Jump to ratings and reviews
Rate this book

Titser

Rate this book
Revolves around the two main characters; Amelita and Mauro, both teachers, who are husband and wife.

Tells of how Amelita and Mauro engage themselves in answering the needs of their community and succeed in its upliftment and development.

150 pages, Bookpaper

First published January 1, 1995

229 people are currently reading
3337 people want to read

About the author

Liwayway A. Arceo

14 books87 followers
Liwayway Arceo (b. 1920) was a multi-awarded Tagalog fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines.

Arceo was the author of well-received novels such as Canal de la Reina (1985) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Most of her books were published by Ateneo de Manila University Press and The University of the Philippines Press.

Arceo made her mark as a lead actress in a Japanese and Philippine film produced during World War II. The film Tatlong Maria was produced by two movie companies: X'Otic Pictures of the Philippines and Eiga Hekusa of Japan in 1944. She also ventured into radio by Ilaw ng Tahanan, a long-running radio serial. Ilaw ng Tahanan became a television soap opera aired in RPN 9 during the late 1970s.

Arceo received a Carlos Palanca for Short Story in Filipino (Filipino (Tagalog) Division) in 1962; a Japan Foundation Visiting Fellowship in 1992; a Gawad CCP for Literature given by the Cultural Center of the Philippines in 1993; a Doctorate on Humane Letters, honoris causa, from the University of the Philippines in 1991; the Catholic Authors Award from the Asian Catholic Publishers in 1990, and the Gawad Balagtas Life Achievement Award for Fiction from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) in 1998. In 1999, Liwayway Arceo received a Philippine National Centennial Commission award for her prioneering and exemplary contributions in the field of literature.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
467 (49%)
4 stars
199 (21%)
3 stars
164 (17%)
2 stars
57 (6%)
1 star
54 (5%)
Displaying 1 - 30 of 66 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
August 12, 2016
Hanggang ngayon ba, mababa ang tinggin ng mga tao sa mga teachers? Noong bata pa ako, oo. Pag di ka masyadong matalino, ia-advice sa iyo ng mga tao, mag-teacher ka "na lang." Yong "na lang" na yon, may pangme-menos. Actually, noong bagong graduate ako sa high school (2nd honorable mention ako sa batch namin so di naman ako bobo), kung tinanong lang ako ng tatay ko kung ano ang gusto kong kunin, ang isasagot ko, teacher. Kaso di ako tinanong. Gusto nya raw akong maging doktor. So, ayon, nakatapos ako ng Med Tech. Kaso di naman ako naging doktor dahil wala naman kaming pag-tuition pagkatapos ko ng Med Tech.

Pero ang napangasawa ko ang tatay, nanay at ate ay puro mga teachers. Ang tatay nya graduate ng Education sa UP, nanay ng sa Ilo-ilo State at ate nya nagtuturo pa rin hanggang ngayon sa PUP. Tatay nya nag-retire na Superintendent sa Iba, Zambales. Nanay nya Supervisor sa Cecilio Apostol sa Maynila. Napag-aral naman nila ang 5 anak nila (kasama ang misis ko). Maayos naman ang buhay nila after retirement. 95 na ang father-in-law ko at 85 ang mom-in-law ko.

Tapos sa batch namin sa high school, marami rin educators. Yong isa roon, kare-retire lang bilang principal ng Perez High School (ito yong third o special mention sa batch namin). Pero may mga nagtuturo pa rin sa town namin sa Quezon, Quezon.

Tapos dito sa Maynila, marami sa mga miyembro ng Pinoy Reads Pinoy Books, mga magtuturo ang kinukuha o mga unang trabaho o kasalukuyang trabaho. Para tuloy akong nanghihinayang na di ko nakuha ang gusto talagang kurso. Kaso, andoon na e. Maayos naman ang buhay ko ngayon sa profession ko.

Anyway, dito kasi sa libro, di ko ma-gets yong sobrang galit noong nanay ni Amelita na nariyang sampalin ang anak dahil sa pagkuha ng pagtuturo bilang profession at pagpili ng nobyo na isa rin teacher. Porke raw maghihirap at di gumaya sa mga nakakatandang kapatid na pumili ng mayamang asawa. Puwedeng magdamdam o malungkot pero manampal? Ewan. OA lang ang dating sa akin. Sabagay yong character naman din kasing yon ni Aling Rosa bording on lunacy na rin. Parang sira na rin ang ulo lalo na doon sa tagpong ipinagyayabang ang mga mamahaling gamit habang nakaratay sa kama ang anak na kapapanganak pa lang. Para inggitin at maliitin ang balaeng si Aling Idad dahil mahirap lang ito.

Bukod dito, maayos ang pagkakakuwento ni Arceo. Yong lang sa dakong huli parang minadali. Biglang nag-jump sa pagkakasakit ni Aling Rosa. Ang pagkakasakit ng mga tauhan, parang kinakailangang magkasakit para mag-transform. Gusto ko yong paglalarawan sa mga pangunahing tauhan gaya ni Mauro. Totally opposite siya ng main villain dito na si Osmundo. Nailarawan ni Arceo ang mga tauhan sa pamamagitan ng "show don't tell." Sa mga mannerisms nilang tatlo, kasama si Amelita, nakikilala ang kanilang katauhan lalo na ang inner strengths or weaknesses.

Salamat kay Clare sa pagre-recommend ng librong ito. Mabuhay ang mga teachers! Mabuhay ang mga kamag-anak ko! Mabuhay ang mga kaibigan ko! (Sabi ni Reev, maraming exclamation points ang nobelang ito. Parang laging sumisigaw ang mga tao. Ganoon siguro ka-intense si Aling Liwayway noon sa pagsusulat niya!)
Profile Image for Clare.
76 reviews8 followers
September 12, 2015
Ito ay sumasalamin sa kalagayan ng ating mga guro sa Pilipinas. Ang nobelang ito ay tungkol sa pag-iibigan nina Amelita at Mauro, kay Aling Rosa (ina ni Amelita) na numero-unong tutol sa pagiging guro at pagpili ng katipan na guro ni Amelita, at higit sa lahat ang kadakilaan at kahalagahan ng mga guro sa ating pamayanan.Sa pagbabasa ng nobelang ito, may mga napansin akong katangian o kaugalian bawat kabanata at ng mga katauhan.

Una, ang tingin sa propesyon ng pagtuturo. Pinakapipitagang trabaho ang pagtuturo ngunit kaakibat non ang impresyon na alipin ng bayan, gaya ng sabi ni Aling Rosa sa kwento (Alipin na ibig sabihin e sobrang dami ng trabaho pero hindi naman napapantayan ng sinisweldo ang hirap at pagod. Sa umpisang umpisa pa naman talaga ng panahon hindi naman ganoon kalaki ang kinikitang mga guro, palagi pang abonado. Kahit ganunpaman, hindi naman ikinukompromiso ang kalidad ng kanilang pagtuturo at pagmamahal sa kanilang mga studyante.

Pangalawa, ang dangal ng mga magulang na makapagpatapos ng mga anak sa pag-aaral at magkaroon ng tinitingalang propesyon. Pinatunayan ng akdang ito ang paniniwala ng maraming magulang dito sa atin na wala silang maipapamana kundi ang karunungan na dulot ng edukasyon.

Pangatlo, ang pagtulong ng nakaaangat na kamag-anak sa magkakapatid na makapagtapos sa lahat sa pag-aaral nang makaahon sa kahirapan.

Pang-apat, ang kaisipang kapag sa Maynila (o Metro Manila) nakatira o nagtatrabaho ay may maginhawang pamumuhay.

At ang huli ay ang respeto, ganun din ang responsibilidad na nakaatang sa kaguruan. Binigyang diin rin ng nobelang ito ang pagod at sakripisyo ng mga guro upang may matutunan at makapagpatuloy ang mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral, at ang malaking gampanin sa komunidad.
Profile Image for Mesha.
30 reviews46 followers
October 13, 2012
Now, I do think this is one of my favorite out of all the Filipino novels. I love how it's based on the life of two struggling teachers in love. Wait, I got that right, right? (I admit, I did love the idea of being a teacher when I was young but now, not really.) So, this book is a great read. I love how Liwayway A. Arceo wrote the story although I don't remember much of it. It is really inspiring if you think of it. It can touch a reader's heart. So I am very looking forward to reading this book again.
Profile Image for Almera.
7 reviews
May 5, 2010
ang pagiging titser ay hindi isang propesyon kung saan sinasabing pasinin niya ang buong bayan . sumasalamin ito sa buhay ng ating mga Pilipino . hindi sa habambuhay hindi dapat ang ating mga magulang ang pipili ng landas na ating tatahakin . hindi man ito katulad ng propesyon ng ibang kapatid ni Amelita, pinahalagahan pa rin nito ang kanyang magulang.
Profile Image for Ann Jenelle Rotol.
74 reviews22 followers
November 6, 2012
Tanda ko ang librong ito mula sa aking kabataan. Ang kulet lang dahil binasa ko ang librong ito dahil kailangan kong gumawa ng book report sa Filipino subject. At di naman ako nagsisi na pinili ko ang Titser. Sa title pa lang, alam mo na kung tungkol saan ang istorya ng nobela - sa titser at sa kanyang mga struggles sa kanyang pamilya, buhay pag-ibig at propesyon. Nakakatuwa. Marami kang matututunan. Go pinoys! :)
Profile Image for Biena Magbitang.
175 reviews55 followers
November 4, 2014
I picked this up five days after I bought it from the racks of Ateneo Press last Vday.
I wanted to read a Pinoy book since I've noticed I haven't read much Phil Lit recently. I thought this will be one quick read but I ended up finishing it five months after. And it's small and thin!!!

More thoughts to come.
Profile Image for Erika De Belen.
36 reviews14 followers
August 13, 2011
One of the few literary pieces that were written by a fellow Filipino, I must say that Liwayway Arceo is a very talented writer. The novel is about the struggles of a teacher, who, after fighting for what she loves, finally redeemed her name. A must read!
Profile Image for Anthea.
153 reviews26 followers
August 21, 2010
Doing what you want.

(There are also Filipino novels here! :3)
Profile Image for Love.
6 reviews1 follower
September 17, 2010
..this book is really awesome, very compassionate ..nostalgic....weaves a lot of .true to life stories and situations..
Profile Image for Erikson Isaga.
Author 3 books4 followers
August 24, 2023
Gusto kong magalit sa kuwentong 'to. Bakit ba hanggang ngayon ay napakababa pa rin ng tingin ng mga tao sa mga guro lalo na sa bansa natin? 1952 pa ito naisulat pero hanggang ngayon—mahigit animnapung taon na ang nakalilipas—ay relevant pa rin ang tema. Guro ang asawa ko at nakapagturo din naman ako ng dalawang taon sa eskuwelahan, at masakit nga aminin ang katotohanang ito ang madalas na sinasapit ng pinakadakilang propesyon na alam ko.

Paano ako magagalit sa kuwentong nagpapakita sa 'kin ng katotohanan? Ah, baka gusto nito akong magalit sa katotohanan, sa bulok na sistema, at sa maling pananaw ng mga tao sa mga guro. Tila ba inuudyok ako ng kuwento na lumikha ng pagbabago. Kahit maliit. Kahit paunti-unti.

Hindi galit ang naramdaman ko sa katauhan ni Aling Rosa kundi awa. Siguro sobrang lungkot ng buhay niya para tumanda nang walang pinagkatandaan at maging ganid sa pera, rangya, at maginhawang pamumuhay na akala ba niya'y 'yon ang sagot sa lahat.
Profile Image for Eon.
9 reviews
August 27, 2025
Kahanga-hanga ang ipinakitang tatag ng loob ng mga bidang sina Amelita at Mauro isama na rin si Mang Ambo. Ipinapakita ng kwento na maliit ang tingin sa mga titser at walang asenso sa pagiging katulad nito. Mapapansin na ang suliraning ito ay umiiral sa kabuuhan ng kwento at sumusugat sa bidang mag-asawa. Bandang huli, ang pagiging mapagpakumbaba at matatag ng mga bida ang siyang magiging susi para sa kanilang mas makabuluhan, maginhawa, at simpleng pamumuhay.
Profile Image for Drae.
61 reviews1 follower
September 5, 2020
Bungad pa lang ng librong to, pinakita na kung anong pagmamaliit ang natatanggap ng mga kaguruan. Kesyo "titser lang" wala raw mararating sa buhay. Kesyo pinakamadaling kurso kaya ito na lang ang kinukuha. Kesyo trabahong-alipin daw, walang magandamg kinabukasan ang pagiging isang guro lalo na sa Pilipinas. Ngunit, kasabay ng mga panlalait at pagmamaliit sa propesyon, ay tunay na naipakita mg librong ito kung anong kaunlaran ang dala ng mga guro sa kanyang lipunan, kahit na ang kapalit nito ay sarili nilang sweldo o kaligayahan. Naipakita rin dito na bukod sa problema sa paaralan o mga estudyante ay maraming mga problema ang mga guro sa kani-kanilang pamilya. Sa katauhan nila Amelita at Mauro ay nakita natin kung paano tinataguyod ng mga kaguruan ang kanilang pamilya at ang kinabukasan ng kanilang lipunan.
Profile Image for Caroline Turla.
180 reviews23 followers
January 28, 2015
It emphasizes the stereotypical life of a teacher. You might find different Filipino values and culture written by Arceo. You will perceive different lessons about love, family relations and the wonderful things you can do being passionate in your own career. It doesn't matter if your profession have it's low salary what matters is if you love what you are doing and you are happy doing it. Do your passion and success will follow.
Profile Image for fooleveunder.
148 reviews
July 10, 2025
Para akong nagbabasá ng klasikong teleserye pero tanggalin mo na ang ideyang sobrang pagkainis at pagiging predictable ng wakas.

Sa simula pa lang, ipinahayag na ang pagmamaliit sa titser bílang propesyon (kung tinitingnan ba nila itong desenteng propesyon talaga). Oo nga naman. Sa katwiran ni Aling Rosa, konti ang perang magmumula sa sahod, maraming ginagawa kahit pag-uwi sa bahay, at iba pa. Kayâ naman, gusto niyang mapangasawa ng kaniyang anak na si Amelita ang mayamang si Osmundo. Tulad ng iba pa niyang mga anak, mayayaman dahil sa matataas na propesyong kinuha.

Medyo nawirduhan lang ako na noong estudyante pa lang si Amelita ay nagkagusto na siya sa gurong si Mauro. Pero noong nasa hustong gulang na sila, wala na ang ganitong pakiramdam sa akin.

Gusto ko ang pagiging likás ng isang pamilya. Ang matigas na si Aling Rosa na tíla ikinamumuhi ang desisyon ni Amelita, ang napakabuti at makatwirang si Mang Ambo, ang mapagpasensiyang Amelita at Mauro, at ang nanay ni Maurong bukás sa pagtúlong.

Ang papel ni Osmundo ay nagpabigay-kulay pa sa istorya. Malaki ang nagawa ni Cesar kahit mangilan-ngilan lang lumitaw. Tama nga naman. Pag mayaman ang tumúlong, may ibang pakay raw. Mahirap din mag-move on kahit ano’ng gawin. Ang pagbabagong-ísip ba ni Osmundo ay dahil sa sinabi rin ni Cesar?

Akala ko ay magwawakas na ang kuwento matapos ang insidente nina Osmundo at Lida. Muling ipinaalala ng kuwento kung bakit “Titser” ang pamagat ng nobela. Bukod sa umunlad ang mag-asawang titser dahil sa kawanggawa nila sa mga mag-aaral at magulang, at ang pagpapaunlad ng eskuwela, likás sa pagiging guro ang maalalahanin at matulungin. Ano’ng nagawa ng mga anak ni Aling Rosa na oo nga’t mayaman ngunit hindi makapunta sa kritikal na kalagayan ng kanilang ina? Tulad ng winika ng matanda, abala sila sa pagpapayaman at nalimutan nang bisitahin ang magulang. Kinain ni Aling Rosa ang ilang taóng gálit at pagdidikta na mali ang desisyon ni Amelita na maging guro at makapangasawa ng isa pang guro.

Mabuhay ang mga guro!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Billy Ibarra.
192 reviews17 followers
August 3, 2022
Akala ko, iikot ang kuwento sa istorya sa silid-aralan pero hindi pala. Tungkol pala ang nobela sa mababang pagtingin sa pagtuturo bilang isang propesyon, noon. 1952 pa unang naisulat ito kaya ganoon. Hindi kasi ito yung trabaho na payayamanin ka, at pag-aabonohin ka pa palagi. Dito halos iikot yung kuwento, sa panghahamak ng inang si Aling Rosa sa kanyang anak na guro na si Amelita at sa kanyang napangasawang si Mauro na isang guro din.

Gusto ko yung karakter dito ni Amelita na tumindig sa kanyang propesyon laban sa kanyang inang si Aling Rosa hanggang sa huli, subalit nanatili ang kanyang pagmamahal para dito.

Ngayon, may pagmamalaki na kapag sa pamilya n'yo ay may isang titser. Ang hindi lang nagbago ay marami pa rin ang gurong nag-aabono ngayon sa pagtuturo dahil kulang ang kanilang suweldo at kulang pa rin ang suporta sa kanila ng pamahalaan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Kent.
4 reviews
July 17, 2022
MY FIRST EVER BOOK I'VE READ! and I'm not disappointed nor satisfied with it.... look, it is a good Filipino fiction book but with that ending, every build up that the author wrote got wasted!

It is depressing how the treatment of teachers here, like Amelita and Mauro, is still present this day and age. Aling Rosa's characterism is not FINE at all, and the way the ending was about her is cracking me up!!!! FUCK YOU ROSA!
Inshort, pangit ang ending pero thrilling naman.

#KulayRosasAngBukas
#RejectMarcosDuterte
Profile Image for Emilio.
29 reviews
August 11, 2023
Premise: 5
Plot: 4
Style: 4
"Titser" discusses the challenges faced by educators, not a usual topic for a novel or even day to day conversations or even news. Ironically, I think it's already a cliche how much a teacher's influence can reach. Still, the mindset persists that "titser lang sila" and it's not a grand aspiration especially for kids dreaming of influencing the future. Most kids I see online, ibang klaseng "influencer" ang gusto maging. By the way, the story's also about love, or maybe that's just the Filipino side to it (or is it a universal thing?).
3 reviews
September 22, 2025
it rlly shows how some profession is considered "superior" than the others wherein they are just equally important to everyone and tbf serving as a teacher in a rural area is already a sacrifice that requires you to really give a lot so I understand the mother's concern kasi they are not that well-off naman given na same profession silang mag-asawa but they way she worded it and reacted on it is so undermining when what her daughter only wants is to help. Buti nalang they stick to their professions, no matter how hard it is.
Profile Image for Valle.
1 review
September 8, 2023
I didn't know this book existed until my teacher in high school told us the story of this book and I got curious. I don't remember how but she lends me this book. I don't usually read Filipino books but this is a masterpiece. I read this when I got home and finished it that day. Until now, I can't get this out of my head. I think it's a sign that this book is good. No regret!
Profile Image for jen.
62 reviews
October 23, 2024
binasa ko lang 'to kasi nakita ko sa shelf ng eduk library. bilang magiging guro sa hinaharap, nagustuhan kong makatotohanan ito at hindi nagbibigay ng nakalalasong kaisipan patungkol sa salapi o ano mang pisikal na karangyaan na matatamo sa isang pagiging guro.
Profile Image for ✦.
26 reviews
January 3, 2025
Ambobo ng buong angkan na 'to. Hindi sapat na nagka-heart attack si aling rosa. "Nakapunta na sila kung saan-saan pwera rito" "abalang-abala sila sa pagpapayaman nalimutan na nila ang kanilang mga magulang." DASURV kasi aling rosa is a control freak, mang ambo is a passive enabler. Buti nga sa inyo
1 review
May 13, 2017
im excited to read this
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 66 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.