"One day, you will wake up and find yourself in love with me not just a teeny-weeny bit, but the whole kit and caboodle."
Dahil sa isang trahedya na muntik na niyang ikabalda ay nawala ang isang pag-ibig kay Gwen. Natakot kasi ang ex-boyfriend niya na matali sa isang responsibilidad. Labis siyang nasaktan sa kasawian niya sa pag-ibig pero napagtagumpayan naman niyang lagpasan ang pagsubok na iyon. Gayunman, naging recluse siya. Mas ginusto niyang mamuhay nang mag-isa dahil sa ganoong paraan ay maiiwasan niyang makakilala at umibig uli sa isang lalaking baka saktan lang siya sa bandang huli.
Ang akala niya ay nagtagumpay na siya sa pinili niyang buhay ngunit hindi pala. Iyon ay dahil kay Dax, ang kapitbahay niyang makulit at pilit na ipinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Hindi niya makuhang iwasan ito, lalo at nagkasama sila sa isang coffee book project na nangangailangang magkasama sila sa paglilibot sa buong Pilipinas.
Unti-unting tinitibag nito ang pader na itinayo niya sa palibot ng kanyang puso. Hanggang sa natuklasan niyang hindi pala ang kakulitan nito ang dapat na pinoproblema niya kundi ang puso niyang natuto nang tumibok para dito sa kabila ng pagbabawal niya…
This one is probably the most no-nonsense Tagalog novel that I have ever read (so far). Not that all others were nonsense, I just believe that this one has the, for lack of a better term, "most sense". I like this book. I think I should add Sheena Rose to my list.