Kumirot 'yong utak ko sa sobrang dami na namang mga ka-cosmosan at pa-deep thoughts dito. Ay, baka matunaw din utak mo dahil ang daming appearance rito ni Alpha Omega guy. Bukod sa kanya'y ang dami ring eksena ni Bertong Badtrip. Wah!
Akala ko lang 'yong comics sa cover nitong libro ay may back story sa loob pero wala naman pala. Pero 'wag mag-alala, gaya ng dati, maraming nakakatawang stuffs sa loob. Hihi.
Kailan kaya gagawa si Manix ng kahit isang stip man lang kung saan magkikita-kita mga special characters niya at 'yong mga main character? 'Yong tipong magtatagpo si Bertong Badtrip at si "Spiky". O kaya si Alpha Omega at 'yong creepy na roommate ni "Afro". O kaya si Alpha Omega, Mahiwang Duwende at Bertong Badtrip mismo ang magtagpo! Tingnan nga natin kung anong mangyayari sa cosmos kung gano'n. Rak en rol!