Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Mga Agos sa Disyerto
This topic is about Mga Agos sa Disyerto
219 views
Sabayang Pagbabasa > Enero at Pebrero ng 2013: MGA AGOS SA DISYERTO nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordoñez, Edgardo M. Reyes, at Rogelio R. Sikat (Moderator: Ayban)

Comments (showing 1-50 of 610) (610 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 12 13

message 1: by K.D., Elder (last edited Dec 01, 2012 07:50AM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Unang Aklat para sa 2013 (Unang Kuwarter).

Bakit pinili:

1) Nanalo sa botohan. Tinalo nito ang "Mga Kuwentong Supot sa Panahon ng Kalibugan" at "Wag Lang Di Makaraos."

2) "Magsimula tayo sa mga maestro ng maiikling kuwento," sabi nga ni Jzhun.

3) Gusto nating gawing bisita sa diskusyon ang mga natitirang buhay sa Agos boys na sina Efren R. Abueg at Rogelio R. Ordonez.

4) Si Ayban ang moderator. Si Ayban na sobrang hilig sa Pinoy books. Si Ayban na magaling na moderator. Si Ayban na mahal ng lahat lalo na ni ... LOL.

Pakilagay na lang po ang inyong mga unang opinyon sa libro at kung anu-ano pang reaksyon at katanungan. Gagawa po tayo ng plano para sa pagbabasa upang matapos natin ang aklat bago ang aktuwal na diskusyon kasama sina Abueg at Ordonez.


message 2: by K.D., Elder (last edited Dec 01, 2012 09:40PM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat, Paolo.

Para sa lahat:
Sana po ay i-add na ninyo ang libro sa inyong TO-READ folder para ma-gauge po namin ni Ayban kung marami nang nakahanda na magsimula sa pagbabasa. Sa ika-16 po ng Disyembre natin balak pero kung puwede nang pagusapan ang ilang bahagi ng libro, sisige na po tayo.

Katsi-check ko pa lang po at si Josephine, Paolo at Phoebe pa lang ang may libro. Alam ko pong mayroon na rin yong iba.

Kung wala pa po kayong kopya ay maniguradong mayroon sa C & E BOOKSTORE na malapit lang sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue.

Pag-igihin po natin ang pagbasa ng "Agos" dahil ito po ay itinuturing na makabagong klasiko ng panitikang Filipino.


message 3: by ♥Nica♥ (new) - added it

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Meron po kaya nito sa NBS? Sayang naman ang puntos sa Laking National card ko. :P Magkano po kaya 'to, Itay?


message 4: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
P250 lang. Newsprint. Minsan, meron sa NBS. Kagaya ng NBS Harrison. Ang maigi pa'y tumawag ka muna sa kanila at itanong kung saang branches meron bago ka maghanap. Si Jzhun ay naka-tatlong (yata) tindahan para ibigay sa kanyang baby. Tapos nagagahol na sya sa oras, dumiretso na sa C & E.


message 5: by ♥Nica♥ (new) - added it

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments P250? Umm... Itay, ihanap nyo na lang po ako ng mahihiraman!


message 6: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sa ngayon, wala pa akong alam na mahihiraman. Tapos ko nang basahin ito pero kailangan ko ang libro para sa diskusyon. Sana'y irekonsidera mo ang desisyon mo, Maya anak. Ito'y isang aklat na binubuo ng napakaga-gandang mga kuwentong tunay na kapupulutan mo ng mga gintong aral sa buhay. Kahit ipabasa mo sa inda mo. Tiyak na makaka-relate siya. Si Paolo'y binasa ang isa o dalawa sa mga kuwento sa kanyang tiya at ang tiya'y di napigilang mapaluha.


message 7: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "P250 lang. Newsprint. Minsan, meron sa NBS. Kagaya ng NBS Harrison. Ang maigi pa'y tumawag ka muna sa kanila at itanong kung saang branches meron bago ka maghanap. Si Jzhun ay naka-tatlong (yata) t..."

Itay, mahirap magtanong sa NBS. Ako ay naiinis sa costumer service nila. Nung minsang nagpareserve ako ng libro, ang sabi ready for pick-up na daw, tapos nung pinuntahan ko, wala na daw silang kopya, biglang out of stock na daw pala sa lahat ng branches sa Manila. Tapos nung dumaan ako sa NBS SM Manila, may kopya pa kong nakita sa shelves nila.

Kaya mabuti pang magpunta na lang sa C&E para sigurado.


message 8: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay oo, Mara anak. Siguradong maraming kopya roon. Kung gusto mo'y ibibili kita at ipapadala ko sa iyo sa LBC.


message 9: by ♥Nica♥ (last edited Dec 01, 2012 11:30PM) (new) - added it

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments K.D. wrote: "Sa ngayon, wala pa akong alam na mahihiraman. Tapos ko nang basahin ito pero kailangan ko ang libro para sa diskusyon. Sana'y irekonsidera mo ang desisyon mo, Maya anak. Ito'y isang aklat na binubu..."

Hindi po palabasa ang aking ina, at lalong ayaw na ayaw nyang kinekwentuhan sya tungkol sa mga libro. Maging ang kapatid ko ay hindi palabasa. Mas natitiis nya pang mabutas ang bulsa ko sa pagbili ng mga mahal ng mga aklat pambata kaysa sa magbasa. Nahuhumaling na sya sa mundo ng mga Koreyano at sa kanilang musika at kultura.

Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdamang ampon nga ako. *hikbi*

Pahabol:

Itay, ate, hindi ko na kailangang bumili! May kopya kami sa aklatan! Woohooo!!! ┗(^0^)┓


message 10: by Phoebe (last edited Dec 02, 2012 04:17AM) (new) - rated it 4 stars

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Yey~! wala lang hihi

Nabasa ko pala sa textbooks yung iba sa mga gawa ni Rogelio Sikat at yung kay Edgardo Reyes :D childhood memories~


message 11: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Maya anak, ikaw nga ang nawawala kong anak!

Feevee, hala, maging aktibo ka sa diskusyong ha? Ikaw na may karanasan na sa pagbabasa kina Sicat at EMR.


Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Sige po :D
Naawa ako kay Impeng Negro at gumawa pa ko ng komiks ng Tata Selo [nasan na kaya yun? :( ]. Yung Giligang bato lang nabasa ko na nandito sa Agos pero suki si Edgardo Reyes sa mga textbooks ko dati hehe :D


message 13: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat, Feevee! :)


message 14: by K.D., Elder (last edited Feb 10, 2013 04:46AM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Plano sa Pagbabasa:

Disyembre 9-15 : Kuru-kuro tungkol sa libro. Kasaysayan ng libro. 4 na introduksyon (viii hanggang xix)

EFREN R. ABUEG (ERA)
Disyembre 16 & 17 : Sa Bagong Paraiso
Disyembre 18 & 19 : Mapanglaw ang Mukha ng Buwan
Disyembre 20 & 21 : Mabangis na Lungsod
Disyembre 22 & 23 : Dugo sa Ulo ni Corbo
Disyembre 24 & 25 : PAHINGA (PASKO EH)
Disyembre 26 & 27 : Ang Lungsod ay Isang Gubat

DOMINADOR B. MIRASOL (DBM)
Disyembre 28 & 29 : "Eli, Eli, Lama Sabachthani"
Disyembre 30 & 31 : Mga Aso sa Lagarian
Enero 1 & 2 : PAHINGA (BAGONG TAON EH)
Enero 3 & 4 : Isang Ina sa Panahon ng Trahedya
Enero 5 & 6 : Ang Biktima
Enero 7 & 8 : Makina

ROGELIO L. ORDONEZ (RLO)
Enero 9 & 10 : Dugo ni Juan Lazaro
Enero 11 & 12 : Buhawi
Enero 13 & 14 : Sa Piling ng mga Bituin
Enero 15 & 16 : Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya
Enero 17 & 18 : Si Anto

EDGARDO M. REYES (EMR)
Enero 19 & 20 : Di Maabot ng Kawalang-Malay
Enero 21 & 22 : Lugmok na ang Nayon
Enero 23 & 24 : Emmanuel
Enero 25 & 26 : Ang Gilingang-Bato
Enero 27 & 28 : Daang-Bakal

ROGELIO R. SIKAT (RRS)
Enero 29 & 30 : Tata Selo
Enero 31 & Pebrero 1 : Impeng Negro
Pebrero 2 & 3 : Quentin
Pebrero 4 & 5 : Sa Lupa ng Sariling Bayan
Pebrero 6 & 7 : Ang Kura at ang Agwador

APENDIKS
Pebrero 8-10: Sinasabi Nila...
Pebrero 11-13: Paglalapat ng Ilang Teoryang Pampanitikan
Pebrero 14-16: Pagpapahalagang Pampanitikan

LINGGO, PEBRERO 17, 2013: PAKIKIPAGTALAMITAN KINA EFREN R. ABUEG AND ROGELIO L. ORDONEZ

Venue: Imus Cavite (Sir Roger Ordonez's Residence)
AM - Interview with Abueg and Ordonez
PM - Visit the historical places in Imus

Kung may katanungan o suhestiyon, pakisulat na lang po sa pising ito o doon sa thread na may pamagat na "Mga Suhestiyon."


message 15: by K.D., Elder (last edited Dec 02, 2012 07:03AM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Bili na kayo ng libro. Maguumpisa na tayo sa Linggo, ika-9 ng Disyembre, 2012!!!

Moderator: Ayban
Katulong: K.D.

Bakit sa Pebrero ang diskusyon? Marso kasi ay busy ang mga nasa paaralan pa.

Bakit Linggo? Yan ang gusto ng Agos boys. Yan di maluwag si Bebang Siy - isang guro sa Filipino sa kolehiyo.


message 16: by ♥Nica♥ (last edited Dec 02, 2012 02:14PM) (new) - added it

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Itay, ang ikatlong edisyon lang ng kalipunang ito ang natagpuan ko sa aklatan. Ano po kayang pagkakaiba nito sa pinakabagong edisyon (ikaapat)?


message 17: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Pareho lang yata. Mayroon lang introduction para sa 4th edition.

Ang malaking pagkakaiba yata ay iyong 1st at 2nd editions. Mismong ang isa sa mga writers ay napalitan (yata).


Kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Wala pa akong kopya ng libro pero malapit lang sa dormitoryo ko ang C&E Bookshop, Valenzuela branch. Ilang minuto lang sa diyep, may 5% discount pa ako. Haha. Student kunwari. Try kong bumili ng kopya next week at sana meron nga dun, minsan kasi nauubusan sila. Malapit kasi sa Fatima, eh, magagaling ang mga guro nila sa Literatura doon eh. Anyways, siguraduhin kong sasali na ako dito sa diskusyon niyo. Haha.

Nakakainggit, OP ako. Bwahaha.


message 19: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Salamat, Kwesi! Noong bumili ako sa C and E Bookshop sa Quezon Ave. may 5% discount din ako Mukha siguro akong estudyante nang bumili ako kasi naka-longest sleeves ako; kagagaling ko lang kasi sa trabaho noon. Haha! :D

Ano ba, wag kang ma-OP! Sa tagal ka na naming nakilala, nakapiling ('yong sa iba nga nakasiping LOL!), sa lagay na 'yan mahihiya ka pa sa amin?! Joke, Kwe Siy! We labyu!


message 20: by ♥Nica♥ (new) - added it

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments K.D. wrote: "Pareho lang yata. Mayroon lang introduction para sa 4th edition.

Ang malaking pagkakaiba yata ay iyong 1st at 2nd editions. Mismong ang isa sa mga writers ay napalitan (yata)."


Naintriga naman ako 'tay. Pa'nong "napalitan"? :P


message 21: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maya wrote: "Naintriga naman ako 'tay. Pa'nong "napalitan"? :P"

Tignan mo sa iyong sipi kung mayroon itong 25 na maiikling kuwneto, kasi may ilan ngang nadagdag. 'Wag ka na lang mag-alala kung kulang sa introduksiyon at iba pang bonus materials ang edisyong babasahin mo. Ang mahalaga, kumpleto ang mga kuwento dahil ito ang mas bibigyan natin ng pansin. :)


message 22: by Rise (new) - added it

Rise jzhunagev wrote: "Kwe Siy"

May nawawalang anak si Beverly!


message 23: by Bethany (last edited Dec 20, 2012 10:30AM) (new) - rated it 5 stars

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Mga Agos sa Disyerto
(view spoiler)


message 24: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments High si Po ngayon. :D


Bethany  (Book Noy) | 1028 comments bumulwak ang puso ko dahil sa Agos na yan haha! ako'y isang certifyd Agos lover na din...


message 26: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Mara anak,
Yong unang edisyon yata ay wala si Dominador Mirasol. Sa halip ay naroon yong isang Edgardo Reyes. Hindi Edgardo M. Reyes. Parang "B" yata ang middle initial.

Tapos doon sa unang edisyon parang 3 stories each lang sila. Halimbawa, hindi kasama ang "Emmanuel" at "Gilingang Bato" ni Edgardo M. Reyes.

Yata ang lagi kong sinasabi dahil impresyon ko lang ito habang binabasa ang mga introduksyon at apendiks. Hindi kasi tahasang sinabi. Magsasaliksik pa ako. O di kaya ay itatanong natin mismo kina Abueg at Ordonez.


message 27: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Magandang Balita:

Pumayag na si Efren R. Abueg na humarap sa atin sa diskusyong ng "Mga Agos sa Disyerto" sa ika-17 ng Pebrero 2013 sa ganap na ala-una ng hapon. Si Efren Abueg ay isa sa mga Agos boys.

Doon tayo sa bahay ni G. Abueg. Magdadala na lang tayo ng minidal. Tapos mamamasyal tour sa Las Pinas Bamboo Organ. Tapos bird watching sa may seashore ng Las Pinas. Manonood na naman tayo ng sunset!!!

Kakausapin pa ni Bebang si Rogelio Ordonez.

Sinasabi ko ito ng ganito kaaga upang:
1) I-block na ninyo ang Linggo, Peb 17.
2) Bumili na kayo ng "Mga Agos sa Disyerto"
3) Magsimula nang magbasa kung di kayo gaano kabilis magbasa. Ang tempo natin ay mabilis. Isang kuwento kada dalawang araw. Baka di ka makasabay dahil Tagalog ito.
4) Magsimulang maghanap at magbasa (preferred pero di required) ng ibang mga libro ni Abueg at Ordonez. May book signing tayo ulit!!!
5) Dahil maga-attend ulit si Bebang (dahil sya ang moderator kaya walang takas haha), may book signing sya ulit, may picture taking, at puwede pa rin kayong magtanong ulit ng tungkol sa "It's a Mens World." Pinaguusapan pa. Binibili pa. May sticker pa ng Readercon ang mga lalabas na bagong limbag!


message 28: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
* Minindal = meryenda


message 29: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ngayon pa lang kapana-panabik na ang susunod nating diskusyon!

Bilang kapalit ng walang-sawang pagpupunyagi ng ating mga moderators, Kuya D. at Bebang Siy, sana tayo bilang miyembro nitong munting grupo ay magawang makaalinsabay sa planong talaan ng pagbabasa.

Bumili na tayo ng aklat! Haha! :D


Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments yehey!
susme dapat di na ko malate haha


message 31: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tama ka, Jzhun. Nakakahiya kasi kapag konti lang ang nakapagbasa. Lalo na nag mga kuwento ni Abueg doon. Mayroong modern retelling ng "Genesis" (Eba at Adan). Dapat siguro meron tayong re-enactment hahaha. Si Feevee ang Eba kasi mahaba ang buhok nya. Sino si Adan? Sino bang mahaba rin ang buhok?


Josephine (jojiemon_) | 974 comments Sobrang saya ko... apat na taon pa lang ako noong mabasa ko ang mga maikling kwento ni Sir Efren. Sana Feb. 17 na ^_^


Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments KD: ako si Eba sa play nung bata ako. di ko nga gets ginawa ko basta ang alam ko lang kinagat ko yung mansanas haha
San po ba ang bahay ni G. Abueg? :D


message 34: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sa Las Pinas. Malapit doon sa dating Manuela. Kanto lang ng Zapote at Casimiro. Walking distance mula doon. Kukunin ko ang address kay Beverly at ilalagay sa invite.


message 35: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments OMG medyo malayo ito sa Zapote! medyo malayo layo rin sa Casimiro ha. hindi walking distance definitely. si ronald ang ating main person dito hahaha hindi ako. although parang ako na rin. kasi hindi pa siya kasali sa group natin. pero kasi siya yung close kay sir era. yung bird watching bird watching ay optional. di ko pa to nata try kasi pero alam ko kung san nag bibirdwatching ang mga bird watchers along coastal road. at napakarami ngang ibon dun as in. iba-iba. siguro, mag research tayo ng mga pwede nating puntahan sa las pinas. ok din sa sarao. malapit lapit ito sa bamboo organ. ang sarao ang kauna unahang manufaturer ng dyip. pwede rin tayo pumunta sa may zapote, kasi may zapote bridge dun na historical. kaya lang palengke na yun ngayon. sobra nang matao at historical marker lang naman ang meron dun! hahahaha at wala namang kinalaman sa aklat na babasahin natin :(


message 36: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Kahit walang masyadong kinalaman. Basta parang historikal. Magbabasa naman tayo later ng tungkol sa mga digmaan sa Pilipinas (Ambeth Ocampo atbp). Parang educational trip na rin.

Doon ako nagtrabaho sa Casimiro ng 7 taon. Mantakin mo yon. Nilalakad lang namin ang Manuela kasi doon kami nagbo-bowling noong araw. Pati nga hospital mula doon sa chemical plant nilalakad namin. Dati rin katabi lang namin ang showroom ng Francisco Motors pero nagsara na.


message 37: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments aahahahhaa sige sige, nakakatuwa talaga ikaw KD. mahilig ka rin sa historical na lugar! research research paPara naman may mapuntahan pa tayong mga historical na place duon. Sa tapat ng bamboo organ may munting museo tungkol sa las pinas. Open to the public yun. Meron ding library dun. Pero hindi ako sure kung open pag sat. ipapatanong ko sa nanay ko (taga dun sya, sa community sa likod ng bamboo organ) ganito na lang. saka na natin ayusin ang programa ng feb 17, kapag nasa atin na ang mga detalye ng pupuntahan (like kung anong oras open ang church, at may museum din sa tabi ng church ganun) so ipapacheck ko din yung mga time na bukas sila.) basta ang sure, iblock na natin ang feb. 17. Di natin alam kung umaga tayo ke sir abueg or hapon. Kasi kung mamamasyal mas ok kung sa umaga yun. Mas likely kasi na umulan sa hapon. Kaya lang kung hapon ke sir abueg, baka naman gabihin tayo sa kanila. Hahahaha napakadaldal kasi nun!


message 38: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Masaya pag madaldal. Sige, 1pm na lang kay Sir Abueg.

Umaga na lang ang pamamasyal. Paki-confirm na lang, Beverly. Di pa naman tayo magse-send ng invite. Baka next week pa kapag may linaw na ang mga pinasasaliksik mo.

Salamat. :)


message 39: by Lyn Liza (new)

Lyn Liza (elaineandbiting) Wooohoo!
Mga Agos! YAY! Dalawang linggo ko lang pwedeng hiramin ung kopya sa library, pero kaya na yan...haha... saka nabasa ko na ung iba dyan eh.. Sikat lang...Eeehk nga pala baka di po ako makasama sa Pebrero 17. Malayo eh. Sayang.. >.<


message 40: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments sa face to face with the author

ang sugestion ko, kanya-kanya tayong dala ng listahan ng mga gusto nating itanong. para talaga matanong natin lahat hahahaha bawat isa sa atin magtatanong sa authors, isa-isa muna bawat round. then isa-isa uli kada round hanggang sa maubos natin ang tanong ng bawat isa or hanggang sa maubos natin ang oras.


message 41: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Tama!

Para sa araw na 'yon di tayo nangangapa, makakatipid pa tayo sa oras para di na mag-isip on the spot at maiwasan rin ang dead air. :)


message 42: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Magandang suhestiyon, Beverly. Hindi na nakami masyadong naghanda noong Dis. 1 kasi di namin alam na talagang game ka na sumagot. Malay ba naming gusto mong maraming tanong hahaha. Sa susunod, babawi kami!

Magbasa rin tayo ng ibang libro ng mga authors. Yan eh kung tapos na ating basahin ang buong "Agos." Walang ibang kunsuwelo ang isang author kundi ang malaman na binabasa at nasisiyahan ang nagbabasa ng kanyang mga aklat.


message 43: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
UP Press ako nakakita. Meron pang isa na binitawan ko noong nasa Popular ako.


message 44: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Magbasa rin tayo ng ibang libro ng mga authors. Yan eh kung tapos na ating basahin ang buong "Agos." Walang ibang kunsuwelo ang isang author kundi ang malaman na binabasa at nasisiyahan ang nagbabasa ng kanyang mga aklat.

SOBRANG TOTOO ITO!


message 45: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Paolo, si abueg ay well anthologized. puro sa liwayway napublish ang works nya noon. pero ngayon madalas sa text book siya matatagpuan. si ordonez ay nag seself publish as of today. pero yng agos, sa C and E makikita


Kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Salamat Jzhun. Haha.

Imposible yon! Malabo lang yata ang mata nung nagbenta ng libro sayo. Diba itatanong pa naman yung school mo, so ano sinabi mo?


message 47: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kwesi 章英狮 wrote: "Salamat Jzhun. Haha.

Imposible yon! Malabo lang yata ang mata nung nagbenta ng libro sayo. Diba itatanong pa naman yung school mo, so ano sinabi mo?"


Sabi ko lang estudyante ako ng buhay. 'Yon na! Instant 5% discount, beybe! Haha! :D


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments bibili ako nito. sigurp sa bakaston


message 49: by Apokripos (new) - added it

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hi Krizia Anna!

Isang karangalan sa amin ang partisipasyon mo sa pagbasa ng Agos. Yey! ^.^


message 50: by K.D., Elder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay totoo ka, Jzhun. Si Anna yan eh.


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 12 13
back to top