What do you think?
Rate this book
243 pages, Paperback
First published January 1, 2001
1. Si F. Sionil Jose (ipinanganak noong 1924) ay ang pambato ng Pilipinas sa Nobel Prize for Literature. Walang akong ibang maisip na Pambansang Alagad ng Sining na maaaring makasungkit ng Nobel para sa Pilipinas kundi si Manong Frankie. Alam na natin na ang mga nagwagi na ng Nobel sa Literature ay mahuhusay na manunulat sa iba't ibang panig ng mundo. Sa loob ng 115 taon na may Nobel Prize para sa Literature, karamihan ng mga nagwagi ay mga Western countries. Tanging ang taga-India na si Rabindranath Tagore (1913); mga Hapones na sina Yasunari Kabawata (1968), Kenzaburo Oe (1994), at ang Tsino na si Mo Yan (2012) ang mga Asyanong nakatanggap ng parangal na ito. Eh ano naman kung nominated (siguro) siya sa Nobel? Siyempre, nangangarap din ako, bilang Pilipino, na may kababayan tayong manunulat tayong mapaparangalan ng prestihiyosong titulong ito.Ang Benjamin "Ben" Singkol ay tungkol sa isang lalaking ipinanganak at lumaki sa Selasor, fictional town sa Pangasinan. Mukhang semi-autobiographical nobel ito dahil maraming pagkakahalintulad sa buhay ni Ben at Manong Frankie hindi lang siguro sa physical. Si Ben kasi ay supot (uncircumcised) at kumang (bowed arms). Si Ben Singkol ay nakaranas nang maraming makasaysayang pangyayari sa bansa gaya ng World War II kung saan siya ay naduwag pero sa pagtakas ay nakagawa ng kabayanihan. Ito ay parang na-foreshadow noong maduwag rin siya sa labahang pantuli kaya't siya ay naging supot habang buhay. Pero si Ben ay hindi duwag sa maraming bagay lalo na sa usapin ng pag-ibig at pagmamahal.
2. Ang lenguwaheng ginagamit ni Manong Frankie ay English. Dahil journalist ang background niya, ang kanyang paglalahad ay straightforward. Short sentences. Madaling maintindihan ang daloy ng kuwento. Hindi ka titigil sa pagbabasa at magtatanong sa sarili ng "ano raw?" tapos babasahin ulit ang di naintindihan. Ang daloy ng kuwento ay madali ring sundan dahil plausible ang plot, twists at climax. Yong di parang pinilit upang masabi lang na imaginative 'yong nobelista. Hindi rin naman kulang at predictable. Dahil kung parang shortchanged ang pakiramdam ko o parang nahuhulaan ko ang mangyayari, hindi ako makakatapos ng 12 nobela niya sa loob ng 6 na taon kong pagbabasa. May mga kaibigan akong mas gustong magbasa ng foreign books dahil baduy raw ang mga local books. Mayroon din sa kanilang ayaw magbasa ng Filipino (Tagalog) para raw gumaling sila sa English. Mayroon ding mga gustong sumubok magbasa (ngayong tapos na silang mag-aral sa college), pero hindi alam kung saan magsisimula. Hindi baduy ang mga akda ni Manong Frankie. Hindi baduy ang malaman ang naganap noong kapanahunan niya. Makakatulong ito sa ating critical thinking by learning from our history. English, at world-class English, nasusulat ang mga akda. Kung di mo alam kung saan magsisimula, you won't go wrong by picking one of his works.