Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Lualhati Bautista
This topic is about Lualhati Bautista
133 views
Pinoy Completists > Lualhati Bautista

Comments (showing 1-50 of 76) (76 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Elder (last edited Sep 24, 2012 05:38PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Si Lualhati Bautista para sa akin ang manunulat na babae may bayag. Matapang ang kanyang pluma laban sa pagpapakita ng tiwaling pakikitungo ng mga Amerikano sa Pilipinas sa "Gapo." Sa kanyang pinakahuling akda, "Desaparecidos," ipinakita niya ang mahaba nguni't malungkot na kasaysayan ng pagkakaibigan ng mga Amerika at mga Pilipino. Isang kwentistang dapat hangaan at pahalagahan: si Gng. Lualhati Bautista.

Ito ang mga sinulat nyang nabasa ko na:

1. Desaparesidos
2. 'Gapô
3. Dekada '70
4. Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
5. Bulaklak sa City Jail

Babasahin ko pa lang ang kanyang koleksiyon ng maiikling kuwento.


message 2: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments #3 at #4 ang nabasa ko. Gusto ko siya magsulat, tama ka wala siyang takot at makatotohanan ang mga nobela niya. Matalik na kaibigan ng nanay ko ang kapatid niya na isa ring manunulat ngunit nahihiya akong humingi ng autograph ni Lualhati! haha


message 3: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Gusto ko siyang makita. May ka-opisina ako na kaklase at kabarkada ang isa sa mga anak ni Bautista. May iba pa siyang kuwento pero isi-share ko sa iyo pag nagkita tayo. Baka kasi mag-lurk si Nanay Lualhati rito.


message 4: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Haha tama! Kaklase siya ng kuya ng mama ko. sa Torres HS kasi sila nag-aaral ang Lualhati clan. hehe Tiga-Tondo sila noon.


message 5: by Hannah (new)

Hannah (kamehamewave) | 5 comments Nagkainteres ako kay Lualhati noong 3rd year HS ako at ipinapanood samin yung Dekada '70. Nabitin ako kaya humanap talaga ako ng mahihiraman ng libro nun. Swerte na may kaklase akong may Dekada, Bata Bata at Gapo. Sunod sunod ko siya binasa, walang palya. Nabilib ako. Sanay kasi ako nun na yung mga binabasa kong babaeng author ay love stories.


message 6: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
May kulay-politikal pati ang mga akda niya. Kung di man ay socio-kultural lalong lalo na sa kanyang feministang pananaw.


message 7: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Isa rin yata syang pioneer ng Taglish na gamit sa pagsusulat noong mga panahong may mga kritiko na tumataas ang kilay kung hindi purong Tagalog ang sinusulat. Sya ang isa samga nagbigay-daan sa malayang diskurso sa panulat.


message 8: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tama. Sabi ng doon sa nabasa ko, ito (ang paggamit ng Taglish) ang isa sa mga dahilan kung bakit di sineryoso ng mga kritiko si Lualhati Bautista. Pero ito na ngayong lingua franca. Wala na halos nagsasalita ng puro Tagalog ngayon. Laging may halong ingles kahit pa 1% lang.


message 9: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? palang ang aking nababasa sa kanya. Gusto ko na madali ko lang naintindihan ang kanyang mga salitang ginamit. Di pa kasi malalim masyado ang 'vocabulary' ko sa tagalog.


message 10: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Nicole, try mo rin ang "Dekada '70." Di pa masyadong mabigat ang tema. Tapos panoorin mo si Piolo bilang yong pinakamatandang anak ni Vilma. Gustong gusto ko when Vilma quoted Kahlil Gibran's The Prophet.


message 11: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Ahh. Sige try ko. Sana available sya sa NBS. Nawala na kasi ung PB dito saamin. Tungkol ba talaga saan ung librong "Dekada '70"?


message 12: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tungkol sa isang ina, isang pamilya sa panahon ng Martial Law.


message 13: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Ahh. Un pla yan. Nung Third year kami. By section ang books niya eh. Sa Section namin, bata, Bata pano ka ginawa. sa iba yang Dekada '70 at 'Gapo. :)


message 14: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Nicole, I second the suggestion ng Dekada '70.


message 15: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Nicole, mabigat kasi ang tema ng "'Gapo" at "Deseparacidos." Baka di ka masyadong mag-enjoy.


message 16: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Ahh. Ganun ba? Geh, sa Dekada '70 muna ako. Siguro this sembreak. After ko na magluksa sa mga gardes ko. =))


message 17: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Baka naman lalo kang malungkot? Baka dapat masaya ang basahin mo. Tamang-tama ang "It's a Mens World."


message 18: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Ohhh. Yan ba? So far maluhaluyha na ko. tatlong subject palang. Bukas ko malalaman ang Algebra. *shivers*.

Tungkol saan ung "It's a Mens World". :) Interesting yung title.


message 19: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Goodluck sa Algeb. Sana maipasa mo.

Mga personal experiences ni Beverly "Bebang" Siy. Maraming nakakatawa. Mayroon ding medyo nakakalungkot. Pero nakaka-aliw. On-going na ang pagbabasa. See the other thread.


message 20: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Haha, One Step above the pasang awa grade, YES! haha. :))

Oh, Sige titignan ko. I might buy it. :)


message 21: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Mura lang. P198 yata.


message 22: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Ohh. Thanks. I hope I can. Wala nang baon eh. Mahirap na magiponn. ♥


message 23: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Pero sulit naman. Pagkain ng isip.


message 24: by Angela (new)

Angela (anj-neophyte) | 43 comments Yess. All book are worth it. :)


message 25: by Jalyn Arianne (new)

Jalyn Arianne (jaribdj) | 20 comments Dekada '70, Bata Bata, at Desaparesidos pa lamang ang nabasa kong mga akda ni Lualhati. At nagustuhan ko ang unang dalawa niya lalung-lalo na ang Dekada '70.


message 26: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Marami pa siyang book na hindi commercially released. Meron akong Sa Kabilang Panig ng Bakod at Hugot sa Sinapupunan. Parehong tungkol sa abortion. At palagay ko, walang makakapagtalakay ng ganyan kaselan na paksa sa paraang hindi ka maglulunoy sa luha kundi si Lualhati Bautista lang.


message 27: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Sana lumabas din ang mga yan, Beverly. Controversial ang subject matter, pero base sa ibang akda nya, tyak na binigyan nya ng hustisya ito.


message 28: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Oo nga. Paano nga ba makukumbinsi si Lualhati na ilabas ang mga iyan. Parang gusto kong maging guest si Lualhati sa isang book discussion balang araw. Doon tayo sa Subic mag-meet up!


message 29: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Magandang plano yan, K.D. O kaya naman ay online interview sa kanya ng mga miyembro.


message 30: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Sige, pa-hunting natin kay Beverly. Try ko rin yong classmate ko kung may contact pa sya sa classmate nya na anak ni Lualhati.


message 31: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Uy, kung saka-sakali nais ko bilhin ang mga libro na yan. :)


message 32: by Smarties (new)

Smarties (lonelyandblue) | 7 comments Nabasa ko pa lang din yung Bata Bata.. Natawa ako sa isang pahina na puro mura.. Nag-uusa sila mura muna tapos daldal.. Sampung taon na ang nakakaraan nung nabasa ko siya.. Astig!!!


message 33: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Tsaka walang preno ang takbo ng isip niya at kasabay ang bibig.


message 34: by Michelle (new)

Michelle (micamaldita) | 1 comments Beverly wrote: "Marami pa siyang book na hindi commercially released. Meron akong Sa Kabilang Panig ng Bakod at Hugot sa Sinapupunan. Parehong tungkol sa abortion. At palagay ko, walang makakapagtalakay ng ganyan ..."

Bebang, pwede pahiram pag nagkita tayo ulit? :) Isa kasi sa mga paborito ko si LB, pero hindi ko pa yan nabasa. (Sana maiksi lang kagaya nung iba niyang libro)


message 35: by Maria Ella, Moderator (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Dekada 70 ang gusto ko. May part run na naiyak ako kasi may kurot. Yun yata yung habang nag-iinuman ang asawa nya tapos siya naghahanda at nag-aasikaso ng mga anak. Tapos yung sentimiento nya na gusto nyang sumali sa usapan pero napapahiya kasi kulang ang kanyang alam.

I remember my mother trying hard to be a trophy wife and ended up with a disappointment. Naiiyak ako.


message 36: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Maria Ella, natatandaan ko yang eksena na yan. Malungkot nga isipin na para syang naging salingpusa sa usapan sa sarili nyang bahay.


message 37: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ella, naka-relate din ako dyan. Mas kokonti ba ang babae sa family nyo? Ganoon kasi sa family namin: 4 na lalaki, dalawa babae. Madalas etsa-puwera ang babae sa usapan. Pero ngayon sa sarili kong family, 2 babae at 1 lalaki, madalas ako ang etsa-puwera.

Doon sa Dekada, sya lang ang babae. Kaya siguro ganoon.


message 38: by Vheel (new)

Vheel Laborera | 16 comments tatlo ('Gapô, Dekada '70, Bata Bata... Pa'no Ka Ginawa) pa lamang ang aking nababasa mula sa may akda, at nagsimula akong magbasa noong 2nd year HS kami dahil may asignatura sa klase namin noon sa Filipino tungkol sa napapanahong pangyayari sa ating bansa ngayon (Gapo), at nagtuloy-tuloy nang mabasa ang iba pa niyang likha ;)


message 39: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Maganda syang magsulat, di ba?

May balak ka bang basahin yong Desaparecidos?


message 40: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Una ko syang nabasa nung 1st year HS ako. Binili ko sya kasi naging pelikula sya. E pag may ganun, gusto ko muna sana mabasa bago mapanuod.At ayun. Ayooos. Hindi lang sa asteeg e, cool. Napakatapang ng mga sulat. Idol talaga. Lalo na nung nabasa ko pa yung Bata Bata Pno ka Ginawa.


message 41: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
"Dekada '70" yong una mong tinutukoy? Naging pelikula rin kasi yong "Bulaklak ng City Jail" pero parang nito na lang nakalipas na 2-3 taon bago lumabas yong libro.

Ano ang nagustuhan mo sa "Bata, Bata...?"


message 42: by Clare (new)

Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments KD, yes Dekada '70. Nakalimutan kong ilagay. Hehe.

Nagustuhan ko sa Bata Bata? Parang ganun din sa Dekada '70. Hindi porke babae e magpapasakop na sa lalaki. Dapat may paninindigan.


message 43: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Micaela. maikli lang ito at yung treatment niya ay parang romance novel sinahugan niya ng advocacy kaya medyo progressive. pero naastigan ako. hahalughugin ko ang bahay ko ha para sa mga kopya na yan. give me a dekada hahahaha joke pag dala ko sa dec 1 ibig sabihin natagpuan ko na finally! kaya pupunta ka sa dec 1 ha


message 44: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Clare, ah. Sabagay may point ka. Naniniwala ka ba na dapat di pasakop ang babae sa lalaki? O dapat lang may paninindigan? Anong ibig sabihin ng paninindigan?


message 45: by Apokripos (last edited Nov 05, 2012 05:23PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sana mabasa nyo iyong Sunday Inquirer Magazine, Nov. 2012 issue. May artikulo si Lualhati tungkol kay Marilou Diaz Abaya. Ang ganda niya rin palang magsulat sa English! Ang galing! :)


message 46: by Rise (new)

Rise | 1399 comments Salamat sa tip, jzhun. Titingnan ko sa lib namin.


message 47: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "Salamat sa tip, jzhun. Titingnan ko sa lib namin."

Wow naman! Mansion siguro ang bahay niyo, may library kasi. Haha! :D


message 48: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Bakit ako, di naman mansion pero may 3,000+ physical books ako?


message 49: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Ryan wrote: "Salamat sa tip, jzhun. Titingnan ko sa lib namin."

Wow naman! Mansion siguro ang bahay niyo, may library kasi. Haha! :D"


Bakit kami mansion ang bahay pero wlang library? Heheh..

Daddy K.D nabasa mo ba lahat yung 3,000+ books na yan, Itay?


message 50: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
May mansion pala ako sa Cavite. Mara anak, puwede pang ilapat ko na dyan ang mga libro ko?

900 out of 3,000+ pa lang ang nababasa ko. Yong librong natapos ko ngayong araw na ito, ika 900th ko na pala?


« previous 1
back to top