Pinoy Reads Pinoy Books discussion

222 views
Mga Tipanan > Beer at Mani (Mga Pagkikita ng mga Kakweba)

Comments (showing 1-50 of 1,784) (1784 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 35 36

message 1: by K.D., Elder (last edited Jun 08, 2013 02:12PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ang "Beer at Mani" ang sumisimbolo sa pangkat na ito. Hindi kami manginginom at hindi lugmok sa bisyo. Mahilig lang kaming magpakatotoo at mas gusto ng karamihan sa amin na pagusapan ang mga akdang Pinoy habang umiinom ng San Mig Light o Pale Pilsen at sinasamahan ng simpleng pritong mani (ang pulutan ng masa).

Dahil kami'y mga Pinoy at pag nagkakasayahan ang pinaka-masang ihaharap sa mga kaibigan ay beer at mani. Di naman kami lumalabis (hanggang dalawang bote) at di umuuwing sumusuray. Nagkakasayahan lang.


----------

Mga lakad na may kinalaman sa Pinoy Books. Kagaya ng mga makikita upang mang-raid ng bookstores o magpahiraman ng mga aklat. Dito sa thread na ito puwedeng magusap at mag-anyaya sa ibang miyembro. Maging maingat lang po dahil baka may mga lurkers na biglang sisipot sa tipanan. Ang mabuti'y huwag ibigay lahat ng impormasyon (gaya ng cellphone) at through PM na lang ibahagi.


message 2: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Una:

Sabado, ika-27 ng Oktubre. Pupunta kami nina Paolo, Jzhun at Ella sa Komikon. Tapos diretso sa Bookay Ukay. Gusto mo bang sumama? Pakisagot na lang dito sa thread na ito.


message 3: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
K.D. wrote: "Una:

Sabado, ika-27 ng Oktubre. Pupunta kami nina Paolo, Jzhun at Ella sa Komikon. Tapos diretso sa Bookay Ukay. Gusto mo bang sumama? Pakisagot na lang dito sa thread na ito."


SALLLLIIIIIIIII~~~~~~~~ :D what time kayo pupunta run? Wait lang, ansabi pala ni Cary, hindi raw makakarating si Manix sa Komikon ngayong 27th, base sa kanyang facebook page.

PERO BIBILI AKO NG TRESE 5 sure na! :D Anong oras kayo pupunta sa komikon? :)


message 4: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ella, anong oras ba ang bukas nila. Balak ko maaga, kasama ko wife ko. Tapos hanggang doon na lang sya. Pupunta kami sa Bookay-Ukay. Sama ka? Yong wife ko naman, pupunta na sa Chado niya sa EDSA Shangrila. Ang bukas yata ng mall ay 9am pag Saturday. So, mga ganoong oras.

Ay, sayang wala si Manix. Sabagay, wala naman akong papipirmahan sa kanya. Unless, may bago syang book na lalabas. Trese 5? Bibili rin ako. Sana sing-ganda ang pagkaka-book bind ng Trese 4. Kasi yong Trese 3 yon nagkakahiwa-hiwalay ang pages habang binabasa ko.


message 5: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Sana sing-ganda ang pagkaka-book bind ng Trese 4. Kasi yong Trese 3 yon nagkakahiwa-hiwalay ang pages habang binabasa ko."

Kuya D., may anunsiyo nama nang Visprint, publisher ng Trese, na pwedeng isauli at palitan ang libro kung saka-sakaling masira ang biding. Payo ko sa Visprint: bumili sila ng mas matibay na binding gum par sa kanilang libro lalo na't malaki nga ang tsansa ng mga maninipis na libro na masira ang binding nito.

At, oo, mga 9AM din ang punta ko sa Komikon dahil ayaw ko na ring magpahapon. Kita-kits na lang sa ibang pupunta! :)


message 6: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Susubukan ko kayong abutan ng umaga pagkat may mga lakad ako sa hapon. Pero titignan ko. Kita-kits!!!! :)))


message 7: by K.D., Elder (last edited Oct 27, 2012 02:46AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sharing lang:

Nagkita kami nina Jzhun at Ella sa Komikon kanina. Then tuloy kami sa Bookay-Ukay at nakilala namin for the first time si Paolo.

Tumuloy kami sa Popular Bookstore (Timog). Pupunta sana kami sa Solidaridad pero di na kami aabot ng 5pm. Next time na lang.

Ikinagagalak kitang makilala sa totoong buhay, Paolo. Sana'y nakauwi ka ng walang naging problema. Sana'y di ka naligaw.

Po, di ka nag-text? Tinatanong ka nila sa akin. Pero sabi ko di ka naman nag-text. Hindi kina inetsa-puwera ha.


message 8: by Yeng (last edited Oct 27, 2012 06:27AM) (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Magandang gabi po! Ako po si Alelei pero mas ok yung palayaw kong Yeng. :P :D
Pinapasalamatan ko nga po pala si Sir K.D. sa pagiimbita sa akin na mag-join sa group na 'to. Salamat again sir! ;)
So this is the story on how I got here:
Namamasyal ako by myself sa SM Dasmariñas (sa Cavite) when I saw the super sale on a "Bookay-Ukay" (as I've learned on a post here.. hehe)so I immediately swarmed on the books and I saw Sir K.D. na busy rin sa paghahalungkat sa mga aklat.(and I've got no idea until now kung sino ba ang nauna sa aming dalawa sa bookstore na yun) At first I thought to myself, mukhang mamamakyaw din ng mga books ito.. kaya nagmadali din ako sa paghalungkat dun sa mga hardbound books! siya naman dun sa mga hindi hardbound. Nauna syang tumayo..and so I lost. Naisip ko "baka naunahan na ako ni sir na makuha yung mga magagandang books!Sayang!haha" .. And then when I was about to pay for my selected books at the counter, hindi nga ako nagkamali! Namakyaw nga ng mga books si sir! Eh nakita niyang marami rami din akong napili.. Sabi niya (as I remember) "mahilig ka bang magbasa.." (more like a statement than a question), edi sabi ko "opo :)" tapos pinuna yung dalawang harbound books na makapal: "ang lalaki nyan a mahirap basahin yan :)" and then i answered "hindi naman po, marami naman pong time..(a little giggle)" and then when he was about to leave, he happily invited me here at hanapin ko daw siya K.D. . at first hindi ko magets! kaya pinaulit ko pa. "K" tapos dot tapos "D"! and we've gone our separate ways. When I got home, (dahil sa wala na naman akong masyadong ginagawa) I checked on the site. logged in with my email,found sir K.D.,added him as a friend,got a reply from him welcoming me and recommending this group, and here I am! Typing this long story that you are reading. Thanks for your time though! I love it here! :)
~yeng


message 9: by K.D., Elder (last edited Oct 27, 2012 06:29AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Paolo, hala, baka maniwala silang mga di pa nakakakita sa akin. Hayaan na lang nating si Jzhun ang guwapo. Si Ella, kita naman sa pic nya.

Yeng, welcome sa ating pangkat na nagmamahal sa mga Pinoy books. Sa totoo nyan, akala ko naiinis ka sa akin dahil marami akong dalang barya at ang tagal-tagal ko sa kahera. Super enjoy ako sa pamimili. Actually, 16 yong gusto kong bilhin. Pero noong ma-sort ko, 10 na lang kako at baka tumambak lang yong 6. Tapos dala ko ang lahat ng barya kong inipon sa car dahil magpapa-carwash ako at baka kupitin ng mga naglilinis. Kaya kita kinausap ay parang sorry sa matagal mong paghihintay para magbayad eh ang dami mo pa namang dalang books. I was trying to be friendly. Salamat at welcome ulit.

Dumalaw lang kami sa bahay namin sa CFIE kasi walang pasok at bihira naming magawang pumunta dyan. Pero ako yong laging nagyayaya kasi ang dami ko laging nabibili dyan sa Pick-A-Book. I love that store!


message 10: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Wow! Hindi ko po naisip na nagkaroon kayo ng ganung idea nung nasa counter tayo! haha., kasi may mga tinititigan po akong ibang books na nasa counter (na hindi ko mabili-bili dahil mas praktikal para sa akin ngayon na bumili ng maraming librong tig-te-ten kesa sa iisang tig-dadalawangdaan mahigit..) Pero nasabi ko po sa sarili ko nung napansin kong nagbabayad kayo, siguro nabasag yung piggy bank ni sir :D tapos ayun, kinausap nyo ako!

Salamat po at barya ang ibinayad nyo nun at naisip nyong nainip ako sa paghihintay na matapos kayong magbayad.,kundi baka di nyo ako kinausap dahil mukha akong isnabera..hehehe

At saka I love Pick-A-Book too! Doon po ako nakakabili ng maraming nice books at a (very) low price :) Hindi pa nga lang po ako nakakakita ng mga Pinoy Books natin doon.


message 11: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
San yang pick-a-book??? Ay hello pala. Ako si Ella. Mababaw ang luha sa lahat ng librong may kurot. Kahit anong kurot. Pero pinakamatindi sa kurot ng pag-ibig. Hihihi.

Nahiya naman ako kay Paolo. Hihihihih. Ikinagagalak ka naming makilala nang personal. Nakakawili ka kasi mas marami ka pang alam na pinoy na akda kesa sakin. :)


message 12: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Hi Ella! Ako si Yeng. :)
Makikita mo ang Pick-A-Book sa mga mall. Napakamura ng mga libro doon :)


message 13: by Rise (new)

Rise Alelei wrote: "So this is the story on how I got here:"

Great story, Yeng! Welcome sa grupo.


message 14: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments Hi kuya Ryan! Thank you and salamat po! :)


message 15: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments hi Paolo! :) thanks!


message 16: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Alelie, swear, di ka mukhang isnabera. Walang totoong reader na isnabera. Kapag mahilig kang magbasa talaga, malawak ang pananaw mo sa buhay. Siguro sa dami nang characters na na-encounter mo sa books, sobrang haba na ng pasensiya mo.

Di baleng walang Pinoy Books doon. Nagbabasa pa rin naman tayo ng mga aklat sa ingles.

Ella, Pick-A-Book sa SM Dasma. The best! Meron din smaller versions sa Robinson's Forum, SM Southmall, etc. pero maliliit.

Ryan, minsan parang iniisip kong magpagawa ng calling card na may Goodreads logo. Kaya lang hintay ko ang logo na iniisip ni Jzhun para sa Pinoy Reads Pinoy Books. Yong tipong pag may friendly soul sa Booksale, pede kong i-invite. I am sure yong ibang bookworms, gustong makipagusap sa kapwa bookworms nila.


message 17: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Paala-ala:

Bukas na po ang paanyaya sa lahat ng kasapi ng Pinoy Reads Pinoy Books para sa kauna-unahan nating pagkikita: FIRST LOVE WALKING TOUR WITH BEBANG SIY. Ito po ay gaganapin sa ika-1 ng Disyembre 2012 mula sa 9:00am hanggang sa 4:00pm.

Sana po ay mag-respond kayo sa invite ng matunog na matunog na YES!


message 18: by Yeng (new)

Yeng (aleleivargas) | 8 comments K.D. wrote: "Paala-ala:

Bukas na po ang paanyaya sa lahat ng kasapi ng Pinoy Reads Pinoy Books para sa kauna-unahan nating pagkikita: FIRST LOVE WALKING TOUR WITH BEBANG SIY. Ito po ay gaganapin sa ika-1 ng Di..."


its saturday! sana wala akong klase nun :D


message 19: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Ryan, minsan parang iniisip kong magpagawa ng calling card na may Goodreads logo."

Okay yan, K.D.! Magandang promo. Lalo tayong magiging fastest-growing group dito.


message 20: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Yeng, sige paki-sagot na lang ang invite at nang madagdagan naman ang "YES."

Ryan, oo nga. Sige, minsan pag nadaan ako doon sa gumagawa ng calling cards sa mall. Magtatanong ako.


message 21: by Bethany (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments First meet-up ever sa First Date w/ Ms. Bebang Siy!
Sali na!
Manalo ng mga Kaibigan at Libro!


message 22: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat sa paaanyaya sa kanila, Po. Ikaw na talaga ang ambassador of goodwill!


message 23: by Apokripos (last edited Oct 28, 2012 09:48PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sino kaya pwedeng maka-date sa First Date na 'to?
Ahihihi! :D *kileg!*


message 24: by K.D., Elder (last edited Oct 28, 2012 09:48PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Doon ka na lang maningalang pugad, Jzhun.

Teka, kung saka-sakali ba, first love mo ito? Di ka pa talaga na in-love, ever?


message 25: by K.D., Elder (last edited Oct 29, 2012 10:24PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Uuwi ako ng ALABAT ISLAND sa Nov 1 at babalik din dito sa Maynila ng Nov 3.

Sinong gustong sumama? Kung oo, paki-PM na lang ako dito sa GR.

Aalis ng 4am ng Nov 1 at bago mag alas-6pm ng Nov 3, narito na tayo ulit sa Maynila.

Paki-PM na lang ang mga interesado. Puwede ako hanggang 5 pa (kasi confirmed na si Po at si Charles). Pero kung mayroong may car, puwede namang magdagdag.


message 26: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
I had a dinner with KARL MARX an author-member of the group. He gave me a signed copy of his book: Rainbow Haven, Loves' Cradle (Kilig Republic #16) by Karl Marx S.T.

Just sharing.


message 27: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Arghhh!!!! Alabat! Mamimiss nanaman kita. :((((((((((((


message 28: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Malay mo baka di ako tumuloy. So far, si Po at Charles pa lang. Iko-confirm pa ni Beverly sa BF nya kung puwede sya. Kasi, distant relative ko pala ang BF ni Beverly. Magpinsan ang parents namin. Small world, noh?

Kung di ako tutuloy sa Friday (Nov 1st), the other option is Nov 29th (Thursday). Balik din kinabukasan Nov 30th (Friday). Half day lang ang swimming.


message 29: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ang mga confirmed:

1) Ruby
2) Charles
3) Po
4) Kwesi - McDo MRT Quezon Ave Station 2:45am
5) Kwesi's kapatid - do
6)
7)
8) K.D. - driver

Huling dalawang upuan! Alis ng Nov 1 3am at babalik na rin kinabukasan Nov 2 mga 6pm dito sa Maynila.

Aktibidades:
1) Swimming
2) Island tour (kung di maulan)
3) Visit the Balete Tree
4) Inuman
5) Card games
6) Motorboat ride
7) Atimonan Forest Park
8) Picture taking
9) Old 17th century church in Gumaca
10) Bookstore raid in Lucena
etc.


message 30: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "MMagpinsan ang parents namin. Small world, noh?"

Shaks! Ibig sabihin nito na nananalaytay ang dugong manunulat sa inyong lahi! Writer din kasi ang soon-to-be-hubby ni Bb. Bebang.

Ikaw na, Kuya D.! :D


message 31: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Huling dalawang upuan! Alis ng Nov 1 3am at babalik na rin kinabukasan Nov 2 mga 6pm dito sa Maynila."

Ingat kayo sa biyahe, Kuya D.!

Ingat na lang din sa Balete, araw kasi ng Pangaluluwa kung saan dumadalaw silang mga lumisan na sa mundong upang bisitahin ang ilang naiwang kamag-anak o minamahal kasama na ang ilang elemento ng kalikasan sa panahong ito. Awwooo!


message 32: by Rise (new)

Rise Ingat kayo. Ganda ng itinerary.


message 33: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments Ingat po kayo :)


message 34: by Louize (new)

Louize (thepagewalker) @jzhunagev, manakot daw?!

Ingat sa inyong lahat.
May reunion na mangyayari; ipakikilala na ba ni Kwesi sa kapatid n'ya si....?


message 35: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Ingat kayo sa byahe~ :D Sayang naisin ko mang sumama may pasok sa bangko ng november 1, huhuhu. Dahil sa matinding bagyo sa New York, kami ang sasalo ng kanilang mga ginagawa mula sa kabilang ibayo.

Goodluck sa amin at sa aming workload. -________-


message 36: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ang haba ng sad face ni ella, hahahaha oo nga pips, small world! hindi na kami nakasama ni BF kasi galing akong ilocos werk werk werk at kakauwi lang. si BF naman ay galing na diyan sa Quezon kakauwi lang din niya! merong nangyaring creative writing workshop diyan sa quezon sa may perez daw. pero napakaganda nga ng itinerary. very interesting. nakarating na ako diyan sa balete na sinasabi ni K.D. sa sobrang laki niya at ng mga ugat, nawasak nila yung church. iskeyriiiii


message 37: by K.D., Elder (last edited Nov 03, 2012 08:33AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat sa mga nag-wish ng maligaya at payapang paglalakbay. Nakabalik na kami. Overnight lang sa isla dahil sa sana'y may pupuntahan kaming iba. Yon pala'y fully booked!

Di kami (Charles at Ruby) nakarating sa Balete dahil sleepy na si Charles at natatakot si Ruby. Imagine na Nov 1 kagabi. Mismong gumagala ang mga kaluluwang tambing.

Overall, masaya kaming tatlo. Pero sana mas masaya kung marami. Magpapakilala na raw yong dalawa rito. Abangan.


message 38: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo nga, Paolo. Kailan na nga pala yon? Pupunta tayo. Panigurado. Kailangang mag-leave yata ako sa work. Heksayted na ako.


message 39: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Bukas ba sila ng Sabado? So, November 10 tayo pupunta roon?


message 40: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Bukas ba sila ng Sabado? So, November 10 tayo pupunta roon?"

Gusto ko din sumama! Sana makaluwas ako.


message 41: by K.D., Elder (last edited Nov 04, 2012 03:42PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sige, lumuwas ka, Mara anak. At nang makita naman kayo ng Inang mo.


message 42: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Susubukan ko po Itay!


message 43: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat, Mara anak.


message 44: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakakainis!

Gusto ko sanang pumunta sa proyekto ng National Book Development Board na Read Lit District para makadaupang-palad at makilala ang ilang manunulat, kung puwede pa bumili at papirmahan ang mga akda nila.

Ang problema ko lang, gaganapin ito ng weekday (may pasok ako sa opisina) at may PHP 800 na entrance fee (na ilang libro din ang katumbas). :(


message 45: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Nakakainis!

Gusto ko sanang pumunta sa proyekto ng National Book Development Board na Read Lit District para makadaupang-palad at makilala ang ilang manunulat, kung puwede pa bumili at papirmahan ..."


Sayang naman ito. Kelan po yan?


message 46: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Mara wrote: "Sayang naman ito. Kelan po yan?"

Ay, nakalimutan ko palang ilagay ang petsa. Pasensya.

Mangyayari ang Read Lit District na proyekto ng NBDB sa Nov. 14-16.

Sa iba, kung pwede kayo suportahan pa rin natin ang proyekto na ito na naglalayon pang pag-ibayuhin ang pagbabasa sa ating bansa! Yey! :D


message 47: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Mara wrote: "Sayang naman ito. Kelan po yan?"

Ay, nakalimutan ko palang ilagay ang petsa. Pasensya.

Mangyayari ang Read Lit District na proyekto ng NBDB sa Nov. 14-16.

Sa iba, kung pwede kayo su..."


Salamat sa pagbabahagi. Maganda nga sanang magpunta kaya lang may pasok naman at may kamahalan nga ang entrance fee.


message 48: by Rise (new)

Rise Ito ang mga detalye: http://www.panitikan.com.ph/event/rea...

Parte pala yan ng "Philippine Book Development Month".


message 49: by K.D., Elder (last edited Nov 07, 2012 01:26AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Jzhun, kelan. Sagot na kita sa entrance. Basta puwede ako. Tsaka dapat hagurin mo ang likod ko, kasi budget ko yan sa weekly body massage ko. Joke.


message 50: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments sali kayo sa mga pakontes ng national book development board. pwede kayong manalo ng book and/or chance to win a day pass at the Read Lit District. oks ba? sali na!


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 35 36
back to top