Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Samantha Sotto
This topic is about Samantha Sotto
36 views
Mga Bagong Manunulat > Samantha Sotto

Comments Showing 1-10 of 10 (10 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Samantha Sotto's first novel that came out last year, Before Ever After proved that Pinoy writers can still penetrate the international market.


message 2: by Beatrice (new)

Beatrice Masaluñga (beatricemasalunga) | 20 comments Nagustuhan ko po yung "Before Ever After". I recommended this to my classmates. Good thing nagustuhan nila.

Habang binabasa ko ito parang nagta-travel din ako :) I hope may next novel si Ms. Samantha. I'm looking forward to it.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
That's right. Si Samatha kasi lumaki rin sa iba't ibang siyudad sa Europa dahil nade-destino doon noon ang kanyang ama.

Ang paborito kong parte ng kuwento ay iyong tungkol sa isang matandang pari o monk.


message 4: by Beatrice (new)

Beatrice Masaluñga (beatricemasalunga) | 20 comments Yun po ba yung sa Chicken Soup? :) (Medyo nakalimutan ko na po yung ibang part. hehe)


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo yon. Ako rin, nakakalimutan ko na. Basta alam ko yong opening, pinabibili nya ng tea yong asawa nya. Tapos yong ending sa Boracay.


message 6: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kung chick lit mang matatawag ang genre na ito (pasensya na Miss Samantha Babes — dahil ang ganda naman talaga niya in person — kung di man) ito na ang pinakamaganda sa mga nabasa ko. Adventurous at magical!

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan ako makatitikim at makabibili ng hinayupak na baked eggs and cheese na yan. Haha! :D

At gusto ko ang title ng libro, eksakto sa mensahe at thema ng istorya. ^_^


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo, Jzhun. Pero di ko na inambisyong ang baked eggs and cheese dahil parang tataas ang blood pressure ko.

Bukod sa title, gusto ko rin yong ending. Marami ring memorable na characters lalo na si Simon.


message 8: by Louize (last edited Oct 15, 2012 09:19PM) (new)

Louize (thepagewalker) jzhunagev wrote: "Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan ako makatitikim at makabibili ng hinayupak na baked eggs and cheese na yan. Haha! :D"

Dito sa bahay. ;p

Madali lang gawin. If I did guess it right, 'yung 'dash of something' na sinabi sa book ay hot pepper sauce; kasi 'yun din ang nilalagay ko.

Recipe:
1 cup low fat milk
1/2 cup of shredded mix cheese (pwede namang cheddar lang; dahil maarte ako, I use a mix of monterey jack and cheddar)
6 eggs
1 tbsp melted butter
salt and pepper to taste
a dash of hot pepper sauce (optional)
a dash of dried basil (optional)

Beat the eggs and milk together.Season with salt and pepper lightly (maalat na kasi ang cheese and butter).
Pour melted butter into pan, sprinkle the cheese.
Then pour the liquid ingredients in.
Add a dash of hot sauce and basil, if you like.
Bake at 350 degrees for 45 minutes or until set.
Pwedeng pwede i-bake 'yan kahit sa oven toaster lang. Try mo.


message 9: by Beatrice (new)

Beatrice Masaluñga (beatricemasalunga) | 20 comments Noong binabasa ko ito, hindi ko napigilang magutom. :)


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Louize, parang madali nga. Ang pagkaka-gamit kasi ni Samantha, parang masarap. Parang ang sosyal. Kaya lang ang baking na involved. Kinalawang na ang oven namin sa bahay dahil walang tiyaga kaming mag-bake.

Beatrice, tama ka! Tapos parang ang kasamang kubyertos ay yong mga silver at ang setting ay parang nasa garden. Nakaka-ganang mag-afternoon tea.


back to top