Pinoy Reads Pinoy Books discussion

360 views
Pangkalahatan > Ngayon Binabasa

Comments (showing 1-50 of 664) (664 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 13 14

message 1: by K.D., Elder (last edited Sep 29, 2012 03:16PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Anong Librong Pinoy ang kasalukuyan mong binabasa?

Ako ito:

Halos Isang Buhay Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela by Edgar Calabia Samar
Halos Isang Buhay
ni Edgar Calabia Samar

So far, enjoy naman. Parang naala-ala ko lang ang paggamit ni Ricky Lee ng manananggal as a metaphor.

(9/26): Mahusay syang magsulat. Pulido. Pangalawa ko na ito na si Samar ang sumulat. Una yong Walong Diwata ng Pagkahulog (4 stars). Ngayon lang ako syempre nakabasa ng essay nya at bilib ako. May mga footnotes pa sya. Halatang di lang basta nagsulat kundi pinagisipan talaga ang buong konsepto.

(9/27): Akala ko noong magsimula akong magbasa, puro kababawan ito dahil sa paggamit ni Samar ng manananggal sa panimula at sa titulo. Hindi pala, ito ay kanyang mga sanaysay sa panitikang Filipino na ikinabit niya sa kanyang buhay o buhay niya sa Panitikang Pilipino. Pakiramdam ko, yong mga nalaman niya tungkol sa ating panitikan at ang relasyon nito sa panitikan ng mundo ay sinaliksik niya sa kanyang mga papers sa college or masteral. Tapos ipinasok ang mga nobelang nabasa niya lalong lalo na ang kanyang mga paboritong sina Murakami, Auster, Eco at Bolano. Na swak na swak sa akin dahil pawang nabasa o binabasa ko sila ngayon. Hay, mas lalo kong gustong makita si Edgar Calabia Samar. Magka-lalawigan pa yata kami.

(9/28) Tapos ko nang basahin. Natuwa ako dahil marami sa nabasang libro ni Samar (balang araw pag nakilala ko na sya ng personal tatawagin ko na lang syang Egay) na nabanggit dito. Bukod kina Auster, Eco, Murakami at Bolano, mariin din nyang sinipat ang Noli at El Fili ni Rizal lalong lalo na ang karakter ni Elias. Ganda. Habang nakapila ako sa banko kagabi, ito ang binabasa ko at di ko narinig ang "Next". Kailangan pa akong kalabitin ng sumusunod sa akin.

May review na sa "Huling Binasa" thread.


message 2: by Bethany (new)


message 3: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Po, kumusta naman? Saan part ka na?


message 4: by Bethany (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments doon sa inihagis iyong lampara, naalaala ko nun nagpunta tayo sa bahay ni kpt. tiyago. memorable tuloy sa akin ang El Fili at iyong pagpunta natin duon. tnx! kuya doni


message 5: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Malapit ka nang matapos. Anong naramdaman mo sa behavior ni Isagani? May tanong doon sa isang book: kung itutuloy mo ba ang kuwento, sinong mga tauhan ang isasama mo? at bakit?


message 6: by Rise (new)

Rise Bagamat di ko pa tapos ang The Devil's Causeway ni Matthew Wesfall, sinimula ko na ang nobelang "The Gold in Makiling" (1947) ni Macario Pineda. Ito ay sinalin mula sa Tagalog ni Soledad S. Reyes. Bibihira ang alam kong translation na pina-publish sa atin kaya natutuwa akong makakita ng kopya nito. Para sa akin mahalagang ma-translate ang marami sa mga akdang Pilipino para mas mapalawak ang market nito sa atin mismo at sa labas ng bansa. Si Macario Pineda ay kilala ring may-akda ng maikling kwento, katulad ng "Suyuan sa Tubigan" na natatandaan ko pang binasa namin nung hayskul.


message 7: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ryan, parang maganda nga yang "Ginto sa Makiling." May 3 pa lang dito sa GR na nagkaroon ng interes na basahin yan. Kinakaibigan ko na sila. Matanong na rin kung saan nila nabili ang kopya nila (kundi man required sa school).

Salamat sa pagbabahagi ng dagdag-kaalaman.


message 8: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments Hanggang ngayon ay binabasa ko pa din ang Huling Dalagang Bukid... ni Jun Cruz Reyes. Nakalimutan kong binabasa ko nga pala ito. fail


message 9: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Talaga? Bakit? Mahabang effort yan, di ba? Pero sulit naman. Marami syang tinalakay dyan. Pero ang gustong gusto ko ay yong kung bakit sya naging "huling" dalagang bukid. Wala lang. Kalungkot isipin.


message 10: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, K.D. Si Edgar Calabia Samar ay taga-San Pablo. May email add ako niya. Nagkasama kami sa LIRA (isang org ng mga poet) noon. Siya ang president, ako ang PR. Puwedeng-puwede natin siyang imbitahan kung magkaroon tayo ng book discussion re: his works. Sa Marikina siya nakatira, sa Ateneo siya nagtatrabaho. At pagkakaalam ko, inilunsad na rin ang Kasunod ng 909, I think last month lang.


message 11: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Ang binabasa ko ngayon ay Para kay B ni Ricky Lee. Pinahiram ako ng boss ko. Nasa kalahati na ako. 'Yong way of writing niya rito parang masyadong screenplay oriented. Pero may kakaiba sa kanya, parang may magic realism na nagaganap! Exciting!


message 12: by K.D., Elder (last edited Sep 27, 2012 02:18AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Bebang, may invite na ako kay Edgar. Ang totoo nyan, di lang ako umabot noong launch ng "Kasunod ng 909" pero may 2 kaibigan akong nakarating. Doon sa isang bar sa Mindanao. Masaya raw. Gusto nga raw ni Edgar na mag-join ng discussion. Ito nga ang dahilan kung bakit binabasa ko itong pangalawang libro nyang ito na binubuo ng mga sanaysay.

Ang wish ko sana ay maraming mga lokal na authors na magjo-join dito. Tapos ang mga books nating idi-discuss on a monthly basis ay yong mga sinulat ng mga authors na members. Preferably, yong mga bago para promotion na rin. Both sides makikinabang: makakapagtanong kaming mga mambabasa (or sila na mga aspiring authors) sa inyong mga published authors. Tapos kayo naman, makakabenta, magkakaroon ng mga masungid na tagahanga, tapat na kaibigan kung di man ay sinserong kritiko.

Kung wala namang bago, puwede ring i-discuss ang mga klasekong akda na tulad ng kina F. Sionil Jose, Pete Lacaba, etc.

Dapat lang masimulan ito para magtuloy-tuloy. Alam ko, marami naman sa amin ang gusto ng actual book discussions lalong lalo na kung kaharap namin ang sumulat ng akda. Kakaiba at exciting na experience ito.

Ano sa palagay mo?

Nabasa ko na rin yang Para Kay B. Nagustuhan ko yong tagpo sa ilalim ng tren na parang ang impact ay pakalat nang pakalat sa buong bayan ng San Ildefonso (tama ba?). Tama ka, masyado syang cinematic. Pero dahil na rin siguro sa pagiging mas kilala sya bilang scriptwriter.


message 13: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Halos Isang Buhay
ni Edgar Calabia Samar (kapag maraming oras....)

at ....

O Kaligayahang Walang Hanggan Yeh! (Kikomachine Komix Blg. 4)
ni Manix Abrera (pasundot sundot lang sa strip habang nagpapahinga sa paggawa ng Thesis. Pampabalik sistema at pamparefresh ng utak..)


message 14: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Napadpad ako ng the Podium at bumili ng akdang pinoy. Susubukan ko itong Lovestruck ni Molmisa at kapag naantig ako...

Magulat na lang tayo at maging completist ako ng kanyang mga likha. :)


message 15: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Jhive, yay! pareho tayo ng binabasa. Ganda, di ba?

Tama, nakaka-relate ako dyan. Di naman din magandang dire-diretsuhin ang comic strips. Pamamagana lang kapag may boring na nabasa.

Ella, Hintayin namin ang rebyu mo. Ikaw na ang magiging pinaka-una nyang completist dito.


message 16: by Maria Ella, Moderator (last edited Sep 27, 2012 02:37AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
At katatapos ko lang ng akda ni molmisa.

Parang gusto kong basahin ang iba pang akda para pag-aralan. Hihi. Ngayon naman ang binabasa ko ay ang unang nobela ni Ricky Lee.

Madam Bebang, asang bahagi ka na...? Wait lang hahabol ako. Kunyari sabay tayo. :p


message 17: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ella, ako rin. Kagagaling ko lang sa Rob Galleria. Nag-shopping ako ng mga lokal na aklat.

Ano bang magandang ingles sa "Buddy Reading"? Baka puwede ninyong umpisahan ni Bebang. Mukhang akma yang libro na yan sa mga tipo ng akda na madalas mong naiibigan.


message 18: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments K.D. , Maganda nga yung Halos Isang Buhay, interesting talagang basahin, hindi ko nga lang matapos kasi kelangan ko na palang matulog at maaga pa ang pasok bukas.

Ella., Completist na ako ng mga akda ni Ronald Molmisa. At gustong gusto ko yung bago niyang Lovestruck.


message 19: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Mga kasalukuyang binabasa.

Dogeaters by Jessica Hagedorn

Nahiram ko ito mula kay Ingrid, medyo natatagalan lang ako sa pagbabasa, binabasa ko lang ito pag ako ay nasa byahe.

The Best of Youngblood by Jorge Aruta

Youngblood 1 , ito na lang ang hindi ko nababasa sa tatlong librong compilation ng Youngblood articles sa PDI. Tuwing matutulog ko ito binabasa. Dito may article dito si Budjette Tan at si Teddy Casino nung nasa 20 someting years old palang sila.

Mga Kwento ni Lola Basyang 2, wala pa dito sa library ng goodreads ang libro.

http://tahananbooks.com/shop/mga-kuwe...

Binabasa kung may libreng oras pa. Hehe.


message 20: by K.D., Elder (last edited Sep 27, 2012 05:41PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Jhive, Ito pala ang mga libro ni Ronald Molmisa. Nakikita ko ang mga ito sa bookstores, pero di ko pinapansin. Ano kayang iisipin ng tindera kung makitang bumibili ako ng mga ito? Sabihin ko kayang para sa anak ko?
Lovestruck Love Mo Siya, Sure Ka Ba? by Ronald Molmisa Pass or Fail? Paano Maging the Best Student Ever  by Ronald Molmisa Lovestruck Singles Edition by Ronald Molmisa
Jhive, gusto mo bang mag-create ng thread sa "Pinoy Completist" folder? Puro pangalan ko na lang ang nagcre-create ng threads.

Ayban, Ay, di ko pa nabasa yang dalawang yan. Guilty. Tagal na akong may Hagedorn. Tas problema ko kasi sa librong koleksyon ng mga na-published nang artikulo sa diyaryo, minsan nabasa ko na. Parang nasasayangan ako sa oras. Sabagay, matagal na rin akong di bumibili ng diyaryo. Wala bang compilation ng "High Blood"?


message 21: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Wala pa Kuya Doni eh, ang Youngblood nga hindi na rin nagkaroon ng book 4 eh, gang 3 pa rin.


message 22: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Saka na Kuya :) Kasalukuyan pa kong natutuwa sa pacomment-comment eh.


message 23: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Okay lang, Jhive. Enjoy. Ako na lang muna ang magre-recall ng mga authors na nabasa ko na.


message 24: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Kasalukuyan ko pong binabasa yung PEKTUS mga maikling kuwento. Wala pa kasi rito sa Goodreads.


message 25: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Paolo., alam ko yan,. nakita ko yan pinopromote sa facebook page ng bookayukay,. sino author niyan ??


message 26: by Paolo (new)

Paolo | 26 comments Oo, oo. Sa bookayukay ko po ito binili. Marami e, walong writer po. Walong kuwento tapos sa kalahati walo ulit.


message 27: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments nice, marami raming kwento yan ahh


message 28: by K.D., Elder (last edited Oct 01, 2012 01:48PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Makapunta nga sa Bookay Ukay. Salamat sa pagbabahagi, Paolo.

Kahapon, sinimulan kong basahin ang pangatlong aklat ni Samar:

Sa Kasunod ng 909 by Edgar Calabia Samar
SA KASUNOD NG 909
ni Edgar Calabia Samar

(9/29): Parang dalawang story arcs. Palitan bawa't kabanata. Naala-ala ko ang The Grapes of Wrath ni Steinbeck. Sa porma pa lang. Iba naman ito. Naala-ala ko rin ang mga tauhan ni Murakami na bigla-biglang nawawala. Ayon muna.

(9/30): Parang nainip ako kahapon. Naiinip ako sa takbo ng kuwento. Di tuloy ako nakarami.

(10/1): The plot thickens. Ngayon ko lang napansin din na mayroon palang mga taon (1950's) yong isang story arc. May motif na kambal. May motif nang nawawalang tao.

(10/2): Katatapos ko lang ngayong umaga. Parang mas gusto ko ang Walong Diwata ng Pagkahulog. Kayo rin ba?


message 29: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Dahil sa recommedation ninyo, ito ang binabasa ko ngayon na Librong Pinoy:

The Gold in Makiling A Translation of Ang Ginto sa Makiling by Macario Pineda
THE GOLD IN MAKILING
by Macario Pineda

May nakita rin akong Tagalog version nito noong Sabado, kaso nakabili na ako nitong ingles. Tsaka yong Tagalog may mga kasama pang mga maiikling kuwento.

Sino ba yong nahihirapan maghanap ng mga aklat ni Jim Pascual Agustin?

Maraming kopya (3 books each) pareho ang
Alien to Any Skin by Jim Pascual Agustin at Baha-Bahagdang Karupukan by Jim Pascual Agustin
sa:
NBS Harrison Plaza
NBS Robinson's Manila
NBS SM Manila
NBS Bestsellers Robinson's Galleria


message 30: by Rise (new)

Rise K.D., paborito ko yang libro na yan ni Macario Pineda, pati cover. Medyo naiinis lang ako kasi hindi masyadong na-proofread yung translation.


message 31: by Rise (new)

Rise P.S. Pag binasa ko ulit ang nobela ni Pineda, baka yung Tagalog na. Gusto ko yung konsepto at termino nya ng kakanggata ng lahi (cream of the race).


message 32: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ryan, kahit yong "Sa Kasunod ng 909," mga 5 din ang typographical errors. Marami sa mga lokal na aklat may ganyan. Pero nagbabasa ako for example ng Roberto Bolano na pagka-kapal kapal, walang typo.

Ngali-ngali kong bumili ng Tagalog kasi sabi nila, mas mainam laging basahin ang original version. Kaso sa NBS Bestsellers Robinson Galleria, English version lang. So binili ko na. Then kinabukasan, napunta ako sa NBS Harrison Plaza, sangkaterba ang Tagalog version.


message 33: by Rise (new)

Rise K.D., para sa akin magaling din ang pagkakasalin sa English. Magaling ang pagkakalarawan ng mythical Makiling. Parang magic realism ang dating, pero nauna si Pineda kay Gabriel Garcia Marquez.


message 34: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sige, sa sobrang benta ninyo ng "Makiling," baka tumaas ang expectations ko.


message 35: by Rise (new)

Rise Hehe. Tingnan natin kung magustuhan mo.


message 36: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ryan, nakakalahati ko na. Yong intro lang spoilers. Pero okay na rin. Di nakaapekto sa interes ko.

So far, nagugustuhan ko. Natutuwa ako dahil naisip ni Pineda ang ganoon.


message 37: by Rise (new)

Rise Yung intro sa huli ko binasa. Halos laging may spoilers kasi ang mga intro. Ang galing nga ng take nya sa maalamat na Makiling.


message 38: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Onga. Pero yong intro ng Makiling maikli lang. Ang mas nakakatuwa ay yong pagpasok ng mga tao roon. Si Urduja!


message 39: by Rise (new)

Rise Si Sisa! Hehe. Parang may Justice League sa Makiling. At kaparehas din ng Elysian Fields ng Greeks.


message 40: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ay di pa ako nakarating doon. Yon palang na-dare sya ng 40 years. Susubukin kung tunay ang pag-ibig noong kasintahan nya. Kung tatagal siya ng long distance relationship ng 40 years!


message 41: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Ella, sige. Nandoon na ako sa kuwento ni Ester. Ang weird ng mga eksena dito hahahaha kakaiba magkuwento si Ricky Lee. Unpredictable.


message 42: by Rise (last edited Oct 03, 2012 05:13AM) (new)

Rise @K.D., hindi parte ng istorya yun, hinambing ko lang ang uri ng komunidad sa Makiling.

Ibang klaseng pagsubok sa pag-ibig talaga ang binigay sa libro. Love story in absentia. Parang di na uso ngayon ang ganyang pagpapakamartir. Wagas na wagas!


message 43: by K.D., Elder (last edited Oct 04, 2012 09:45PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Beverly, salamat sa patuloy na pagdalaw sa grupo. Later pa ako makakasagot sa PM mo.

Ryan, oo. Isang tunay na pag-ibig na sinubok ng panahon. Sa dulo'y napagtagumpayan. Tindi!

Binabasa ko ngayon ang nagkamit ng Unang Gantimpala sa Centennial Commission:
Etsa-Puwera by Jun Cruz Reyes
ETSA-PUWERA
ni Prof. Jun Cruz Reyes

Maganda. Kuwento ng mga na-etsa puwera. Lahat naman tayo, at some point in our lives, nakakaramdam na ma-etsa puwera.

Favorite quote kaninang umaga:
"Ganyang talaga ang pagsinta, hindi mo alam kung kailang sila magkakatagpo."

Natuwa ako sa "pagsinta."


message 44: by Reev (last edited Oct 05, 2012 02:50AM) (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments K.D. wrote: Binabasa ko ngayon ..."

Jun Cruz Reyes! Isa sa pinaka paborito kong propesor! Napakahusay. Hanggang ngayon, naalala ko pa rin yung huli nyang lecture na tinawag nyang "pinakamahusay kong lecture" sa buong buhay nya.

Trivia: Nagyoyosi sya sa loob ng klase. Nagsusuot sya ng damit na sobrang halatang peke (Esprit na burdado). Wala syang pakialam. Haha. At...2 buwan ata kami hindi kami pinapasok. :)


message 45: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Binabasa ko ngayon:

Imelda Steel Butterfly of the Philippines by Katherine Ellison
Imelda: Steel Butterfly of the Philippines


message 46: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ganda ng libro mo, Reev.
Sabi dito sa libro ni Prof. Reyes, nagtuturo pa siya sa Politeknic na Unibersidad ng Pilipinas. PUP? Natatandaan ko UP ka?


message 47: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments KD, sa UP yata nagtuturo si Sir Jun Cruz Reyes? Andoon pa yata siya hanggang ngayon kasi ang alam ko nag-birthday pa siya doon noong July tapos nag open ng art exhibit, artist din si Amang Jun. talentado talaga hahahaha!


message 48: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Alam ko nga UP kasi sumali pa ang kaibigan ko sa writing workshop nya sa UP


message 49: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Beverly wrote: "KD, sa UP yata nagtuturo si Sir Jun Cruz Reyes? Andoon pa yata siya hanggang ngayon kasi ang alam ko nag-birthday pa siya doon noong July tapos nag open ng art exhibit, artist din si Amang Jun. ta..."

Hi Ms. Bebang Siy at Krizia Anna. :)

Yes K.D., U.P. po.
Sa Filipino Dept. Malikhaing Pagsulat ata si Mr. Reyes. Di ko na maalala. Teacher ko sya nung...many many years ago. :-D

Eto yung required reading nya:

Pedagogy of the Oppressed by Paulo Freire
Pedagogy of the Oppressed


message 50: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Kasalukuyang binabasa na Filipino book: Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee.

Natuwa ako sa Para Kay B, lalo na sa secondary characters nya. At natuwa rin ako sa layunin ni Ricky Lee na gumawa ng libro na babasahin ng maraming tao, hindi lang ng edukado o middle class. Kebs na kung mala-screenplay ang ginawa nya. Yun din naman kasi yung intention nya. Kaya ngayon, binabasa ko na yung 2nd novel nya para makita kung nakakaaliw din sya tulad ng Para Kay B.

So far, nasa kabanata 5 pa lang ako. Gusto kong makita kung paano nya ire-reconcile ang mga buhay ng lahat ng personalities ni Amapola at ang kanyang pagiging manananggal.


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 13 14
back to top