The Filipino Group discussion
note: This topic has been closed to new comments.
Archives
>
[General] Introduce Yourself!
message 2551:
by
kwesi 章英狮
(new)
Feb 10, 2011 11:02PM
Bwahaha, two words, good luck!
reply
|
flag
Sige pakilala kita pag-OL na siya, actually tatlo yung account niya dito sa goodreads, yung isa yung Kungfu Panda yung userpic, yung isa naman yung Tom Cruise, yung isa niyang account di ko pa nakita, basta tatlo alam ko
Joyzi (littlemissya) wrote: "Hi Irish, hulaan ko fan ka ng VA?"lol, hindi naman masyado obvious di ba?
hmmm...sinong gusto ng date? tara! date tayo...dito sa DAVAO! Lelz!Happy Valium-times people! woot!woot!
^_^
((Hi my name is Hannah and I am half Filipino.))
Hi aking pangalan ay Ana at ako ay kalahating Filipino.
Hi aking pangalan ay Ana at ako ay kalahating Filipino.
Mabuhay!Ako ay isang late-bloomer ( di ko alam tagalugin) sa pagbasa. Naaalala ko noon na nung ako ay nasa mababang paaralan pa ay mahilig akong tumambay sa likuran ng aming silid-aralan sapagkat mayroon doong isang lalagyanan ng mga aklat na pawang mga kathang-isip ang tema (pero English books ito). Duon ako ay nahilig sa pagbabasa ngunit dahil sa pagdaan ng mga araw sa aking murang kaisipan, nahawa ako sa aking mga kapatid sa panonood ng telebisyon at paglalaro kaya naisantabi ko na ang aking hilig sa pagbabasa.
Panaka-naka ay nagbabasa ako, katulad ng mga aklat na Chicken Soup for the Soul, Reader's Digest at Archie Comics. Ngunit noong nakaraang taon (2010) habang ako ay naghihitay ng tawag sa kol-senter na aking pinapasukan (napakahaba ng abeyl), napukaw ang aking pansin sa aking mga kasama sapagkat sila ay nagbabasa ng aklat at hindi nagdadaldalan.
Dahil dito (para hindi naman ako ma-left out), bumili ako ng Bob Ong na aklat. Ngunit sinabihan ako ng aking kasama sa trabaho na hindi mainam sa aming taga-kol senter na tagalog ang babasahin sapagkat maiiba ang aming bokadura sa pagsagot sa tawag ng telepono. Kaya, nagusap-usap kami tungkol sa magandang aklat na babasahin. At ang aking mga kasama pala ay mahilig sa aklat at sila ay may mga malaking koleksyon nito (pwera hiram). Kaya, ako ay pumunta sa PowerBooks at bumili ng serye ng Percy Jackson. At duon na mga po nagsimula ang muling pagkaibig ko sa mga aklat, mga kababayan. Nasundan na ito ng Harry Potter na serye at kung ano ano pang serye!
Ang aking napupusuan ay mga kabataang-matanda na kathang-isip (Young Adult Fiction)...and the rest is History! Ako ay biglang nagkaroon ng sandamakmak na mga aklat (serye at mga isahang babasahin) at ang iba pa nga ay di ko pa natatanggal sa balot. Namangha ako sa pagbili at di ko mapigil ang aking sarili.
:)
Kwesi Ian Jay wrote: "Hi Book Elf, welcome to GR-Filipinos!"Thanks, actually last year pa ako sumali, now na lang ako nagpakilala. :)
Kwesi Ian Jay wrote: "Haha, ya I saw you on the other threads."yeah..nagpost ako sa MY BOOKSHELF. Apparently puno na yung shelf na yun...
Pangarap ko magkaroon ng NOT-SO PUBLIC LIBRARY..kapag yumaman ako.:)
Po Wrote: "hi book elf ako rin late bloomer"
hello po...YA genre ko...kaya late-bloomer talaga.
Wow nice to meet you Bookelf, parang nakakatakot na yung last sentence mo sa introduction *kidding*Ako din Harry Potter and Percy jackson fan, nabasa mo na ba yung Lost Hero?
Joyzi (littlemissya) wrote: "Wow nice to meet you Bookelf, parang nakakatakot na yung last sentence mo sa introduction *kidding*Ako din Harry Potter and Percy jackson fan, nabasa mo na ba yung Lost Hero?"
medyo natatakot nga ang wallet ko eh!
Meron akong the Kane Chronicles..iyong The Red Pyramid, di ko pa nababasa eh~ dami pa dito na nakaplastic pa...so limited time..so many books!
ayun naman ang di ko pa nababasa na book ni Rick Riordan yung The Red Pyramid, siguro basahin ko na lang pag napublish na yung book 2 para isang basahan na lang di bitin.
Hi Book Elf, Hannah and Irish and everyone!@Book-Elf, nasa call center ka pa rin ba ngayon? 'cause I'm training for one. :)
Rollie wrote: "Hi Book-Elf! Welcome!"K.D Wrote: "Maligayang pagsali sa grupong ito Book-Elf. Sana ay mapaligaya ka namin!"
salamat sa inyong mainit na pagtanggap.
Jeneroso Wrote: "@Book-Elf, nasa call center ka pa rin ba ngayon? 'cause I'm training for one. :) "
opo. nasa training din po ako kasi lumipat ako ng company.
Joan wrote: "Hello Book Elf.! Welcome to Goodreads.Di ko kaya ang tagalog mo! D ko masisid!"
nahawa lang ako sa kanila~ haha..hello din sa yo..
hi Jessica~ welcome aboard!
huwaw...maxadong tagalog...nahilo ako...at nag nosebleed...LOL MABUHAY!
huwelcome to daaaahh new ones!
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.
Books mentioned in this topic
The Girl Who Loved Tom Gordon (other topics)Angel Time (other topics)
For the Roses (other topics)
Forgive Me, Leonard Peacock (other topics)
The Absolutely True Diary of a Part-Time Indian (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Nancy Holder (other topics)Elizabeth Gilbert (other topics)
Arthur Conan Doyle (other topics)
Ian Rankin (other topics)
Dorothy L. Sayers (other topics)
More...









