Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Eros S. Atalia
This topic is about Eros S. Atalia
242 views
Pinoy Completists > Prof. Eros Atalia

Comments Showing 1-50 of 114 (114 new)    post a comment »
« previous 1 3

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Si Eros ang uso. Si Eros na sinasabing bagong Bob Ong. Pero bakit kailangan i-angkas ang pangalan nya kay Bob Ong samantalang may sarili naman siyang istilo.

Completist din ako ni Eros. Giliw na giliw ako sa kanya kapag lumalayo siya sa "formula" ni Bob Ong at pinapakita nya ang totoong angking galing nya sa pagsusulat.

Ang mga nabasa ko na:

1) Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)
2) It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012
3) Ligo Na U, Lapit Na Me
4) Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako
5) Taguan-Pung: Koleksyon ng Dagling Kathang Di Pambata at Manwal ng Mga Napapagal: Kopi Teybol Dedbol Buk

Kung di mo pa sya nababasa, subukan mo lang. Baka ma-inlove ka kay Intoy o kay Jenny.


message 2: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Pagala-gala lang yan sa luncheonette namin eh. hehe! Sa tingin ko hindi sya gaya ni BO, iba naman istilo ni Sir Eros. Naapektuhan ako masyado sa nangyari kay Intoy. hehe ansakit eh.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo nga, Clare. Si Intoy ay kumakatawan sa mga kabataan lalo na ang mga Pinoy na lalaki. Wala syang maskara. Kung ano ang ginagawa ng karakter, ganoon talaga siya. Walang balatkayo.


message 4: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Tsaka araw araw mo syang nakikita, kahit saan.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Ikaw na ang maraming kilalang Intoy.


message 6: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments dati nagtuturo siya sa school namin..sayang di ako nakapagpa-pirma ng libro sa kanya :(


message 7: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ako naman gusto kong makakilala ng Jenny na hahanap-hanapin ko. Buwahahaha! X`D


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
At makaka-sex ng walang commitment?


message 9: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Aica, sang school ka ba? Pwede ka pa naman magpapirma sa kanya. pagala-gala lang naman yan sa maynila. hehe! sa mga book events..

Jzhunagev, okay yan. Masaya na exciting. Pero sa huli masasaktan ka lang, parang si Intoy. Nakanaaa.


message 10: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments sa PNU po, along taft :) kahit pagala-gala siya sa manila di ko siya mahagilap... haha, baka nakatakdang di ako makapagpapirma :(


message 11: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Schoolmates pala tayo Aica. :D


message 12: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Clare wrote: "Jzhunagev, okay yan. Masaya na exciting. Pero sa huli masasaktan ka lang, parang si Intoy. Nakanaaa."

Okey lang... Sana'y naman akong masakatan.
Huwaw nama!
Umi-emo!
Nakanaks! :D


message 13: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments ui, hello clare!


message 14: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Hi Aica. :D


message 15: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "Clare wrote: "Jzhunagev, okay yan. Masaya na exciting. Pero sa huli masasaktan ka lang, parang si Intoy. Nakanaaa."

Okey lang... Sana'y naman akong masakatan.
Huwaw nama!
Umi-emo!
Nakanaks! :D"


Lahat naman sanay ng masaktan. Oyeah. Emoooo! :P


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Okay lang. Minsan-minsan.


message 17: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha! meron bagong aklat si eros, bale part ng collection ang kanyang work. lahat ng manunulat sa colle ction na yun ay tga pnu. bili na clare at aica!!!


message 18: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments Beverly wrote: "hahahaha! meron bagong aklat si eros, bale part ng collection ang kanyang work. lahat ng manunulat sa colle ction na yun ay tga pnu. bili na clare at aica!!!"

opo. maganda po ung mga kwento at tula na nasa libro at nagkaroon po ng book lunch sa PNU Nung nakaraang miyerkules. isa po ako sa mapalad na nakapagpapirma't nakapagpakuha ng litrato sa kanya :)


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Yay! Sali ako dyan. Gusto kong i-maintain na completist ako ni Prof. Eros Atalia. Ako ang kanyang masugid na taga-subaybay.


message 20: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ayun! aica, pag me mga bok launch sa nyo, timbrehan mo ang prpb ha? baka may interesadong mag gatecrash...este pumunta hahaha salamat!


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tama! Aica. Susugod ang mga lakwatsero sa PRPB!


message 22: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Aica wrote: "Beverly wrote: "hahahaha! meron bagong aklat si eros, bale part ng collection ang kanyang work. lahat ng manunulat sa colle ction na yun ay tga pnu. bili na clare at aica!!!"

opo. maganda po ung m..."


sayang offcam ako ngayon. di tuloy ako nakapunta. :(

Beverly wrote: "hahahaha! meron bagong aklat si eros, bale part ng collection ang kanyang work. lahat ng manunulat sa colle ction na yun ay tga pnu. bili na clare at aica!!!"

tgaPNU? Yey dapat kong suportahan. hehehe


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo nga, mabuhay ang mga taga-Normal!


message 24: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments Beverly wrote: "ayun! aica, pag me mga bok launch sa nyo, timbrehan mo ang prpb ha? baka may interesadong mag gatecrash...este pumunta hahaha salamat!"

haha.. sige po makakaasa kayo :)


message 25: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Di ko pa nakikita ang bagong aklat ni Eros sa mga book stores. Atat na ako.


message 26: by Lynai (new)

Lynai | 24 comments Naiintriga ako sa mga libro ni Eros Atalia kaya lang nag-aalinlangan pa din ako dahil sa mga sari-saring rebyu at reaksyon ng mga nakabasa na ng mga libro nya.

Ano bang libro nya ang magandang unang basahin? Interesado ako sa Ligo Na U, Lapit Na Me kaya lang baka di ito magandang basahin muna? May koleksyon din ba sya ng mga short stories?


message 27: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments black comedy. peborit ko ang Manwal ng pagpapatiwakal. :P


message 28: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Alam mo yung nasa sitwasyon ka na may sapat ka ng pera pambili ng libro ni Bob Ong pero yung kay Eros binili ko? Hahaha.

Una yung Ligo na U, Lapit na me. Tas yung Peksman. Tas Its not that complicated (bigay ni KD. hehe)

Bumili rin ako kasi naintriga ako. Haha! At nagsisisi nako. Charot. haha! Sa una hindi ko talaga nagustuhan. Sabi ko, putek. Nsayang 200php ko a. Pero nung binasa ko uli, oks naman pala. hehe!


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Lynai, oks naman. Mayroong mga sex scenes. Mayroon ding mga non-sense. Mayroong mga mura-mura. Pero part of the package yata. Part of the appeal sa mga kabataan. Parang PAK U, Supot, etc.

Pero may kuwento. Doon sa Peksman, yong part 2 about yong serena, parang ginamitan ng Philippine mythology kaya yon ang nagustuhan ko. Yong love story ni Intoy at Jenny, interesting kasi na-meet namin noong isang gabi ang naging inspiration ni Bob Ong sa karakter ni Jenny. Yay! Ex ni Eros na pagkaganda-gandang babae.

Dahil bata ka pa, malamang may magugustuhan ka rin na bahagi sa mga sinulat ni Eros. Professor yan, may masteral, etc so kung sumusulat man ng ganyan, kasi yan ang bumibenta.

Nabasa ko na rin yong binanggit ni MJ na "Manwal" (yong first book nya). Maganda rin nga. Pero di ka na siguro makakahanap ng kopya. Maganda rin yong 3 pero ang paborito ko (sa mga available) ay yong "Wag Lang Di Makaraos." Mas angkop sa taste ko.


message 30: by Lynai (new)

Lynai | 24 comments Hi KD! Parang ayaw ko yata ng may mga sex scenes at mura-mura? Hihihi. Siguro mas magugustuhan ko ang Peksman. Salamat sa pagsagot sa tanong ko. :)


message 31: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
May ganyan din sa Peksman. May sex scenes (kung di ako nagkakamali). Pero medyo tamed pa kasi 2nd book lang nya.


message 32: by Lynai (new)

Lynai | 24 comments K.D. wrote: "May ganyan din sa Peksman. May sex scenes (kung di ako nagkakamali). Pero medyo tamed pa kasi 2nd book lang nya."

Ay ganun ba? Okay na siguro ako sa tamed hehe! Wala ba syang koleksyon ng maiikling kwento?


message 33: by K.D., Founder (last edited Feb 01, 2013 07:19PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Yon nga ang "Wag Lang Di Makaraos" Actuwali, hindi maiikling kuwento kundi may "dagli." Gustung-gusto ko yong "Birthday Wish." Sapul sa akin bilang isang ama.


message 34: by Lynai (new)

Lynai | 24 comments Ah ganun ba. Sige, yun na lang muna uunahin ko. Para at least makita ko yung istilo nya sa pagsulat at para malaman ko kung magugustuhan ko. Salamat po. :)


message 35: by K.D., Founder (last edited Feb 01, 2013 07:22PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Lynai, tama. Pero medyo seryoso itong book na ito kumpara doon sa "Manwal" "Peksman" "Ligo" at "Complicated"

Yong huling tatlo, parang serye ng Intoy-Jenny love story na may halong kung anu-ano.

Kaya naiintindihan ko ang nagsasabing pinakagusto nila ang "Manwal" kasi pure na black comedy wala pa noon si Intoy at Jenny. Pero parang meron na noong sinto-sinto na nakakakita ng mga alien. Nalimutan ko ang ang pangalan habang nagta-type nitong comment na ito. Nakakatawa yon eh.


message 36: by Chibivy (last edited Feb 17, 2013 11:11PM) (new)

Chibivy | 836 comments Meron ho bagong libro si Eros Atalia na ini-launch noong 12.12.12. Kaso ay hindi nya solo ito; may kasama syang ibang manunulat na puro galing sa Philippine Normal University. Eto ho:


Minsan Lang Sila Normal


message 37: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments wOW. san to mabibili?!?


message 38: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Clare wrote: "wOW. san to mabibili?!?"

Pinabili ko lang 'to sa dati kong kaklase sa PNU nung book launch eh. Kaya may mga pirma ng mga awtor yung kopya ko ng libro. ^___^


message 39: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments WAAAAAAH. Taga-PNU din ako. Kelan yoooown?!


message 40: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Clare wrote: "WAAAAAAH. Taga-PNU din ako. Kelan yoooown?!"

Dati akong taga-PNU. Uhm, siguro magkabatch tayo dapat? 3rd year ka na ba? Nung 12.12.12 nagbook launching doon eh, tas ang ginawa nga ng mga authors, buy 1 take 1 yung libro nung araw na yun. Tas yung mapagbebebentahan nyan sa PNU mapupunta. :)


message 41: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Woooow. Nakakainis, nasa offcam ako nun. :( San kaya yun mabibili? hmm. 4th yr nko ateng :) pero mgkaage lang talaga tayo. hahaha


message 42: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Clare wrote: "Woooow. Nakakainis, nasa offcam ako nun. :( San kaya yun mabibili? hmm. 4th yr nko ateng :) pero mgkaage lang talaga tayo. hahaha"

Ahh. Oonga eh, 19 lang din ako. :)
Di ko alam kung saan makakabili nyan eh. Tanungin ko yung kaibigan kong bumili nyan sa'ken. Um, yung mga members dito na taga-PNU meron din silang copy nyan, ang alam ko. :)


message 43: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments ang idol ko dito, si Jerry Gracio! :)


message 44: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments MJ wrote: "ang idol ko dito, si Jerry Gracio! :)"

Sya ho yung editor nung Minsan Lang Sila Normal, at ginawan nya rin ng foreword yun. So far ayun pa lang nababasa ko dun sa libro, hindi ko pa maharap eh. XD


message 45: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments available ba ito sa normal? gusto ko sana bumili. :)


message 46: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments MJ wrote: "available ba ito sa normal? gusto ko sana bumili. :)"

Hindi ko ho alam kung saan mabibili 'to eh, kasi ibinili lang naman ako ng kaibigan ko nung nagbook launch dun sa PNU. Itatanong ko po sa kanya. :)


message 47: by Vanessa (new)

Vanessa Baroña | 12 comments Available pa yata 'to. Last week kasi Literature week tapos nag-aalok daw po yung mga Lit majors nito after nang isang Forum na speaker din si Sir Eros.


message 48: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Vanessa wrote: "Available pa yata 'to. Last week kasi Literature week tapos nag-aalok daw po yung mga Lit majors nito after nang isang Forum na speaker din si Sir Eros."

PNU Press di ba ang publisher neto Bane? Dun din yata sa school nakakabili ng kopya eh. Wala kasi akong napapansin sa book stores.


message 49: by Vanessa (new)

Vanessa Baroña | 12 comments Di ko makaalala eh.. yata? Oo nga, Di pa siguro nailalabas.


message 50: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Kahit ba di taga-PNU, makaka-relate dito? Mukhang interesante eh. :)


« previous 1 3
back to top