J.'s Reviews > Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

Ang mga Kaibigan ni Mama Susan by Bob Ong
Rate this book
Clear rating

by
4857912
's review
Jan 22, 2011

liked it
Read in January, 2011

Para sa mga na-disappoint, yes tama nga kayo. Medyo boring nga.
Hindi ko rin tipo ang narration type na kwento, unless maganda 'to di ba.

Pero, hindi ko alam ha. Nababagabag lang ako sa librong 'to. Kasi, yung mga Kapatiran ba ang mga kaibigan ni mama susan? Sila Niko ba? Si Galo lang ba nakakakita sa kanila? O hindi. O mga multo nga ba 'yun. (Oo, spoiler nako sige na. At mahina ang pang-unawa ko sige, sabihin niyo na rin 'yan.)

Siguro at tinatamad lang akong unawain pero, sa ngayon hindi ko talaga maunawaan.

Pangalawa, hindi 'to si Bob Ong. Kasi isinakatauhan niya ito sa isang lalaking tinedyer, makikita mo na hindi talaga siya 'yun. Binigyan niya ng buhay ang karakter, sa personalidad niya. Hirap kaya gumawa nang pananaw ng isang tinedyer kung sa sarili mo at isip mo, nakapokus ka bilang mature na manunulat.

Natakot ako. Sa mga parteng may Latin. Hindi ko binasa, baka ano pang mangyari sa'kin.

Tuwang-tuwa pa naman ako nung pagdating nung lola namin, inuwian ako nung pinabibili ko nga 'tong libro. Hapit na hapit ang pagbukas ko para basahin.

Three stars, kasi naliwanagan ang utak ko na hindi kailangan ang teknolohiya. Dahil sabi niya nga, Totoo nga na ang teknolohiya ang nakakapagpadali sa buhay, pero hindi nila gustong magmadali. Masyadong malalim, marami pakong tanong.

Babasahin ko muna mga rebyu niyo. Ehehe.
flag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Ang mga Kaibigan ni Mama Susan.
Sign In »

Comments (showing 1-1 of 1) (1 new)

dateDown arrow    newest »

message 1: by Bay (new) - rated it 2 stars

Bay Hmm ang pananaw ko lang ay backward sila magisip I mean wala silang hospital na makakagamot sa simpleng Tetano ni Gano. Speaking of Tetano, pakiramdam ko namatay siya dun since ninakaw ang pera niya at walang pangospital at dun sa huling part nagkalagnat siya. Tsaka parang may flaw sa storyline kasi di ba sabi nila autonomous na yung isla na yun? Then how come di nabasa ni Gano sa headlines?


back to top