Ayban Gabriyel's Reviews > Ligo Na U, Lapit Na Me

Ligo Na U, Lapit Na Me by Eros S. Atalia
Rate this book
Clear rating

by
5649035
's review
Aug 17, 11

bookshelves: phil-lit-books-i-need-to-read-befor
Read from August 12 to 17, 2011

#4 Libro ng Agosto

"Ligo na U, Lapit na me book and movie fans, please don't hate me"

Isa sa librong matagal ko nang gustong-gustong basahin at ngayong nabasa ko na sya! Nadismaya lang ako.

Isang istorya ang isang karaniwang lalaki na may pangkaraniwang itsura(hindi naman daw sya pogi, pero ayaw nyang masabihan ng may itsura kasi nga naman lahat tayo merun nun)at may hindi masyadong karaniwang pangyayari nang natripan sya ng isang magandang kolehiyalang chick na gawing fuck buddy. Isang love story na from Lust to Love, ang pagka-inlove ni Karl Vladimir Lennon o Intoy for short, sa isang wierdong chick na mahilig magpakamot. High profile chick sa kanilang campus na nagngangalang Jen na di lang maganda may kaya pa. Isang kakaibang relasyon ng isang babae at lalaki na, na pagnangati paki kamot pero walang comitment walang pag-ibig, benepisyo lang.

Sinulat ni Eros Atalia, isa sya ngayong propesor sa isang prestihiyosong unibersidad na nasa loob ng intramuros. Infairness sa author, hindi malaswa ang pagkakasulat nya sa mga bed scene ng mga karakter nya, hindi mga umaatikabong damdamin ang mababasa mo tulad sa Xerex. Konti lang din ang typo error nito, yun nga lang konti lang rin ang laman. Kung istorya, may istorya naman, istorya ng isang pag-ibig na sana, na nilipad ng hangin. Buhay estudyante na sapat lang ang allowance, kwento ng pamilya, paghahanap ng trabaho at kung anu-anu pa. Pero kung may istorya man ito(tulad ng sinabi ko), marami rin itong blah,blah,blah. Mga pasakalye ng sumulat at mga bagay na hindi mo na kailangang malaman dahil alam mo na pero sinulat pa nya. Merun din itong pagpuna sa mga bagay bagay na malamang alam mo na rin, mga banat ng joke na malamang alam mo na talaga( anu ang mas matulis, ngipin o pwet?), mga pagpuna sa mga sabi-sabi at ibang bagay tulad ng pusa sa siopao. At ang taning pagpuna na nagustuhan ko, ang pagpuna sa pag samba, ikapu at mga bagay na may kinalaman sa relihiyon, yun nga lang, puna lang. Puna.

Hindi ko masasabing maganda ito, pero hindi ko rin matantsa kung pangit, at lalong hindi ko ito irerekomendang basahin ng kaibigan o kapatid ko. Gaya nung sinulat ko sa panimula na dismaya ako, kasi hindi tulad ng inaasahan ko na magandang libro, dahil maingay nag titulo nito lalo na sa mga kabataan ngayon. Siguro kung nagustuhan mo ang mga sulat ni Bob Ong magugustuhan mo to, lalo na kung fan ka ng Favorite book of Judas. Wala akong nakita sa librong ito, wala rin akong napulot na kunga anu man, at kung meron man akong nakita, hindi ko na yun dapat pulutin pa.Madaling basahin, madaling intindihin at madali ring kalimutan. Ito yung klase ng libro ayaw ayokong makita na binabasa ko sa publiko.

Hindi naman sa hindi ako nakarelate sa buhay pagibig ni Intoy, pero kung tatanungin, aba'y bihira ang ganyan, at kung makarelate ka man, ikaw nga si Intoy. Hindi naman na bago ang buhay pag-ibig sa akin at lalong lalo na ang pagkabigo.(naks!)Lahat naman ata ng lalaki nakadanas nyan. Ang alam ko lang, mahirap hanapin ang ayaw magpahanap. Lalo na kung hindi mo naman pala talaga kilala ang taong hinahanap mo. At kung ako ang tatanungin mo, tila iba naman ang hinanap ni Intoy, hindi si Jen, kung hindi ang init ni Jen at paglunok nito ng dagta nya.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng adaptasyon ito sa pelikula, at nakasama pa nga ito sa Cinemalaya 2011, at nanalo pa si Intoy ng Best Actor award. Hindi ko rin napanuod ito sa CCP nung Hulyo kasi laging sold out ang ticket at lalo lang itong nagpasabik sa akin na basahin at libro ang lalo lang akong naglumo ng nabasa ko ito. Pero papanuorin ko pa rin to sa Setyembre(kung kailan nakatakdang ipalabas ng pelikula nationwide at na approve ng MTRCB at take note, no cuts :D) OO papanuorin ko ito hindi lang dahil sa sexy scene at sa hubog ng katawan ni Mercedes Cabral kung hindi kung papaano nila nagawan ng pelikula ang librong ito, hindi lang sa bed scene at love eklat ang gusto kong mapanuod ay kung papaano naisapelikula ang mga pasakalye ng sumulat nito.

Sya, tama na siguro to, parang puro nega ang nakatala sa rebyu ko eh,

Nadismaya lang siguro ako, kaya ngayon ako ng bitter ... LOL

ending? wala!

Ligo na ko, bored na me.



Status update last August 15
(Ayus naman sana eh, ayus lang, kaso tulad ng ilang update ko, namumutiktik to sa pasakalye, siguro ganun lang talaga kung ibubuwal ko ang nasa isip ko sa mga bagay-bagay sa paligid, pero tingin ko sa hindi ganitong kaexage(tama ba exage ko?). Siguro nasanay lang ako sa pagbabasa masyado ng seryosong mga nobela, mga nobela ng tradheya. haha!)
14 likes · Likeflag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Ligo Na U, Lapit Na Me.
Sign In »

Reading Progress

08/12/2011 page 16
9.0%
08/16/2011 page 120
65.0% "ang daming pasakalye..."
show 1 hidden update…

Comments (showing 1-33 of 33) (33 new)

dateDown arrow    newest »

K.D. Absolutely "Ang friendship na may benefits" - ganyan ba yong eksaktong paulit-ulit na sinasabi nila?

Si Eros mismo yong bidang lalaki, di ba? Tapos noong isine, naging "Mr. Pogi" yong bida ha ha.


message 2: by jzhunagev (new)

jzhunagev Ayban, paheram naman nito, makikiusyoso lang ako sa hype bunga ng indie na base sa nobelang ito.

Bilang ganti ipaheheram ko sa iyo ang isa pang nobela ni Edgar Reyes: Ang Mundong Ito ay Lupa.

Salamat!
Patnubayan nawa!


K.D. Absolutely Pangit! Pangit! Pangit!


message 4: by jzhunagev (new)

jzhunagev K.D. wrote: "Pangit! Pangit! Pangit!"

Ganun ba? So, huwag ko na lang pag-aksayahan ng panahon?


K.D. Absolutely Wag na. Media hype. Pulos kalibugan.


message 6: by jzhunagev (last edited Aug 16, 2011 07:53PM) (new)

jzhunagev K.D. wrote: "Wag na. Media hype. Pulos kalibugan."

Sige wag na lang. Babasahin ko nag uli ang Laro sa baga. Kahit papaano ito'y kalibugan na may katuturan.

Salamat K.D. :)


K.D. Absolutely Oo. Basta wag na. Sayang oras mo. Basahin mo na lang ang "Mga Ibong Mandaragit" kung gusto mong sadistahin ang sarili mo ha ha


Ayban Gabriyel hahaha, si kuya doni dinidiscourage si kuya jzhun! hahaha,

pero tama si kuya doni, sakin ang librong ito ay pasakalye, pasakalye at puro pasakalye.


message 9: by jzhunagev (new)

jzhunagev K.D. wrote: "Oo. Basta wag na. Sayang oras mo. Basahin mo na lang ang "Mga Ibong Mandaragit" kung gusto mong sadistahin ang sarili mo ha ha"

Sige! Pero tatapusin ko muna yung ibang pinahiram mo Kuya. Salamat!


message 10: by K.D. (new) - rated it 2 stars

K.D. Absolutely Typical love story ng isang barumbado (si Eros) at isang kolehiyala na nagwawala kaya sex sila ng sex na walang commitment. Tapos nawala yong babae. Tapos hinahanap-hanap ng lalaki ang libreng sex. Mahal pala niya si Jennie. If I know ha ha.

Yon na. YON LANG.


Ayban Gabriyel Eto ung klase ng librong ayaw mong makita sayo na binabasa mo sa public places. haha, pinipilit ko na lang talagang tapusin.. :D

pero gusto ko parin panuorin ang movie na to, papalabas sa Sept. kasi ang seksi ni Mercedes Cabral eh, hahaha...


Ayban Gabriyel hindi ito ang orihinal na rebyu ko, takte nabura kasi ito, biglang narefresh ung page amp! >.<


message 13: by Joyzi (new)

Joyzi nakakaloka ka


Ayban Gabriyel bakit naman joyzi?


message 15: by Joyzi (new)

Joyzi natawa lang ako dun kay Mercedes Cabral


Ayban Gabriyel hahahaha!


message 17: by Joyzi (new)

Joyzi di ko pa din napapanood iyong Ligo na u Lapit na me pero napanood ko yung Babae sa Septic Tank, andun din si Mercedes Cabral


Ayban Gabriyel maganda ung "ang babae sa septic tank" ? onga andun din sya, haha


message 19: by Joyzi (new)

Joyzi Oo maganda, kinda bitin, fan ako ni Eugene Domingo e


Kwesi 章英狮 Di ko nga lang talaga magets kung bakit ang gwapo nung cast sa pilikula kung ikompara sa imagination ko habang binabasa ang libro. Imagine friends with benefits tapus gwapo, ano kang babae ka, kapal sana ang lalaki na lang ang gumamit sa iyo. Haha.


Ayban Gabriyel hahaha, ganun talaga, mahirap na ang panget na bida, lalo na sa pelikula, siguradong hindi bebenta. hahaha!


Kwesi 章英狮 Ay, I agree. Eh bakit nung mga 90s, nahalata ko lang bakit mabilis sumikat ang mga panget di tulad ngayun. Haha.


message 23: by jzhunagev (last edited Aug 17, 2011 07:40PM) (new)

jzhunagev
At ang taning pagpuna na nagustuhan ko, ang pagpuna sa pag samba, ikapu at mga bagay na may kinalaman sa relihiyon, yun nga lang, puna lang. Puna.


Puro pala puna, ano ba itong librong ito!
Punang Ina! :D

***

Digs ko naman ang mga sinabi mong ito! ;)
Madaling basahin, madaling intindihin at madali ring kalimutan.


Hindi naman na bago ang buhay pag-ibig sa akin at lalong lalo na ang pagkabigo.(naks!)


At dahil feeling guwapo ka sa rebyung ito apat na puntos pra sa iyo Ayban!


message 24: by jzhunagev (new)

jzhunagev Kwesi 章英狮 wrote: "Ay, I agree. Eh bakit nung mga 90s, nahalata ko lang bakit mabilis sumikat ang mga panget di tulad ngayun. Haha."

Namatay na kasi si Chitae. :D


message 25: by Joyzi (new)

Joyzi Mas bebenta nga pag gwapo, depende naman din yan


message 26: by K.D. (new) - rated it 2 stars

K.D. Absolutely Onga, Kwesi. Yong description noong lalaki sa libro, kamukha ni Eros Atalia haha. Tapos biglang Mr. Pogi yong bida ha ha. Sana yong babae na lang ang maganda. Di ba dapat ordinary looking ang guy para mas maraming maka-relate sa guy na nakaka-dyogdyog sa magandang girl tapos libre pa ha ha


message 27: by Joyzi (new)

Joyzi what's dyog-dyog?


message 28: by K.D. (new) - rated it 2 stars

K.D. Absolutely I-google mo ha ha!


Ayban Gabriyel teka gogoogle ko rin yan. hahaha


Ayban Gabriyel jzhunagev wrote: "At ang taning pagpuna na nagustuhan ko, ang pagpuna sa pag samba, ikapu at mga bagay na may kinalaman sa relihiyon, yun nga lang, puna lang. Puna.

Puro pala puna, ano ba itong librong ito!
Punang ..."


feeling gwapo? amp! wahahahahaha!


message 31: by jzhunagev (new)

jzhunagev Ano ba 'tong mga batang ito oh, dyog-dyog lang di pa alam. Konting consexual, este, contextual meaning lang yan, eh.

Ahahaha! :D


message 32: by Joyzi (new)

Joyzi lol Jzhun kaw na ang expert haha


Ayban Gabriyel wahahaha!


back to top