K.D. Absolutely's Reviews > Ang Paboritong Libro ni Hudas

Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong
Rate this book
Clear rating

by
2156200
's review
Dec 29, 2010

did not like it
bookshelves: local, tagalog
Read from December 27 to 29, 2010 — I own a copy , read count: 1

Pang-apat na libro ko ni Bob Ong. Sorry, pero di ko talaga nagustuhan. Ginawa ko ang lahat na may makitang maganda at pinagpuyatan ko kagabi pero wala talaga. Sa "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" (2 stars), naka-relate ako sa karakter sa unang bahagi ng kuwento dahil tumira rin akong kasama ang mga pinsan noong naga-aral pa ako sa kolehiyo. Sa "MacArthur" (3 stars), nagustuhan ko ang pulidong pagkakasulat ng kuwento: ang apat na durugistang naliligaw ng landas pero may positivo at nababanaagan ng pag-asa na ending. Sa "Stainless Longganisa" (2 stars), may mga natutunan ako.

Batung-bato ako sa kapangitan ng pinagtagpi-tagping mga walang kawawa-ang karanasan ni Bob Ong. Parang naupo lang sya sa harap ng computer nya at nagisip ng kung anu-ano. Nilagyan ng kuwanti ay conversation ng Diyos at ng karakter ng sarili nya (ala-Conversations with God na sikat na libro noong 90's?). Ang kanyang pagpunta sa Baguio (doon ako nag-aral ng kolehiyo kaya hindi ito interesado sa akin), ang mga naging guro nya sa paaralan (iginagalang ko ang mga guro ko at di ako kagaya nya na pagtalikod ay nagsasalita ng negatibo kahit sa guro o sa ibang tao), ang pagpatay nya sa mga ipis (hindi ba sila naglilinis ng bahay? bakit di nya ipa-screen ang mga bintana?), ang mga kuwentong barbero (susme, natawa ka ba?), ang paulit-ulit nyang pagsasabi ng tanga ako sa direksyon habang nasa Baguio (kailangan pa bang ipangalandakan ang katangahan mo? nakakabilib ba? napupuyat ako para lang malaman ko na tanga ang awtor ng librong binabasa ko?), ang paggamit ng "Tanging Yaman" bilang pagpapatawa (maganda yang pelikulang yan at di hamak na may katuturan kaysa sa librong ito). At ang higit na kinakainisan ko ay ang paga-assume ni Bob Ong na di ko naintindihan ang huling parte ng usapan niya (bilang patay na karakter na pinababalik sa mundo) at ng Diyos (na inakala nyan si Lucifer). So sobrang katangahan ng karakter na yon, di pa sya naniwala sa sinabi ng Diyos.
Ngayon din ay magbalik ka sa lupa. Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng itim na librong walang kuwenta (buti alam mo) at hindi mo maintindihan (hah? assuming!)
Yan ang hirap kay Bob Ong. Ina-assume nya na ang lahat ng magbabasa ng libro nya ay miyembro ng Bobong Pinoy!

Napagisip-isip ko, lahat ng libro ni Bob Ong ay lumabas mula 2001 (ABNKKBSNPLAko?) hanggang 2010 (Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan). Nahalal na Presidente ng Pilipinas si Erap noon 1998 dahil naka-relate ang maraming tao sa kanyang mga sine at sa paga-akalang mabuti ang di masyadong matalino na hinaylight ng nakakatawang mga Erap jokes na tungkol sa katangahan ni Erap. Nagkaroon ng ideya si Bob Ong: "Ah, gusto pala ng Pinoy ang ganoon!". Nagkaroon ng Bobong Pinoy at tuwang-tuwa ang mga tao: Ang saya-saya, may Erap jokes, may Bob Ong books pa!Nawala sa puwesto ni President Joseph "Erap" Estrada noong 2001. Nguni't nanatili pa rin si Bob Ong. Sa "Hudas" (2003) at "Stainless" (2005), may mga patama sya sa nagi-inggles na Presidente (si Gloria yon! si Gloria yon!). Di tumalab ang impreachment kay Gloria, wala nang maibato si Bob Ong (dahil mas matalino sa kanya si Gloria). Ngayon, wala na yata syang mai-kuwentong magandang karanasan bukod sa napapanood nya sa TV at ang pagsakay nya sa eroplano o ang pagpunta nyang first time sa Baguio, kaya nag-try syang magsulat ng drama "MacArthur" noong 2007 at "Kapitan Sino" (drama rin yata) noong 2009 at ngayong taong ito naman ay sinubukan nya ang horror, ang "Mama Susan."

Sampung taon nang binabasa natin si Bob Ong. Ilang taon pa kaya bago siya malaos? May bagong pumapasok ngayon, si Prof. Eros S. Atalia (isang Carlos Palanca awardee) na awtor ng ""Peksman, Mamatay ka Man Nagsisinungaling Ako" and "Lapit na me, Ligo na u" pero si Atalia ay nagpapakita at isa siyang professor sa UST. Ayon sa Wiki, ang istilo nila ay magkatulad pero kung babasahin mo ang mga sinulat ni Prof. Atalia, magkaiba sila kaya siya at si Bob Ong ay di iisa.

Mabasa ng next year yang si Prof. Atalia. Hmmm.
7 likes · flag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Ang Paboritong Libro ni Hudas.
Sign In »

Comments (showing 1-19 of 19) (19 new)

dateDown arrow    newest »

Samantha Oledan grabe, intense po ang review niyo! :D

nakakatuwa naman na makabasa ng opinyon ng isang taong may malalim nang pananaw sa buhay. noong binabasa ko kasi ito, purely for entertainment purposes lang. hindi ko naisip na may pangit din palang nadudulot ito, gaya ng mga ipinunto ninyo. ang librong ito ang pinakapaborito ko dati sa lahat ng isinulat ni Bob Ong, pero ngayong nabasa ko ang review ninyo, napapagdalawang-isip na tuloy ako.

nabasa niyo na po ba yung "Kapitan Sino" ni Bob Ong?


message 2: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely Hindi pa. This weekend siguro. Bagong Taon ko babasahin ang "Kapitan Sino" at ang "ABNKKBSNPLAko?" Saving the best for last!


Samantha Oledan ay talaga? hahaha... feeling ko po, feeling ko lang yun ha... yung Kapitan Sino yung pinaka may sense niyang libro. :D


message 4: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely Nagustuhan ko ang "Alamat ng Gubat" kagabi. Gagawa ako ng rebyu mamaya siguro.

Sige, huli kong babasahin ang "Kapitan Sino". Mamayang gabi, babasahin ko ang "Baliktad"
Tapos sa New Year ang "ABNKKBSNPLAko?". Then sa Linggo ang "Kapitan Sino"
Ayan matatapos ko na ang lahat ng Bob Ong! Dapat may premyo ako! ha ha


Samantha Oledan akala ko po ayaw niyo kay Bob Ong? hahaha... pero babasahin niyo pa rin lahat:D.


message 6: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely Hindi naman sa ayaw. Nagustuhan ko pa rin ang "MacArthur" at "Alamat" (so far).

Tsaka para akong si Kwesi, binabasa namin lahat.


Samantha Oledan nagustuhan mo po yung mcarthur? oh... ako hindi eh... parang na-depress lang ako. haha :D. tungkol san po ba yung Alamat? akala ko parang comics yun na puro drawing.


message 8: by Joyzi (last edited Dec 30, 2010 03:33PM) (new) - rated it 5 stars

Joyzi Hahaha KD kaya pala natatawa ka sa review ko nito. Now I get it. LMAO ako dito sa review mo clap clap clap, naku magtago na tayo sa mga trolls...

Patay ka binigyan mo ng 1 star ang isang BO book...maghuhurumintadong tiyak ang mga iyon!


Joselito Honestly and Brilliantly nakita ko itong mga bob ong na ito sa nbs market market kahapon. hindi ako natuksong bumili. ang muntik ko ng bilhin ay yung isang nobela ng isang banyaga, nakalimutan ko ang pamagat at pangalan nung awtor, pero tumira sya sa isang isla dito sa Pilipinas at sa sobrang lungkot yata ay naisipang sumulat ng libro. Aba, makapal ha. At pamatay yung unang pangungusap. Parang ang sabi nya (base sa naaalala ko) ay: "The place a writer writes is always elsewhere." tindi a.


Joyzi ano kaya yung libro na yun???


message 11: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely JOSELITO: Wag ka nga matukso. Kumpleto ako. Yong 8th novel nya naka-Emir (yata). Yong "Mama Susan"

Sige, ipahiram mo sa akin yan librong yan na makapal. Tapos ipapahiram natin kay Joyzi. Sana makita mo si Joyzi, kamukha sya ni Analyn Delfin (pinsan naming maganda, Joyzi)


Joselito Honestly and Brilliantly hindi ko binili e. Pero wikang Inggles, banyaga ang sumulat, lalaki, pero nasa Filipiniana section kasi Pilipinas ang eksena ng mga kwento at mga Pilipino ang mga karakter na kahalibulo nya doon sa mga kwento na napapaloob sa nobela. Maraming binigay na ubas at ponkan dito kaya kung makakadaan ka ay bibigyan kita. Kung hindi, baka maibigay ko sa iba dahil pag nilamon namin itong lahat ay pihong kami ay magtatae.


Joyzi ano ba yan KD *blushing* joke


message 14: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely Maganda ka naman Joyzi. Pede kang model ng...
Basta model. ha ha


Joyzi adik


Kwesi 章英狮 Di ko lang ma gets kung bakit napasok so Atalia.


message 17: by K.D. (new) - rated it 1 star

K.D. Absolutely Same style, Kwesi. :)


Arthur Alburo talaga po mr. K.D.?? i just bought the book earlier! huhuhu! i hope magustuhan ko to! :)


message 19: by Luis (new) - rated it 3 stars

Luis Nako dapat hindi ka muna nagbasa ng review/s, kuya Arthur. Maiimpluwensyahan ka. Hahaha


back to top