Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Virgilio S. Almario
This topic is about Virgilio S. Almario
90 views

Comments (showing 1-32 of 32) (32 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Kung papasyal ka sa alin mang regular bookstores kagaya ng National, Powerbooks o maging Fullybooked, malamang na makakakita ka ng mga koleksyon ng tula ni Rio Alma. Susubukan ko pa lang siya nguni't kung gusto mo nang magbahagi ng nalalaman mo sa mga sinulat nya, kung maari lang sana ay magsulat ka na sa ibaba.

Salamat, at mabuhay ka!

May nabasa lang ako sa aklat ni Edgar Calabia Samar na nagsasabing ang tula bilang istraktura ng panitikan ay mas matanda pa kaysa sa nobela. Ang "Florante at Laura" bilang halimbawa ay ginamit ni Rizal sa "Noli Me Tangere" sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo. Ang nobela, ayon pa rin kay Samar, ay impluwensiya lamang sa atin ng mga dayuhan at ito ay hindi katutubong porma ng panitikan. Ang nobela ay galing sa mga bansa sa Europa.

Wala lang. Dagdag kaalaman. Salamat, G. Samar.


message 2: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments Bagong tapos ko lang ng Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth ni Rio Alma, inedit at sinalin ni Marne Kilates. Maganda ang mga seleksyon, maging ang pagkasalin, at maganda ang binding ng aklat.


message 3: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments Isang tula mula sa Dust Devils:

Tinuturuan Tayong Magpigil at Maghintay

Tinuturuan tayong magpigil at maghintay
Mahigpit man ang pangangailangan, Adre.
Tinuturuan pa nga tayo ng dasal
At asal na kapuri-puri ng mga taong disente.

Masarap namang isiping tayo'y sibilisado
Kahit sa paggamit lang ng kaliwa't kanan;
Masarap ding marinig na kahit paano'y
May magandang bunga ang pawis ng magulang.

Ngunit anong magandang nunal sa ating batok
Ang nananaig pagdidilim ng paningin
o nag-uudyok pumasok sa landas ng alikabok?

Ngayon nga, tinuruan man tayong magpigil,
Dahil waring puputok na ang ating pantog
Ay parang asong humaharap tayo sa pader.


***

We Are Taught to Hold Back and Wait

We are taught to hold back and wait,
How ever intense the need,
We are even taught the prayers
And manners of people of decency.

Of course it's nice to think we're civilized,
Even in the use of the right hand and the left;
And it's nice to hear that at the very least
We're able to repay what our parents invested in us.

But what old Cain's mark on our nape
Rules when vision blurs in anger
Or lures us to the way of all flesh?

Now, learned though we might be in holding back,
Just the bladder about to burst drives us
To face a wall, pissing like dogs.


message 4: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Maganda na, Rise! Makapagbasa nga ng Rio Alma.


message 5: by Beverly, It's a Mens World (new)

Beverly | 375 comments Mod
thank you rise, maganda rin yung mas matalino ang tubig. favorite ko yun, kd, basahin mo yun matutuwa ka rin dun :)

meron siyang collection ng essay. maganda rin. naku hahanapin ko nga ang title nun! nakakatawa yung mga essay nya dun!


message 6: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments oo nga, maganda rin yun. simple lang pero may flow. parang tubig.

share mo sa amin ang title, beverly, pag naalala mo na.


message 7: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Oo nga. Bago matapos ang taon, gusto ko nang simulang isa-isahin ang 4 na aklat ko ni Rio Alma. Tula para sa Pasko!


message 8: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments Katatapos ko lang na libro ni NA Virgilio Almario: Mga Biyahe, Mga Estasyon/Journeys, Junctions. Maganda din!


message 9: by Beverly, It's a Mens World (new)

Beverly | 375 comments Mod
Kalahating Siglo sa Ibabaw ng Mundo, collection of essays, Anvil Publishing, 1998


message 10: by Beverly, It's a Mens World (new)

Beverly | 375 comments Mod
sobrang ganda ng collection na to kung may mahahanap pa kayo bilhin na


message 11: by jzhunagev (new)

jzhunagev | 1159 comments Beverly wrote: "sobrang ganda ng collection na to kung may mahahanap pa kayo bilhin na"

Noted, Miss Bevs! :)


message 12: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Tatandaan ko yan, Beverly. Salamat sa inpormasyon.


message 13: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments Nakita ko na yan dati! Di ko pinansin. Kasi ... ala pang prepibs nung time na yun.


message 14: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Yon nga palang mga tagahanga ni Prof. Rio Alma, may book launch siya sa UP ngayong darating na Biyernes, March 8 sa ika-4 ng hapon. Puntahan ang thread na "Mga Tipanan" para sa detalye.

Pupunta kami nina Beverly at Biena bilang mga kinatawan ng Pinoy Reads Pinoy Books.

Sama kayo?


message 15: by Maria Ella (last edited Mar 04, 2013 01:00AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 660 comments Uhm ngayon ko lang nalaman na Rio Alma pala ang isa pang tawag kay Virgilio S. Almario. Di ba gumagawa rin sya ng kwentong pambata...? Hindi ko alam na may mga tula sya. Pasensya na sa kakulangan ng kaaalaman tungkol dito huhuhu


message 16: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Virgilio S. Almario

Almario = Rio Alma (medyo binaliktad lang ang pantig). Kapag tula, Rio Alma ang gamit nya.

Kapag sanaysay o kuwento, Virgilio S. Almario ang gamit.

Oo, siya yong sumulat ng isang nominated sa poll: "Ang Hukuman ni Sinukuan."


message 17: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments Mayroon bang naisulat si Virgilio Almario tungkol sa mga kababaihan sa kasaysayan?


message 18: by Beverly, It's a Mens World (new)

Beverly | 375 comments Mod
ay prang wala dianne medyo sexist ang lolo rio hahahaha Rio alma also means taga ilog. rio is ilog alma is dweller or soul


message 19: by Diane (new)

Diane (vampiredoll) | 123 comments Beverly wrote: "ay prang wala dianne medyo sexist ang lolo rio hahahaha "

Okay, thank you po! :)


message 20: by Juan (new)

Juan | 1484 comments Mas gusto ko ang kanyang mga sanaysay kahit isa pa lang ang nababasa kong sanaysay niya. Yung nabasa ko naman na tula niya ay tungkol sa kahayupan- (Ang Hayop na ito!):D
hehe!

Bitin ako sa Pitong Bundok ng Haraya!


message 21: by William (new)

William M. II | 79 comments Bagong Kong Miyenyum saka Taludtod at Talinghaga ang meron ako. Isa sa paborito akong tula ni Rio Alma ay ang Kung Maaari Sana. Binasa pa ito sa palabas na Pahina ng ABS-CBN dati.


message 22: by Ryan (new)

Ryan | 1294 comments Yung tulang pambata na "Si Dilat, Si Kindat, Si Kurap, Si Pikit" maganda rin, matatagpuan sa koleksyon na Buwan, Buwang Bulawan. Gusto ko sana ikowt pero ang haba.


message 23: by Juan (new)

Juan | 1484 comments sobrang daming aklat nitong si Rio, pero mas gusto kong basahin si Virgilio.

Mas prefer kong basahin ang kanyang mga sanaysay/pananaliksik/pag-aaral o kritisismo.

meron pa lang Student Edition ang kanyang (A)lamat at (H)istorya. Abot-kaya kapag ganun! hehe!


message 24: by jzhunagev (new)

jzhunagev | 1159 comments Juan wrote: "meron pa lang Student Edition ang kanyang (A)lamat at (H)istorya. Abot-kaya kapag ganun! hehe!"

Naghahanap din ako n'yan, Juan. Baka kapag bumisita ako sa UP Press sa Diliman. Wala raw kasi silang dalang kopya nun sa MIBF. Ang olats lang ng UP Press ng araw na 'yun. Ugh!


message 25: by Juan (new)

Juan | 1484 comments Ako olats nung pumunta ng UP Press. Walang inabutan kundi mga guadia sibil! haha! Kelan kaya ang sale nila?
meron kaya?


message 26: by jzhunagev (new)

jzhunagev | 1159 comments Juan wrote: "Ako olats nung pumunta ng UP Press. Walang inabutan kundi mga guadia sibil! haha! Kelan kaya ang sale nila?
meron kaya?"


Baka magkaroon sila ng Christmas Sale. Di ako nakapunta last year kasi marami akong inaasikaso.
Ipon-ipon baka sakali kuny mayroon. Hehehe... :D


message 27: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Yey! Sasama ako dyan sa UP Press Christmas Sale. Naroon ako last year. Awa ng Diyos, hanggang ngayon di ko pa nababasa ang mga aklat na binili ko noon hehe.

Ang mahirap kasi dyan sa UP Press, M-F lang tapos hanggang 5pm. Ganoon din sa Ateneo. Kaya kailangang mag-half day sa office o tumakas (umuwi) ng undertime hehe.


message 28: by Juan (new)

Juan | 1484 comments Jzhun sana nga meron at mabalitaan sana natin kagad!

noong last time nga akong pumunta, nahuli ako dahil kasabay ito ng taunang UP Latern Parade. Bukod sa nilakad ko at walang masakyan, na-aliw ako sa mga babae este sa mga lantern na nagkikinangan sa ganda! pati na rin ang mga musiko! haha! ayun, guadia sibil lang ang inabutan ko. bawi ako! sana magkakasama tayo kapag pumunta dun. Ipon-ipon din nga!


message 29: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 222 comments halos lahat meron akong libro ni rio alma. halatang hind die hard kay rio alma. hehehe


message 30: by Juan (new)

Juan | 1484 comments Pare talaga? astig! sana magkaroon ng pagkakataon na makakita ng mga libro niya..


message 31: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6282 comments Mod
Juan wrote: "Pare talaga? astig! sana magkaroon ng pagkakataon na makakita ng mga libro niya.."

Madami sa NBS. Mas marami sa UP Press!!!


message 32: by Po, Pinoy Reads Pinoy Books 2015 (new)

Po | 924 comments Mod
Maraming salamat sir Rio Alma, marami kaming natutunan sa pag-interbyu sa inyo sa aklat na Sentimental.


back to top

unread topics | mark unread


Books mentioned in this topic

Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth (other topics)
Mga Biyahe, Mga Estasyon (other topics)
Buwan, Buwang Bulawan (other topics)

Authors mentioned in this topic

Virgilio S. Almario (other topics)
Marne Kilates (other topics)