Pinoy Reads Pinoy Books discussion

53 views
Thematic Pinoy Reading > Kapanganakan ni Andres Bonifacio (Nobyembre 30)

Comments (showing 1-50 of 54) (54 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Elder (last edited Nov 07, 2012 01:11AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ngayong ika-30 ng Nobyembre 2012 ay ang ika-149 taon ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Siya ay isa sa tatlong Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Kung ikaw ay thematic reader, yon bang nagbabasa ng libro na may theme ayon sa panahon o mga mahahalagang araw sa kalendaryo, anong librong Pinoy (akdang lokal) ang babasahin mo bilang pagdiriwang sa kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio?

Bilang pagkilala sa kagitingan nya? Wari'y isang pagdakila sa kanyang kabayanihan ay magbabasa ka ng libro tungkol sa kanya? Yon bang para makilala siyang mabuti o maipaala-ala sa iyo ang kanyang mga nagawa para sa bayan.

Layunin po ng thread na ito ay magkaroon ng ideya tayo sa magagandang aklat tungkol sa ating magiting na bayaning si Andres Bonifacio.

Maaari rin pong gamitin ang thread kung may gusto kayong pagusapan tungkol sa kanya.


message 2: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Balak kong basahin ang Bones of Contention: The Bonifacio Lectures akda ni Ambeth R. Ocampo sa huling linggo ng Nobyembre at sana'y masulat ko at ma-post ang suring-aklat sa mismong Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Pwede ring basahan ang isa pa niya akda: Bonifacio's Bolo. 'Yong nga lang out of print na.

Kung di ako nagkakamali may kinalaman din ata sa buhay ni Bonifacio ang librong Kangkong 1896. (Take note: hindi yan yong bold film, ha! Haha! :D)


message 3: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Mukhang magandang basahin ang librong ito

Supremo The Story of Andres Bonifacio by Sylvia Mendez Ventura

Sa panahon natin ngayon, bihira siguro sa atin ang nagbabasa ng talambuhay ng ating mga bayani. Karaniwan pa dito ay kay Rizal dahil required sa school. Maganda sigurong isama din sa diskusyon ang mga talambuhay nila.


message 4: by Apokripos (last edited Nov 06, 2012 10:24PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakakalungkot din na wala tayong gaanong historical evidence para punan ang ilan pang "gaps" at "inconsistencies" sa buhay ni Bonifacio.

Tsimis #1: Alam niyo bang matapos malitis si Bonifacio, ginahasa ng isang opisyal ng Magdalo ang kanyang may-bahay na si Gregoria de Jesus?

Ang chismaxxx na ito ay hatid sa inyo ni Tito Ambo...

SUSUNOD!


message 5: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Nakakalungkot din na wala tayong gaanong historical evidence para punan ang ilan pang "gaps" at "inconsistencies" sa buhay ni Bonifacio.

Tsimis #1: Alam niyo bang matapos malitis si Bonifacio, gin..."


Tama ka dyan, kaya wala masyado maisulat tungkol kay Bonifacio eh. Kasi sabi nila nasunog daw yung ibang historical evidences kaya ganun. Unlike kay Rizal na naitago pa ang mga sulat, tula, libro at kung ano ano pang ginawa nia. At may mga tao ding nakapagkwento ng naging buhay nia.

Whoa! Chismaxxx nga! Ngayon ko lang nalaman yan! Ano ang tsismis#2? hehe.. *tsismosa mode*


message 6: by Michael Gerald (new)

Michael Gerald Salamat, K.D., sa paksa na ito.

Ang mga aklat na aking mairerekomenda ay:

1. Bonifacio's Bolo ni Ambeth Ocampo
2. Kasaysayan: The Story of the Filipino People (Volume 5-Reform and Revolution)

Ang mga aklat na ito ay makakatulong sa pagpawi sa maling mga akala ng ilang mga Pilipino tungkol kay Bonifacio.


message 7: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Haha! :D Nawili sa Chismaxx!

O sige...

Tsimis #2: Alam niyo ba na ang labi o butong nakuha mula sa Bundok Buntis, ang lugar kung saan kinitil ang buhay niya kasama ang kanyang kapatid, ay huwad?

Kung gusto mong malaman ang iba pang detalye ng juicy Chismaxxx na yan basahin ang Bones of Contention: The Bonifacio Lectures ni Tito Ambo!


message 8: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Isa pang gusto kong basahin ukol sa ating mga bayani ang aklat ng isa sa mga pinagpipitaganang National Artist, ang A question of heroes ni Nick Joaquín, ngunit nakalulungkot na wala akong makitang kopya nyan. :(


message 9: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Haha! :D Nawili sa Chismaxx!

O sige...

Tsimis #2: Alam niyo ba na ang labi o butong nakuha mula sa Bundok Buntis, ang lugar kung saan kinitil ang buhay niya kasama ang kanyang kapatid, ay huwad?
..."


Aha! Dyan mo pala nabasa ang mga chismaxxx na yan. Hahanapin ko nga ang librong yan.

Ayon sa aking nabasa, sinunog daw ang bangkay ni Bonifacio, kaya maaaring tama ang tsismis na yan.


message 10: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Isa pang gusto kong basahin ukol sa ating mga bayani ang aklat ng isa sa mga pinagpipitaganang National Artist, ang A question of heroes ni Nick Joaquín, ngunit nakalulungkot na wala akong makitang..."

Baka kakaunti lang ang kopya nito. Dito kasi sa atin basta mga aklat ng tungkol sa history bihira lang ang nagbabasa, Minsan kaya lang bibili ay dahil required na basahin. Pero kung tutuusin magandang basahin ang mga talambuhay ng ating mga bayani. Kagaya ng kay Rizal, tiyak na interesting din ang buhay ng iba pa.


message 11: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Mara wrote: "Aha! Dyan mo pala nabasa ang mga chismaxxx na yan. Hahanapin ko nga ang librong yan."

Kung sakaling wala kang makita, highly recommended ko rin ang Looking Back book series ni Ambeth Ocampo. Madali lang basahin ang kanyang mga essays, at mura pa ang isang libro. PHP 110 lang! Haha! :D Masyado na kong oversell kay Tito Ambo!


message 12: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Mara wrote: "Aha! Dyan mo pala nabasa ang mga chismaxxx na yan. Hahanapin ko nga ang librong yan."

Kung sakaling wala kang makita, highly recommended ko rin ang Looking Back book series ni Ambeth ..."


Noted po! Mura nga lang. Hahanapin ko yan pag namili ako ng mga bagong libro.


message 13: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Michael, walang anuman. Salamat sa mga rekomendasyon mo. Hahanapin ko nga yan. Maaga pa naman ang Pasko, kilalanin muna natin si Bonifacio.

Jzhun at Mara anak, at pagusapan siya sa thread na ito! Alam nyo, sa inyo ko lang nalaman ang mga tsismis na yan. Ang alam ko ay pinapatay siya ni Gen. Aguinaldo. Ipinakaon isang umaga tapos pinatay sa bundok. Graduate na ako ng kolehiyo noong malaman ko yan. Nakakahiya lang.


message 14: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Michael, walang anuman. Salamat sa mga rekomendasyon mo. Hahanapin ko nga yan. Maaga pa naman ang Pasko, kilalanin muna natin si Bonifacio.

Jzhun at Mara anak, at pagusapan siya sa thread na ito! ..."


Itay, yung tsismis#1 ngayon ko lang din nalaman. Nabasa ko lang din sa isang libro na pinasunog daw ang katawan ni Bonifacio so kung pinasunog nga yun maaaring tama ang tsismis#2, since wala na din naman makakapagpatunay na yun na nga yung buto ni Bonifacio.

Pati ang mga gamit ni Bonifacio pinasunog din daw, kung may mga naisulat man cia wala din natira dun kaya kaunti lang ang nagsusulat ng tungkol sa talambuhay nia dahil sa kakulangan ng impormasyon at ebidensya na magpapatunay dito.


message 15: by K.D., Elder (last edited Nov 10, 2012 03:59PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
May bagong libro tungkol sa pagi-ibigan nina Andres at Oryang:

Pag-ibig Sa Mata ng Unos by Domingo G. Landicho
PAG-IBIG SA MATA NG UNOS
ni Domingo G. Landicho

Ito at yong sinasabi ni Jzhun na akda ni Ambeth Ocampo ang may kopya na ako. Ito ang mga babasahin ko sa linggo ng Nobyembre 15 para gunitain ang mga kabayanihan ni Andres Bonifacio.


message 16: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "May bagong libro tungkol sa pagi-ibigan nina Andres at Oryang:

Pag-ibig Sa Mata ng Unos by Domingo G. Landicho
PAG-IBIG SA MATA NG UNOS
ni Domingo G. Landicho

Ito ang yong sinasabi ni Jzhun na akda..."


San mo nabili ito, Itay?


message 17: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
^Central bookstore. Sakto nag-iisa na lang yan nang binili ni KD! :D


message 18: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tama! At 2012 published book ito. Ewan ko kung bakit isa lang ang kopya. Baka lalabas pa lang sa mga bookstores soon!


message 19: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Malugod na nag-aanyaya ang

Pamahalaang Lungsod ng Maynila
at
University of Santo Tomas Publishing House

sa pagpapakilala ng

ANG PAG-IBIG SA BAYAN NI
ANDRES BONIFACIO

ni National Artist Virgilio S. Almario

kaugnay ng pagdiriwang
ng ika-149 kapanganakan ng Supremo


30 Nobyembre 2012, Biyernes
7:30 nu
Bonifacio Park
likod ng Manila City Hall


message 20: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments punta tayo?


message 21: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Parang maganda ngang pumunta dyan ah.


message 22: by Bethany (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Libre? may sale din jan mga aklat ni Supremo?


message 23: by Mara (last edited Nov 21, 2012 07:47PM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Beverly wrote: "Malugod na nag-aanyaya ang

Pamahalaang Lungsod ng Maynila
at
University of Santo Tomas Publishing House

sa pagpapakilala ng

ANG PAG-IBIG SA BAYAN NI
ANDRES BONIFACIO

ni National Artist Virg..."


Ay, magandang magpunta dito! hmm.. Masyado lang maaga. Pag nagkataon madaling araw ako aalis ng bahay. haha


message 24: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Po. Libre po ito at bukas sa publiko. Kaya lang parang wala yatang sale ng mga aklat ni Supremo hehehehe, Mara, oo nga, maaga. kasi iniiwasan nilang mabilad sa init ang mga tao.


message 25: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Beverly wrote: "Hello, Po. Libre po ito at bukas sa publiko. Kaya lang parang wala yatang sale ng mga aklat ni Supremo hehehehe, Mara, oo nga, maaga. kasi iniiwasan nilang mabilad sa init ang mga tao."

Yun na nga Ate Beverly. Siguro madami magpupunta dyan, holiday po eh. Then kinabukasan, party party naman tayo! hehe


message 26: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments ^Parang gusto ko yung puntahan. Ang problema lang talaga kapag hinihila ako ng kama HAHA

Share ko lang: May panukala si Cong. Palatino na HB4353 o the “Andres Bonifacio Act of 2011”, naglalayong isama sa curriculum ng paaralan ang buhay, akda at kasaysayan tungkol sa kanya. Yung tulad kay Rizal :) Kapag nasabatas ito, madali na ang bumili ng libro tungkol sa kanya at darami ang kaalaman tungkol sa kasaysayan tsaka syempre tungkol sa kanya.


message 27: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Magandang panukala yan. Gawing elective. Hayaan ang maga-aral ang mamili kong Rizal 101 o Bonifacio 101 ang gustong kunin sa kolehiyo. Puwede ring Aguinaldo 101 o Aquino 101. Mas masaya!


message 28: by Rise (new)

Rise ... Lapu-Lapu 101, Mabini 101, Del Pilar 101. Haha.


message 29: by Rise (new)

Rise Seriously, pumasa kaya sa kongreso ang Bonifacio Bill?


message 30: by K.D., Elder (last edited Nov 26, 2012 06:25AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Parang ayaw ko si Mabini. May syphilis! Joke. Hula ko, magre-react si Jzhun.


message 31: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Ryan wrote: "Seriously, pumasa kaya sa kongreso ang Bonifacio Bill?"

May chance naman po. Last year pa lang naman na-file at pending ito sa CHED ngayon. Alam naman nating usad pagong pag dating sa ganitong bagay.
Wala namang sense ang taong kokontra sa panukalang ito (siguro ang kokontra lang ay yung mga ayaw magbigay ng pondo).

K.D.: haha inaway si Mabini eh.

Eh kung alternate na lang kaya. Kung 1st year si Rizal tapos 2nd year si Bonifacio tapos etc. etc. Kasi pano kung gusto mo pareho silang aralin? :)


message 32: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay maganda yan. First year - Rizal 101, Second year - Bonifacio 101, Third year - Aguinaldo 101, Fourth year - Lapulapu 101. Ay paano naman ang mga kababaihan? Tandang Sora 101. Wag na si Aguinaldo.


message 33: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Haha! :D
Si Kuya Dims talaga!

Malapit ko nang matapos ang Bones of Contention. Sa aking opinyon, matatagalan pa bago maisabatas ang panukala, at marami pang dapat ayusin hinggil sa buhay ni Bonifacio dahil bukod sa kakulangan ng primary sources, maraming ring petsa at kaganapan sa buhay ni Bonifacio ang di pa konkreto bunsod ng mga magkakasalungat na mga pahayag (conflicting accounts).

Ang tamang petsa nga lang kung kailang nangyari ang unang "Cry" para sa rebulusyon at ang lugar kung saan nangyari ito pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon.


message 34: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Si Aguinaldo kasi ang nagpapatay kay Bonifacio. Kakainis.


message 35: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakakaintriga nga ang buhay ni Aguinaldo. Gusto ko tuloy basahin yong opinyon ni Nick Joaquin ukol sa kanya sa A Question of Heroes. :)


message 36: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay, nadagdagan na naman ang librong babasahin ko. Sangkaterba na! Pero, ano bang magagawa? Tao lang.


message 37: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Haha! :D
Pero wala pa kong mahanap na kopya n'yan. Ang mamahal naman kasi talaga ng mga libro ni Papa Nick.


message 38: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Meron yan last year. Wala na ngayon. Naubos na. Pero nakikita ko pa yan minsan. May nagkomento na niyan (si Nik yata) na maganda raw. O si Re. O si... (ewan).


message 39: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Si O Sei San...
Hahaha! :D


message 40: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Si Ri. Se.


message 41: by cecille (last edited Dec 19, 2012 04:16PM) (new)

cecille (cecillemd) | 27 comments Binasa ko ang "Bones of Contention" ni Ambeth R. Ocampo para sa kaarawan ni Andres Bonifacio. Doon ko lang natanto kung gaano ka-sanitized ang kasaysayan na itinuturo nila sa mga paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo.

Sangayon ako kay jzhun, mukhang mahihirapan na isama sa kurikulum ang buhay ni Ginoong Andres sapagkat marami pang hindi lubusang nalalaman sa buhay niya. Tingin ko isa sa dahilan dito ay maraming nasirang dokumento at artifacts lalo na sa Maynila kung nasaan ang Pambansang Aklatan at Pambansang Museo noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

May isa pa akong nais basahin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakalalampas sa unang bahagi - "Inventing a Hero: The Post-Humous Recreation of Andres Bonifacio" ni Glenn Anthony May - sapagkat ako ay natatakot sa maaari kong malaman, hindi kay Andres kung hindi sa ating mga historian.


message 42: by cecille (new)

cecille (cecillemd) | 27 comments P.S. Maaaring alam mo na ito K.D. sa iyong pagbasa ng "Bones of Contention", na si Mabini ay tunay na may polio at hindi syphilis. :)


message 43: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Cecille, anong naman yang kinakatakot mo?

Alam na ng marami yan tungkol sa polio at di syphilis. Kinuwento na sa lahat ni Jzhun. Lalo na noong pumunta kami kay F. Sionil (sa dulo ng kuwentong Po-On). Sa kanya yata nanggaling ang masamang haka-hakang iyan.


message 44: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Alam na ng marami yan tungkol sa polio at di syphilis. Kinuwento na sa lahat ni Jzhun. Lalo na noong pumunta kami kay F. Sionil (sa dulo ng kuwentong Po-On). Sa kanya yata nanggaling ang masamang haka-hakang iyan."

Sa tinging ko nga mukhang nakonsensiya si F. Sionil José sa pagkakamali niyang ito (dahil na rin siguro sa binabasa ang Rosales Saga sa mga paaralan) kaya 'pag bukas mo ng pahina ng Po-On bago tumambad ang unang kabanata ay isang erratum ang makikita.


message 45: by cecille (new)

cecille (cecillemd) | 27 comments K.D. natatakot akong malaman kung gaano binago ng ating mga historian at pulitiko ang kasaysayan na itinuturo sa mga paaralan. Tingin ko kasi gaano man kapangit ang lalabas na katauhan ng ating mga tinaguriang bayani, karapatan pa rin ng mga mamamayan na malaman ang katotohanan.

Isang malaking halibawa na riyan ang "circumstances" ng pagkamatay ni Andres Bonifacio. Napakasakit sa damdamin ang malaman na sarili niyang kababayan, mga kasama niya sa Katipunan, ang pumatay sa kanya at kanyang mga kapatid; na siya ay nagmakaawa sa kanila ngunit hindi pinakinggan; na ang kaniyang kabiyak ay pinagsamantalahan habang siya ay walang laban.

Ito ay nalaman ko lamang sa aklat ni Ginoong Ocampo, at kung hindi pa ako ang kusang may hilig magbasa ng kasaysayan, tingin ko ay hindi ko ito malalaman.

Iyon ay kung hindi pa rin nagbabago ang pagtuturo ng kasaysayan at ang mga aklat na ginagamit sa paaralan mula noong ako ay nakatapos.


message 46: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay, tama ka, Cecille. Nabasa ko na yan dati sa dyaryo. Pero kay Ambeth pa rin. Tunay na si Ambeth ay malaki ang naitutulong na malaman natin ang mga katotohanan. Salamat.


message 47: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments at saka napaka-pop at magaan ang kanyang paglalahad ng detalye. sana lahat ng teachers sa history kagaya niya para di bored ang estudyante di ba?


message 48: by Apokripos (last edited Dec 21, 2012 01:19AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Beverly wrote: "at saka napaka-pop at magaan ang kanyang paglalahad ng detalye. sana lahat ng teachers sa history kagaya niya para di bored ang estudyante di ba?"

Agree! Umattend ako ng isang lektyur niya noong nakaraang MIBF napakakwela. Ambeth makes History come alive and fun at the same time. :)


message 49: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments pano ba minumultiply ang mga genius tulad niya? hahahaha


message 50: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Beverly wrote: "pano ba minumultiply ang mga genius tulad niya? hahahaha"

Siguro, kailangan muna na niyang lumagay sa tahimik at... magparami... Ahihihihi! :D

Di ba hindi pa siya kasal? O talagang kasal na siya sa kanyang propesyon?


« previous 1
back to top