Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 1,701-1,750 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 1701: by Rise (new)

Rise Welcome sa lahat ng mga bagong kapanalig na mga Pinoy na nagpapahalaga sa akdang Pilipino!


message 1702: by Faye (new)

Faye (asdfayeiouvwxyz) | 58 comments Hi welcome sa lahat ng bago dito. haha. :D


message 1703: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Anna, maligayang paganib sa Pinoy Reads Pinoy Books. Pangarap ko dati yang maging librarian dahil mahilig talaga ako sa libro. Di lang nga natuloy. Pero ang kuwarto namin ng wifey ko ngayon? Parang mini-library: may 1,000+ na libro. Tuloy ka sa ating kuweba!

Feel at home ha. :)


message 1704: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hello sa lahat ng bago. :)


message 1705: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Ako pala si Marian. Pasensya na at mas nauna akong sumabat sa mga diskusyunan nyo kesa sa magpakilala. Matagal na akong naimbitahan ni KD dito pero ngayon ko lang naisip na makisali.

Si Bob Ong at Lourdes DeVeyra lang ang mga author na nabasa ko. Bukod sa mga sapilitang basahin noong high school tulad ng El Fili, Noli Me Tangere, Ibong Adarna, Dekada 70. At mga babasahin na nakakalat sa aming bahay tulad ng Liwayway, Precious Romance pocketbooks, at ang paborito kong column noon ng dyaryo ay ang Xerex. Mahilig din ako sa Pinoy Funny Komiks noon. Tuwang tuwa ako kay Combatron at Eklok. Sinubukan kong magbasa ng Jessica Zafra, na ini-rekomenda ng aking kapatid, pero hindi ko kinaya ang kanyang pagiging nega.

Ayun lang po. Salamat po. (**kaway tulad ng sa Little Miss Philippines**)


message 1706: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Ay wait...Bilang impulsive book shopper, ngayon ko lang napagtanto sinisisi ko ang pagkakaayos ng mga libro sa NBS kung bakit ignorante ako sa mga lokal na libro. Lahat ng mga foreign bestsellers ay marangyang nakadisplay sa unahan at may banner pa sa mall, at ang mga local books ay hindi mo makikita sa isang tinginan lang kung hindi mo talaga sasadyain o kung hindi ka magtatanong sa mga staff.


message 1707: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Welcome Marian. :)


message 1708: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Marian, salamat sa pagpapakilala. Sino si Lourdes DeVeyra? At talagang nagbasa ka ng Xerex? hahaha!

Oo nga. Sana nagbabasa ang NBS para baguhin ang istilo ng pagdi-display ng mga libro. Filipino first sana. Although pag may mga Pinoy books na bago, prominently displayed naman madalas. Yon lang nga, madalas at di lagi hahaha.

Sana manatili at magsiyahan ka sa pamamalagi sa kuweba, Marian.

Feel at home ha. :)


message 1709: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Marian! :)


message 1710: by ♥Nica♥ (last edited May 04, 2013 07:43PM) (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments ♥~Marian~♥ wrote: "Ako pala si Marian. Pasensya na at mas nauna akong sumabat sa mga diskusyunan nyo kesa sa magpakilala. Matagal na akong naimbitahan ni KD dito pero ngayon ko lang naisip na makisali.

Si Bob Ong a..."


Xerex talaga?! *apir* Nagbabasa rin ako nyan nung kinder pa ako. Yup, KINDER. Wala namang pumipigil sakin, pinagtatawanan lang ako ng mga matatanda sa bahay. Kailangan ko kasing magpraktis magbasa nang mabilis so kahit ano na lang na matiyempuhan binabasa ko. Hindi ko naman nagets yung meaning saka hindi naman yata nadumhan ang mura kong kaisipan... I think. Hehe.


message 1711: by Rise (new)

Rise Welcome, Marian! Parang cult readers lang ang mga Pinoy book readers, no. Pahirapan pa maghanap ng libro sa mga bookstores.


message 1712: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang Umaga! Tuloy ang lahat sa kweba!


message 1713: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Maraming salamat sa mainit nyong pagtanggap :) saktong sakto sa mainit na panahon ngayon na lalong nagpapaitim sa choco na batok (batok na choco?)

KD, Maya: Hahahha! nahuli ako ng papa ko na nagbabasa ng Xerex nun. Hinampas ako ng dyaryo sa ulo at sinabihan ako na nakakatusta daw ng utak yung mga ganung klaseng babasahin. Naisip ko na baka nga tama sya at marahil ito ang dahilan kung bakit nagiinit ang pakiramdam ko habang nagbabasa. At sa takot ko na matusta, itinigil ko na ang pagbabasa ng Xerex...hhahahahaha!


message 1714: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments hi Marian buti ka nga natusta lang eh, sa akin un playboy mag...ayun pinakain lng namn sa akin kc pr ndi ko n daw basahin haha jok.


message 1715: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) welcome Marian! :)


message 1716: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) nakapagiinet na panahon nga ito..


message 1717: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) FHM at Cosmopolotan (US) mas mabuti kesa xerex at playboy


message 1718: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments bakit may mga usapang ganito.. my eyes! my eyes!
chos HAHA welcome ulit :)


message 1719: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Joanna: Old school na kse Playboy. Ito ay taboo noon. Hindi ko alam kung dinagdagan nila yung mga article nila ngayon, na tulad sa FHM na may mga article na tungkol sa mga men's fashion at gadgets at sasakyan, na (hindi ko alam kung) nagpapadagdag sa kagandahang lalaki. May bumibili pa ba nito? Kumikita pa ba si Hefner? Sa pagsibol ng mga metrosexual, ito ang nagbigay ng pagka "cool" ng mga babasahing tulad ng FHM & Cosmo. Ano nga ba ang image ng mga lalaking nagbabasa ng FHM kumpara sa mga nagbabasa ng Playboy?


message 1720: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Welcome Marian :)

Hahaha bakit ganito naalala ko tuloy ang Mingaw ni Ms Bebs. :D


message 1721: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) ♥~Marian~♥ wrote: "Joanna: Old school na kse Playboy. Ito ay taboo noon. Hindi ko alam kung dinagdagan nila yung mga article nila ngayon, na tulad sa FHM na may mga article na tungkol sa mga men's fashion at gadgets ..."

Playboy kasi puro katawan hahaha FHM may sense naman ng konti! Cosmo the best


message 1722: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments So, ang market ng Playboy ay ang mga pervert? at ang FHM naman mga sensible na lalaki? Kung saba..ang Playboy ay pwedeng staple sa loob ng banyo, samantalang ang FHM pwedeng ipangalandakang basahin sa publiko.


message 1723: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Amm siguro ganito nalang..siguro naman may sense rin ang Playboy in a way (di ko palang talaga nasilayan yun dahil sina dady lang ang meron nun at sabi nila talagang naked sexy photos ang pinapakita doon) so kung gusto talaga ng mga lalaki ng hardcore nudity for entertainment ehdi go for Playboy. Pag gusto naman nila ng may ibang features ehdi go for FHM. Pag naman pinaghalong features, beauty, lifestyle, married life, Cosmo.


message 1724: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) In terms of pwedeng ipangalandakan sa publiko pareho namang pwede depende lang sa trip mo hahaha para lang yang pagbabasa ng Fifty Shades of Grey or Bared To You sa MRT. Erotic novels yun pero publicly exposed ang readers.


message 1725: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) BTW yung Maxim lumelevel sa Playboy nowadays haha just saying.


message 1726: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Po: wag mong i-edit yung post mo kanina ha! na nagbabasa ka ng Playboy! Hahahahahaha! Pero aminado ako na nakapagbasa na ako ng Playboy, Penthouse at Hustler.

Ayoko ng Hustler dahil halos lahat ng cartoons nila ay misogynist at masyadong bayolente. Pero gusto ko yung "A**h*** of the month" feature nila.

Penthouse, softcore. Sakto lang. D masyadong masaya basahin.

Pero as gusto ko sa lahat ay yung mga lumang editions ng Playboy (yung mga nasa 1970's) dahil nagffeature sila ng mga kilalang tao or mga novelist. Nagpublish sila ng mga fiction work nila Crichton, Vonnegut, Nabokov,John LeCarre...etc Maganda yung mga interviews nila yung "20Q" or 20 questions na ngayon ay ginaya ng Magic89.9 sa morning segment ata. Nainterview nila noon si Martin Luther King, Malcolm X, Jimmy Carter. Naalala ko yung paborito kung edition ay yung 1981 di ko maalala yung month, ini-feature nila si John Lennon at Yoko Ono. Nabasa ko ito noong mga 1990 something, mga panahon na buong araw akong nagpapatugtog ng The Beatles.


message 1727: by Biena (last edited May 06, 2013 12:47AM) (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Mga kaibigan ako'y mamumulis lamang. Ang thread pong ito ay "Magpakilala Ka". Tara na pong lumipat sa ibang thread kung saan nababagay ang ganitong mga usapan.

Maraming Salamat!


message 1728: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) No problem Biena salamat! :)


message 1729: by ☼Marian☼ (new)

☼Marian☼ (mgdc) | 19 comments Hahaha! pasensya na carried away lang sa usapan :)


message 1730: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Hahaha welcome ulet Marian!


message 1731: by MsLucyYC (new)

MsLucyYC | 10 comments Mabuhay! Ako po si Lucy! :-)

Nagsimula lang ako magbasa ng mga libro as in talagang magbasa halos araw araw nitong taon lang. Adik lang.

At medyo napansin ko na ang aking estante ay puro ingles na babasahin, kaya nung ako'y naimbita sa group na ito ay gusto ko sumali para malaman ko naman ang mga magagandang librong Filipino na pwede kong basahin. Kaya kung kayo'y may mga suhestyon o rekomendasyon, makaramdam ng libre (feel free - syet ang tagalog ko).

O sya, ako'y magmamasid muna at pasyal pasyal sa mga forum para may matutunan naman ako. bow.


message 1732: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) welcome Lucy! Salamat sa pagsali sa kweba hehe


message 1733: by Bong (new)

Bong | 275 comments Mabuhay Lucy!
Maligayang pagdating sa PRPB. :)


message 1734: by MsLucyYC (new)

MsLucyYC | 10 comments Salamat Joanna and Johan. :-)


message 1735: by Amon (new)

Amon Sonyu (amonsonyu) Hello.


message 1736: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments Hi!


message 1737: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Welcome! :D :D :D


message 1738: by Amon (new)

Amon Sonyu (amonsonyu) Unsa ni?


message 1739: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Lucy! :)


message 1740: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Hello, Amon! :D


message 1741: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Amon! :)


message 1742: by Amon (new)

Amon Sonyu (amonsonyu) hahah. Hello, Pano nga ulit mapgkakilala?


message 1743: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Sabihin mo kung anong gusto mong itawag namin sa iyo. Magkwento ka tungkol sa sarili mo, sabihin mo ang mga paborito mong Filipino authors at mga akdang Pilipino, atbp. :)


message 1744: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Amon:

Pangalan?
Mga Paboritong Manunulat na Lokal?
Paboritong Librong Lokal?
Mga Paboritong Maiikling Kuwento?
Bakit sumama sa group?


message 1745: by MsLucyYC (new)

MsLucyYC | 10 comments Salamat!!! *hugs*


message 1746: by Amon (last edited May 07, 2013 04:54PM) (new)

Amon Sonyu (amonsonyu) Ahh. Salamat, pheobe and biena.

Well, ang pangalan ko ay Amon Satyrino.
Tulad nyo ay mahilig akong magbasa at magsulat, pero sa wikang ingles lahat ng mga gawa ko. Ang mga nasulat ko'ng tagalog ay noon pang pumapasok pa ako sa eskwella at sa klase'ng Filipino, at hindi ako nagbibiro kapag sinabe ko'ng isang nakakatakot na karanasan yun para sakin. kaya hindi rin ito mas mababa na bangungot ang sinusulat ko ngayon...

ang mga binabasa ko ay nakasulat din sa wikang ingles, sa katunayan, hindi ako magaling magbasa sa wikang tagalog, ini-isaisa ko pa ang mga letra lalo na kung polysyllabic ang salitang tagalog, katulad ng "nakapagtataka" na dito sa Cebu "libug" lang talaga, alam ku rin na ma'y ibang ibig sabihin din ang libog para sa inyo. Nakapagtataka lang talaga para sakin at sumasakit talaga mata't ulo ko kapag nagbabasa sa wikang tagalog.

Wala naman akong kahit anong sama ng loob sa tagalog, sa katunayan ay mahal na mahal ko ang mga kanta'ng Pilipino. at sa katunayan ay iniisip ko nga ang mga lyrics ng kanta nila habang nagsusulat ako ngayon nito. Kaya wag ka sanang magalit sakin (Trivia: sa anong kanta ng Parokya ni Edgar nanggaling ang linyang yun? Biro lang).

Ang Noli Me Tangere at iba pang mga sulat ni Jose Rizal ay talaga namang ma-ipagmamalaki (gumamit na talaga ako ng google para sa tagalog ng "proud") at halos kasing galing na nga ng Count of Monte Cristo ni Dumas, kaya lang ang mga gawa ni Rizal ay hindi rin nakasulat sa salitang tagalog.

Ang Biag ni Lam-ang ay nananatiling paborito ko sa lahat ng mga maikling kwento at gusto ko ring susihin pa ang kwento ni Maria Makiling at, actually, lahat ng orihinal na mitolohiyang Pilipino.

Pumasok ako sa group na to tulad ng pagpasuk ko sa isang kainan sa Manila na di ko alam kung ano at saan, at kailangan ko na talagang sumilong mula sa nakakatunaw at nakakabulag na sikat ng araw.

HAHAHAHA


message 1747: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuloy kayo Lucy+Love at Amon sa ating Kweba!


message 1748: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments awkward. hahahahaha


message 1749: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Nik, kaibigan mo ba itong si Amon?


message 1750: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments Di ko kilala yan, I-nadd nya lang ako sa GR, tapos nakakabigla kasi taga Cebu. Hahaha. Awkward palang magtagalog. Hahaha.


back to top