Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Bob Ong
This topic is about Bob Ong
244 views
Pinoy Completists > Bob Ong

Comments Showing 1-50 of 297 (297 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6

message 1: by K.D., Founder (last edited Sep 29, 2012 03:55PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Completist ako ni Bob Ong. Ang ibig sabihin ng completist ay ang reader na nakabasa na ng lahat na sinulat ng isang nobelista. Gusto ko si Bob Ong dahil iba't-iba ang atake niya sa bawat libro nya. Gusto ko ring maka-relate sa maraming mambabasang Pinoy.

Ito ang mga nasulat nyang nabasa ko na (ang pagkakasunud-sunod ay ayon sa pinakapaborito ko):

1. ABNKKBSNPLAKo?!
2. MACARTHUR
3. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
4. Alamat ng Gubat
5. Stainless Longganisa
6. Lumayo Ka Nga Sa Akin
7. Kapitan Sino
8. Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
9. Ang Paboritong Libro ni Hudas


At babasahin ko pa kung ano pa man ang isusulat nya. Hindi ito sakripisyo. Ito ay pagsuporta sa isang magiting na manunulat na Pinoy na Pinoy.


message 2: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" na lang ang kulang ko,
at sang-ayon ako sayo K.D. , babasahin ko din kung anu pa man ang isulat nya. Kahit hanggang ngayon ay di pa rin ako sigurado kung nag-eexist talaga siya :)

IDOL ko pa rin siya, kahit anung mangyari.


message 3: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments Ako, sigurado na sa existence ni Manong Bob. At pareho tayo, Jhive, "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" na lamang ang kulang ko.


message 4: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Panu ka nakasisiguro ?? ?? ??


message 5: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments Reliable sources. :) hahaha!


message 6: by Ezekiel (new)

Ezekiel del Rosario (ezekielnorwin) | 8 comments Kidding aside, ang existence ni Bob Ong ay isang misteryo pa rin. Tao ba sya, o Alien, o koleksyon ng mga manunulat? :)


message 7: by K.D., Founder (last edited Sep 27, 2012 02:22PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tama, maganda rin nga kung kilala sya upang ma-relate ang relasyon ng personal life nya sa mga sinusulat nya. Kaya lang nga, trip-trip lang at yong ang ibig nya. Para rin siguro makakuha ng atensyon? Siguro, pag nalalaos na sya (wag naman sana) bigla syang lilitaw para mapagusapan at presto, biglang sikat ulit?

Mahalaga na lang siguro ay nakakapagbahagi sya ng talento at kaalaman nya. Pero tao sya, Jhive. Doon sa isang libro, ikinuwento nya na siya ay sumali sa "The Weakest Link" ni Edu Manzano noong araw.


message 8: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments grabe kasi, lagpas isang dekada na siyang pamysterious effect.


message 9: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Si Bob Ong ay tila isang hangin. Hindi mo nakikita pero nararamdaman mo.

Sa kanyang mga akda ang pinakamagandang impluwensya na nagawa niya sa mga kabataang mambabasa ay ang kwentong chalk at ang baligtad na libro na may kahulugan ang isang dagitab.

Nang magsimula siyang mag-venture-out sa fiction tulad ng mga kwento ni mama susan at ni kapitan sino, natutunan nating may kakayahan siya sa ganoong aspeto ng panunulat.

Ngunit nang magsimula siyang magsulat ng satire - tulad ng Lumayo ka nga sa Akin, tila ako ay nainis. Halatang na-pressure siyang magsulat. Naramdaman ko yung feeling na "Ay, nasimulan ko na eh. Tapusin ko na lang ang akdang ito nang mailabas na at makapag-isip ng bagong isusulat."

Bob Ong, kung narito ka sa goodreads, unawain mo sana na pwede mong itapon ang mala-basurang akda kung ikaw mismo hindi naniniwalang maganda ang magiging resulta nito. The heck with fans pressuring you to write (though this is more of personal note, wala akong alam sa ganyang negosyo, ako ay tila isang mambabasa lang).

Pwede kang magsimula ulit. Yun lang naman. Start over. Go back to fiction, dahil dito mo nakuha ang niche mo.This and the psychograph styles of kwentong chalk. All readers understand your sentiments and your message through these genre.

FAN MO PA RIN AKO KAHIT MAHILIG KANG MAG-EXPERIMENT. Tara, pakasalan mo na ako? hahahaha ^_^


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Jhive, siguro pinangatawanan na nya?

Ella, baka lolo na si Bob Ong, lagot ka sa offer mo.

Ang dalawang sinulat na una ni Bob Ong ay pawang non-fic (ABNKKBSNPLAko? at "Bakit Baligtad." (2001/2002). Then 2003, sya nag fiction ("Hudas" at "Alamat"). Balik non-fic sa "Stainless." Then the rest ay fiction na: Kapitan Sino, MacArthur, Mama Susan at Lumayo. Para lang sigurong si Madonna yan? Nagtra-try na huwag siyang pagsawaan kaya iba't ibang genres ang sinusubukan?


message 11: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Mrami na akong nabasang sinulat NILA..haha

si Bob Ong ay hindi tao.. sabi ng kakilala ko (sikreto lang) para siyang Carolyn Keene daw. Marami sila.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Talaga? Naku, kaya pala iba't iba ang istilo nya (nila).


message 13: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Ito ay isang closely guarded secret daw. Eh di ako magaling magtago ng sikreto. May pinuntahan kasi siyang event tapos tinanung niya kung pwede magpapirma kay Bob Ong at ang sabi "Naku marami ka dapat librong dala, hindi lang isa pipirma diyan."


message 14: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Meron pa nga daw babaeng Bob Ong.


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Salamat sa impormasyon, Krizia. Baka may alam ka pang sikreto, paki-tsismis na lang.


message 16: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Haha sige. Tatanung ko sa isang insider! :)


message 17: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Yan sabi na ehh!! hindi talaga manunulat si Bob Ong. Karakter din siya ng mga tunay na Bob Ong sa likod ng pangalan niya. Hindi talaga pwedeng nagkataon lang na magkaspelling ang pangalang "Bob Ong" at ang salitang "bobong" na tumutukoy sa Pinoy(sabi sa libro niya, "bobongpinoy.com" din yung sinasabing dating website niya). tsk tsk talagang pinag-isipan.


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Jhive, parang disappointed ka?


message 19: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Hindi naman. Natutuwa nga ako kasi sinasabi nila na bobo ang Pinoy pero nakakapag-isip sila ng ganung pakulo at paraan para sa mambabasang pinoy. Dahil dun hindi talaga bobo ang Pinoy :)


message 20: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Ang galing mag-isip ng mga tao sa likod ng Visprint.


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo. Bilib ako sa Visprint. Karamihan ng mga libro nila, talagang may saysay.


message 22: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Kaya nga e, karamihan pa ng mga authors nila, bago o papasikat pa lang.


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mas mura siguro.


message 24: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Friends, lagi kong kausap si Mam Nida Ramirez, ang publisher ni Bob Ong. At sabi ni Mam, hindi raw totoo na isang group ng tao si Bob Ong. Isang tao lang talaga siya. May nagke-claim lang daw na grupo na sila ang nagsusulat under the name Bob Ong.


message 25: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Nakakalungkot na ang ilang mga publisher, lalo na 'yong mga well established ay hindi masyadong nag-e-entertain ng mga manuscript mula sa mas batang writers. Kaya ang nangyayari, halos matatanda na ang mga writers ng aklat nila. Maganda ang ginagawa ng Visprint kasi nag-aalaga sila ng mga manunulat na bata. Na puwedeng maging classics in the future. Kumbaga, 'yong mga well established na publishers, wala nang maibabala after 5, 10, 20 years kasi hindi sila nag-iinvest sa mga bata ngayon. Ang Visprint, siguradong nandiyan pa. Kasi kasabay ng readers ang pagtanda ng mga manunulat nila.


message 26: by Rise (new)

Rise Ganun pala ang publishing model ng Visprint. Bukod sa may business sense, mabuti nga itong paraan ng pag-promote ng new breed of writers. Napansin ko magaling din ang packaging ng Visprint. Attractive ang mga covers nila kaya talagang agaw-pansin sa book shelves.


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Beverly, salamat sa pagtutuwid ng impormasyon tungkol kay Bob Ong.

Sang-ayon ako sa magandang ginagawa ng Visprint. At tama ka, Ryan, malinis tingnan ang kanilang mga aklat. Bihira pati ang typo. World class na halos.


message 28: by Beatrice (new)

Beatrice Masaluñga (beatricemasalunga) | 20 comments Sinubukan kong magbasa ng "Ang paboritong Libro ni Hudas" kaya lang nahirapan ako magbasa kasi yung font.. Balak ko sanang bilhin kaya lang hindi ako sigurado kung maganda siya.

Hindi ko nagustuhan yung "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan".
Marami ang nagsasabi nakakatakot daw yung last part.. kaya lang nung natapos ko.. Di ako kinilabutan.


message 29: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Bebang, akala ko talaga grupo sila. Pero nung huling WIT na sabi ni NIda na hindi grupo si Bob Ong, naisip ko na, oo nga, mas madaling itago ang sikreto kung hindi sila grupo ng manunulat.

Pero nung "interview" ni Bob Ong, parang gusto kong hulaan kung sino sya.:)

Malaki din ang hanga ko sa Visprint, dahil hindi lang sa inaalagaan nila ang mga author nila, kundi alam din nila kung sino yung mga readers or market ng libro nila. Hindi lang sila nagpu-publish dahil sa pangalan ng manunulat. Binabasa nila yung manuscript at iniisip kung babasahin ba ito o bibilhin ba ito ng target audience nila.

Hanga din ako sa marketing nila. At sa connection nila with the readers.:)


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Beatrice, tungkol sa "Mama Susan," sinubukan mo bang i-Google translate yong mensaheng nasusulat sa Latin? Yong iba, doon natakot.

May kaibigan ako na ang pinaka-gusto sa nasulat ni Bob Ong ay iyong "Paboritong Aklat ni Hudas." Sabagay, kanya-kanya naman talagang panlasa lang yan. Sana, may makatugma rin ang panlasa mo sa mga nasulat na nya.

Fanta, may isang sinulat sa Bob Ong (nakalimutan ko na lang kung alin) na sinabi nyang nag-participate sya as contestant sa "The Weakest Link" ni Edu Manzano. Parang bago pa lang yata syang manunulat at di pa masyadong kilala. Kaya ang tinggin ko talaga ay isang tao lang sya. May sincerity naman sya kung magsulat kagaya doon sa "ABNKKBSNPLAko?"

Tama ka sa connection ng Visprint sa readers. Magaling silang kumilatis ng magugustuhan ng mas maraming mambabasa.


message 31: by Beatrice (new)

Beatrice Masaluñga (beatricemasalunga) | 20 comments Yun din po ang sabi sa akin ng classmate ko. Doon sila natakot.


message 32: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Kasama siguro sa appeal ni Bob Ong yun...misteryoso. haha


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tama. Para maiba. Gimik lang.


message 34: by Hannah (new)

Hannah (kamehamewave) | 5 comments Isa na lang ang di ko nababasa, yung "Lumayo ka nga sa akin." Tama kayo, gusto ko yung pagiging "unpredictable" ni (or nina? haha) Bob Ong. At gusto ko rin siya dahil napapabasa niya yung mga kakilala kong hindi naman talaga mahilig magbasa :)


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo. Mabilis basahin at madaling maintindihan ang mga aklat ni Bob Ong. Kahit nasa MRT ka't nakatayo, puwedeng mong basahin at maiintindihan mo.


message 36: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments FAnta, palagay ko nandoon siya sa WIT. kapiling natin!


message 37: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Beverly wrote: "FAnta, palagay ko nandoon siya sa WIT. kapiling natin!"

Tingin ko rin.:)


message 38: by Ja (new)

Ja (oldwillowtree) | 20 comments Isa akong Bob Ong completist. At paborito ko ang ABNKKBSNPLAko, Stainless at McArthur. Nabasa ko na ang "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" pero hindi ko pa nai-try na i-goole translate ang ilang parts dun. Bueno, matry na rin! :)


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Halos pareho tayo ng mga paborito, Jalyn. Numero uno pa rin talaga sa akin ang ABNKKBSNPLAko? Tawa ako nang tawa noong una ko itong mabasa. Parang Christmas gift pa nga yata ng officemate ko. Tapos binasa ko, di ko type. Tapos nawaglit at paulit-ulit nyang tinatanong: "Nabasa mo na ba?" Then noong maging member ako ng GR at nakita kong maraming nagbabasa ng Bob Ong, hinanap ko. Tinapos ko. Maganda nga.


message 40: by Ja (new)

Ja (oldwillowtree) | 20 comments Oo nga po Sir K.D, iyon nga ang paborito kong akda niya sa lahat. Di ko alam kung bakit. Baka naka-relate lang ako, naantig o natuwa dahil gusto ko ang theme :)


message 41: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Swak sa pusong pinoy, Jalyn. Damdam ng nagbabasa ang mga karanasan ni Bob Ong, masaya man o malungkot.


message 42: by Nicole (new)

Nicole | 43 comments Alam ko, Saaking naririnig, Di iisang tao si Bob Ong. Sabi nila saaaming Pamantasan, May mga Propesor daw kaming kabilang sa Bob Ong. Tapos ung Bob Ong = Bobong" =)


message 43: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Nicole, tama. Nabasa ko noon na may website dati si Bob Ong. Di na lang na-maintain. Ganoon din si Edgar Calabia Samar. Ang ATISAN. Wala na rin time kasi busy sa pagsusulat.

Para sa akin di na rin mahalaga kung sino si Bob Ong. Yan na nga siguro ang misteryo sa kanya. Parang yong mga elusive brilliant authors sa ibang bansa: J.D.Salinger at Pynchon. Hindi halos nagpapa-interview at nagpapakita sa media pero sikat at mahuhusay.


message 44: by Nicole (new)

Nicole | 43 comments Tama. :) Ngayon mga Tatlo palamang ang aking nababasa na isinulat ni Bob Ong. Ung ABNKKBSNPLAKo?!, Ang Paboritong Libro ni Hudas at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?. Gusto ko ang pagsulat niya.

Maslalo na sa Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?. Sa Gitna niya inilagay ung kanyang mensahe sa mambabasa. Dahil alam niya na di babasahin ito pag sa umpisa pero pag sa gitna, babasahin ito.


message 45: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tama, Nicole. May mga taong ayaw yong parang nagngangaral ang author. Kaya dapat gawing nakakatawa pero kung iisipin mo ay ang mga di kaaya-ayang ugali ng mga Pilipino ang nariyan sa librong iyan pati na ang mga kapalpakan ng gobyerno.


message 46: by Nicole (new)

Nicole | 43 comments Opo. Ganun talaga. Ako din minsan, sa mga 'Young Adult' na libro. Mas napapaunahan ako ng aking pagiging 'excited'. Pero pag inuulit ko ung libro dun ko bina balkan ung mensahe ng author. :)


message 47: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Oo nga. Minsan masarap basahin muna ang kuwento. Tapos uulitin mo para ma-enjoy naman ang ibang bagay kagaya ng theme, storytelling style, focus sa characters, etc.


message 48: by Nicole (new)

Nicole | 43 comments Ou. Kaya minsan mas matagal pa ata ung 're-reading' ko kesa sa actual na pagbasa ko ung unang beses. Minsan may mga 'small' details ka na mapapansin na di mo napansin nung una mo syang binasa.


message 49: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Habang tumatagal, lalong sumasarap.


message 50: by Nicole (new)

Nicole | 43 comments Haha, 'A simple way to put it.' Anu ba ang libro na lagimong inuulit ulit? :)


« previous 1 3 4 5 6
back to top