 2012 09:10AM) (new)

Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Yes po. Ang totoo nyan. May nakapagbura nung review ko kaya uulitin ko ulit. :(


Biena (The Library Mistress) | 1702 comments Ayunnnn. Nakita ko pa yung kalahati!!!! :D

Nag-iisip lang ako kung ipopost ko na o sabay sabay na


message 47: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Mukhang pagpupuyatan mo yan ms. bien ah? hehe. t.y ng marami.


message 48: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 30, 2012 11:34AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments na-pakyu,
na-patawa,
na-paiyak,
naka-pag-isip ng malalim,
na-gising sa kamalayan,

serbisyong totoo!..

at higit sa lahat na bitin!...

malaman ang PAK U!...

saan na ang ikalawang PUTOK!...

pre, hintayin nyo un rebyu ko isasabay ko na sa Pagputok ng Taon para toodooo WASAAAKKK!..


message 49: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Po wrote: "na-pakyu,
na-patawa,
na-paiyak,
naka-pag-isip ng malalim,
na-gising sa kamalayan,

serbisyong totoo!..

at higit sa lahat na bitin!...

malaman ang PAK U!...

saan na ang ikalawang PUTOK!...

pre, ..."



Ayos 'yan tol. Abangan namin. Mabuhay ka. Maraming salamat!


message 50: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sabay sabay na! Habol sa 2012!!!


« previous 1 3
back to top
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.