Ayban Gabriyel's Reviews > Po-on: Isang Nobela

Po-on by F. Sionil José
Rate this book
Clear rating

by
5649035
's review
Nov 14, 11

Read from November 02 to 14, 2011

Na-score ko 'tong librong ito one time sa NBS Bicutan, natsempuhang naka-sale. 100 pesos, kaya dampot agad punta sa counter para magbayad. Grabe galak at tuwa ko nun, dahil gusto kong mabasa ang Po-on at eto na nga ang tumambad sa harap ko, Po-on ni Sionil ang nakakatuwa pa, ung translated berso sa Filipino. Isang bagay lang ang nakakalungkot sa librong ito, medyo nagdedeteriorate na ang mga pahina, kumakawala na sila sa pagkakabind, kaya pala nakasale. Para hindi naman masayang ang librong ito, ginawan ko sya nang paraan tulad ng paggawa ko ng paraan sa mga lumang librong meron ako na inooperahan ko ang nilalagyan ng staple ang mga gilid ng binding, napagisip-isip ko sa susunod ung staple na de-baril na ang gagamitin ko para kumagat sa bawat pahina nito.

Balik tayo sa libro, ang bersyon ng librong ito ay salin sa Filipino ni Lilia Antonio isang manunula at essayist. Propesor ng Foriegn Studies sa Osaka Japan.

Ang Po-on unang libro sa tinaguriang Rosales Saga, limang konektadong libro na nilikha ng Natl Artist for Literature F. Sionil Jose. Ang limang libro ay konektado sa isa't isa, ngunit maari raw basahin ng magkakahiwalay o kahit hindi sunudsunod. Sinasabi rin ng iba na ang Po-on ang pinaka magandang nobela sa lima, at sabi nila parang tinamad na si Sionil sa apat na kasunod na nobela. Hindi ko panapapatunayan ito sa aking sarili dahil hindi ko pa nababasa ang apat na iba pang nobela, pero totoong naganda ako sa unang nobela ng rosales saga kahit pa ito ay naisalin na sa wikang Filipino. Minsan iniisip ko nga kung binasa ko ito sa Ingles mas magandahan kaya ako? Dahil syempre, hindi naman eksakto o perpekto sa perspektibo ni Sionil sa pagsalin ni Lilia. Ngunit gayon pa man, hindi nabawasan para sa akin ang ganda ng libro.

Ang libro ay tumatalakay sa isang pamayanan na ngalan ay Po-on at ang pamilya nila Estaqio Salvador na lumikas mula norte papuntang lambak pero nakita ang lugar nila sa Rosales, Pangasinan. Dito sila nagsimula muli ng bagong pamayanan na tinawag nilang Cabugawan. Ang istorya ng Po-on ay umiikot sa pamilya ni Estaqio o mas kilalang Istak, isang dating sakristan na pinangarap maging pari ngunit na udlot na may dumating na bagong pari at pina balik sya sa Po-on nang malaman ni Istak nang hindi sinasadya ang pagabuso nito sa isang dalaga. (spoiler!) At naging sukdulan ang lahat ng hindi sinasadyang mapatay ng ama ni Istak ang bagong pari. Dun nagsimula ang kanilang paglalakbay papuntang timog. Kung saan kailangan muli nilang magsimula sa wala. Magnakaw ng bukid sa kagubatan at hawan ang mga lupa upang maging bukid. Naging manggagamot si Istak kanilang maliit na bayan, marami syang nalalaman. Ito'y dahil na rin sa kanyang karanasan sa sakritiya at mga natutunan mula sa matandang pari na si Padre Jose na tinuturing niyang guro at mabait na prayle. Hangang sa dumating ang mga bagong mananakop, dumating ang mga Amerikano. At dito na nga lumabas ang dalawang kilalang bayani ng ating bansa, pero tulad ng ibang rebyu dito, hindi ko sasabihin kung sino sila. Pero sa bandang huli ng libro dito kung saan sila lalabas, magiging nakapaka interesante at baka tapusin mo na at hindi bitawan tulad nagawa ko. haha!

Teka-teka, may napansin lang ako sa librong ito, muntik na syang maging botany book! :D Bakit? Kung babalikan mo napakaraming halaman at puno ang sinambit sa librong ito. Nariyan ang Dalipawen, Alibangbang, Banaba, Bayabas, Saging, Papaya, Tatlong uri ng Kawayan, Kamote, Kalamansi, Palay, Tabaco, Madre de Cacao, Balete at atbp. Haha!

Ngayon bago ko basahin ang pangalawang libro mula sa Rosales Saga, gusto ko munang basahin ang Po-on sa orihinal na lenggwaheng pagkakasulat nito, sa Ingles. Tingin ko mas magugustuhan ko ito. Sana mabasa nyo ang librong ito. :D
4 likes · Likeflag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Po-on.
Sign In »

Reading Progress

11/03/2011 page 57
19.0%
11/06/2011 page 170
55.0% "Ikalawang bahagi! yey!"
11/07/2011 page 190
62.0% "naiingit ako kay bit-tik. LOL"
show 4 hidden updates…

Comments (showing 1-4 of 4) (4 new)

dateDown arrow    newest »

message 1: by jzhunagev (new)

jzhunagev Happiness talaga! :'(


K.D. Absolutely Tagalog?


Ayban Gabriyel yep kuya doni, tagalog :D


K.D. Absolutely Saya. I read the English version.


back to top