Pinoy Reads Pinoy Books discussion

113 views
Pinoy Completists > Edgar Calabia Samar

Comments (showing 1-50 of 71) (71 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Elder (last edited Feb 10, 2013 02:51AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Nabasa ko na at nagustuhan ang una niyang tatlong mga akda:
1) Walong Diwata ng Pagkahulog
2) Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
3) Sa Kasunod ng 909

Tapos siya ang may proyekto ng Tapat Journal na naka-apat na labas na:
Sambahin ang Katawan by Alvin B. Yapan Halinghing sa Hatinggabi / Sa Templo ni Tamilah (Tapat Journal ng Bagong Nobelang Filipino Tomo I-03) by Mayette M. Bayuga Hari Manawari (Tapat Journal ng Bagong Nobelang Filipino Tomo I-02) by German Villanueva Gervacio Himagsik ng mga Puno (Tapat Journal ng Bagong Nobelang Filipino Tomo II-01) by Khavn De La Cruz

Ang Tapat Journal ay naglalabas ng mga nobelang bumabasag sa kumbensyon ng pagsusulat. Kung gusto mong makaranas ng ibang putahe sa nobelang Filipino, subukan mo ang Tapat Journal.

Kung nabasa mo na ang mga akdang ito, usap tayo sa susunod dito sa thread na ito? Andito rin si Edgar, malamang puwede siyang tanungin?


message 2: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Maraming salamat sa thread, K.D.! Salamat po sa lahat ng nakapagbasa na ng alinman sa mga libro ko!


message 3: by K.D., Elder (last edited Sep 27, 2012 06:44PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Yay! Egay is in the house! Egay, sobrang adik ako sa yo nowadays. Kakatapos ko lang kagabi ng Halos Isang Buhay sinundan ko agad ngayong umaga lang ng Sa Kasunod ng 909. Galing mo!

Dami kong tanong sa yo. Sana ma-guest ka namin sa book discussion one of these days?


message 4: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Salamat po! Basta po walang klase, dahil nagtuturo rin ako sa Ateneo, at ngayon ngang mga panahong ito'y nangangarag sa pagtatapos ng semestre. Natutuwa ako sa mga active na mambabasa ng likhang-Pinoy rito sa Goodreads. Salamat po ulit!


message 5: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @KD ang bilis naman kuya! pangatlo mo na yang Sa Kasunod ng 909. Hindi pa ako nakakakita mga kopya nyan sa NBS.


message 6: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Egay, sure. Sige, hindi muna ngayon. Baka summer na lang. Salamat! Gagawan ko ng magandang review ang libro mo. Kaso, di ko talaga alam kung may karapatan ako dahil napaka-ganda ng Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela. May itatanong sana ako sa yo, kaso, ayaw na kitang abalahin. Basta, fan mo ako.

Ayban, nakaka-adik kasi. Yong "Halos" ang daming tungkol sa Noli eh katatapos pa lang nating basahin si Rizal so makaka-relate ka. Mga views ni Egay na di ko naisip o nabasa sa ibang kumilatis ng Noli at Fili. Tapos kasi andoon din sina Murakami, Auster, Bolano at Eco na pawang mga nabasa ko na o binabasa ko ngayon.

Itong opening scene ng "Sa Kasunod ng 909" parang may elemento agad ni Murakami at syempre yong trademark ni Egay na tipong simple lang sa simula tapos hihiritan ka ng patindi nang patindi.


message 7: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Naku, salamat po, K.D.! Basta sabihan n'yo lang po ako. Ayban, kapag wala pa o wala nang kopya sa NBS branch na napuntahan mo, sabihan mo lang ang customer service nila para makapagpadeliver ulit mula sa UST. Ang policy kasi ng NBS kapag bagong title unless Visprint ito na may malaki nang following e tatlong kopya lang ang ilalagay sa shelves nila at di sila magre-reorder unless may demand. Kaya dapat i-inform ang customer service nila. Salamat at pasensiya na kung hassle ito. Pero ganoon ang policy nila, na sadly e di alam ng maraming mambabasa. Salamat!


message 8: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Egay, at tsaka, sinita ko ang tindera sa NBS Bestsellers Galleria, bakit kabago-bago ng libro mo eh nakatago sa kasuluk-sulukan? Kung di pa ako tumungo eh di ko pa makikita!

Ayban, meron pang 2 kopya roon.


message 9: by Rise (new)

Rise Nakakabahala naman ang ganyang policy ng NBS, pati na rin pagkontrol sa bilang ng mga lokal na libro. Ie-echo ko ang sinabi ni F. Sionil Jose sa isang artikulo nya sa Philippine Star:

"May I also now suggest to Mrs. Socorro Ramos that her National Book Stores all over the country should exhibit in their show windows Filipino books, both fiction and non-fiction? They deserve exposure, a much wider audience.

"Do all these not because it is patriotic but because these good writers deserve a wider readership in their own country."


message 10: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Ganoon talaga kasi para sa kanila e negosyo lang naman talaga ito. 'Yun ang malungkot. Kaya kailangang maging mas pro-active ng mga manunulat at mambabasang Filipino.


message 11: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Ganun po pala Sir Edgar. Kaya pala noong magpunta ako sa NBS sa Marikina, tig-dalawang piraso lang 'yung libro mo na Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela at Sa Kasunod ng 909.


message 12: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Oo, ganoon nga, Paolo. Salamat din sa suporta't pagbabasa ng mga libro ko.


message 13: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ang magandang estratehiya daw dyan, pag napansin nating wala na yong isa sa mga libro ni Egay o ng kahit sinong paborito nating author, magtatanong ka sa saleslady. Hahanapin mo sa kanya yong libro. Pag lagi raw tinatanong iisipin nila na mabili, para mag-stock kaagad. Pero kung may kopya ka na, siguraduhin mong wala na talaga noong librong hinahanap mo. Kasi mawawala naman ang kredibilidad mo kung lagi ka lang tanong ng tanong. Gawin natin yan sa kahit alin sa libro ni Egay.


message 14: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Maraming salamat sa mga nakilala ko nang personal kanina at dumalaw sa akin sa Ateneo––kina K.D., Paolo, Ayban at Po (tama ba ang spelling ko?). Sa uulitin! Sayang at may klase ako nang 1:30. Salamat ulit sa suporta sa mga libro ko. :-)


message 15: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Edgar wrote: "Maraming salamat sa mga nakilala ko nang personal kanina at dumalaw sa akin sa Ateneo––kina K.D., Paolo, Ayban at Po (tama ba ang spelling ko?). Sa uulitin! Sayang at may klase ako nang 1:30. Salam..."

Wow! Sir Edgar, sana mameet ka din namin. Hindi kami nakasama kanina :(


message 16: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Salamat, Mara! May ibang araw pa naman. Puwede ninyong i-schedule. Salamat sa suporta! :-)


message 17: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Edgar wrote: "Salamat, Mara! May ibang araw pa naman. Puwede ninyong i-schedule. Salamat sa suporta! :-)"

Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-meet pag umuwi kayo dito sa Laguna.


message 18: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Prof. Egay, kami talaga ang dapat magpasalamat sa iyo. Sobrang ang dami naming bitbit na libreng mga libro. At tama ang sabi nila, sobrang friendly ka sa totoong buhay. At yong mga sagot mo sa tanong namin sa "Walong Diwata" parang gusto ko ulit basahin yong libro. Nagiiba talaga ang libro kapag personal mong nakausap ang author. Hintay ko ang mga bagong libro mo.

Salamat ulit ng marami, Prof. Egay!!!


message 19: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Prof. Egay, kami talaga ang dapat magpasalamat sa iyo. Sobrang ang dami naming bitbit na libreng mga libro. At tama ang sabi nila, sobrang friendly ka sa totoong buhay. At yong mga sagot mo sa tano..."

Huhu.. may mga libreng libro pa :( sayang na sayang naman. di kami nakasama, Itay!


message 20: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Ha ha, salamat K.D. Natutuwa rin akong makakita ng mga mambabasa ng libro ko, para bang matagal na nila akong kakilala dahil nabasa na nila ang libro ko, kaya sila naman ang gusto kong makilala. Sa uulitin!

Mara, may next time pa naman. At nagbabalak 'ata si K.D. ng meeting isang araw. O puwede nating pag-usapan ang alinmang libro ko na nabasa ninyo, o kung anumang gusto ninyong pag-usapan natin. :-)


message 21: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Mara wrote:"Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-mee..."

Mara, saan ka sa Alaminos? May mga kaibigan ako sa San Benito. Bihira na rin akong makauwi sa San Pablo, kapag may okasyon na lang. At sa Pasko, siyempre, naroon ako ha ha ha.


message 22: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Edgar wrote: "Ha ha, salamat K.D. Natutuwa rin akong makakita ng mga mambabasa ng libro ko, para bang matagal na nila akong kakilala dahil nabasa na nila ang libro ko, kaya sila naman ang gusto kong makilala. Sa..."

Sige po, Sir Egay! Sisiguraduhin ko na pong present ako sa susunod na meeting :) Aabangan ko po yan.


message 23: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Edgar wrote: "Mara wrote:"Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-mee..."

Mara, saan ka sa Alaminos? May mga kaibigan ako sa San Benito. Bihira na rin akong makauw..."


Sir Egay, pupuntahan ka namin sa pasko! Uuwi po pala kayo sa San Pablo! haha! Sa San Ildefonso po kami, kung galing pong Maynila, bago po mag bayan ng Alaminos yung samin.


message 24: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Sir Egay! Salamat rin! Wohoo!!!!


message 25: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Salamat, Ayban!

Mara, oo, umuuwi ako kapag Pasko, siyempre, dahil naroon ang mga pamilya't kamag-anak ko.


message 26: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Salamat din sa suporta ninyo, Paolo! Tinext ko pala si Mimong kaninang pagkaalis ninyo bago ako pumunta sa klase. :-)


message 27: by Bethany (last edited Nov 15, 2012 01:00PM) (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Maraming Salamat!...Sir Edgar, overflowing ang books at overwhelming ang pag-asikaso nyo sa amin.

Kulang ang oras hehe! ngunit sa sandaling oras na iyon ay kakaiba talaga kapag makita ng personal at maka-kwentuhan ang isang awtor. (Para kang nasa Heaven!)

certified Edgar Calabia Samar Fans Club na kami!...


message 28: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tama ka, Po. First time ko talagang makausap ng up-close (as in magkatabi pa kaming kumakain) ang isang sikat na manunulat ng nobelang Filipino. Tapos professor pa sa isang sikat na unibersidad: The Ateneo. Parang sabi ko habang nakikinig sa kumakaing professor: "panaghinip lang ba ito?" Sobrang starstruck talaga ako kahapon. Ako na talaga ang fan!!! Salamat ulit, Prof. Egay!!!


message 29: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nakalulugod namang malaman na may sinulat pa lang rebyu si Edgar Calabia Samar ng On Lapu-Lapu (1953-1954) by Francisco V. Coching.

Disclaimer: isa kasi ako sa mga tao na trinabaho ang madugong pagre-restore ng komiks. :)

Isa pa, ni-link niya ang rebyu ko ng Before Ever After.

Salamat po, ginoong Edgar! Kahit di binabayaran ang paba-blog nakatutuwang isipin na may ilan pa ring nagpapakita ng pagpapahalaga rito.


message 30: by K.D., Elder (last edited Nov 20, 2012 01:05PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ikaw na ang sinasaluduhan ni Edgar Samar. Ako, so far ang magcut and paste ng review ko ay sina Norman Wilwayco, Alvin Yapan at si Bebang Siy. Si Bebang lang ang nagpaalam.


message 31: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Wow, involved ka pala sa restoration ng komiks ni Coching? Sa Atlas ka ba nagtatrabaho, jzhunagev? May iba pa ba silang planong ilabas na komiks? May maayos na archive/library ba ng mga komiks nila ang Atlas para sa gustong manaliksik?

K.D., Egay o Edgar lang po haha. Edgar lang talaga ang pangalan ko, Edgardo lang ang tawag sa akin ng lola ko kapag pinapagalitan niya ako noong bata ako. Ha ha.


message 32: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay sori naman. Sir Egay. Naala-ala ko lang siguro si Edgardo Reyes. haha. Lulusot pa. Nabasa ko rin somewhere na may doctorate ka na rin pala. Wow.


message 33: by Juan (new)

Juan | 1532 comments OK saktong nabisita ang thread na ito...

may panghihinayang pero agad ding mawawala dahil bukas ng hapon sa Marikina magkikita-kita kasama si Sir Egay!


message 34: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Pahiram na lang ng mga TAPAT journal nyo.. out of print na kasi ang mga ito...hehe!


message 35: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Mainit-init na balita mula sa Facebook page ni sir Egay!

Nakatanggap ng magandang balita ngayong umaga. Tinanggap at ilalathala ng Adarna House sa bungad ng 2014 ang ikatlo kong nobela, at una kong YA novel, ang "Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon." Kapag naging matagumpay ito, ito ang simula ng isang serye ng pakikipagsapalaran ni Janus Silang. Abangan sana ninyo!




(view spoiler)


message 36: by Juan (new)

Juan | 1532 comments WOOOHOOOO! Congrats Sir Egay! Ikaw na Ikaw na talaga! Mabuhay ka! Mabuhay ang iyong likha! Mabuhay ang Panitikang Pilipino!


message 37: by Edgar (new)

Edgar Samar (ecsamar) | 34 comments Maraming salamat sa suporta ninyong lahat! :-) Excited na akong mag-2014 dahil dito. Pero sa ngayon, kailangang upuan ang iba pang isinusulat. :-)


message 38: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Edgar wrote: "Maraming salamat sa suporta ninyong lahat! :-) Excited na akong mag-2014 dahil dito. Pero sa ngayon, kailangang upuan ang iba pang isinusulat. :-)"

Asahan niyo Sir Egay, pupunta ang PRPB sa book launching nito. (Psst... 'wag niyo lang pong itaon ng workdays o ng Linggo. Heehee...)


message 39: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Panalo!


message 40: by Rise (new)

Rise Hardcore. Tiyanak ng Tabon! Mukhang Tabon Cave? shot on location in Palawan.


message 41: by Bethany (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments OK Next Stop sa PRPB goes to Tabon Cave Palawan...yahuuu!


message 42: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Hardcore. Tiyanak ng Tabon! Mukhang Tabon Cave? shot on location in Palawan."

Tama Rise! Sa Tabon Cave nga iyan sa Palawan. Kung mapipili ang aklat na ito para sa susunod na taon, mukhang alam na natin ang destinasyon ng susunod na Field Trip. Makakasama mo na rin kami! Hihihi!


message 43: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Rise tumpak!

Po wish ko lang...


message 44: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magpapakita na rin ang Tiyanak by 2014.

piniguradong hindi ito ang anak ni Janice! hahah!


message 45: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Juan wrote: "Magpapakita na rin ang Tiyanak by 2014.

piniguradong hindi ito ang anak ni Janice! hahah!"


Pero si Janus ay anak ni Janice! It's in the name. Haha!


message 46: by Rise (new)

Rise and in the surname. Janus Silang, isinilang ni Janice.


message 47: by Juan (new)

Juan | 1532 comments haha! ang galing lang..


message 48: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Hindi ko alam kung related ito sa tiyanak na nagpaligaw kay Daniel sa unang likha ni Egay, pero gusto kong subukan ang aklat na ito. Sabi nga niya YA ito at magaan basahin - hindi tulad ng unang aklat niya. HIHI. Aasahan ko ito sa book launch. :)


message 49: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sir Egay, yong offer kong maglinis ng bahay ninyo at magplantsa o maglaba. Andito lang ako. Basta puwedeng habang andyan ako sa bahay nyo, puwedeng makibasa sa private library mo haha.

Congrats ulit sa lalabas na libro at siguradong andoon ako sa book launch. Kahit saan yan, pupuntahan ko! :)


message 50: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
At ngayon ko lang nakita yung picture attachment ni jzhun. At talagang nasa Macbook Pro ang document. At maraming libro! Kitang kita sa reflection. Ay sana hindi pala ako bumaba para nakahingi rin ako ng aklat huhu. Next time, next time. :)


« previous 1
back to top