Pinoy Reads Pinoy Books discussion

125 views
Pinoy Completists > Manix Abrera

Comments (showing 1-50 of 100) (100 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Elder (last edited Feb 10, 2013 02:47AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ang paborito kong kwentista sa comics format. Na-meet ko na rin sya, sobrang down-to-earth at unassuming. Halatang walang ere kahit sikat na sikat sya. Maganda at di korni ang pagkakasulat at asteeg ang mga drowing nya. Walang katulad.

1) Kikomachine Komix Blg. 1
2) Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh!
3) Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin…
4) O Kaligayahang Walang Hanggan Yeh!
5) Alab ng Puso sa Dibdib Mo'y Buhay!
6) Kikomachine Komix Blg. 6: Venn Man at iba pang Kalupitan ng Kapalaran!
7) Sorrowful, Sorrowful Mysteries!
8) 12
9) Kikomachine Komix Blg. 8: Golden Ratio
10) Expeditions Comics: The Philippine Graphic/Fiction Awards Vol. 1

Biro mo, nabasa ko na lahat yan. Paborito ko dya ay yong "12" dahil kakaiba. At yong Book 2 dahil doon ako na-introduce kay Manix.

May bago raw isyu ng KikoMachine si Manix at ilo-launch sa darating na Komikon.

May 2 maliit na aklat si Peter Wallace at si Manix Abrera ang nag-drowing.


message 2: by Rise (new)

Rise Meron na akong Blg. 3-8 ng Kikomachine. Pero parang gusto kong simulan sa 1-2 pero walang kopya. Shrek.


message 3: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Puwede namang magsimula ka sa 3. Standalone naman silang lahat. Pag nakita ko ang kopya ko ng 1 and 2, ipapahiram ko sa yo. Sinubukan mo ba ang mga FB branches sa QC? Di ko napansin na wala nang kopya ang 1 at 2.


message 4: by Rise (new)

Rise Okay lang, Kuya Doni. Gusto ko rin kasing magkaroon ng sariling kopya kaya maghahanap pa rin ako. Baka di kasi ako makakatulog kapag sinimulan ko sa 3, kahit standalone ito.


message 5: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Kumpleto ko na sya 1-8. Yung 12 na lang wala ako kasi ang mahal nya. :D Twice ko na sya nameet at soooobrang humble. :D At asteeg mga komix nya, makakarelate ka talaga as in! :D


message 6: by Rise (new)

Rise #2 at 12 na lang kulang ko. Mahirap lang magbasa ng Kikomachine sa mataong lugar, baka bigla kang magtatawa ng malakas.


message 7: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Yun nga yung hassle e. :D Pero oks lang. Yung 2 palagi kong dala eh. Para di mabore kung saan man.


message 8: by K.D., Elder (last edited Nov 04, 2012 03:47AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Clare, pareho tayo. Pero nabasa ko na rin ang "12" at ang "Expeditions Comics." Yang dalawa ay hiram lang sa isang kaibigan dito sa Goodreads. Maganda rin sigurong mayroon ako, kaso madali silang basahin dahil hindi ginamitan ni Manix ng words. Puro pictures lang. Asteeg.

Ryan, tama!


message 9: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Tsaka glossy ata yung 12 kaya mahal ano?


message 10: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo. Makapal ang mga pages. Colored din lahat.


message 11: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Di ako makapagbasa nyan sa bookstore. Nakaplastik. Andaya. Hehe.


message 12: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments San ba yan?! Mapuntahan nga. :D


message 13: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
May ganoon ngang bookstores.

Paborito kong part yong lobo na may mata! Wala lang sad. Gusto ko yong mga sad na kuwento. Kasi masayahin akong tao. (Deja vu, nasabi ko na ito dati pa).


message 14: by Vheel (new)

Vheel Laborera | 16 comments dito po sa amin nakakatawa kasi lahat ng Manix Abrera eh sa Pandayan Book Store lang meron, at lahat ng Pugad Baboy sa NBS lang meron

wala pa si Pupung at mga likha ni Larry Alcala :D

(view spoiler)


message 15: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Ayyyyy. Nattempt ako bumileee. Sana may magregalo sakin nyan sa pasko. Haha!


message 16: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Clare wrote: "Ayyyyy. Nattempt ako bumileee. Sana may magregalo sakin nyan sa pasko. Haha!"

Mag-demand ka sa manliligaw mo regaluhan ka ng 12 ngayong Pasko. Haha! :D Oy, joke lang!


message 17: by Phoebe (last edited Nov 15, 2012 07:44AM) (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Noong high school, ginugupit-gupit ko ang kikomachine komix sa dyaryong Inquirer. Eto ang mga nasalba kong strips:
(view spoiler)
Yung iba ginawa kong bookmarks tapos pinamigay ko kung kani-kanino haha. Ginawa ko yun nung nalaman kong compilation na yung ni-release niyang libro. Tapos sobrang layo pala ng strips na nabasa ko sa mga strips sa unang libro niya! =.=
Pero natuwa pa rin naman ako at ngayon nakolekta ko na. :D
(view spoiler)
yung 12 ang kulang ko, mahal kasi haha tsaka yung kasama si neil gaiman.

oo, naiinggit ako sa inyo. di ko pa rin siya nakikita sa personal. sana next time makapunta ko kung saan nandun sya *hikbi* haha :D

Gustung-gusto ko ang kikomachine kasi kahit 4 panels lang tawang-tawa na ko.


message 18: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Phoebe, ako rin, hinirap ko lang ang "12" at "Expeditions." Dahil, tama ka, mahal sila.

Ang cute ng mga pinaggagagawa mo noong high school. Dapat makita yan ni Manix.

Malay mo, balang araw ma-invite natin si Manix. May number nya ako at nakapagpalitan na kami ng email. At, noong party, katapat ko sya at ang asawa nya. Sobrang bait nya at ang kanyang autograph ay drowing ng character sa book at nakalagay kasama ang name mo! So, sobrang haba lagi ng mga nagpapa-autograph sa kanya kasi matagal! Kaya't ang payo ko sa yo? Itago ang mga libro mo at pag nagkita kayo, papirmahan mo lahat at ipalagay ang mga characters na pagborito mo.


message 19: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments K.D. wrote: "May number nya ako at nakapagpalitan na kami ng email. " "...at ang kanyang autograph ay drowing ng character sa book at nakalagay kasama ang name mo!"

^Unti-unti mo akong pinapatay! HAHA
ayos lang ang pila, pumipila ko ng 2 oras para sa mga ganyan kaya kung kay Manix, kahit isang araw pa :D


message 20: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments Phoebe! Nakita ko sya ng 3 days sa Read Lit District ng NBDB. May picture pa kaming dalawa (mainggit ka. [joke])

Ang bait-bait na tao. :)

Meron akong #3, #7, #8. Sayang lang di ko napapirmahan.


message 21: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Diane wrote: "Phoebe! Nakita ko sya ng 3 days sa Read Lit District ng NBDB. May picture pa kaming dalawa (mainggit ka. [joke])"

AHHHHHHHHHHH huhuhu NAIINGGIT ako!! San ba yung Red Lit District?


message 22: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Phoebe, taon-taon daw nasa Komikon sya. This year lang wala.


message 23: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments
AHHHHHHHHHHH huhuhu NAIINGGIT ako!! San ba yung Red Lit District?"


hahaha. Tagumapay. :P
Ginanap sa Makati. Yun yung Philippine International Literary Fair ng NBDB. Panelist pa sya nung Friday. Sayang! Ang bait nya, makikipag-usap talaga sya pag lumapit ka :)


message 24: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Guwapo pa. Ingat ka lang baka kasama ang asawa.


message 25: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Diane: talagang misyon na inggitin ako eh noh? haha
sayang di ko alam

KD: epic fan girling lang naman ang gusto ko. Ang habol ko lang eh yung autograph at makita siya in person, hindi maging kabit HAHA


message 26: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments Phoebe: Yan lang talaga Phoebe ang misyon ko sa buhay: mang-asar. At maging fan girl. :)

May next year pa naman, baka nandun ulit sya. At may Komikon taun-taon. Pwede mo rin naman i-research at antabayanan sya sa kung saan mang tambayan nya para masaya. :P

Mabait naman yata asawa nya eh. Ayos lang sa kanya kahit may mga lumalapit na fan girl at nagpapa-picture. :)


message 27: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Diane, salamat sa tips hehe :D


message 28: by Apokripos (last edited Nov 18, 2012 10:05PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Minsan nakakasabay ko yang sumakay sa MRT at LRT2 nang papunta siya ng Cubao para sa isang komix event sa Sputnik. :)

Mabait yan, si Manix. At maipagmamalaki kong ako ang nag-interbyu sa kanya na nahirapan siya (ng kaunti) sa mga tanong ko. Hanggang noong Reader Con, alalang-alala pa rin niya ako at ang hirap na dinanas niya. Buwahahaha! >:D Asteeg ka Manix! \m/


message 29: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo. Tsaka maganda ang asawa niya. Parang Abby yata ang pangalan.


message 30: by Apokripos (last edited Nov 18, 2012 11:46PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Oo. Tsaka maganda ang asawa niya. Parang Abby yata ang pangalan."

Yes, beatiful! Hamo, Kuya D., tayo naman ang fanboying sa asawa ni Manix dito tulad nila. Sa pagkakaalam ko, writer siya sa GMA News Online. Beauty and brains! :)


message 31: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ta-ma! Sobrang bagay sila.


message 32: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments jzhunagev wrote: "Clare wrote: "Ayyyyy. Nattempt ako bumileee. Sana may magregalo sakin nyan sa pasko. Haha!"

Mag-demand ka sa manliligaw mo regaluhan ka ng 12 ngayong Pasko. Haha! :D Oy, joke lang!"


Wala namang manliligaaaw! Nagayuma, meron. :P Cant afford eh. hehehe


message 33: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Phoebe wrote: "Noong high school, ginugupit-gupit ko ang kikomachine komix sa dyaryong Inquirer. Eto ang mga nasalba kong strips:



Yung iba ginawa kong bookmarks tapos pinamigay ko kung kani-kanino haha. Gin..."


Ang yaman moooo. Galing pa talaga sa daily inquirer ha. :D Ako isa lang yung galing sa dyaryo. Di ko kaya bumili everyday. hehe!


message 34: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments K.D. wrote: "Phoebe, ako rin, hinirap ko lang ang "12" at "Expeditions." Dahil, tama ka, mahal sila.

Ang cute ng mga pinaggagagawa mo noong high school. Dapat makita yan ni Manix.

Malay mo, balang araw ma-in..."


TRUE! Super effort talaga sya sa pagautograph, AS IN! Ilalagay pa nya talaga yung name mo. Hehehe. Kaya Phoebe, hintay lang. Mapipirmahan din yan ni Manix lahat. Kahit ipagsabay-sabay mo yang ipapirma sa knya, ttyagain nyang pirmahan nya, praaaamis!


message 35: by Phoebe (last edited Nov 19, 2012 03:54AM) (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments Clare: Hindi araw-araw, every Saturdays lang ang bili ng nanay ko haha. Kaya nakakainis kapag may 'itutuloy'. Yung kaibigan ko ang nagsupply sa kin nung mga itutuloy na part, naawa ata sa kin haha

UGHNNNN...kailangan ko na talaga makita si Manix haha


message 36: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
I-follow mo sya sa Twitter at i-friend mo sa Facebook.


message 37: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments wala na, exceed na sa maximum ang friends niya eh, anong twitter niya? :D


message 38: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Di ko alam *sheepish* Di ako mahilig sa Twitter. Inisip ko lang yan ang pinaka-mabilis na way para mag-stalk.


message 39: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments wala ata siyang twitter haha


message 40: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Wala ata syang twitter. Subscribe mo na lang sa Facebook!


message 41: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Phoebe wrote: "Clare: Hindi araw-araw, every Saturdays lang ang bili ng nanay ko haha. Kaya nakakainis kapag may 'itutuloy'. Yung kaibigan ko ang nagsupply sa kin nung mga itutuloy na part, naawa ata sa kin haha
..."


Sabi ni Mainx yung Friday komix daw yung pinakahardcore yung strips. hahaha


message 42: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments ^ ah talaga?


message 43: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Sabi nya. hehe


message 44: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ano yong Friday komix? Bagong komiks ni Manix?


message 45: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments kikomachine komix pa rin, pinakahardcore daw yung strips tuwing friday sa dyaryo :)


message 46: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
A, sa dyaryo pala iyon. Salamat.


message 47: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments

One way or another, nangyari sa ating lahat 'to tuwing may Kris Kringle. Hahaha! :D


message 48: by Phoebe (new)

Phoebe Andamo (phoibee) | 1423 comments HAHAHAHA benta


message 49: by Gena Myrtle (new)

Gena Myrtle (gnmyrtl) | 10 comments Peyborit ko din ang Kikomachine, idol ko si Manix! Pero di ako chronological magbasa ng Kikomachine. Ngayon ko palang binabasa yung 1. Halata na nung unang issue ibang-iba pa ang drawing, at nang tumagal lalong gumanda at mas comedy na! Rakenrol!


message 50: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo. Ako rin di chronological. Pero paborito ko pa rin ang Book 2. Salamat sa kumento, Gena.


« previous 1
back to top