Alden's Reviews > Ang Paboritong Libro ni Hudas

Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong
Rate this book
Clear rating

by
5036675
's review
May 10, 2011

it was amazing
bookshelves: five-stars, my-favorite-books

Ang Paboritong Libro Ni Hudas. Ikatlong libro ni Bob Ong, at ikatlong libro din ng awtor na nabasa ko nitong mga huling taon ng dekada 2000. Naglalaman ang libro ng mga sanaysay tungkol sa iba't ibang karanasan ni Bob Ong sa buhay. Nahahati ito sa pitong bahagi (gaya ng seven deadly sins) na may pambungad na pag-uusap sa pagitan ng isang ordinaryong tao at ng isang hindi niya makilala kung ang Diyos ba o si Satanas.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang nababasa ang black book pero hindi ko pa rin mapigilang matawa sa ilang pahina nito hanggang ngayon. Kuhang kuha talaga ni Bob Ong ang kiliti ng Pilipinong mambabasa. Maaaring sa ilan ay maituturing na aksaya lamang sa papel ang black book na ito dahil sa paglalahad niya ng mga walang kakuwenta-kuwentang karanasan sa buhay (tulad ng kanyang pagsali sa isang game show sa TV at pagkakapanalo niya sa raffle sa isang supermarket) at mga pangyayaring hindi na dapat ikuwento pa (tulad ng pagpatay ng ipis at mga nililok na ari ng lalake o ANL). Mababaw na kung mababaw pero sa tingin ko, ito ang unang libro ni Bob Ong na nakapagpatawa talaga sa akin ng lubusan.

Sinubukan kong basahin ulit ang black book na huli kong nabasa halos isang taon na rin ang nakakalipas. Medyo may katagalan kong natapos ito, siguro inabot din ng mahigit isang buwan. Bukod kasi sa matipid ako kung magbasa ng pahina sa isang araw, ayokong gugulin masyado ang oras ko sa iisang libro lang (lalo na kapag nabasa ko na ang isang libro). Gayunpaman, pareho pa rin ang resulta noong una kong mabasa ito -- naaliw at nanakit ang tiyan ko sa katatawa!
flag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Ang Paboritong Libro ni Hudas.
Sign In »

No comments have been added yet.